You are on page 1of 39

35

5, at Baitang 6 mula sa piling paaralan na matatagpuan sa

distrito ng Bacon.

Talahanayan 2
Antas na Kasanayan sa Panulat-Liham Pangkaibigan ng
mga Mag-aaral

Baitang 4 Baitang 5 Baitang 6


Varyabol
Antas Desk. Antas Desk. Antas Desk.
Nilala 3.28 May 3.81
Man Katamtamang Maalam 3.93 Maalam
Kaalaman
Mekaniks 2.88 May 3.63
Maalam
katamtamang 3.46 Maalam
kaalaman
Organisa 3.53 Maalam 3.46
Maalam 3.96 Maalam
syon
Kabuoan 3.23 May 3.63
katamtamang Maalam 3.78 Maalam
Kaalaman
(1.00- 1.80- Walang kaalaman 1.81-2.60- Hindi gaanong maalam 2.61-3.40- May
Katamtamang
kaalaman 3.41-4.20- Maalam 4.21-5.00- Maalam na maalam)

Makikita sa Talahanayan 2 ang antas na kasanayan sa

panulat-liham pangkaibigan ng mga mag-aaral sa intermediya

kaugnay sa nilalaman, mekaniks at organisasyon. Sa Baitang

4, ang nilalaman ay may mean na 3.28 na may deskripsyon na

may katamtamang kaalaman, 2.88 mean sa mekaniks na may

deskripsyon na may katamtamang kaalaman samantalang 3.53

mean sa organisasyon na may deskripsyon na maalam. Sa

resultang lumabas, nangangahulugang may katamtamang kaalaman

ang mga mag-aaral sa Baitang 4.


36

Sa Baitang 5 naman, ang antas ng kasanayan sa panulat-

liham sa nilalaman ay 3.81 ang mean na may deskripsyon na

maalam, gayundin 3.63 sa mekaniks na may deskripsyon na

maalam samantalang 3.46 ang mean sa organisasyon na may

deskripsyon na maalam. Samakatuwid, ang mga mag-aral na mula

sa Baitang 5 ay may kabuuan itong maalam.

Samantalang mula sa Baitang 6, 3.93 ang nilalaman na

may deskripsyon na maalam, 3.46 ang mean sa mekaniks at may

deskripsyo na maalam. At 3.96 naman ang mean ng organisasyon

na maalam ang deskripsyon. Sa natuklasang datos ang baitang

6 ay may kabuang 3.78 ang mean na may deskripsyon na maalam.

Ipinakita rin sa resulta na hindi nagkakalayo ang antas

ng kasanayan sa panulat-liham pangkaibigan ng mag-aaral mula

sa Baitang 4, Baitang 5, at Baitang 6 pagdating sa pagbuo ng

nilalaman ng liham. Ipinapakita lamang nito na alam kung ano

ang sasabihin sa kanilang mga ginagawang panulat para sa

kanilang mga kaibigan. Subalit kailangan pa rin na malinang

sa mga mag-aaral ang lubos na pagkatuto sa kung paano

mabubuo ang liham pangkaibigan. Pagdating naman sa varyabol

na mekaniks, kinakailangan pa ring linangin ang kanilang

kasanayan. Kailangan pa rin maalam sa mga mekaniks na dapat

tandaan sa pagsulat ng liham. Katulad halimbawa ng Baitang

4, hindi pa gaanong maalam sa paggamit ng mekaniks. Lumabas


37

sa naging pag-aaral na hindi pa gaanong nalilinang ang

kanilang Ortograpiyang Filipino. Nakakalimutan pa rin ang

mga tuntunin na dapat tandaan sa tamang paggamit ng bantas,

pagbaybay, hindi pamilyar sa wastong gamit ng wika at

estruktura ng pangungusap. Nangangahulugan lamang na

kailangan pa ang marubdob na pagtuturo at pagsasanay sa

lubos na pagkatuto nito. Sa varyabol na organisasyon ang

tatlong (3) baitang ay maalam na rito. Subalit kailangan pa

ring linangin ito para sa mas lalong pagkatuto ng mga mag-

aaral.

Sa kabuuan ang antas ng kasanayan sa panulat-liham ng

mga mag-aaral sa intermediya ay hindi pa ganap na nalinang.

