You are on page 1of 7

Surigao State College of Technology

GRADUATE SCHOOL
Surigao City

DAHILAN NG PAGLIBAN SA KLASE NG MGA MAG-AARAL


SA MATAAS NA PAARALAN NG MANJAGAO

SA TAONG 2020-2021

LAWAK NG PANANALIKSIK (Research Methodology)


Paglalahad ng Suliranin

Ang pagsasaliksik na ito ay nagsasalaysay sa mga dahilan ng

pagliban sa klase ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan ng

Manjagao.

Ang mga tagatugon ay kailangang sagutin ang mga katanungan

sa ibaba para sa impormasyon ng mga mananaliksik.

1. Ano ang socio-demographic profile ng mga tagatugon?

2. Ilang beses kaya lumiliban sa klase ang mga mag-aaral?

3. Ano-ano ang mga dahilan ng pagkacutting classes ng mga mag-

aaral?

4. Ano-ano ang mga epekto ng pagkacutting classes sa pang-

akademikong pagganap ng mga mag-aaral?

Konseptwal na Balangkas
Ang balangkas na ito ay ibinase sa sumusunod na pag-aaral sa

relasyon sa pagitan ng mga larong mobile at ang epekto nito sa

mga mag-aaral habang sila ay nasa loob ng silid-aralan.

Mga
Larong
Mobile

Gamification Heuristikong Negatibong Positibong Kakayahang


Ebalwasyon Epekto Epekto Maglaro

Problema sa Maling akala Gaming


Kalusugan ng mga Disorder
Magulang

Daloy ng Metodolohiya
Desinyo ng Pag-aaral

Ang mga mananliksik sa kanilang pag-aaral ay nagpatibay sa

case study bilang disenyo ng pag-aaral na gagamitin sa

qualitative research dahil naniniwala ang mga mananaliksik na sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito ay malalaman nila ang mga dahilan

ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan ng

Manjagao.

Lokasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mataas na paaralan ng

Manjagao na makikita sa Barangay Manjagao lungsod ng Surigao.

Tagatugon ng Pag-aaral

Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay animnapu (60) na

mag-aaral. Bawat baitang mula sa Junior high school hanggang

Senior high school ay mayroong sampu (10) na tagatugon na mula sa

Mataas na Paaralan ng Manjagao taong 2020-2021.

Instrumento sa Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sariling mga katanungan na

may konektado sa mahahalagang detalye sa mga kaugnay na

literatura at pag-aaral.

Unang Bahagi:

Naglalahad ng mga komponents at pagbibigay ng mga dahilan

kung bakit lumiliban sa klase ang mga mag-aaral ng Mataas na


Paaralan ng Manjagao. Ang mga tagatugon ay nagpapahayag ng

kanilang ideya at opinyon pati na rin ang pagtatapat kung sila

gumagawa nito at ilang beses nila itong ginagawa.

Hakbang sa Paglilikom ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay nagpadala ng sulat pahintulot sa

punong guro ng Mataas na Paaralan ng Manjagao para mabigyan ng

talaan ng opisyal na naka-pag-enroll na mga mag-aaral sa taong

2018-2019.

Estatistikal na Pagsusuri ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng ( availability sampling ) na

kung saan ang kagustuhan ng tao bilang iyong tagatugon na

makipagtulungan sa inyo at yung mga walang ginagawa na puwedeng

sumagot sa mga katanungan ng ibinigay sa kanila ng mga

mananaliksik tungkol sa mga dahilan ng pagkacutting classes ng

mga mag-aaral ng Manjagao National High School.

Ang populasyon ng baitang VII ay tatlumpo’t-walo (38), ang

baitang VIII ay limampu (50), at ang baitang IX ay tatlompu (30),

at sa baitang X ay tatlumpo’t-siyam ( 39), at ang baitang XI ay


apatnapu (40), at ang baitang XII ay dalawampu’t-anim (26) at ang

kabuoang bilang ng populasyon ng mga mag-aaral sa Manjagao

National High School ay dalawang daan dalawampu’t-tatlo (223).

Ang mga mananaliksik ay pumili ng sampung (10) tagatugon sa bawat

baitang at ang kabuoang bilang ng tagatugon ay animnapu (60).

Edad ng mga Tagatugon

Mula animnapung (60) tagatugon, mayroong labing-isa (11)

mula sa edad na 12-13 taong gulang at labingsiyam (19) mula sa

edad na 14-15 taong gulang at panghuli ang tatlumpu (30) mula 16-

18 taong gulang.

Kasarian ng mga Tagatugon

Mula sa animnapung tagatugon, ang karamihan ay mga babae.

You might also like