You are on page 1of 3

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa resulta ng National Career

Assessment Examination at pagpili ng track/strand ng mga mag-aaral na nasa

baitang 11 ng Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas.

Hangad ng pag-aaral na ito ang malaman kung sinunod ba o tugma ang naging

resulta ng eksaminasyon sa track/strand na napili ng mga mag-aaral. Ang

sinabing pananaliksik ay sumailalim sa quantitative method at ginamitan ng

purposive sampling para sa seleksiyon ng mga respondente. Saklaw ng pag-

aaral na ito ang mga mag-aaral ng nasa pang-akademikong kurso upang

kuhanan ng resulta ng National Career Assessment Examination kung saan

inalam ng mga mananaliksik ang naging resulta ng eksaminasyon ng mga mag-

aaral na nasa strand ng Accountancy and Business Management o ABM,

Humanities and Social Sciences o HUMSS, at Science, Technology, Engineering

and Mathematics o STEM. Ang pag-aaral na ito ay nagtataglay ng mga

impormasyon ukol sa resulta ng National Career Assessment Examination ng

mga mag-aaral at magsislbing datos upang malaman kung akma ba ang kursong

napili sa naging resulta ng eksaminasyon.

Ang mga mananaliksik ay humanap ng kaugnay na literatura at pag-aaral

na naging basehan ng pag-aaral. Ang bawat gawain ay ipinapatsek sa gurong

naitalaga para sa naturang pananaliksik. Matapos pag tibayin ang paksa, ito ang

naging batayan ng mga mananaliksik para makabuo ng mga talahanayan ayon

sa pag-alam ng porsyentong mga mag-aaral sa mga kinuhang kurso at

ipinabalideyt at ipinapatsek sa kanilang guro sa pananaliksik. Kaya naman, ang


talahanayan at liham tungkol sa pagsasagawa ng pag-aral sa naturang paaralan

ay pinaaprubahan sa punong guro ng paaralan.

Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mas nangibabaw na track/strand batay sa naging resulta ng

National Career Assessment Examination?

a) STEM

b) ABM

c) HUMSS

2. Tugma ba ang naging resulta ng iyong NCAE sa kursong napili mo

ngayon?

3. Mula sa resulta ng pag-aaral, ano ang naging implikasyon ng guidance

program sa mga mag-aaral ng Irineo L. Santiago National High School of

Metro Dadiangas.?

Ginamitan naman ito ng deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik na kung

saan pagkatapos makuha ang mga datos o impormasyon ng naturang pag-aaral

ay ipapaliwanag ito ng mga mananaliksik kung kaya ang mga tanong ay nakatala

na nang maayos. Ang instrumentong ginamit naman sa pag-aaral na ito ay

documentary analysis kung saan ang mga resulta ng nakalap ng

mgamananaliksik ay pinag-aralan at ginawang basehan kung nagtugma ba ang

resulta ng National Career Assessment Exam at kursong napili ng mga mag-

aaral.Ginamit din ang percentage sa pagkuha ng porsyento kung saan ang parte

ay hinati sa kabuuan at i-multiply sa 100. Batay sa ginamit na instrumento,


nalaman ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga mag-aaral na nagtugma at

hindi nagtugma na mga resulta base sa eksaminasyon ng National Career

Assessment Examination. Kaya inirekomenda ngpag-aaral na ito sa mga mag-

aaral na ang mga kursong kukunin ay dapat may kaugnayan sa mas nangibabaw

base sa naging resulta ng kanilang National Career Assessment Examination

dahil ditto sila mas medaling nakakakuha ng mga kaalaman na magpapabuti,

magpapahusay at magpapahasa sa kanilang nangibabaw na larangan.

You might also like