You are on page 1of 8

“MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGPILI NG TRACK NG MGA

MAG–AARAL NG IKA-SAMPUNG BAITANG SA PAARALANG

SEKONDARYA NG EASTERN TAYABAS COLLEGE

TAONG PANURUAN 2022-2023”

KABANATA I

(Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito)

I. PANIMULA O INTRODUKSIYON (RASYUNAL)

Ang ika-sampung baitang ay yugto ng ating pag aaral na kung saan ay


marami na tayong kahaharaping hamon o pagsubok sa buhay. Ang mahusay
na pagpili ng mga desisyon ay isang hakbang patungo sa pag abot ng ating
mga pangarap, sino at ano ka kaya pagdating ng bukas? magiging iba kaya
ang plano mo sa hinaharap?

Ang bawat paaralan sa ating bansa ay naghahandog ng iba't ibang


kursong akademiko na kung saan ay malaya ang mga mag aaral na pumili
kung ano ba ang nais nilang tahakin at saklaw nito ang mga trabaho na nais
nilang maging pagdating ng araw, tulad na lamang ng mga kursong
akademiko na mayroon ang Eastern Tayabas College kabilang rito ang
Accountancy Business and Management (ABM), Science, Technology,
Engineering and Mathematics (STEM), Humanites and Social Sciences
(HUMSS) at Home Economics (HE).

Sa bandang huli, napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga


personal na salik sa mga pangangailangan sa napiling kursong akademiko,
teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon
ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging
produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay may layuning mabatid ang mga salik na


nakaaapekto sa pagpili ng track ng mga mag-aaral ng ika-sampung baitang
sa paaralang sekondarya ng Eastern Tayabas College taong panuruan 2022-
2023.
Layunin nito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang propayl ng respondente ayon sa:

a. Edad
b. Kasarian
c. Seksyon

2. Ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong akademiko ng


mga mag-aaral sa ika-sampung baitang?

3. Mayroon bang kaugnayan ang demograpikong propayl ng respondente


at ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong akademiko ng mag-
aaral sa ika-sampung baitang?

III. KAHULUGAN NG KATAWAGAN

Binibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa


pananaliksik.

Kursong Akademiko- Ang kursong akademiko ay tumutukoy sa mga


kursong maaring kunin sa sekondarya o kolehiyo; mga kursong kailangan
tapusin ng apat o higit pa na taon.

Yugto- Isang proseso ng paglipat o pag-unlad ng isang buhay ng tao o


lugar.

Ekonomiya- Kalipunan ng mga gawain ng tao,konstitusyon, pamayanan at


institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan at
pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.

Salik- Mga bagay na nakakaapekto sa isang desisyon o resulta.


IV. BATAYANG KONSEPTWAL

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng teorya ni John Holland na


tinatawag na Career Choice Theory kung saan nagsasaad ito ng “that in
choosing a career, people prefer jobs where they can be around others who
are like them. They search for environments that will let them use their skills
and abilities, and express their attitudes and values, while taking on
enjoyable problems and roles”. Ito ay may kinalaman sa pagtukoy ng isang
mag-aaral o indibidwal sa kanilang nais na tahakin sa susunod na yugto ng
kanilang buhay. Maihahalintulad dito ang career choice theory sa
kadahilanang ito ay tumutukoy sa pag alam ng kanilang kahinaan at
kalakasan pagdating sa mga asignatura. Dito nagkakaroon ng batayan kung
ano ang kursong akademiko ang kanilang nais kuhain.

