You are on page 1of 9

Way Kinütüban na Pagkalim : Isang Etnograpikong Pag-aaral sa

Kultura ng Mandaya sa Pag-aasawa sa Bayan ng Tarragona

Ketty Rose S. Lumentac


Guro II
Tarragona National High School
ketty.lumentac@deped.gov.ph

Christine Mae C. Docdoc


Tarragona National High School
christinemae.docdoc@deped.gov.ph
Rasyunal

Mayroong higit sa limampung pangunahing tribo at grupong etniko sa Pilipinas,

kung saan ang bawat isa ay may magkakaiba at malayang paraan ng panliligaw, mga

kaugalian at tradisyon ng kasal (Different Marriage, n.d.).

Ang Tribong Mandaya ay isa sa may pinakamayamang kulturang pamana sa

lahat ng pangkat etniko sa Pilipinas. Masasalamin ang kanilang pagiging malapit sa

isa’t isa lalo na sa pamilya. Katulad ng ibang pangkat-etniko, may pamamaraan at

kinagawian din sa pagsasagawa ng mga hakbang sa pag-aasawa ang Mandaya. Sa

katunayan, may natatanging kaugalian ang tribong Mandaya sa kahandaan ng

mapapangasawa (Falceso, 2017). Isang paraan lamang ang pag-aasawa upang

masunod ang kayamanan o pamana ng mga magulang, na kadalasang nakikisangkot

sa pag-uusap para sa kanilang mga anak at maging sa panliligaw ng mga ito (Betache,

2019).

Ang pagsasama ng isang lalake at isang babaeng Mandaya upang mamuhay

bilang mag-asawa ay nakabatay sa ilang mga hakbang ng pag-aasawa. Una, pagdali-

dali o pagbisita ng lalake sa bahay ng babae. Ikalawa, Pagatud-atod o pamamanhikan

ng lalake na may dalang pagkain sa bahay ng babae. Ikatlo, Pagkagon o pagkikita ng

mga magulang ng babae at lalaki sa pangalawang pagkakataon (Labrado, 2019).

Ikaapat, Pagtawas o pagtulong ng lalake sa mga gawain sa pamilya ng babae. Ikalima,

Pagbutang ng sukat o pagdadala ng lalake ng kanyang mga magulang upang ipakilala

sa pamilya ng babae. Ikaanim, Pag-ol’lonan o pagbibigay ng regalo ng lalake na

sasaksihan ng mga magulang at kaibigan ng dalawang panig. Ikapito, Pagtutuonan o

panahon ng kasalan na gagawin sa bahay ng babae. Panghuli, Pagdudul’logan o pag-


iiwan ng lalake sa babae pagkatapos ng kasal at matapos ang tatlong araw maaari na

silang magsiping sa bahay ng babae sa isang gabi lamang (Labrado, 2019).

Isa sa mga katangian ng bawat kultura ay ang patuloy na pagbabago nito sa

paglipas ng panahon (Panopio, 2016). Nangyayari ang pagbabagong ito sa lipunan

dahil sa pakikipag-ugnayan na rin ng tao sa ibang lipunan. Mula dito, nayayakap ang

mga bagong kultural na katangian, mga pattern ng pag-uugali, mga pamantayan, at

lumilikha ng mga bagong istrukturang panlipunan bilang isang resulta. (Stevenson,

2021).

Binigyang diin ng NCIP Administrative Order no. 1, Series of 1998, Section 8

(Rule IV) na ang pag-aasawa ay hindi labag sa institusyon ng lipunan na dapat

protektahan. Ang kasal na isinagawa alinsunod sa nakaugaliang batas, ritwal, tradisyon

at gawain ay may bisa (Brett, et.al, 2016).

Bagamat may mga pag-aaral na ukol sa kultura ng pag-aasawa ng mga katutubo

subalit wala pang pag-aaral hinggil sa tribung Mandaya sa bayan ng Tarragona . Ang

aming pananaliksik ay nakatuon kung napanatili ba ang kultra ng pag-aasawa ng mga

Mandaya.

