You are on page 1of 4

KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at

paglalarawan sa mga hakbang na isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan nnng mga

walong pangunahing wika at wikang cultural. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik

at a ng linggwistikang pagsusuri ng mga walong pangunahing wika at wikang kultural.

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na

gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey

questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang

disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula

sa maraming respondent.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng

disenyong ito sy hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung

kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kungsaan

maari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng

mga datos at impormasyon.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na

magiging mabisa sa pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging

epektibo sa pananalisksik.
B. LOKASYON NG PAG AARAL

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa isang unibersidad na kilala bilang University of

Perpetual Help System Laguna Isabela na matatagpuan sa bayan ng Cauayan City.

Dalawampu (20) na kabataan na nasa kursong pang-edukasyon ang kasangkot sa pag-aaral na

ito.

C. ANG MGA RESPONDENTE

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang

“Pagtangkilik ng Wikang Filipino sa Makabagong Henerasyon ng mga Kabataan” ginamit

ang simple random sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay malaya mula sa

kinabibilangan nitong grupo.

Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na kabataan na

kabilang sa mga kursong pang-edukasyon na nasa unang taon ng Bachelor of Elementary

Education at Bachelor of Secondary Education sa University of Perpetual Help System

Laguna Isabela. Nahahati sa dalawang pangkat ang kursong Bachelor of Elementary

Education at Bachelor of Secondary Education, malayang pumili ang mananaliksik nang

dalawampung (20) mag-aaral na maaring kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

D. PARAAN NG PANGANGALAP NG MGA DATOS

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na

maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng

ipipresentang datos.

Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa

mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula ngayong
kabuuang buwan ng Abril ng taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay sinagawa ng

isang araw kung saan maalwan na oras para sa mga mag-aaral.

Upang masiguro ang impormasyong nakalap ay nagsagawa ng interbyu ang

mananaliksik sa mga kabataan na nag-aaral sa nasabing unibersidad.

E. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng online survey questionaire bilang pangunahing

instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay

nahahati sa dalawang pangkat: ang profile at ang survey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang

survey ay nagbigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga mag-aaral kung sa papaanong paraan

makakatulong ang youtube sa kanilang pag-aaral.

Narito ang sipi ng online survey questionaire upang lubos na maunawaan ang

komposisyon ng mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

https://docs.google.com/forms/d/e/

1FAIpQLSdFPgmOu6e6aV27JieAAE_O0GSikioni2mwBb0ATJDl_BwsUQ/viewform?

usp=sf_link

F. TRITMENT NG DATOS

Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondent na tumugon

sa talatanungan ay pinagsasama-sama. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa

mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga katanungang isinagawa sa

pakikipagpanayam ay lubos na pinag-isipan ng mga mananaliksik upang lubos na makuha

ang mga kasagutan at estratihikal na opinion ng mga kabataan na siyang susunod na

propesyunal sa larangan ng edukasyon. Sa pamamagitan naman ng online survey

nakapagtala ng sapat na datos ang mga mananaliksik. Isinagawa ang online survey sa mga
kabataan na nag aaral sa kolehiyo sa University of Perpetual Help System Laguna Isabela na

matatagpuan sa bayan ng Cauayan City. Sila ang aming napili dahil sila ang nakatalang

makakasagot sa pag-aaral na ito at upang mabusisi nila ng mabuti ang bawat katanungan.

You might also like