You are on page 1of 2

KabanatA III

Disenyo at paraan ng pananaliksik

DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pag – aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang
deskriptib – analitik. Ayon sa mga pag – aaral , ang deskriptib analitik na
pananaliksik aay para makalikom ng mga datos gumagamit ito ng survey
questionnaire o talatanungan. Para rin ito sa mga baguhang mananaliksik
dahil di ito nangangailangan ng paggamit ng masalimuot na gamit ng
istatistik. Ang disenyong ito ang pinaka angkap na gamitin para sa pag –
aaral na ito sa pag – alam ng preperensyang mga piling mag – aaral ng
Grade - 12 ng University of Batangas hinggil sa sa kursong kukunin nila sa
kolehiyo dahil mas maraming datos ang makukuha mula sa tatlumpung
respondent. Pinili ng mga mananaliksik ang pag – aaral na ito sapagka’t
nabatid na kailangang masukat ang porsiyento ng bawat katanungang
dapat ilahad sa mga respondente.

RESPONDENTE
Ang mga piniling respondent sa pag – aaral na ito ay mga mag – aaral
sa University of Batangas na sa Grade – 12 Senior High School. Pinili ang
mga mag – aaral ng Grade – 12 galing sa iba’t ibang strand na ABM, STEM,
TECH – VOC at GAS dahil hinahanda na sila pagdating ng kolehiyo ukol sa
pagpili ng kurso.

INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Ang pag – aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.
Ang mananaliksik ay maghahanda ng sarbey – kwestyoner na naglalayag
makapangalap ng mga datos upang masuri ang preperensya ng mga mag –
aaral ng G12 ng University of Batangas hinggil sa kursong kukunin nila sa
kolehiyo. Ang sarbey kwestyoner ay binubuo ng dalawang bahagi. Propayl
ng respondente at tungkol sa preperensya ng mga mag – aaral ng G12 ng
University of Batangas hinggil sa kursong kukunin nila sa kolehiyo.
Magsasagawa rin ang mananaliksik ng pangangalap ng impormasyon
mula iba’t ibang hanguan sa aklatan. Kukuha rin ang mananaliksik ng mga
impormasyon sa internet.

TRITMENT NG DATOS
Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag – aaral
lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng digri. Walang
gagawing pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag – aaral na ito
sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatisktikal na pamamaraan
Bilang o dami lamang ng pipili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem
sa kwestyoneyr ang aalamin ng mananaliksik
Samakatuwid ang pagtatally at pagkuha ng porsyento lamang ang
gagawin ng mga mananaliksik.
Gagamitin ang pormula sa pagkuha ng porsyento
P = f/N x 100
Kung saan:
P – Porsyento
F – Prikwensi
N – Kabuuang Respondente

You might also like