Nangangahulugan lamang ito ng ang kawalan ng sapat na

kaalaman ng mga mag-aaral sa ortograpiyang Filipino ay dapat

mapagtuunan ng pansin.

Pinatunayan ito ng pag-aaral ni Barnedo (2011) na

dapat paglaan ng mahabang oras ang pagpapatupad ng

ortograpiya at pagtuturo nito. Nabatid din na ang

organisasyon ang may mataas na kaalaman sa panulat-liham.

Ito’y nagpapakita na ang mga mag-aaral ay kilala at alam ang

lohikal ng bahagi ng liham pangkaibigan. Nagagamit nila ito

sa kanilang pag-aral lalo na sa pasulat kaya naging mataas

an resulta ng organisasyon.
38

2. Pagkakaiba ng Antas ng Kasanayan sa Panulat-liham ng mga


Mag-aral.

Inilalarawan dito ang kaibahan ng antas ng kasanayan sa

panulat-liham ng mga mag-aaral na Baitang 4, Baitang 5, at

Baitang 6 sa pagbuo ng nilalaman.

Talahanayan 3A
Pagkakaiba ng Antas ng Kasanayan sa Panulat -Liham ng mga
Mag-aaral ayon sa Nilalaman

Statistical Statistical Analyses


Bases Baitang 4 Baitang 5 Baitang 6
Level of 0.05 0.05 0.05
Significance
Degree of 2 2 2
freedom
Critical x2.05 5.99 5.99 5.99
computed x2 2.33 10.181 12.55
value
Decision on Do not reject reject Reject
Ho
Conclusion Not significant significant
significant

Makikita sa talahanayan 3A na ang computed chi-square

value na 2.33 na mas mababa sa critical value na 5.99. Ito’y

sinubok na sa 5% lebel ng pagpapahalaga na 2. Samakatuwid,

may pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa panulat-liham ng


39

mga mag-aaral mula sa Baitang 4 ayon sa nilalaman,

nangangahulugan lamang ito na hindi rejek ang hipotesis.

Pigura 1: Halimbawang liham na hindi-gaanong sanay sa


nilalaman

Ang implikasyon lamang nito ay hindi handa ang mga mag-

aaral sa panulat-liham at ito ay dulot sa iba’t ibang

dahilan. Una, kulang ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng

kaisipan at kaisahan ang ginamit na mga detalye sa uri ng

liham. Pangalawa, kakulangan sa mga kagamitan tulad ng mga


40

sanayang aklat at iba pang pagsasanay sa paglinang ng

kakayahan pasulat ng mga mag-aaral. Pangatlo, kakulangan sa

interes o hilig ng pagsulat ng liham. Marahil ito’y dahil sa

pagsulputan ng mga makabagong teknolohiya na mas

kinahihiligan ng mga mag-aaral tulad ng games apps at hindi

ang kasanayang panulat.

Gayunpaman, wala ring pagkakaiba ang antas ng kasanayan

sa panulat-liham ng mga mag-aaral ng Baitang 5 at Baitang 6.

Pinatunayan ito ng resulta ng computed chi-square value na

10.181 at 12.55 mas mataas kaysa sa kritikal value na 5.99

kapag ang antas ng pagpapahalaga ay 2 sa 0.05 level of

significance. Ang ibig sabihin nito ay buo ang kaisipan at

may kaisahan ngunit hindi lahat ng detalye ay ginamit sa

pagsulat. Maaaring mayroon ng dating kaalaman ang mga mag-

aaral sa pagbuo ng nilalaman ng pagsulat ng liham.

Ayon naman sa pag-aaral ni Felonia (2021) ay nahaharap

sa panahong pinakamirap upang malinang ang mga makrong

kasanayan lalo na ang pagsulat, dapat pa rin nating

isaalang-alang ang mga paraan at estratehiya ng pagsulat

upang magkaroon ng magandang kinalabasan ang pagsulat ng mga

mag-aaral. Sa mga unang yugto ng pagtuturo ng pagsulat,

tinuturuan ang mga mag-aaral sa pagsulat ng mga titik na


41

halos kasabay ng pagkatuto nila ng pag-uugnay ng tunog sa

nakasulat na simbolo nito.

