You are on page 1of 10

Paggaod sa Balsa: Isang Kwalitatibong Pag-aaral

sa Pagpapanatili ng Wikang Ata-Manobo sa Kadawyan

Danieca Earle Catalan


Grade 12 - HUMSS
Sto. Tomas National High School
daniecaearle@gmail.com

Ralph Riel C. Tabanao


Grade 12 – STEM
Sto. Tomas National High School
tabanaoralphriel@gmail.com

Joshua E. Paglinawan
Grade 12 – STEM
Sto. Tomas National High School
jshpaglinawan@gmail.com
Rasyunal

Ang pagpreserba sa isang dayalekto ay mahigit pa sa pangangalaga nito upang

mananatiling buhay, maging ang pagpapayabong sa bawat aspektong kultural dahil ang

lenggwaheng ito representasyon sa bawat-isa (Writer, 2018). Pinaniniwalaan ng mga

nakararami na ang kolonyalismo ang dahilan ng pagigng sibilisado ng mga Pilipino.

Subalit bago pa niyakap n gating mga ninuno ang pagkaalipin mula sa mga mananakop

ay mayroon ng kalinangan at sibilisado na ang Sambayanang Pilipino (Gonzales at

Cortez, 1988; Gonzales, 2017; Tan, 1993). Ang mga wikang katutubo ay patuloy nang

ginagamit at pinapalawak sa bansa bago pa man ang panahon ng kolonyalismo

(Enriquez,2012;Reid,2009). Gayunpaman, ang mga katutubong wikang ito ay

nakaharap sa malaking hamon kung paano mapreserba dulot ng may mga

dominanteng wikang umiiral sa lipunan na kanilang ginagalawan( Kseroof, 2016).

Sa pananalasa ng pandemya, nagdulot ito ng penomenang paghina ng abilidad

ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon. Bukod pa rito, naging ugat ito sa limitadong

pakikipag-ugnayan na nag-udlot ng makabuluhang pisikal na pag-uusap. (Charney, et.

al, 2020; Marler at Ditton, 2020). Ang pandemya ay nagdala ng panganib sa mga

katutubong wika ng mga etnikong pangkat sa buong mundo (Ainu, et. al, (n.d.) na

iminungkahi ni Sallabank (2010). Isang malaking hamon ang pagpreserba ng isang

katutubong wika lalong-lalo sa panahon ng pandemya na kung sa halos ang mga

nakatatandang pinuno ng tribu ay nadapuan ng Covid-19 (Din, 2021).

Sa Pilipinas, maituturing na biyaya ng kultura at ng kasaysayan ang mga

katutubong wika. Ngunit sa pagdaan ng panahon, dahil sa kolonisasyon at

globalisasyon, unti-unting nawawala ang mga pamanang ito at napalitan ng kolonyal na


kulturang popular. Dahil dito, kakaunti na lamang ang mga gumagamit ng kanilang

wikang katutubo (Burce, 2013). Masasalamin din sa ating bansa na maraming mga

etnikong pangkat ang dumadayo at nakikipagsapalaran sa mga siyudad upang

maghanap ng trabaho at kabuhayan, na nagdala sa kanila na yakapin ang bagong

kultura (Marcelli,2017). Sa pagbabago ng mundo ay nagdulot ito malawakang

pagbabago. Maging ang larangan ng komunikasyon ay wika, ang paghamon sa wika ay

nangyayari. Naging palasak ang barayti ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng isang

may kakaihang wikang ginagamit (Liwanag, 2020)

Bilang pagtugon sa mandato ng National Commission for Culture and Arts

( NCAA) na mapreserba, mapayabong at mapangalagaan ang mga kultural na

pamanang sining, panitikan at higit sa lahat ang natatanging diyalekto ng bansa. Ito rin

ay pinagtibay ng Republic Act No. 10066 o national Cultural Heritage Act of 2009 na

layon ay mapanatili at mapangalaan ang mga katutubong wika sa bansa na

matatagpuan sa bansa.

