You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

KABANATA 4

Pagsusuri Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos

Suliranin bilang 1

Ano ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral pagdating sa:

a. Kasarian

b. Oras na inilalaan ng mga mag-aaral sa paaralan

c. Antas ng pamumuhay

Talahanayan 1

Profayl ng mga Mag-aaral Batay sa Kasarian

Kasarian Bilang Porsiyento

Babae 5 50%

Lalaki 5 50%

Pinapikata sa talahanayan na pantay ang bilang ng mag-aaral na

babae sa bilang ng mga lalaking respondent.

Sinasabi sa librong “Factors Associated with academic Performance”

na hindi apektado ang performans ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng mga

kadahilanan ng gaya ng edad, kasarian at lugar ng paninirahan o antas ng

pamumuhay ngunit ito ay may kaugnayan sa pagkamarapat ng dami ng

1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

asignatura at iba pang natukalasan ay yong nakatira malapit a paaralan o

unibersidad.

Batay sa mga datos at iba pang pagaaral lumalabas na ang kasarian ay

hindi nakakaapekto sa akademikong performans ng isang mag-aaral.

Talahanayan 2

Profayl ng mga Mag-aaral Batay sa Oras na inilalaan ng mag-aaral

Oras Bilang Porsiyento

Isang oras 6 60%

Dalawang oras 1 10%

Tatlong Oras 2 20%

Iba pa 1 10%

Batay sa talahanayan bilang dalawa (2) halos ang mga respondents ay

sumagot ng isang oras ang kanilang inilalaan para sa kanilang pag-aaral.

Dalawa naman sa mga ito ay sumagot ng tatlong oras na paglalaan sa pag-aaral

isa naman ang sumagot na dalawang oras ang inilalaan nitong panahon ng pag-

aaral at isa sa mga ito ang sumagot na wala sa mga pagpipilian.

2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

      Halos lahat ng mga ito ay nagbibigay ng isang oras ng kanilang

pag-aaral at ilan sa mga ito ay nagbibigay ng tatlo o higit pang mga oras ng pag-

aaral, na tumutulong sa kanilang pag-aaral.

Lumilitaw sa literatura na ginawa ni Lani Mate sa isang artikulong

pinamagatang "Study habits ng Estudyante" na nagsasabi na ang isa o

dalawang oras ng pag-aaral sa isang araw ay sapat na upang magkaroon ng

isang mahusay na grado.

Mula sa mga pahayag na kinuha mula sa mga respondnet at

mga may-akda, ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang interpretasyon na ang

mga mag-aaral ay nagbibigay ng isang oras o dalawa sa pag-aaral ay sapat na

upang magkaroon ng mataas na grado ay epektibo.

Talahanayan 3

Profayl ng mga Mag-aaral Batay sa Antas ng Pamumuhay ng mag-

aaral

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

Antas ng Pamumuhay Bilang Porsiyento

Mahirap 0 0%

May-kaya 10 100%

Mayaman 0 0%

Pinasubalian sa librong “Factors Associated with academic

Performance” na hindi apektado ang performans ng isang mag-aaral sa

pamamagitan ng mga kadahilanan ng gaya ng Edad, Kasarian at lugar ng

paninirahan o antas ng pamumuhay ngunit ito ay may kaugnayan sa

pagkamarapat ng dami ng asignatura at iba pang natukalasan ay yong nakatira

malapit a paaralan o unibersidad.

Batay sa mga datos at iba pang pagaaral lumalabas na maging ang

antas ng pamumuhay ay hindi nakakaapekto sa akademikong performans ng

isang mag-aaral.

Suliranin Bilang 2

Mayaroon bang kaugnayan ang Study Habit sa akademikong

performans ng mga- magaaral?

 Sa anomg paraan madaling matuto sa pag-aaral? Bakit mo ito

napili?

4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

Respondent 1: "Kaya ahmm. Madali akong matuto sa aking pag-aaral ay sa

pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita nang malakas at paulit-paulit, ahmmn.

Pag-highlight sa teksto sa libro o sa kuwaderno at pagsali sa mga sesyon ng

pagsusuri o pag-aaral ng grupo ng mga kaibigan ko, sapagkat iyan ang madalas

naming ginagawa lalo na sa aking mga kaibigan dahil hindi lang namin

natututunan kundi maaari rin kaming makapag-bond sa bawat isa, kami ay

masaya at mayroon kaming mas maraming oras upang magkaroon ng isang

pag-uusap. "

Respondent 2: "Sa paghiglight ng teskto kasi madali ko syang natatandaan."