Talahanayan 3B
Pagkakaiba ng Antas ng Kasanayan sa Panulat Liham ng mga
Mag-aaral ayon sa Mekaniks

Statistical Statistical Analyses


Bases Baitang 4 Baitang 5 Baitang 6
Level of 0.05 0.05 0.05
Significance
Degree of 2 2 2
freedom
Critical x2.05 5.99 5.99 5.99
computed x2 9.88 14.46 0.04
value
0.0Decision Reject Reject Do not reject
on Ho
Conclusion Significant significant Not
significant

Makikita rin sa Talahanayan 3B, mula sa Baitang 4 at

Baitang 5 na ang chi square na 9.88 at 14.46 computed value

na mas mataas kaysa kritikal value na 5.99, ito’y sinubok sa

5% na may pagpapahalaga na 2. Rejek ang hipotesis. Ibig

sabihin may pagkakatulad sa antas ng panulat ayon sa

mekaniks ng mga mag-aaral ng Baitang 4 at Baitang 5.

Samantala, may pagkakaiba sa Baitang 6 ayon sa mekaniks ng

pagsulat ng liham ng mga mag-aaral dahil may computed value

ito na 0.04 mas mababa kaysa sa kritikal value na 5.99. Ito


42

rin ay sinubok na may 5% level of significance na may

pagpapahalaga na 2. Ang ibig ipakahulugan nito ay hindi

rejek ang hipotesis.

Pigura 2: Halimabawang liham na hindi gaanong-sanay sa mekaniks

Batay sa naging resulta ng pag-aaral ay natuklasan na

kahit mataas ay mayroon pa ring mga mag-aaral na nakakuha ng

nasa mababang iskor. Kung kaya’t kailangan pa rin pagtuunan

ng pansin upang mapaangat ang kakayahan sa gramatika ng mga

mag-aaral. Magpapaangat ang karunungan sa tamang paggamit ng

bantas sa pag-aral ng panulat-liham sa nasabing kasanayan

upang mas lubusang maunawaan at mapatnubayan ang mga mag-


43

aaral sa tamang paggmit ng bantas. Nangangahulugan lamang

ito na kapag may kakayahan ang isang mag-aaral sa paggamit

ng gramatika at bantas ay tuluyang uunlad ang pagkatuto at

pang-unawa ng mga mag-aaral sa pagsulat ng liham. Ang

implikasyon ng pananaliksik na ito ay dapat ang mga guro ay

kinakailangang may kamalayan sa makabagong kalakarang

pangwika upang makagawa ng mga gawain sa sumasaklaw sa

pagpapataas ng kawilihan ng mga mag-aaral sa pagsulat.

Binanggit sa Binagong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang

Filipino (2013) sa pahayag ni Virgilio S. Almario na ang

gabay ng wikang Filipino ay binubuo ng mga tuntunin kung

paano sumulat gamit ang wikang Filipino. Ninanais

palaganapin sa gabay na ito ang estandarisadong mga grapema

o pasulat na mga simbolo, bantas at wastong gamit ng wika at

estraktura ng pangungusap.

Talahanayan 3C
Pagkakaiba ng Antas ng Kasanayan sa Panulat -Liham ng mga
Mag-aaral ayon sa Organisasyon

Statistical Statistical Analyses


Bases Baitang 4 Baitang 5 Baitang 6
Level of 0.05 0.05 0.05
Significance
Degree of 2 2 2
freedom
Critical x2.05 5.99 5.99 5.99
computed x2 2.88 10.52 5.53
value
44

