You are on page 1of 6

1

Mga Pananaw sa Pagkakaroon ng Iba’t-ibang Barayti ng Wika sa mga Piling Mag-

aaral ng Baitang 11 ng Senior High School sa Bais City National Science High

School

Isang Pananaliksik Bilang Bahaging Katuparan sa Asignaturang Komunikasyon

at Pananaliksik sa Kulturang Pilipino

Avril Nicole B. Acodesin

Kyth Regena B. Delos Reyes

Fryle Devon H. Deque

Marry Cris V. Dequiña

Lanz Matthew Bono A. Quirit

Kalleya Carmelle A. Tugdang

Kathryn P. Villanueva

GNG. EVA CHANDRINA P. TORREGOZA

Guro sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Kulturang Pilipino

Hunyo 2023
2

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina ng Titulo ------------------------------------------------------------------------------------------ 1

Talaan ng Nilalaman ------------------------------------------------------------------------------------ 2

A. Disenyo ng Pananaliksik -------------------------------------------------------------------------- 3

B. Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente ------------------------------------------------- 4-

C. Instrumento ng Pananaliksik ---------------------------------------------------------------------

D. Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos -------------------------------------------------------- 5-6

E. Tritment ng mga Datos ----------------------------------------------------------------------------- 6


3

Kabanata 3

Metodolohiya ng Pananaliksik

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga

mananaliksik na gamitin ang "Descriptive Survey Research Design", na gumagamit ng

talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang

mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang napili sapagkat mas

napapadali ang pagkalap ng datos mula sa mga napiling respondante.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang

uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga

talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito

sa pag-aaral kung saan maaari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon

upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na

magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makalap ng impormasyon na magiging

epektibo sa pananaliksik.
4

B. Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang

"Mga Pananaw sa Pagkakaroon ng Iba’t-ibang Barayti ng Wika sa mga Piling Mag-aaral

ng Baitang 11 ng Senior High School sa Bais City National Science High School".

Ginamit ang simple random sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay malaya

mula sa kinabibilangan nitong grupo.

Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral ng ika-11 na

Baitang ng Senior High School sa Bais City National Science High School, malayang

pumili ang mga mananaliksik ng apatnapu't lima (45) mag-aaral na maaaring

kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

Mag-aaral at tagasagot ng talatanungan mula sa ika-11 na Baitang ng Senior

High School sa Bais City National Science High School sa taong 2022-2023.

Ang kabuuang bilang ng mga sumagot ay apatnapu't lima (45) na mga mag-aaral

mula sa ika-11 na Baitang ng Senior High School sa Bais City National Science High

School. Ayon sa kasarian ng mga tagasagot, labing anim (16) sa mga sumagot ay lalaki

at dalawampu't siyam (29) naman ang mga babae.

Tatlumpu't tatlo punto tatlumpu't tatlong porsyento (33.33%) ng mga tagasagot o

labing lima (15) na mag-aaral ay mula sa pangkat ng Alcala, tatlumpu't tatlo punto

tatlumpu't tatlong porsyento (33.33%) naman ng mga tagasagot o labing lima (15) na

mag-aaral ay nagmula sa pangkat ng Maxwell, at tatlumpu't tatlo punto tatlumpu't

tatlong porsyento (33.33%) naman ng mga tagasagot o labing lima (15) na mag-aaral

ay nagmula sa pangkat ng Oersted.


5

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-

aaral upang masiguro na nauunawaan ng mga sasagot sa mga talatanungan ang bawat

bagay maging ang pagiging kompidensyal ng bawat datos upang maipahayag ang

kanilang nararapat at kailangang mga impormasyon.

C. Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire

bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral.

Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang profile at ang survey ukol sa

paksang pinag-aaralan. Ang survey ay nagbigay ng iba't-ibang persepsyon sa mga

mag-aaral sa kung paanong paraan nakaaapekto ang iba't-ibang barayti ng wika sa

kanilang mga pananaw.

Narito ang sipi ng survey questionnaire upang lubos na maunawaan ang

komposisyon ng mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

D. Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang

lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak

ang kalidad ng ipipresentang datos.

Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali

para sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mga mananaliksik ay

nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging

kompidensyal ng mga nakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang

mas makapagpahayag ang mga sasagot ng tanong.


6

Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula Pebrero hanggang sa Hunyo ng taong

kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay sinagawaw ng isang araw kung saan

maalwan ang oras para sa mga mag-aaral.

E. Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay hindi lamang nagsisilbing pagsasanay para sa

mga mananaliksik para sa susunod pang panahon, ngunit ito rin ay panimulang pag-

aanalisa upang mapagtuunan ng atensyon ang mga isyung hindi gaanong nabibigyang

pansin sa lipunan. Ang mga katanungang isinagawa sa pakikipanayam ay lubos na

pinag-isipan ng mga mananaliksik upang lubos na makuha ang mga kasagutan at

estratehikal na opinyon ng mga taong propesyonal sa larangan ng sining. Sa

pamamagitan naman ng sarbey nakapagtala ng sapat na datos ang mga mananaliksik.

Mabilis lamang na naisagawa ang pagta-tally dahil sapat at katamtaman lamang ang

dami ng mga respondente. Isinagawa ang sarbey sa mga estudyante sa ika-11 na

Baitang ng Senior High School sa Bais City National Science High School. Ito ay upang

mas mapaliit ang saklaw ng grupo ng mga respondente at ito'y mabusising mapag-

aralan bilang isang panimulang pagpasok sa pag-aaral ng mga isyu patungkol sa

sining.

You might also like