You are on page 1of 2

BALANGKAS TEORITIKAL

Ang mga nakasaad na mahahalagang teorya ay nagbibigay kahalagahan at


malalim na pag-unawa hinggil sa paksang kaugnay sa isinasagawang pag-aaral na binuo ng iba
pang mananliksik.

Sa pagpili ng kurso sa kolehiyo at madalas na binabase ng mag-aaral ang kanyang


pansariling interes sa pinipiling kurso (Reynolds). Ayon kay George Jasckson (2012),
pumapangalawa ang mga magulang na nakakaimpluwensya sa mag-aaral sa kanyang pipiliing
kurso. Bukod pa rito, malaki namang impluwensya sa mag-aaral sa paggawa ng desisyon ng
kabataan ang kanyang mga kaibigan (Casey, 2008). Ayon naman kay Laitsch (2006),
naaapektuhan ng mga kaibigan ang ugali ng isang mag-aaral na maaaring negatibo o positibong
paraan.

Gayundin naman, ang salitang career ay maaaring tumutukoy sa trabaho at


kurso ng propesyunal sa buhay ng isang indibidwal (R. Sherman, R. Webb, 1989). Ipinapakita
rito, na ang dalawang kahulugan ng salita ay nagbigay liwanag sa tatahakin o kukunin. Subalit
kailangan itong pag-isipan ng mabuti at binuo ayon sa sariling kagustuhan at pangangailangan.
Dahil doon, masasabing iba-iba ang batayan ng bawat mag-aaral kung anong kurso ang nais
kunin.
Ang mga teoryang ito ang pinili sapagkat ito ay konektado sa aming
isinasagawang pag-aaral, nang sa gayon ay magkaroon ng iisang konklusyon.
BALANGKAS KONSEPTWAL

INPUT

Magsasagawa ang grupong ito ng serbey para ipasagot sa limampo (50) na respondent.

PROCESS

Ang grupong ito ay mamimigay ng mga katanungan sa mga eatudyante na nasa ika-labing
dalawang baitang ng ABM sa Eastern Samar State University, Borongan City upang
makapangalap ng impormasyon tungkol sa paksang pinag-uusapan.

OUTPUT

Inaasahan ng grupong ito na maging matagumpay ang pananaliksik na ito upang maunawaan ng
mag-aaral kung kukunin o lilisanin ang kursong accountancy sa kolehiyo.

You might also like