Respondent 3: "Sa mga nabanggit na pagpipilian ahh wala.... Wala akong

napi... Di ako gumagawa ng ganon, pero para sakin lang mas natututo ako

kapag ako lang yong mag isang nag-aaral. Sa madaling salita ako lang kasi yong

mag isa kapag nagbabasa lang ako sa bahay... Sa ganong paraan don lang aq

nakakapag-aral, hindi talaga ako nag aaral sa school."

Respondent 4: "Mas mabilis akong matuto sa lesson kapag ano may group

study ganun. "

Respondent 5: "Pagbuo ng outline tapos pagsali sa mga review session o group

study

kasi mas madali po ako natututo o naalala ko po agad pag meron akong

ginawang outline sa sarili ko tapos mas madali at mas maganda pag may

kasama tayo .."

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

Respondent 6: "Paulit ulit na pagbigkas ng malakas

At pag hahighlight ng  teksto sa aklat o kwaderno. Kasi dun ako mas sanay at

nadadalian."

Respondent 7: "Ahmmmm... Paulit-ulit na pagbigkas ng malakas, ahmmm, oo

yun lng, ahmmm kasi nasubukan ko na din yung iba dito paggawa ng outline,

paghihighlight, then pagsali sa mga review sessions pero parang narealize ko na

mas natututo ay mas nakakabisado ko kapag paulit-ulit na binibigkas. Parang

mas epektibo yun para sa akin. "

Respondent 8: "sa paulit ulit na pagbigkas ng malakas. Kasi mas naalala ko

yung mga nababasa ko kapag mas naalala ko yung mga word na nababasa ko

kapag ganun yung ginagawa ko sa bahay lang, kasi ano mas tahimik dun"

Responden 9: "Paulit ulit na pagbigkas ng malakas kasi sa paulit ulit na

pagbigkas ko ng malakas mas naiintindihan ko yung mga sinasabi ko,yung mga

nirereview ko tsaka  mas napapadali ako sa ganong pag-aaral."

Respondent 10: "sa paulit ulit na pagbigkas ng malakas kasi mas lalo ko syang

nakakabisado."

Mahigit sa kalahati ng mga respondent ang nagsabi na ang paulit-

ulit na pagbigkas ng mga salita nang malakas ay ang kanilang paraan na

ginagamit sa epektibong pag-aaral, tatlo naman sa mga respondent ay sinabing

sa pagha-highlight ng teksto o kuwaderno at pagsali sa pag-aaral ng grupo

,pagkatapos isa sa mga sumasagot ay nagsasabing ang paglikha ng balangkas

6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

ay ang paraan para sa kanya upang matuto nang epektibo, at isa sa mga

respondent ay sumagot ng wala sa anumang pagpipilian ang kanyang paraan,

dahil epektibo para sa kanya ay ang pag-aaral ng nag-iisa sa bahay. Batay sa

mga sagot ng mga respondent , lahat ay nagsabi na ang kanilang mga gawi sa

pag-aaral ay epektibo.

Lumilitaw sa literatura ni A. Hansen, Ph.D at Kathrina C. Hansen, Ph.D,

na sumusuporta sa positibong ugnayan ng mga gawi sa pag-aaral at mga

akademikong performans sa kanilang pinagsamang aklat na may pamagat na

"The Complete Idiot's Guide to Study Habits", nabanggit sa aklat na ito na ang

mga gawi sa pag-aaral ay mahalaga sa pagkamit ng tagumpay sa akademikong

performans para sa sinumang mag-aaral.

Mula sa mga pahayag na nakalap mula sa mga respondent at mga

kaugnay na literatura at pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nakagawa ng isang

interpretasyon na ang mga mag-aaral ay mas madaling mag-aral sa

pamamagitan ng kanilang sariling paraan, ang mga mag-aaral ay magkakaiba sa

iba’t- ibang larangan at aspeto, katulad na lamang sa kanilang mga gawi sa pag-

aaral, kaya ang mga mag-aaral ay nararapat lang na gumamit ng kung ano ang

mas epektibo para sa kanilang sarili. Ang kanilang mga gawi sa pag-aaral ay

talagang tumutulong sa kanila na makaunawa at matuto sa bawat aralin.

