You are on page 1of 2

METODOLOHIYA

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gagamit ng kwantytatib na metodolohiya

sa pananaliksik upang makuha ang tama at ang mga nararapat na

datos. Ito ay angkop na disenyo sapagkat layunin ng mga

mananaliksik ay masuri at malaman ang Pagkabihasa sa paggamit ng

Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Mayoryang Filipino ng Surigao

State College of Technology. Gagawa ang mga mananaliksik ng isang

pagtataya o assessment para sa mga respondante ng pananaliksik.

Ang disenyong ito ang pinakaangkop gamitin sapagkat mas madaling

kumuha ng kinakailangang datos mula sa maraming bilang ng mga

respondante at Ito ang pinaka epektibo at madaling paraan upang

matapos ang isasagawang pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay

kukuha lamang ng mga respondante o tagatugon na kabilang sa mga

mag-aaral ng BSED Filipino partikular na sa (80) walompung piling

mag-aaral na respondente na sasagot sa isasagawang pagtataya o

assessment patungkol sa pananaliksik.

Sa pag-aaral na ito, ang mga respondente ay galing sa mga

departamento ng edukasyon partikular na sa mga estudyante ng

Bachelor of Secondary Education (BSED) Mayoryang Filipino. Ang

mga respondente ay humigit kumulang sa dalawampung (20) piling

mag-aaral ng bawat baitang sa nabanggit na kurso. Ang walompung

tagatugon ang sasagot sa pagtataya hinggil sa nabanggit na

desinyo na gagamitan ng kwantytatib at kwalytatib na sagotan.


PROSESO SA PAGKUHA NG MGA DATOS SA MGA RESPONDENTE

Sa bawat baitang ay kukuha ng sampung respondente. Bibigyang

pagtataya hinggil sa nabanggit na pananaliksik. Inaasahang

masasagutan ang mga katanungan ng walang anumang pagtuturo dito

upang mapatunayan ang kanilang pagkabihasa sa paggamit ng Wikang

Filipino. Pagsasama-samahin at pag-aaralan ng maigi ang kanilang

mga tugon at ilalatag ang kabuuang resulta ng kanilang mga sagot.

RESULTA AT TALAKAYAN

Makikita sa kabanata na ito ang pag-aanalisa at pagbeberepika ng

mga nakalap na datos batay sa mga suliraning inilahad sa unang

kabanata.

PROPAYL NG MGA TAGATUGON

Makikita sa table 1 ang bilang at porsyento ng mga tagatugon ayon

sa kanilang demograpikong propayl.

FREQUENCY AND PERCENTAGE ay ginagamit sa pagsagot ng talahanayan

1 buhat sa unang bahagi ng talatanungan hinggil sa propayl ng mga

tagatugon.

You might also like