0.0Decision Do not reject Reject Do not reject


on Ho
Conclusion Not significant Not
significant significant

Makikita naman sa Talahanayan 3C ang antas sa

panulat- liham ng mga mag-aaral ayon sa organisasyon. Sa

Baitang 4, may computed value na 2.88 na mas mababa kaysa sa

5.99 sa kritikal value na 5.99 kapag ang antas ng may

pagpapahalaga na 2 sa 5% level of significant. Hindi rejek

ang hipotesis. Sa baitang 5, may computed value na 10.52 mas

mataas critical value na 5.99, ang antas ng may

pagpapahalaga na 2 sa 5% level of significance samakatuwid

ang hipotesis ay rejek. Sa Baitang 6, may computed value

5.53 na mas mababa sa critical value na 5.99, ang antas na

pagpapahalaga na 2 sa 5% level of significant. Ang ibig

sabihin nito ay hindi rejek ang hipotesis kung kaya’t may

pagkakaiba sa antas ng kasanayan sa panulat ayon sa

organisayon.
45

Pigura 3: Halimbawang liham na may katamtamang


kasanayan sa organisasyon

Ipanapakita ng naging resulta ng pag-aaral na kailangan

pa ring matuto ang mga mag-aaral sa pag-oorganisa ng mga

ideya sa pagbuo ng liham. Ang kakulangan sa mekaniks sa

pagsulat ng liham ay may malaking ambag sa pag-oorganisa

din ng isang ideya sa isang panulat.Dahilan ito upang hindi

makabuo ng mmas maayos na organisasyon ng nilalaman ng isang

liham.

Pinatunayan ito ng pag-aaral ni De La Cruz (2019),

hindi gaanong mahusay ang mga mag-aaral sa pagpapahayag ng

ideya. Nangangailangan ang mga mag-aaral ng tulong sa

pagsusunod-sunod ng mga bahagi ng pangungusap, pag-oorganisa

ng mga ideya, paggamit ng angkop na salita sa pagpapahayag,

tuwid na paggamit ng wikang Filipino, wastong paggamit

maliit at malaking titik, paggamit ng bantas, pagbabaybay,

wastong paggamit ng dalawang katinig at patinig na

magkatunog.
46

3. Suliraning Kinakaharap ng mga Mag-aaral at Gurong


Tagapayo sa Paglinang ng Kakayahang Pasulat ng mga Mag-aaral
sa Intermediya
Isinasaad sa bahaging ito ang mga suliraning

kinakaharap ng mga mag-aaral at mga gurong tagapayo mula sa

limang (5) mababang paaralan ng Silangang Bacon at lima (5)

paaralan mula naman sa Kanlurang bahagi ng Bacon sa kanilang

kaalaman sa paglinang ng kakayahang pagsulat ng liham.

Talahanayan 4A

Suliraning Kinakaharap ng mga Mag-aaral

Suliranin f Rango

a. Kakulangan ng mga kagamitan tulad ng modyul, 18 1


mga sanayang aklat at iba pang pagsasanay sa
paglinang ng kakayahang pasulat ng mga mag-
aaral
b. Kakulangan sa interes o hilig sa pagsulat ng 17 2
liham
c. Kakulangan sa oras 16 3.5

d. Kakulangan sa kasanayan sa gramatika at pag 16 3.5


organisa ng mga salita.
e. Kakulangan sa mga kasanayan sa pagsulat 15 6
f. Limitadong pagsasanay sa mekaniks sa 15 6
pagsulat.
g. Kakulangan sa tiwala sa sarili 15 6
h. Hindi sapat ang kaalaman sa pagsulat ng 8 8
liham pangkaibigan
47

Ipinakita sa talahanayan 4 ang mga suliraning labis na

nakakaapekto sa kanilang pagkatuto sa kasanayang pagsulat.

Nanguna sa suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral ay ang

kakulangan ng mga kagamitan tulad ng modyul, mga sanayang

aklat at iba pang pagsasanay sa paglinang ng kakayahang

pasulat ng mga mag-aaral ayon ito sa sagot ng 18 respondent.

Malaking sagabal sa isang pagsulat ang kakulangan ng mga

gagamitin sa pagsusulat. Ang kakulangan sa materyal na

maaaari nilang basahin at pagbatayan ay may malaking epekto

sa hindi pagkatuto ng isang mag-aaral na sumulat. Dahil dito

hindi gaaanong nagaganyak ang mga mag-aaral na magsulat at

alamin ang kanilang kakayahan sa pagsulat. Dahil din dito

hindi nila nagagawang malinang ang kanilang kakayahan sa

pagsulat.

Pangalawa, kakulangan sa hilig o interes sa pagsulat ng

liham ayon sa 17 respondent. Ang hindi pagkahilig ng isang

mag-aaral na magsulat ay may malaking ambag din sa hindi

pagkatuto sa pagbuo ng isang liham. Kung gayon, Kailangang

ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan na pagkatuto sa

pagsulat. Kinakailangan ding ipaalam na dapat malinang nila

ang kanilang kasanayan pasulat.