Matatagpuan naman sa Davao del Norte, partikular sa Sitio Talos Barangay San

Jose, bayan ng Sto. Tomas, ang mga katutubong Ata-Manobo. Kapansin-pansin ang

kanilang katatagan at paninindigan sa kanilang kultura, lalong- lalo na sa kanilang

Wikang Ata-Manobo sa kabila ng paghatak ng panahon. Subalit, nakakamangha na sa

kabila ng mga pagbabago lalo na ngayong panahon ng pandemya, nagawa pa ring

ipreserba ng mga Ata-Manobo ang kanilang itinuturing na yaman, ang kanilang wikang

katutubo.

Bagamat may mga pag-aaral na ukol sa pagpapanatili ng mga wikang katutubo

subalit wala pang pag-aaral hinggil sa tribung Ata-Manobo sa tribal na komunidad ng


Talos, sa bayan nh Sto. Tomas. Ang aming pananaliksik ay nakatuon kung ano ang

naidulot ng pandemya sa pagpapatibay ng mga Ata-Manobo ng kanilang wikang

katutubo.

Mga Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng penomenolohikal na pag-aaral na ito na malaman at maunawaan ang

mga naging dulot ng pandemya sa pagpapanatili ng katutubong wika ng Ata-Manobo,

sa Sitio ng Talos, Barangay San Jose, bayan ng Sto. Tomas, lalawigan Davao del

Norte.

Sa puntong ito ng pananaliksik, ninais naming malaman ang mga hamon at kung

paano nalampasan ang mga mababanggit na hamon ng mga pinuno ng tribung Ata-

Manobo ukol sa pagpapanatili ng kanilang wikang katutubo. Gayundin, ang

mapagtagumpayang mailahad ang kanilang kabuoang pananaw ukol sa nabanggit na

paksa. Nilalayon namin na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang wikang katutubong

Ata-Manobo ay patuloy na mapapanatili sa panahon ng pandemya at hindi kailanman

maibabaon sa limot.

Mga Tiyak na Layunin

1. Ano ang naidulot ng pandemya sa pagpapanatili ng katutubong wika ng mga

Ata-Manobo?

2. Ano ang mga naging hamon sa pagpapanatili ng katutubong wika sa

panahon ng pandemya?

3. Paano nalampasan ng mga Ata-Manobo ang mga hamon sa pagpapanatili ng

kanilang wikang katutubo sa panahon ng pandemya?


4. Bilang isa sa mga pinuno ng tribal community ano ang pananaw mo na

maaaring maibahagi sa iyong mga katribu?

Metodolohiya

Ginamit sa pananaliksik na ito ang kwalitatibong disenyo at penomenolohikal

na dulog sa pagsusuri. Ang kwalitatibong pananaliksik ay ayon sa paglalarawan ng mga

obserbasyon. Ito ay kinapapalooban ng pag-unawa sa katangian ng isang indibidwal o

pangkat sa isang panlipunang suliranin. Ito ay kinabibilangan din ng proseso ng

pagtatanong at proseso sa paglilikom ng mga datos sa konteksto ng mga partisipante

(Creswell, 2014).

Bilang karagdagan, ang kwalitatibong pananaliksik ayon kay Creswell (2007),

ay pangunahing disenyo na sumusubok at gumagalugad ng makabuluhang

impormasyon. Ito ay ginagamit upang makakuha ng pag-unawa sa mga

pinagbabatayang dahilan, opinyon, at mga motibasyon. Nagbibigay ito ng mga

pananaw sa problema o nakatutulong upang bumuo ng mga ideya o teorya para sa

potensyal na pananaliksik.

Ginamit ang disenyong ito upang lubos na maunawaan at magkaroon ng

malalim na pagsusuri sa mga karanasan, mga estratehiya sa pagharap sa mga hamon

at perspektibong pananaw ng mga partisipante.