V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AAAL

Ang saklaw ng pag-aaral ay limitado lamang sa pagbatid sa mga salik


na nakaaapekto sa pagpili ng kursong akademiko ng mga mag-aaral sa
paaralang sekondarya ng Eastern Tayabas College taong panuruan 2022-
2023. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa lamang sa paaralang sekondarya
ng Eastern Tayabas College Inc. na may iba’t-ibang kursong akademiko. Ang
katanungan ay limitado lamang tulad ng propayl ng tagatugon ayon sa edad,
kasarian, seksyon, mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong
akademiko ng mga mag-aaral sa ika-sampung baitang at kauganayan ng
demograpikong propayl ng respondent at ang mga salik na nakaaapekto sa
pagpili ng kursong akademiko.
KABANATA II

(Metodo Ng Pananaliksik)

I.DISENYO NG PANANALIKSIK

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong sarbey sa pag-


aaral na ito upang mabatid Ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng
track ng mga mag-aaral sa ika-sampung baitang sa paaralang sekondarya
ng Eastern Tayabas College Inc. taong panuruan 2022-2023. Ayon kay
Javier (2005), na binanggit ni Danao ang deskriptibong pananaliksik ay
kinapapalooban ng pagpapaliwanag, pagtatalâ, pag-aanalisa, interpretasyon,
at kadalasang sumasaklaw sa pagkokompara at pagtutulad, pagdiskubre sa
mga sanhi at bunga ng mga kalagayang nagaganap sa mga bagay at
pangyayari sa kasalukuyan. Layunin ng pag-aaral na ito na makapangalap
ng mga tamang datos o impormasyon upang mapatunayan ang nasabing
pag-aaral. Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng
pamamaraang gagamitin sa pagtuklas ng impormasyon ukol sa suliraning
inilahad.

II. RESPONDENTE

Kalahok sa Pag-aaral

SEKSYON TAGASAGOT
EAGLE 7
DOVE 5
HAWK 5
FALCON 3
KABUUAN 20
III. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Sarbey-kwestyuner na


naglalaman ng mga katanungan na maaaring pagkunan ng sagot at
pananaw ng mga respondente patungkol sa Mga salik na nakaaapekto sa
pagpili ng kursong akademiko sa mag-aaral ng Eastern Tayabas College Inc.
Ito ang sasagot sa katanungan ng mga mananaliksik ukol sa desisyon ng
mga mag-aaral pagtungtong sa ika labing-isang baitang.

IV. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang estadistikang ginamit upang mabatid ang mga salik na


nakaaapekto sa pagpili ng kursong akademiko ng mga mag-aaral sa ika-
sampung baitang ng Eastern Tayabas College Inc. ay ang mga sumusunod:

Suliranin1: Upang malaman ang pansariling datos o propayl ng


respondente ayon sa edad, kasarian, seksyon ay ginagamit ang frequency at
percentage rank.

Suliranin 2: Sa pagsusuri ng antas ng mga salik na nakaaapekto sa pagpili


ng mga mag-aaral sa ika-sampung baiting, ginagamit ng mga mananaliksik
ang mean rank gamit ang eskala ni likert.

ISKALA PUNTO INTERPRETASYONG


BERBAL
3.50-4.00 4 LUBOS NA SUMASANG-
AYON
2.50-3.49 3 SUMASANG AYON
1.50-2.49 2 HINDI SUMANG AYON
1.00-1.49 1 LUBOS NA HINDI
SUMASANG AYON

KABANATA III
(Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos)

I. PAGSUSURI

Suliranin Blg.1: Ano ang propayl ng mga tagasagot ayon sa edad,


kasarian, at seksyon?

Talahanayan 1
Respondente ayon sa Edad
EDAD F %
14-15 6 30%
16-17 14 70%
KABUUAN 20 100%

Talahanayan 2

Respondente ayon sa Kasarian

KASARIAN F %
LALAKI 4 20%
BABAE 16 80%
KABUUAN 20 100%

Talahanayan 3

Respondente ayon sa Seksiyon

SEKSYON F %
EAGLE 7 35%
DOVE 5 25%
HAWK 5 25%
FALCON 3 15%
KABUUAN 20 100%

II. INTERPRETASYON

Sa pagbibigay-interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, ipinahahayag


dito ang pansiriling implikasyon, at resulta ng pananaliksik.

