You are on page 1of 4

ITOK LABAN SA MGA DUWENDE

Unang araw ng tag-init, sa baryo ng Ugtong, naninirahan ang mag-inang


Remi at Itok. Pagtatanim at pag-aalaga ng manok ang hanapbuhay ni Remi.
Payak lamang ang kanilang pamumuhay. Sakto lamang ang kinikita nila sa
kanilang pang-araw araw na pangkain at sa mga gastusin sa para sa
pagtatanim at pag-aalaga ng manok. Bata pa lamang si Itok ay nawalan na
siya ng ama sapagkat namatay ito sa sakit. Mag-isang tinataguyod ng ina
ang uniko iho niyang anak kaya gayun na lamang ang kagustuhang
makatulong ni Itok upang mabigyan ng masaganang pamumuhay ang
kaniyang ina bago man lamang ito pumunaw sa katandaan. Nasa hustong
edad na si Itok kaya hiling ni Remi na makapag-asawa ito upang maabutan
niya ang kaniyang magiging apo. Hindi matupad-tupad ni Itok ang hiling ng
kaniyang ina sapagkat gusto niya munang matustusan ang
pangangailangan nilang dalawa.

Isang araw, habang nag-aani si Itok ng pakwan ay nakakita siya ng


kristal. Laking tuwa ni Itok na matagpuan niya ang kristal na yaon sapagkat
maibebenta niya iyon at mabibigyan na niya ng magandang buhay ang
kaniyang ina. Hindi pa nakakalayo ay nakardam ng pananakit ng katawan si
Itok. Napatingin si Itok sa ulap at napansing lumalayo ang mga ulap at
lumalaki ang ang kaniyang paligid.

Lumiit si Itok kasing liit ng isang butil ng bigas. Napahiyaw siya at


sinubukang humingi ng tulong ngunit wala ni isa ang makarinig sa kaniya.
Habang sumisigaw ng tulong si Itok dumating ang mga kawal ng duwende
upang bihagin si Itok. Hindi nakapalag si Itok at napilitang sumama.
Nakaalis sila sa lupang taniman at nakarating sa isang punso sa kakahuyan.
Idinala ng mga kawal si Itok sa kanilang pinuno na si Haring Divon.

"Mga lapastangang tao!.. Basta talaga kayamanan ay kinukuha ninyo


kahit hindi ninyo pagmamay-ari.. Doon ka kasama ang mga kauri mo,
hangga't nasa ilalim kayo ng aking sumpa ay magiging alipin ko kayo.. " ani
ng Haring duwende.

Dinala ng mga kawal si Itok sa isang malaking kulungan. Laging gulat


niya nang makita niyang maraming mga tao ang kasama niyang
nakakulong. Mapabata man, matanda, at dalaga ay nahuli. Bakas sa kanila
ang paghihirap na naranasan nila sa kamay ng mga duwende, pasa at sugat
ang natamo nila sa pagpapahirap at pagpaparusa nga duwende. Takot at
pangamba ang naradaman ni Itok. Nangangaba siya sapagkat hindi siya
makakauwi at nag-aalalang baka magkasakit ang kaniyang ina dahil bigla
siyang nawala.

Lumipas ang ilang minuto ay nahimasmasan si Itok. Naisip niyang


kailangan niya magpakatatag upang makagawa siya ng paraan upang
makaalis sa punso at mawala ang sumpa. Dumating ang mga kawal ng
duwende, pinalabas sila upang palakihin pa ang punso. Pinagbuhat ng lupa
ang mga lalaki at pinagtagpi naman ang mga kababaihan. Kahit na tirik ang
araw, wala silang hupas na pinagtatrabaho sila.

Habang nagtatrabaho, may isang batang batang babae ang nahimatay


sa sobrang init at pagod. Nilapitan ito ng isang kawal, tinadyakan niya ang
bata upang magising. Hindi pa rin nagigising ang bata, kung kaya naman
akmang hahatawin na niya ito ng hawak niyang sibat ay may isang
dalagang nagprotekta sa bata. Nakiusap ang dalaga na huwag saktan ang
bata, ngunit nagmatigas ang duwende at tila natuwa sa dalaga. Nakita ito ni
Itok habang napadaan siya dala-dala ang pinapabuhat sa kanila na lupa.
Akmang kukunin na ang dalaga ng duwende upang galawin ito, ngunit
hinawakan pa lamang ito ng duwende sa kamay ay nabuhasan na ang
kawal ng tumpok ng lupa upang pigilan ito sa masamang balak sa dalaga.
Matagumpay na nailigtas ni Itok ang dalaga ngunit sinugod ng mga kawal si
Itok dahil sa ginawa niya sa kasapi nilang duwende. Isinumbong ng mga
kawal kay Haring Divon si Itok. Bilang kaparusahan, nilatigo sa likod ng 30
beses ang likod nito at ikinulong muli kasama ang mga tao. Duguang umupo
si Itok sa tabi upang makapagpahinga. Awa at paghanga ang naramdaman
ng mga alipin kay Itok. Lumapit ang bata at dalaga kay Itok, ginamot at
nilinis nila si Itok.

"Maraming salamat sa pagtatanggol sa amin.. " sabi ng dalaga.