Ang penomenolohikal na dulog sa kwalitatibong pananaliksik naman ay ang

paglalarawan sa totoo at napapanahong karanasan ng bawat indibidwal. Binibigyang-

tuon dito ang mga karaniwang karanasang kinasasangkutan ng mga partisipante na

nais mabatid ng mananaliksik (Creswell, 2013).


Sa pahayag naman ni Baraceros (2016), ang dulog-penomenolohikal ay

naglalarawan kung paano hinaharap ng isang indibidwal ang iba’t ibang karanasan at

kung paano siya tumugon dito. Maging ang paraan ng pamamahala niya sa sarili ay

kaakibat din sa pagsusuring ito.

Sa pamamagitan ng dulog na ito ng pananaliksik, nababatid ng mananaliksik

ang mga karanasan, hinaing at nararamdaman sa tunay na buhay ng indibidwal na

kalagayan ng mga partisipante sa pag-aaral. Magkakaroon din ng mabuting ugnayan

ang mananaliksik at mga kalahok na higit na mahalaga sa pamamaraang ito (Creswell,

2013).

Bilang mananaliksik, ginamit ko ang kombinasyong kwalitatibo at

penomenolohikal na pag-aaral upang makakuha ng mas makabuluhan at tamang pag-

unawa sa karanasan at pananaw ng mga partisipante tungkol sa paglahok sa mga

birtuwal an patimpalak. Tiniyak rin namin bilang mananaliksik na nailahad ng aming

mga partisipante ang mas malalim na pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at

karanasan patungkol sa paksa ng pananaliksik.

Sa proseso ng pangangalap at paglikom ng mga kasagutan sa mga inilaang

tanong, kami ay dadaan muna sa mga hakbang ng pangangalap ng datos. Sa pag-aaral

na ito magiging gabay ang limang hakbang na iminungkahi ni Creswell (2012); humingi

ng pahintulot sa pagsasagawa ng pag-aaral, pagpili ng mga partisipante na mayroong

magkakatulad na mga karanasan sa penomenang pinag-uusapan, pangangalap ng

datos mula sa mga mapagkukunan, pagtala ng mga datos, at pangangalap ng datos sa

isang sensitibong pamamaraan.


Upang matugunan ang kredibilidad sa kwalitatibong pananaliksik na ito, ang

pagtitiwala sa kawastuhan ng pag-aaral ay aming pinahalagahan. Para kina Lincoln at

Guba (1985) na binanggit ni Shenton (2004), ang pagtitiwala sa kawastuhan ay

kinabibilangan ng apat na krayterya na nangangailangang pagtuonan ng atensyon;

halaga sa katotohanan (para sa kredibilidad), pagiging akma (para sa transperalidad o

paglilipat) hindi pagbabago (para sa pagkamaaasahan) at neutralidad (para sa

pagpapatunay).

Para matugunan ang isyu ukol sa kredibilidad, gagamit kami ng ilang mga

pamamaraan tulad ng trayanggulasyon, paulit-ulit na pagtatanong, at member

checking.

Ang trayanggulasyon ay maaaring sumangkot ng maramihang pagkukunan ng

mga datos at mga pamamaraan, mga komento at kakayahan ng mga tagapag-analisa

at gumamit ng iba’t ibang mga teorya para sa balidasyon at beripikasyon sa mga

natuklasan (Creswell, 2013). Sa pananaliksik na ito, may mga partisipante kaming mula

sa pinalalim na panayam (In-Depth Interview) at pangkatang talakayan (Focus Group

Discussion) at ang mga nakuhang datos ay dadaan sa trayanggulasyon bilang suporta

sa pananaliksik na ito.

Titiyakin din namin na maisasagawa ang member checking matapos makolekta

ang mga datos sapagkat ayon kay Lincoln at Guba (1985), ang member checking ay

isang pamamaraan upang masigurado ang kredibilidad ng pananaliksik.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga katutubong wika ay karapat-dapat na mapanatili. Kaya sa kabila ng

banta ng pandemya ibayong pagpupursige ng Tribung Ata-Manobo upang mapanatili


pa rin ang kanilang katutubong wika sa mga puso ng mga katutubo. Dahil dito, ang

pananaliksik na ito ay mahalaga para mabatid ang mga karanasan ng mga Ata-Manobo

sa pagpapanatili ng kanilang wikang katutubo sa panahon ng krisis at sa mga

sumusunod na indibidwal.