Ang kakulangan sa oras at kakulangan sa kasanayan sa

gramatika at pag-organisa ng mga salita mula sa sagot ng 16


48

na respondent ang ikatlong suliraning kinakaharap sa

pagsulat. Ang pagbibigay ng oras sa anumang gawaing pasulat

ay dapat na gawin. Kinakailangan ding bigyan ng atensyon ng

mga mag-aaral sa ang higit na pagpupunyaging malinang ang

kanilang balarila. Kapag masunod ng isang mag-aaral ang

maraming tuntuning kaugnay nito, tiyak na magiging magaan sa

kanyang ang pagsulat ng liham. Kahit na sinasabi na ang

pagsulat ay isa sa mga mahirap malinang ng isang tao,

sapagkat kinakailangang malaman at masundan ang bawat

proseso sa anumang uri ng pagsulat, gayundin ang layunin

nito.

Gaya nga ng sinabi ni Cabigao (2012) na ang agarang

pagbibigay-lunas sa mga suliranin ng mag-aaral sa pagsulat

sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan nang ito ay

matiyak na mabisa ay kailangan. Dapat na bigyang-pansin ito

upang makamit ang layunin sa bawat gawain.

Ilan pa rin sa suliraning nararanasan ng mga mag-aaral

sa pagsulat ng liham ay ang kakulangan sa mga kasanayan sa

pagsulat, limitadong pagsasanay sa mekaniks sa pagsulat, at

kakulangan sa tiwala sa sarili at hindi sapat ang kaalaman

sa pagsulat ng liham pangkaibigan mula ito sa sagot ng 15 at

8 respondent ayon sa pagkasunud-sunod.

Talahanayan 4B
49

Suliraning Kinakaharap ng mga Guro

Suliranin F Ranggo
a. Maraming gawaing pampaaralan 19 1.5
b. Kakulangan sa seminar-worksyap sa pagsulat 19 1.5
ng liham
c. Kakulangan ng mga kagamitan tulad ng 18 3.5
modyul, mga sanayang aklat at iba pang
pagsasanay sa paglinang ng kakayahang pasulat
ng mga mag-aaral.
d. Limitadong pagsasanay sa mga gawaing 18 3.5
pasulat
e. Kakulangan sa makabagong kamalayan sa mga 15 5
makabagong kalakarang pangwika
f. Kakulangan ng interes o motibasyon sa 11 6
nasabing Gawain

Sa kabilang dako, makikita naman na ang

pinakasuliraning kinakaharap ng mga guro hinggil sa

pagtuturo sa mga mag-aaral ng pagsulat ng liham ay maraming

gawaing pampaaralan at kakulangan sa seminar-worksyap sa

pagsulat ng liham mula sa sagot ng 19 na respondent.

Pangalawa, ang kakulangan sa mga kagamitan tulad ng modyul,

mga sanayang aklat at iba pang pagsasanay sa paglinang ng

kakayahang pasulat ng mga mag-aaral at limitadong pagsasanay

sa mga gawaing pasulat ayon sa 18 respondent.

Pangatlong suliranin ay kakulangan sa makabagong

kamalayan sa mga makabagong kalakarang pangwika mula sa

sagot ng 15 respondent. Ayon din sa 11 na respondent


50

suliranin din ang kakulangan ng interes o motibasyon sa

nasabing gawain

Ang implikasyon ng mananaliksik ay marapat lamang na

magkaroon ng sapat na paghahati-hati ng oras sa mga gawaing

pampaaralan upang bigyan ng pagpapahalaga ang pag-aaral ng

kasanayang pagsulat ng liham upang mas lalo pang mapaangat

ang antas, lawak at pang-unawa sa paggamit ng ortograpiyang

Filipino. Ang pagsulat ng liham ay hindi madaling gawin,

kailangan ng sapat na oras, panahon, kagamitan, at kaalaman

upang makakalap ng ideya na may kaugnay sa liham na

isusulat.

