You are on page 1of 7

KABANATA III : DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalayon na makaragdag ng kaalaman at mailahad ang mga


paraang ginamit ng mga iskolar upang matugunan ang layunin ng pag-aaral.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ng mga iskolar ay gumamit ng deskriptibong


metodolohiya o mapaglarawang pamamaraan ng pananaliksik. Ang mapaglarawang paraan ng
pananaliksik na ito ay naglalayon na makakalap ng mga impormasyon patungkol sa antas ng
kamalayan ng mga sumasagot. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik ngunit ang napili ng
mga mananaliksik na gamitin ang "Descriptive Research Survey Design" na gumagamit ng
talatanungan (survey questionnaire) na naglalaman ng mga close-ended at open-ended
questions upang makalikom ng mga datos.

MGA RESPONDENTE

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng simple random sampling na pamamaraan sa


pagpili ng mga kalahok upang malikom ng mga kinakailangang datos. Ang simple random
sampling ay isang pamamaraan kung saan ang pagpili ng mga respondente ay malaya mula sa
kinabibilangan nitong grupo.

Samantala, ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa
Pamantasan ng Silangan sa lungsod ng Caloocan . Nahahati ayon sa kanilang kasarian at antas
ng edukasyon ang mga kalahok sa nasabing paaralan, ngunit malayang namili ang mga iskolar
na maaaring kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.
Talahanayan 1.1 Kasarian ng mga Mag-aaral

KASARIAN PREKWENSYA BAHAGDAN

Lalaki 25 50%

Babae 25 50%

Kabuuan 50 100%

Ipinapakita sa talahanayan 1.1 ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa kanilang


kasarian. Nakasaad sa talahanayan na ang bilang ng mga lalaki ay dalawampu't lima (25) at
may bahagdan na limampung porsyento (50%) at ang bilang naman ng mga babae ay
dalawampu’t lima (25) at may bahagdan na limampung porsyento (50%). Batay sa ipinapakita
ng sa mga datos na nakalahad sa talahanayan, may pantay na dami ng bahagdan ang mga
respondenteng babae at lalaki. Samantala, ayon sa nalikom na datos ng mga mananaliksik, ang
mga tagasagot ay may kabuuang bilang na limampu (50) at bahagdan na isandaang porsyento
(100%).

ANTAS NG PREKWENSYA NG PREKWENSYA NG KABUUANG


EDUKASYON KABABAIHAN KALALAKIHAN PREKWENSYA BAHAGDAN

Junior High Scool 10 10 20 40%

10 10 20 40%
Senior High School
College 5 5 10 20%

Kabuuan 25 25 50
100%

Talahanayan 1.2 Antas ng Edukasyon ng mga Respondente

Ang talahanayan 1.2 ay nagpapakita ng propayl ng mga respondete ayon sa kanilang antas
ng edukasyon. Nakasaad sa talahanayan na ang mga respondenteng nakarating ng College ay
may bilang na sampu (10) at may bahagdan na dalawampung porsyento (40%), ang bilang
naman ng mga respondenteng nasa Senior High School ay dalawampu (20) at may bahagdang
apatnapung porsyento (40%), gayundin naman ang mga nasa Junior High School na may
bilang na dalawampu (20) at may bahagdang apatnapung porsyento (40%). Ipinapakita rin sa
talahanayang ito na pantay ang bilang ng mga respodente batay sa kanilang antas ng
edukasyon at kasarian.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang


pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit pag-aaral. Ang
talatanungan ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang propayl ng mga
kalahok. Ang profile ay ang bahagi ng talatanungan kung saan isinasaad ng mga respondente
ang kanilang pangalan (optional), kasarian at antas ng edukasyon. Ang ikalawang bahagi ay
kinapapalooban ng mga katanungang ibinatay sa suliranin ng pananaliksik. Ito ay binubuo ng
sampung close-ended at open-ended na mga katanungan na may iba't ibang bilang ng
pamimilian. Ang mga ginawang katanungan at pamimilian ay hango mismo sa mga
pananaliksik, karanasan, at kaalaman ng mga mananaliksik.

Narito ang sipi ng survey questionnaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon
ng talatanungan na ginamit sa pag-aaral.
Pangalan: ___________________________ Kasarian: _____________________

Antas ng Edukasyon: ____________________________________

1.) Gumagamit ka pa ba ng lapis?

o Oo
o Hindi na

2.) Sa modernong panahon, epektibo parin ba para sayo ang paggamit ng


lapis?

o Napakaepektibo
o Epektibo
o Hindi na epektibo

3.) Ano ang iyong basehan sa pagbili ng lapis?

o Presyo
o Kalidad
o Disenyo
o Tatak

4.) Sa papaanong paraan maikukumpara ang lapis na gawa sa kape atkatas ng


duhat at sa pangkaraiwang lapis?

o Mas epektibo ang lapis na gawa sa grapayt


o Mas epektibo ang lapis na gawa sa kape at duhat
o Parehong epektibo
o Wala sa nabanggit
5.) Sa iskala ng 1 na pinaka mababa at 10 na pinaka mataas, sa iyong palagay
gaano kaepektibo ang lapis na gawa sa organikong materyal?

o 1
o 2
o 3
o 4
o 5
o 6
o 7
o 8
o 9
o 10

6.) Tatangkilikin mo ba ang lapis na gawa sa kape at duhat?

o Oo
o Hindi
o Pwede
o Pag-iisipan pa

7.) Irerekomenda mo ba ang paggamit ng lapis gawa sa organikong materyales


sa ibang tao?
o Oo
o Hindi
o Pwede
o Pag-iisipan pa

8.) Ano-ano ang mabuting maidudulot ng paggamit ng lais na gawa sa kape at


duhat kumpara sa pangkaraniwang lapis?

o Mas makakatipid
o Makakatulong sa kalikasan
o Mas ligtas
o Makabago
o Mas epektobong gamitin
o Other: ___________

9.) Sang-ayon ka ba na ang lapis na gawa sa kape at katas ng duhat ay


makatutulong hindi lamang sa mga tao kung hindi ay pati narin sa
kalikasan?

o Oo
o Pwede
o Hindi ko alam
o Hindi

10.) Sa iyong palagay, posible bang magkaroon ng organikong lapis na


hihigit sa kalidad ng karaniwang lapis?

o Oo / posible
o Hindi / hindi posible
o Siguro / pwede
o Hindi

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na


tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally. Ang mga datos na ito ay magsisilbing
kasagutan sa nga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay ikukumpara ayon sa
pagkakaiba ng mga kasagutan. Ang mga datos na nakalap ay isasalarawan gamit ang pie graph
upang maayos at organisadong mailahad ang mga resulta. Ang pormularyong gagamitin sa
pagkuha ng porsyento ng tugon sa bawat tanong ay:
P=f

___ x 100

P = Porsyento

f = prikwensiya o bilang ng tugon

n = kabuuang bilang ng mga respondente

You might also like