"Ayos lang iyon, mabuti na lamang at hindi kayo nasaktan,.. Ayos ka na


ba iha? " tanong ni Itok sa bata.

"Opo, maraming maraming salamat po. Sadyang nagugutom na po


ako.. Dalawang araw na po kasi akong hindi nakakakain kaya wala po
akong lakas magtrabaho. " pagpapasalamat ng bata.

"Walang anuman, basta lagi kayong mag-iingat.. " sagot ni Itok.


"Ako po si Len, siya naman po si ate Mirna.. Salamat po ulit at hayaan
po ninyo na gamutin po namin kayo. " sabi ni Len.

"Magalak ko kayong makilala" sabi ni Itok.

Kinagabihan habang natutulog ang lahat ng nasa kulungan, nilapitan ni


Mirna si Itok upang sabihin ang planong pagtakas sa punso. Binigay ni Mirna
ang kristal na sinasabi niyang makakapatay sa Haring duwende. Matapang
na hiningi ni Mirna ang tulong ni Itok upang makalaya na sila sumpa. Sa
gabi ring iyon, gumawa ng plano ang dalawa.

Kinaumagahan, may okasyong magaganap sa punso. Ang mga aliping


kababaihan ay pinagluto at pinag-ayos sa pagdadausan ng pagdiriwang ng
tagumpay ng hari sa kaniyang mga pinalano habang ang mga kalalakihan
naman ay pinagawa ng malaking istatwa ng hari. Natapos na maggawa ng
istatwa ang mga alipin, pinapunta naman sila sa kakahuyan kasamang
nagbabantay ang mga kawal upang kumuha ng mga kinakailang sa
pagdiriwang. Patagong nagpaiwan si Itok sa istatwa at nagtago sa
bunganga ng istatwa dala ang kristal na ginawang patalim sa sibat. Ayon
kay Mirna, oras na tumayo si Haring Divon mula sa kaniyang trono upang
itaas ang kristal na makakapagpalaki sa mga duwende ay tatalon si itok
upang sibatin ang puso ni Haring Divon at mamatay. Kaagapay ni Itok si
Mirna sa pagsasaayos ng plano. Dahil sa angking kagandahan ni Mirna, isa
siya sa mga piniling magiging babae ni Haring Divon. Kasama sa plano nila
na isakto ni Mirna ang posisyon ng hari upang hindi sumablay ang pasisibat
sa puso ng hari.

Nagsimula ang kasiyahan, pananakit at pangungutya ang ginawang


libangan ng mga duwende sa kanilang kasiyahan. Dumating ang oras na
igagawad na ni Haring Divon ang kapangyarihan nilang mga duwende at
sila na ang maghari dito sa sangkatauhan. Lumutang at nagliwang ang
kristal, sinasabi ang mga mahihiwagang salita ng hari upang makumpleto
ang kapangyarihan. Hindi na pinalampas ni Itok ang pagkakataon, noong
oras na itinaas ni Haring Divon at kristal ay tumalon siya mula sa bunganga
ng statwa at itinarak ang sibat sa puso ng hari.

Tumama sa puso ng hari ang kristal kung saan naging bato ang lahat ng
duwende at bumalik sa dating laki ang mga tao. Maligayang-maligaya ang
mga tao dahil sa wakas ay nakalaya na sila sa masamang kamay ng mga
duwende. Nagpasalamat at pinuri nila si Itok dahil sa buwis buhay niyang
pagtatanggol sa kanila. Maligaya rin si Itok sapagkat sinalubong siya ng
kaniyang ina na nasa maayos na kalagayan. Mahigpit na niyakap ang mahal
na ina at nagpaumanhin dahil sa kaniyang pagkawala. Matapos kausapin
ang ina ay lumapit si Mirna kay Itok at pinasalamatan sa pagbibigay niya ng
lakas at tapang sa pagsasagawa ng planong pagtakas. Hindi napigilan na
yakapin ni Itok si Mirna dahil sa sobrang galak na nalagpasan nila at
nagtagumpay sila sa kanilang plano. Namula si Mirna at tila sa yakap na
iyon ay nagsimula ang pag-ibig niya sa binata.

Lumipas ang panahon, ang kabayanihan ni Itok ay kumalat sa bayan. Sa


paglipas din ng panahon ay nagkamabutihan sina Itok at Mirna at
nagdesisyong magpakasal. Payag din naman ang ina ni Itok at mga
magulang ni Mirna dahil kita naman sa kanila na mahal na mahal nila ang
isa't isa. Taos pusong nagsagot at pinaghanda ng mga kababayan niya ang
pagpapakasal nila ni Mirna, kapalit man lamang nila sa pagliligtas nito.

Sila ang naghanda ng lugar at magiging handa para sa kanilang kasal.


Ang mga mananahi sa kanila ay ginawan ng magandang baro ang mag-
asawa.

Hanggang sa naglakad at pinatupad ang pagiging solemya ng kasal.


Nakinig ng mga aral ng Diyos at humalik sa isa't isa, nagpapatunay sa
ganap na silang mag-asawa.

Maligayang pumunta sa handaan ang bagong kasal at ang mga bisita


nito. Masayang ipinagdiwang ang kasal nilang dalawa at mula noon ay
mananatili ang kanilang pagmamahalan maging sa hirap man o ginhawa.

You might also like