Kung gayon, dapat magkaroon ng mga pagsasanay ang mga

guro sa pagsulat at kinakailangan din ng partisipasyon ng

mga guro sa bawat palihan na ibinabahagi ng departmento ng

edukasyon upang mas mahasa at malinang ang kaalaman. Kapag

sapat ang kanilang kaalaman at kasanayan ng mga guro,

magiging mabisa din ang kanilang pagtuturo sa mga pag-aaral

sa pasulat ng liham, ito ay magagawa lamang kung sila ay

mayroong interes sa paggawa nito dahil sila ang gagabay sa

mga mag-aaral kung paano makabuo ng pag-aaral.

Samantala sa mga mag-aaral naman ang kawalan ng interes

ay maaaring dulot ng maraming impluwensya tulad ng

teknolohiya at kapaligiran na dapat pagtuunan din ng pansin


51

ng guro. Bukod pa rito, kailangan ng mga mag-aral ng

motibasyon at gabay ng mga magulang sa mga gawain ng

kanilang mga anak upang mabigyan ng sapat na tulong at

maging interesado sa paglinang sa aspekto ng pagsulat.

Malaking salik sa pagsulat ang kasanayan sa pagbasa. Sa

pamamagitan ng pagbabasa, nakakakuha ang mga mag-aaral ng

mga mahahalagng kaalaman. Ang mga kaalamang ito ang kanilang

batayan upang maipahayag nila ang kaalaman tungkol sa nais

nilang ipahiwatig sa liham, Kung walang sapat na kaalaman,

mahihirapang tunay ang mga mag-aaaral sa paglalahad ng

kanilang ideya. Ibig sabihin, ang kasanayan ng mag-aaral sa

pagbabasa ay isang salik rin na may malaking epekto sa

kasanayan nilang magsulat.

Hinggil dito, isinaad ni Recorba, et. al, (2003) na ang

pagbasa at pagsulat ay magkaugnay. Kapag may nabasang

impormasyon at may mga mahahalagang mga kaalaman, ang

sumunod na hakbang dito ay isulat ang mga ito upang

maibahagi sa iba.

Upang malinang ang kasanayan sa pagsulat, kailangan nating

harapin ang mga hamon nito. Sa pag-aaral ni Cabigao (2020)

na tumatalakay sa kahalagahan ng pagsulat at kung paano

huhusay sa larangang ito. Aniya, hindi pa kailanman huli ang

lahat para maging mahusay sa pagsulat. Kailangan lamang


52

aniya na simulan ang pagsasanay at huwag kailanman matakot

magkamali sapagkat mula rito magsisimula ang pagkatuto.

4. Learning Activity Sheets (LAS) o Dahon ng mga Gawain.


Isang gamit pampagtuturo at pampagkatuto sa sariling

pamamaraan ang Learning Activity Sheets o Dahon ng mga

Gawain sa Pagsulat ng Liham. Isa sa mga interbensyon nabuo

ng mananaliksik na siyang tutulong sa kakayahan ng mga mag-

aaral na mas mapabuti at mapaunlad ang kanilang pagkatuto sa

Pagsulat.

Isang malaking tulong din ang awtput na ito sa mga guro

na nagnanais na mapataas ang antas ng lebel sa kasanayan sa

pagsulat ng kanilang mga mag-aaral. Ito ay sistematikong

paraan upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa

pagsulat ng mga liham.

Nilalaman nito ang tatlo na saklaw na kasanayan sa

pagsulat - nilalaman, mekaniks at organisasyon.

Iba’t ibang mga gawain ang inilaan sa mga mag-aaral

upang mapunan ang kanilang kasanayan sa pagsulat. Nagbigay

din ng talakayan upang akma man sa kanila ipagawa ang mga

gawain. May mga halimbawa rin ang mga ito upang may modelong

maipakita sa mga mag-aaral. Gayundin, malalaman nila ang

tamang pagsulat ng liham.


