Professional Documents
Culture Documents
Ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang tseklist o listahan ng mga gawain upang mapadali
ang pagpili ng mga batang taga-sagot upang ganap na malikom ang mga kinakailangang datos.
Ito ay mahalaga upang mabantayan at higit na makita ang mahahalagang impormasyon na dapat
ay mapagtuunan ng pansin upang magkaroon ng pagkasunod-sunod at walang makaligtaan sa
mga gawaing ito.
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang mga mag-aaral na nasa Ikalawang Baitang sa Mababang Paaralan ng Banlic, Banlic,
Calamba City Laguna ang napili ng mga mananaliksik na maging tagasagot sa pagsusuring ito.
Mayroong apat seksyon sa Ikalawang Baitang. Ang mga guro sa bawat seksyon ay pumili ng
dalawampung mag-aaral na binubuo ng sampung lalaki at sampung babae.
Ang bahaging ito ng pag-aaral ay nagbibigay ng mga impormasyon at mga datos ukol sa
ginawang aktuwal na pagpapabasa sa mga mag-aaral ng Ikalawang Baitang ng Mababang
Paaralan ng Banlic.
Talahanayan 1.1
Lalaki 10 50%
Babae 10 50%
Kabuuan 20 100%
TALAHANAYAN 1.2
Ang talahanayan 1.2 ay nagpapakita ng propayl ng mga bata ayon sa edukasyong natamo ng
mga magulang, ipinapakita sa talahanayan na 3 ang bilang ng mga bata na ang magulang ay
nakarating ng kolehiyo at may bahagdan na 5%,may magulang na nakatapos ng sekondarya ay
10 at may bahagdan na 50%, may magulang na nakatapos lamang ng elementarya ay 7 na may
bahagdan na 45%
TALAHANAYAN 1.3
Ayon sa Talahanayan 1.3, 5 sa bawat mag-aaral na may bahagdan na 25% ang ang tatay ay
nagtatrabaho sa pabrika, 2 mag-aaral na may bahagdan na 10% bilang empleyado, 10 mag-aaral
na may bahagdan na 50% na may iba’t-ibang uri ng trabaho at 3 mag-aaral na may bahagdan na
15% ang walang trabaho ang tatay.
TALAHANAYAN 1.4
Empleyado 15% 1 2
Magsasaka 10% 1 1
Wala 50% 6 4
Kabuan 100% 10 10