Talahanayan 4

Lalaki Babae Kabuuan


AYTEM Wx R IB Wx R IB Wx R IB
Naiimpluwensiyahan 2.75 2 S 2.94 2 S 2.85 2 S
ng mga kaibigan sa
pagpili ng kurso.
Sariling Interes o 2.25 3 HS 3.56 1 LS 2.90 1 S
kagustuhan. .5
Impluwensiya ng 2 5 HS 2.63 3 S 2.32 5 HS
kinalakihang
kapaligiran.
Kagustuhan ng 2.25 3 HS 2.44 4 HS 2.35 4 HS
magulang. .5
Kagustuhang 3 1 S 2.38 5 HS 2.69 3 S
sumunod sa yapak
ayon sa natapos na
propesyon ng
pamilya.
KABUUAN Wx 2.45 HS 2.79 S 2.62 S

Ipinapakita sa talahanayan 4 na ang mga babae pagdating sa aytem


na Naiimpluwensiyahan ng mga kaibigan sa pagpili ng kurso ay nangunguna
na may Wx 3.56 at interpretasyong berbal na lubos na sumasang-ayon
samantalang ang Impluwensiya ng kinalakihang kapaligiran naman ang
nakakuha ng pinaka mababang antas na may Wx 2.32 at interpretasyong
berbal na Hindi sumasang-ayon.

Sa mga datos ng mga lalaki, ang kagustuhang sumunod sa yapak ayon sa


natapos na propesyon ng pamilya ang nangunguna sa ranggo na may Wx na
3 at interpretasyong berbal na Sumasang-ayon samantalang ang
Impluwensiya ng kinalakihang kapaligiran ang nakakuha ng
pinakamababang antas na may Wx na 2 at interpretasyong berbal na . Sa
pinagsamang kabuuan ng lalaki at babae, Sariling interes o kagustuhan ang
nangunguna sa ranggo. Ang kabuuang Wx ay 2.62 ay nagsasaad na ang
salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong akademiko ay sumasang-ayon
ayon sariling interes o kagustuhan.

Kongklusyon
Batay sa komprehensibong paglalagom ng mga datos, ang mga sumusunod
na konklusyon ay inilahad:

1. Hinggil sa pansariling datos ukol sa kasarian, higit na nakararami ang


mga mag-aaral na babae, may edad na 14-15 taong gulang.

2. Mataas ang sumasang-ayon sa sariling interes o kagustuhan , sapagkat


nakikita nila na makatutulong ang sariling kagustuhan sa pagpili ng kursong
akademiko.

KABANATA IV
(Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik)
Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng
kursong akademiko, binibigyang diin ang sumusunod:

1. Propayl ng mga respondente

A. Hinggil sa Edad, karamihan ng mga mag-aaral ay nasa edad 16-17 o


70% na bahagdan, samantalang 14-15 o 30% bahagdan, ang may
pinakamababang bilang.
B. Hinggil sa Kasarian, karamihan sa mga mag aaral na respondente ay
babae na may 15 o 75% bahagdan, samantalang ang lalaki ay 4 o 20%.
C. Hinggil sa seksyon, karamihan ng mag-aaral ay nag mula sa seksyon
Eagle na may bilang na 7 o 35% bahagdan.

2. Mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong akademiko

A. Sa naiimpluwensiyahan ng mga kaibigan sa pagpili ng kursong


akademiko, ang natamong Wx ay 2.85 at may interpretasyong berbal na
Sumasang-ayon.

B. Sa Sariling interes o kagustuhan, ang natamong Wx ay 2.90 at may


interpretasyong berbal na Sumasang-ayon.

C. Sa Impluwensiya ng kinalakihang kapaligiran, ang natamong Wx ay 2.32


at may interpretasyong berbal na Hindi sumasang-ayon.

D. Sa kagustuhan ng magulang, ang natamong Wx ay 2.35 at may


interpretasyong berbal na Hindi sumasang-ayon.

E.Sa Kagustuhang sumunod sa yapak ayon sa natapos na propesyon ng


pamilya, ang natamong Wx ay 2.69 ay at may interpretasyong berbal na
Sumasang-ayon.

You might also like