Saan ka madalas mag-aral?

7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

Respondent 1: “madalas ako mag-aral sa ahmm.  Commonly sa bahay lang

talaga kasi pag dito sa school , pag may discussion lang yung teacher, nakikinig

ako pero pag self study sa bahay talaga.”

Respondent 2: “computer shop.”

Respondent 3:“Pinaka madalas akong nag-aaral sa bahay, kasi madalas ako

walang ginagawa tsaka pag sabado, linggo hindi ako masyadong nakikipag usap

sa magulang ko.”

Respondent 4:“Sa classroom kasi kapag sa bahay ahhhh ano ahhh more on

relax nalang ako dun, pahinga pag  kapag school school pag bahay ,bahay.”

Respondent 5: “Sa classroom minsan diba review review kayo magkakaklase

mas maganda pag may kasama ka parang ngtatanungan kyo nagsasalitan kayo

ng tanong para marefresh yung mga katanungan .  Pag sa bahay . Paggusto mo

magisa yung pagmagmememorize ka ng mga lines mo mas maganda pag sa

bahay kase pwede kng sa kwarto mas tahimik pa.”

Respondent 6:“Classroom, dun lang naman ako nag-aaral, minsan sa bahay.”

Respondent 7:“Ahmmm sa bahay and klasrum, sa library hindi eh kasi wala

akong library eh ahahahah charot. Ano kasi nga dun yun syempre yung ako

umiikot lang naman yung oras ko sa ano sa bahay, klasrum, bahay, klasrum so

dun na din ako nag-aaral and yun nga, sa pero mas nakakapagfocus ako sa

bahay kasi nga mas tahimik. Sa klasrum kapag hassle na diba hindi ako

nakakapagreview sa bahay dun minsan nag-aaral ako sa klasrum.”

8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

Respondent 8:“sa bahay lang, kasi ano mas tahimik dun.”

Respondent 9:“Sa bahay kasi sa bahay namin unti lang kaming nandun at mas

naiintindihan ko kapag sa bahay, tahimik.”

Respondent 10:“Sa bahay, kasi mas mahaba yung oras na nagugugol ko sa

bahay kaysa sa school.”

Halos karamihan sa kanila ay higit na natututo sa kanilang tahanan at

ang ilan sa kanila ay sa mga silid-aralan . Batay sa mga sagot ng mga

respondent ang kanilang mga gawi sa pag-aaral ay epektibo kung saan sila ay

madalas na nag-aaral.

Ang isang pag-aaral na inilathala ni Frank Pogue (2003), na

pinamagatang "Pag-uugali sa Pag-aaral at Pag-aaral ng Akademikong Pag-

aaral," sinabi niya na ang kapaligiran ay may positibong ugnayan sa

akademikong pagganap at pagkatuto ng mag-aaral.

Mula sa mga pahayag ng mga respondent at ng mga kaugnay na pag-

aaral ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang interpretasyon na ang mga mag-

aaral ay mas natuto at nakakapag- aral ng maayos sa kanilang tahanan at ito ay

may positibong ugnayan sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral dahil sa

ito ay isang magandang lugar upang mag-aral.

Tuwing anong oras ka madalas mag-aral?

9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

Respondent 1: "Ano madalas ako mag-aral pag...Pag ano ...pag gabi ,gabi

talaga kasi dun ko hinahapit lahat eh, pati assignments ko, mga ano..quizzes

namin.. Dun talaga ako nag-aaral kasi before talaga ako matulog. "

Respondent 2:“madaling araw, mas madali mong matatandaan yung

pinagaralan mo pag madaling araw."

Respondent 3: "sa totoo lang sikreto ko kaya talagang tumatatak sa utak ko

yung kaalaman nag-aaral ako tuwing gabi tsaka madaling araw kasi ayun yung

oras para sakin, sa kaalaman ko na doon doon ka mas matututo kasi dun mas

aktibo utak mo."

Respondent 4: "Madaling araw kasi alam ko kapag ka kasi syempre kapag ka

bagong gising tapos parang kakagising mo palang mas nagpa-function utak mo

tapos yung mga lessons or yung mga nirereview mo mas mabilis mo

natatandaan.”

