You are on page 1of 4

Kabanata 3

Metodo ng Pananaliksik

Ang kabanata na ito ay tinutukoy kung anong pamamaraan ang ginamit sa pananaliksikna ito. Ito

ay naglalaman kung ano ang ginamit na disenyo ng pananaliksik, bilang ng mga kalahok, paraan ng

paglahok ng respondante at instrumentong ginamit, deskripsyon ng respondante, paraan ng

pangangalap ng datos istadistikang ginamit.

Pamamaraang Ginamit

Ang pag-aaral ng mananaliksik na pinamagatang IMPAK NG PAGGAMIT NG FACEBOOK SA

GAWAING PANG-AKADEMIKO NG MGA MAG-AARAL NG STEM ENGINEERING (EDAD 15-19)

SA ASIA PACIFIC COLLEGE: T.A 2021-2022 ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik. Dahil ang

mananaliksik ay nag-hahambing ng epekto tungkol sa paggamit ng facebook sa gawaing pang-

akadamiko. Ang isinasaad ng Descriptive Research Studies (n.d) ay ang deskriptibong pananaliksik

ay isang uri ng pananaliksik na ginagamit upang ilarawan ang mga katangian ng isang populasyon.

Nangongolekta ito ng data na ginagamit upang sagutin ang isang malawak na hanay ng kung ano,

kailan, at paano ang mga tanong na nauukol sa isang partikular na populasyon o grupo.

Gumamit din ang mananaliksik ng Ang kwalitatibong pananaliksik ay kinabibilangan ng

pagkolekta at pagsusuri ng hindi numeric na data (tulad ng teksto, video, o audio) upang maunawaan

ang isang konsepto, opinyon, o karanasan. Maaari itong magamit upang makakuha ng mas malalim

na pag-unawa sa isang problema o upang makabuo ng mga bagong ideya para sa pananaliksik.

(Bhandari, 2020)
Instrumentong Ginamit

Ang mananaliksik ay gumamit ng interview sheet para makakuha ng impormasyon. Ang interview

sheet ay isa sa mga paraan upang makakuha ng datos o impormasyon para sa pananaliksik.

Gumamit din ang mananaliksik ng Iskalang Likert upang masukat ang nakuhang datos upang

malaman kung lubos na hindi sumasang-ayon, hindi sumasang-ayon, sumasang- ayon at lubos na

sumasang-ayon ang mga estudyante sa positibo at negatibong impak ng paggamit ng facebook.

Para malaman kung sumasang-ayon ang mga estudyante kung mayroon bang postibo ang

facebook sa gawaing pang-akademiko. Gumamit ng Iskalang Likert ang mananaliksik para

matumbasan ang pangpapakahulugan ang mga nakuhang impormasyon o datos.

Bahagdan Deskripsyon

4.61 - 5.0 Lubos na sumasang-ayon (LNSA)

3.61 - 4.60 Sumasang-ayon (SA)

2.61 - 3.60 hindi sumasang-ayon (HDSA)

3.59 - 1.0 Lubos na Di sumasang-ayon (LNHSA


)

Para malaman kung sumasang-ayon ang mga estudyante kung mayroon bang negatibo ang

facebok sa gawaing pang-akademiko. Gumamit ng Iskalang Likert ang mananaliksik para

matumbasan ang pangpapakahulugan ang mga nakuhang impormasyon o datos.

Bahagdan Deskripsyon

4.61 - 5.0 Lubos na sumasang-ayon (LNSA)

3.61 - 4.60 Sumasang-ayon (SA)

2.61 - 3.60 Hindi sumasang-ayon (HSA)

3.59 - 1.0 Lubos na hindii sumasang-ayon (LNHSA)

Paraan ng Pagpili ng Respondente


Gumamit ang mananaliksik ng Random Sampling Method. Ang random sampling ay isang bahagi

ng sampling technique kung saan ang bawat sample ay may pantay na posibilidad na mapili. Ang

isang sample na pinili nang random ay sinadya upang maging isang walang pinapanigan na

representasyon ng kabuuang populasyon. Ang isang walang pinapanigan na random na sample ay

mahalaga para sa paggawa ng mga konklusyon (The Economic Times, 2021).

Gumamit ang mananaliksik ng Fishbowl Sampling Method. Ang mananaliksik ay pumipili ng isang

piling bilang ng mga slip nang sapalaran. Ito ay tinatawag na drawing sample sa pamamagitan ng

paraan ng lottery. Bilang kahalili, ilalagay ng mananaliksik ang lahat ng mga piraso ng papel sa isang

mangkok at kukuha ng mga random na sample mula dito. Ito ay tinatawag na Fishbowl draw method.

ResearchArticles.com. (2021). Inilagay ng mananaliksik ang mga lungsod ng Metro Manila at

inilagay ito sa kahon at bumunot ito nang walang tingin upang maiwasan ang pagiging bias. Nabunot

ng mananaliksik ang lungsod ng Makati. Nagsagawa ulit ang mananaliksik ng Fishbowl Sampling

Method at naglalaman ito ng eskwelahan ng Makati na mayroong STEM Engineering na strand.

Matapos bumunod ng mananaliksik napili nito ang eskwelahan na Asia Pacific College.

Pagkatapos nabunot ng mananaliksik ang Asia Pacific College, gumamit siya ng panibagong

method na tinatawag na Purposive Sampling Method. Ang purposive sampling na kilala rin bilang

targeted sampling at selective sampling, ay isang sampling technique na ginagamit ng mga de-kalidad

na mananaliksik upang mag-recruit ng mga kalahok na makakapagbigay ng komprehensibo at

detalyadong impormasyon tungkol sa phenomenon na pinag-aaralan. (Qualitative Sampling

Techniques - Statistics Solutions, 2017). Hinati ng mananaliksik ang baitang ng mga estudyanteng

STEM Engineering. At ang mananaliksik ay hinati ito bawat seksyon.


Talahanayan Blg. 2

Seksyon ng mga STEM Frequency Bahagdan

ENGINEERING sa APC

STEM 212

STEM 202

Paraan ng pangangalop ng Datos

Nagsimulang nag tanong ang mananaliksik gamit ang email noong Disyembre 2, 2021 upang

malaman kung gumagamit ng facebook ang mga STEM Engineering ng Asia Pacific College kapag

gumagawa ng gawaing pang-akademiko. Linapitan din ng mananaliksik ang kaniyang adviser upang

maitanong ang strand heading ng Asia Pacific College STEM kung ilan ang mga kabuuang

estudyante ng mga STEM Engineering. At dahil limitado lang ngayon dahil sa pandemya, hindi

nakakalabas ang mananaliksik upang sarbey kaya naisip niya na gumamit ng email upang doon

nalang siya magtanong-tanong.

You might also like