You are on page 1of 1

Iskolarling Buod – Riserts sa Filipino

Pangalan ng estudyante:
Dlsu email address:
Alternate email:

A. Titulo ng sanaysay/babasahin: Epekto ng Estereotipiko ng Kasarian sa Konsepto sa Sarili at


Akademikong Tagumpay ng mga Mag-aaral sa Sekundarya (‘Impact of Gender Stereotype on
Secondary School Student’s Self-Concept and Academic Achievement”)

B. MLA Complete Reference: J. N. Igbo, C. Onu, N. O. Obiyo, “Impact of Gender Stereotype on


Secondary School Student’s Self-Concept and Academic Achievement” SAGE Journals, March 3,
2015, https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/2158244015573934

C. Pangunahing tesis o ideya ng sanaysay/babasahin: Ang kasarian ay nauugnay sa kung paano


nakikita ng mga indibidwal ang kanilang sarili sa isang paraan na ang karamihan sa mga taong
pareho ang kasarian ay nakikilala ang kanilang mga sarili na may ilang mga katangian. Ang mga
katangiang ito ay nakakaapekto sa mga bata sa paglaki nila. Maaaring magkaroon ng iba’t-ibang
pagtingin sa mga batang babae at lalaki, na nagiging dahilan ng sensitibong epekto sa kanilang
tiwala sa sarili at maaaring maging dahilan ng iba’t-ibang pananaw sa buhay at paraan ng
pagkamit sa tagumpay.

D. Mga susing salita/termino: Konsepto sa sarili, Kasarian, Estereotipiko ng Kasarian, Akademikong


tagumpay (Self-concept, gender, gender stereotype, academic achievement)

E. Abstrak: Ang layunin ng papel na ito ay masiyasat ang impluwensiya ng estereotipiko ng kasarian
bilang instrumento sa pagtukoy ng konsepto sa sarili at akademikong tagumpay ng mga mag-
aaral sa sekondarya. Ang pag-aaral na ito ay may gabay ng apat na layunin, apat na katanungan
sa pagsasaliksik at apat na palagay o kuro-kuro. Ang pag-aaral ay pinagtibay ng disenyo ng ex-
post facto. Ang sampol ng pananaliksik ay nakuha mula sa walong pampublikong paaralan ng
sekondarya sa Udi na sona ng edukasyon. Siyam na paaralan ang pinili nang pasumala mula sa
dalawang daan at dalawampu’t-pitong (227) paaralan. May kabuuang tatlong daan at
apatnapu’t dalawang (342) mag-aaaral sa sekundarya ang bumuo ng sampol ng pag-aaral. Ang
isang 20-item stereotype na self-concept questionnaire (SSSCQ) ng mga mag-aaral ay inangkop
mula sa Self Descriptive Questionnaire II (SDQII) ni Marsh, at isang 10-item na Student’s
Mathematics Achievement Test (SMAT) ay binuo ng mga mananaliksik matapos suriin ang
kaugnay na panitikan. Ginawa ito sa tulong ng mga eksperto sa larangan. Ang mga instrumento
ay pinagtibay upang magamit para sa koleksyon ng mga datos. Sa pag-aaral ng mga datos,
ginamit ang mean at standard deviation sa pagsagot sa mga katanungan sa pananaliksik habang
ginamit ang mga questionnaire sa pagpapatunay sa apat ng palagay o kuro-kuro. Ang mga
natuklasan sa pag-aaral ay nagpapahiwatig na ang esterotipiko ng kasarian ay may
makabuluhang impluwensya sa konsepto ng sarili ng mga mag-aaral at akademikong tagumpay
na pabor sa mga mag-aaral na lalaki. Sa kabilang banda, ang lokasyon ng paaralan ay may
makabuluhang impluwensya sa nakamit ng pang-akademiko tagumpay ng mga mag-aaral ngunit
walang makabuluhang impluwensya sa konsepto ng sarili ng mga mag-aaral.

You might also like