Respondent 5: "Pag sa bahay ako mas maganda pag gabi kasi para

kinabukasan fresh parin ung inaral mo . Pag sa room naman syempre pag mga

break time o kaya hapon ksi walng ginagawa sa hapon kasi nga breaktime.edi

habang kumakain kyo nauusap usap kayo tungkol sa pinagaarlan nyo . "

Respondent 6: "Pagkagising duna ko ah normal, dun normal isip ko ."

Respondent 7:"Gabi, kasi diba ang oras natin 7:00 to 4:00 then magpapahinga

ako saglit tapos gabi na ako mag-aaral. So ayun feeling ko, aa akin ano mas

okay siya kasi ahmmmm kapag madaling araw minsan hindi ako nagigising eh

10
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

kaya gabi ko inaaral talaga lahat. Wala na po. Opo, kasi nga ayun katulad nang

nasabi ko kanina tuwing may exam natatandaan ko pa naman pumapasok pa

siya sa isip ko then hindi ko na nakakalimutan agad. "

Respondent 8: “Madaling araw. Madaling araw tska umaga, ano pala, madaling

araw tsaka gabi! Kasi kapag gabi diba nagbabasa ako tapos ano, para maalala

ko sya kapaag nagreview  ulit ako sa madaling araw.”

Respondent 9:"hapon tsaka madaling araw. Kasi kapag hapon, uwian natin

kapag hapon tapos minsan naman kapag maaga akong matutulog nagigising

ako ng madaling araw, nag-aaral din ako."

Respondent 10: "Minsan kasi gabi eh, pero madalas madaling araw. Kasi mas

naalala ko sya  diba ano, madaling araw tapos papasok sa school so mas ano

yung utak ko, gumagana."

           Karamihan ng mga sagot mula sa mga respondnets kung kailan ang

karaniwang oras para sa kanilang pag-aaral, ay tuwing madaling araw

pagkatapos ang ilan sa kanila ay sumagot ng gabi at umaga, oras kung kailan

sila gising at sa hapon o breaktime. At nakabatay din sa mga sagot ng mga

respondent na epektibo ang oras na ito ng kanilang pag-aaral.

Ang artikulo ni Lani Mate na pinamagatang "Study Habits ng

Estudyante" ay nagsasabi na ang isang matagumpay na mag-aaral ay nagtatabi

ng oras sa kanyang pag-aaral. nagpaplano kung kailan mag-aaral. Gawin ang

"weekly routines" na ito kahit na sobrang abala, dahil ang mga mag-aaral na

11
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

sumusunod sa isang iskedyul ng pag-aaral ay napapaunlad ang isang mahusay

na gawi sa pag-aaral at isang mag-aaral na nag-aaral ng kanilang mga

asignatura ay magiging mas matagumpay.

Mula sa datos na nakalap at ayon sa mga pag-aaral, ang mga

mananaliksik ay nakabuo ng isang interpretasyon na ang mga mag-aaral na

nagtatabi ng oras para sa pag-aaral ay magiging epektibo sa kanilang

akademikong pagganap at magkakaroon ng isang epektibong pag-aaral.

Ilang oras ang ginugugol mo sa pag-aaral?

Respondent 1: "Umaabot ako ng tatlong oras kung hindi ako hihinto tatlong oras

talaga."

Respondent 2: "Isang oras."

Respondent 3: "Kapag walang gawain sa bahay, inaabot ako ng kalahating

araw sa pagbabasa tumitigil lang ako kapag kumakain."

Respondent 4: “Ah isang oras lang, di naman ako masyadong nag-aaral.”

Respondent 5: "Ahhh. Isang oras kasi matalino ako eh"

Respondent 6:"Isang oras, hanggang dun lang kaya ko."

12
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

Respondent 7: "Depende kasi eh, kapag yung konting exam lang ganun quiz-

quiz lang mga isang oras lang, siguro mga dalawa ganon dalawang oras lalo na

kapag periodical exam ganun. Wala na po. Epektibo naman po, kasi ayun nga

ahmmmm achiever ako ngayon ganon ganon with honors ganun ganun kaya

masasabi kong epektibo naman po."