Mga Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng etnograpikong pag-aaral na ito na malaman at maunawaan ang mga

mga kultura ng pag-aasawa ng mga Mandaya sa Barangay Tubaon, bayan ng

Tarragona, Davao Oriental.


Sa puntong ito, nilalayon ng mananaliksik na matukoy kung napapanatili pa ba

ang kulturang Mandaya sa pag-aasawa. Gayundin, ang mapagtagumpayang mailahad

ang kanilang kabuoang pananaw ukol sa nabanggit na paksa.

Mga Tiyak na Layunin

1. Ano ang mga nakaugaliang hakbang ng tribong Mandaya sa pag-aasawa sa

bayan ng Tarragona ?

2. Ano ang mga naging hamon sa pagpapanatili ng tradisyonal na pag-aasawa

ng Mandaya?

3. Paano nalampasan ng mga Mandaya ang mga hamon sa pagpapanatili ng

kanilang kultura sa pag-aasawa sa kasalukuyan?

4. Bilang isa sa mga pinuno ng tribal community ano ang pananaw mo na

maaaring maibahagi sa iyong mga katribu tungkol sa kultura ng pag-aasawa

ng mga Mandaya?

Metodolohiya

Sa pananaliksik na ito, ginamit ang kwalitatibong disenyo at etnograpiko na

dulog sa pagsusuri na naaayon sa paglalarawan ng mga obserbasyon. Nakapaloob dito

ang pag-unawa sa katangian ng isang indibidwal o pangkat sa isang panlipunang

suliranin, proseso ng pagtatanong at proseso sa paglilikom ng mga datos sa konteksto

ng mga partisipante (Creswell, 2014).

Dagdag pa rito, ang kwalitatibong pananaliksik ay pangunahing disenyo na

sumusubok at sumisiyasat ng makabuluhang impormasyon. Ito ay ginagamit upang

malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao na nakabatay sa mga

panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon at ugnayang pantao. Nagbibigay ito


ng mga pananaw sa problema o nakatutulong upang bumuo ng mga ideya o teorya

para sa potensyal na pananaliksik (Creswell, 2007).

Ang disenyong ito ay makatutulong upang lubos na maunawaan at magkaroon

ng malalim na pagsusuri sa mga karanasan at perspektibong pananaw ng mga

partisipante.

Sa tulong ng dulog na ito ng pananaliksik, natitiyak ng mananaliksik ang

pagkalap ng datos tungkol sa mga karanasan o indibidwal na kalagayan ng mga

partisipante sa pag-aaral. Magkakaroon din ng mabuting ugnayan ang mananaliksik at

mga kalahok na higit na mahalaga sa pamamaraang ito (Creswell, 2013).

Sa pag-aaral na ito, gagamitin ng mananaliksik ang kwalitatibong pag-aaral

upang makakuha ng mas makabuluhan at tiyak na pag-unawa sa karanasan at

pananaw ng mga partisipante. Titiyakin ng mananaliksik na mailahad ng mga

partisipante ang mas malalim na pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at karanasan

patungkol sa paksa ng pananaliksik.

Sa proseso ng pangangalap at paglikom ng mga kasagutan sa mga inilaang

tanong, kami ay dadaan muna sa mga hakbang ng pangangalap ng datos. Sa pag-aaral

na ito magiging gabay ang limang hakbang na iminungkahi ni Creswell (2012); humingi

ng pahintulot sa pagsasagawa ng pag-aaral, pagpili ng mga partisipante na mayroong

magkakatulad na mga karanasan sa etnograpikong pinag-uusapan, pangangalap ng

datos mula sa mga mapagkukunan, pagtala ng mga datos, at pangangalap ng datos sa

isang sensitibong pamamaraan.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mayamang kultura ng mga Mandaya ay karapat-dapat na mapanatili upang

maipamana pa ito sa susunod na henerasyon. Dahil dito, mahalaga ang pananaliksik

upang mabatid ang mga karanasan ng mga Mandaya sa pagpapanatili ng kanilang

kultura sa pag-aasawa sa panahon ng krisis at sa mga sumusunod na indibidwal.