Sa mga mag-aaral, mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabatid nila ang mga

pakikibakang karanasan ng mga katutubong Ata-Manobo sa pagpapanatili ng kanilang

katutubong wika sa panahon ng pandemya. Bilang bahagi ng iisang bayan nararapat na

magkaroon ng pakikisangkot hinggil sa natatanging kultura at wika ng mga Ata-

Manobp. Bilang isang Kabataaang Pilipino, karapatan nilang magkaroon ng sapat na

kaalaman at kabatiran hinggil sa pagpapanatili ng wikang Ata-Manobo sa panahon ng

pandemya. Higit pa rito, magiging daan ang pananaliksik na ito, na maipamulat sa mga

mag-aaral na magbibigay sa kanila ng kamalayan patungkol sa paggaod ng Wikang

Ata-Manobo sa panahon ng pandemya.

Sa komunidad ng IP, mahalaga ang pag-aaral na ito upang mamulat sila sa mga

karanasan at hamon sa pagpapanatili ng katutubong Wikang Ata-Manobo. Bilang isang

kasapi ng komuninad ng IP, tungkulin nila ay ang maging maalam ukol sa mga

pangyayaring nagaganap sa kanilang mga kauri. Maaari din itong maging batayan

upang sila ay makakuha ng mga ideya at konsepto hinggil pagpapanatili ng kanilang

mga katutubong wika sa gitna ng pandemya.

Sa Kagawaran ng Edukasyon, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing ugat upang

makapagsagawa ng angkop at wastong mga pang-akademikong aktibidad na

nagpapanatili ng mga katutubong wika at pamaigting pa ang pagtuturo ng MTB-MLE,

kontekstuwalisasyon at lokalisasyon na pagkatuto. Maaaring makahikayat ang


pananaliksik na ito na sa halip na gawing pamantayan ang wikang Ingles at wikang

Filipino sa mga mataas na pampublikong paaralan ng Sangay ng Davao del Norte ay

pagsisikapan nilang tanggapin ang paggamit ng mga wikang katutubo upang lubos na

mapapanatili ang kahalagahan nito.

Sa mga Lokal na Pamahalaan, ang pananaliksik na ito ay magtutulak na bigyan

ng sapat na atensiyon ang mga wikang katutubo at maprotektahan ito sa kabila ng

krisis. Sa kabilang banda, gamit ang pananaliksik na ito, mabibigyan ng halaga ang

mga katutubong wika sa gitna ng pandemya at maaaring mapanatili at maprotektahan

ang kaayusan at estruktura ng mga katutubong wika.

Sa mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing patnubay sa mga

gagawin pang susunod na mga pag-aaral ukol sa wikang katutubong Ata-Manobo. Ang

magiging resulta rin ng pag-aaral na ito, ang magiging batayan ng mga mananaliksik na

nais magsagawa pa ng mga pag-aaral ukol dito.

Inaasahang Bunga

Sa pagtatapos ng aming pananaliksik, inaasahan namin na kami ay makabuo ng

anim hanggang sampung pahina ng saliksik na masusing tutugon sa paksa ng aming

pag-aaral. Maglalahad ng mga konkretong kasagutan batay sa nakalap na mga

karanasan ng mga piling Ata-Manobo sa pagpapanatili ng kanilang wikang katutubo sa

matagal ng panahon. Kabilang na ang bibliografi, appendix at iba pang anotasyon

ginamit sa pagbuo ng pag-aaral na Paggaod ng Ata-Manobo sa Katutubong Wika sa

Panahon ng Pandemya: Isang Kwalitatibong Pag-aaral.

You might also like