Respondent 8: "Tatlong oras"

Respondent 9: "ahhh. Sa hapon isang oras, sa umaga 15-30 minutes"

Respondent 10: "isang oras hanggang dalawang oras."

      Halos lahat ng mga ito ay nagbibigay ng isang oras ng kanilang

pag-aaral at ilan sa mga ito ay nagbibigay ng tatlo o higit pang mga oras ng pag-

aaral, na tumutulong sa kanilang pag-aaral.

Lumilitaw sa literatura na ginawa ni Lani Mate sa isang artikulong

pinamagatang "Study habits ng Estudyante" na nagsasabi na ang isa o

dalawang oras ng pag-aaral sa isang araw ay sapat na upang magkaroon ng

isang mahusay na grado.

Mula sa mga pahayag na nakalap mula sa mga respondent at

mga may-akda, ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang interpretasyon na ang

mga mag-aaral ay nagbibigay ng isang oras o dalawa sa pag-aaral at ito ay

sapat na upang magkaroon ng mataas na grado.

Suliranin Bilang 3

13
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

Gaano kahalaga ang paraan ng study habits sa akademikong

performans ng mga mag-aaral?

 Epektibo ba ang mga study habits na iyong ginagawa?

Responden 1: "Oo dahil napasa ko ang aking mga pagsusulit at aktibidad"

Respondent 2: "Maaari kong sabihin na ito ay epektibo dahil nakakuha ako ng

mataas na grado, at ang aking mga magulang ay natutuwa tungkol dito, at sa

gayon ito ay sapat na dahilan para sa akin, ito ay epektibo."

Respondent 3: "Ofcourse ito ay epektibo, dahil kung minsan, may mga tao na

nangangailangan ng katahimikan, at pagkatapos paminsan-minsan isang

kasamahan o isang taong may kapag may pagsusuri"

Respondent 4: "Oo, dahil sa bawat oras na magkakaroon ng isang pagsubok

na ang bagay na gagawin ko at kapag dumating ang pagsubok, masasagot ko

ito, kaya talagang epektibo ito."

Respondent 5: "Oo, dahil dumaan ako kapag may pagsusulit at aktibidad, kung

mayroong isang pagsubok, maaari rin akong lumipas."

Respondent 6: "Ito ay epektibo, dahil mayroon kaming iba't ibang paraan at para

sa akin, lumilikha ng balangkas at sumali sa sesyon ng pagsusuri o pag-aaral ng

grupo dahil nakakuha ako ng mataas na grado at hindi ako nalimutan, tulad ng

aking isip ay hindi kumuha ng blangko dahil ginawa ko ang isang balangkas.

14
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

Respondent 7: "Ito ay epektibo, dahil ahmmmn. Ako ay isang achiever, na may

honors, tulad na kaya maaari kong sabihin na ito ay talagang epektibo. "

Respondent 8: "Kaya ito ay epektibo, ang aking patunay ay na kapag nakuha ko

ang aking card, nakakuha ako ng mataas na grado."

Respondent 9: "Maaari ko bang sabihin na ito ay epektibo dahil maaari kong

makakuha ng mataas na iskor sa isang pagsubok."

Respondent 10: "Oo, oo ito ay epektibo sapagkat, ng pag-aaral na aking pag-

aaralan at pagkatapos ay naaalala ko ang aking mga pinag-aaralan, aktibo ako,

at maaari kong sagutin at makilahok."

      Sinagot ng lahat ng mga respondent na ang kanilang mga gawi sa pag-

aaral ay epektibo.

At bilang isang katibayan, ayon kay Steve Piscetelli sa kanyang aklat na

pinamagatang ‘’Study Habits Do I Really Need This Stuff?’’ Kung ang mga gawi

sa pag-aaral ay epektibo at maayos sa mga mag-aaral, magiging mahusay at

matagumpay ang pagganap ng isang mag-aaral.

Batay sa mga sagot ng mga respondent lumalabas na ang kanilang mga

gawi sa pag-aaral ay epektibo. Bilang patunay, ang kanilang mga grado ay

mataas pati na rin ang mga mag-aaral na ito ay nakakuha ng matataas na marka

sa kanilang mga pagsusulit. At kung gagawin ito ng maayos ay magiging mas

epektibo pa ito para sa akademikong pagganap ng mag-aaral.

15
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

16

You might also like