Sa mga mag-aaral, mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabatid nila ang mga

pakikibakang karanasan ng mga katutubong Mandaya sa pagpapanatili ng kanilang

kultura sa pag-aasawa. Bilang bahagi ng iisang bayan nararapat na magkaroon ng

pakikisangkot hinggil sa natatanging kultura ng mga Mandaya. Bilang isang

Kabataaang Pilipino, karapatan nilang magkaroon ng sapat na kaalaman at kabatiran

hinggil sa pagpapanatili ng kulturang Mandaya. Higit pa rito, magiging daan ang

pananaliksik na ito, na maipamulat sa mga mag-aaral na magbibigay sa kanila ng

kamalayan patungkol sa kultura ng pag-aasawa ng mga Mandaya.

Sa komunidad ng IP, mahalaga ang pag-aaral na ito upang mamulat sila sa mga

karanasan at hamon sa pagpapanatili ng kultura ng Mandaya partikular sa pag-aasawa.

Bilang isang kasapi ng komuninad ng IP, tungkulin nila na maging maalam ukol sa mga

pangyayaring nagaganap sa kanilang mga kauri. Maaari din itong maging batayan

upang sila ay makakuha ng mga ideya at konsepto hinggil pagpapanatili ng kanilang

mga kultura.

Sa Kagawaran ng Edukasyon, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing ugat upang

makapagsasagawa ng angkop at wastong mga pang-akademikong aktibidad na


nagpapanatili ng mga kulturang Mandaya at pamaigting pa ang pagtuturo ng

kontekstuwalisasyon at lokalisasyon na pagkatuto.

Sa Lokal na Pamahalaan, ang pananaliksik na ito ay maghihikayat na bigyan ng

sapat na atensiyon ang mga katutubo na mapanatili at maprotektahan ang yaman ng

kanilang makulay na kultura. Dagdag pa, gamit ang pananaliksik na ito, mas

mabibigyan ng halaga ang pagpepreserba ng pagkakakilanlan sa kultura ng Mandaya

sa pag-aasawa.

Sa mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga

gagawin pang susunod na mga pag-aaral ukol sa kultura ng pag-aasawa ng mga

Mandaya. Ang magiging resulta rin ng pag-aaral na ito, ang magiging batayan ng mga

mananaliksik na nais magsagawa pa ng mga pag-aaral ukol dito.

Inaasahang Bunga

Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, inaasahan ng mananaliksik na makabuo

ng anim hanggang sampung pahina ng saliksik na masusing tutugon sa paksa ng

aming pag-aaral. Maglalahad ng mga konkretong kasagutan batay sa nakalap na mga

karanasan ng mga piling Mandaya sa pagpapanatili ng kanilang kultura sa matagal na

panahon. Kabilang na ang bibliografi, appendix at iba pang anotasyon na ginamit sa

pagbuo ng pag-aaral sa Kultura ng Pag-aasawa ng mga Mandaya sa bayan ng

Tarragona.
Sanggunian

Betache, A. (2019, November 24). Ang Mandaya

https://prezi.com/p/ztplghs_vt9n/ang-mandaya/

Creswell, B. M. : (2002, Nov 14). St. Louis Dispatch

https://www.Proquest.com/newspapera/creswell-betty-m/docview/402170111/se-

2?accountid=31259

Falceso, J. (2017, September 13) . Kultura ng pag-aasawa

https://prezi.com/p/digzh1wxa2sm/kultura-ng-pag-aasawa/

Labrado, L.. (2019, November 24). Ang Mandaya: Wika at kultura.

https://prezi.com/p/ztplghs_vt9n/ang-mandaya/

Panopio, I. (2007). Society and culture: Introduction to sociology and anthropology.

https://books.google.com.ph/books?

hl=en&lr=&id=1SLb8yk5r3wC&oi=fnd&pg=PR3&dq=panopio+sociology&ots=sx0

_zJFVMi&sig=3UqeMWznKB8JDK5cRXM5J71tEIs&redir_esc=y#v=onepage&q=

panopio%20sociology&f=false

You might also like