53

Dahon ng mga Gawain

Learning
Activity
Sheets (LAS)
Dahon ng mga Gawain

Pagsulat ng liham
pangkaibigan
Judy Ann D. Albor
Guro III
54

TALAAN NG NILALAMAN

Nilalaman Pahina

Rasyonale . . . . . . . . . . . . . . . . . . 55

Pangkalahatang Layunin . . . . . . . . . . . 56

Mga Tiyak na Layunin . . . . . . . . . . . . . 56


55

Rasyonal

“Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anomang

kasangkapan maaaring magamit na mapagsasalinang mga nabuong

salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao sa layuning

maipahayag ang nasa isipan”. (Bernales, et al)

Lubhang suliranin ngayon ng mga mag-aaral ang unti-

unting pagkawala ng interes sa kasanayang pagsulat. Dahil

dito, ang Kagawaran ng Edukasyon ay isa sa mga

tagapagtaguyod ng mga proyekto at mga gawain na pinasimulan

ng Komisyon ng wikang Filipino (R.A 7722,1994). Ang mga

gawain ay dapat na maimungkahi sa elementarya at

sekondaryang paaralan upangmaayos na maitaguyod ang tamang

gamit ng wikang Filipino, at pamulatan ng pagpapaunlad ng

kulturang Pilipino. Ang pagbubuod ng mga gawain patungkol sa

wikang Pilipino ay lubos na makakatulong sa paghubog ng may

kapanagutan at mataas na pagkatuto ng wikang Pilipino. Sa

pag-aaral na isinagawa ay nalaman ang antas, lawak at mga


56

salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino.

Lumabas batay sa pag-aaral ng mananaliksik ang isang

panukala na maaaring makatulong sa pagbabahagi o pagtuturo

sa tamang gamit ng pagbabaybay, wastong gamit ng bantas ng

mga salita na lubusang nahihirapan sa kasanayang pagsulat.

Ang Learning Activity Sheets (LAS) o Dahon ng mga Gawain ay

sadyang makatulong at maging gabay ng mga guro sa Filipino

tungo sa paglinang ng mabisang pagsulat at magtataguyod sa

mga mag-aaral na mas mapabuti at mapaunlad ang kanilang

pagkatuto.

Pangkalahatang Layunin:

Ang Learning Activity Sheets (LAS) O Dahon ng mga

Gawain

ay naglayong mapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng liham ng

mga mag-aaral sa intermediya na nakatuon sa kasanayan sa

nilalaman, mekaniks, at organisasyon bilang mga mahahalagang

salik upang makabuo ng isang makabuluhang sulating pang-

akademiko.

Tiyak na layunin
57

1. Maibahagi sa mga mag-aaral ang wastong paggamit sa pag-

aaral ang pagsulat ng liham gamit ang nilalaman, mekaniks at

organisasyon.

2. Mapaunlad ang kakayayahan ng mga mag-aaral sa tamang

pagsulat, pagbasa at pangkomunikatibong pamamaraan gamit ang

pagbabaybay, wastong gamit ng mga salita, mga bantas at

pagkakasunod-sunod ng bahagi ng liham.

3. Mahubog ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng

liham at kahalagahan nito sa pag-aaral ng ortograpiyang

Filipino.

ASIGNATURA: Filipino KUWARTER:


BAITANG: Anim (6) PAMAGAT NG Nakasusulat ng sulating, liham
ARALIN:
pangkaibigan
a. uri / bahagi ng liham
pangkaibigan
b.mga saklaw sa pagsulat
(nilalaman, mekaniks at
organisasyon)

-
ag l
M ra o I. PAGLALAHAD NG ARALIN:
a ay
T !

Sa araling ito ay inaasahang magamit ninyo nang wasto ang


saklaw sa pagsulat ng liham pangkaibigan; nilalaman, mekaniks at
organisasyon at mga uri ng liham pangkaibigan.

LIHAM-ay nakasulat na komunikasyon para sa isang tiyak na taong


patutunguhan nito
.
LIHAM PANGKAIBIGAN- ay karaniwan komunikasyon sa pagitan ng
magkapatid, magkaibigan, mag- ina o mag-ama o sinuman sa kamag-
anak. Nangangamusta, nagbabalita, nag-aanyaya, bumabati sa
karangalan o tagumpay na natamo, kaarawan, nakikiramay o
nakikidalamhati sa isang namatayan ng mahal sa buhay ang layunin ng
liham pangkaibigan.
58

4. Liham na Pagtanggi- ipina[adala rin ito bilang sagot sa liham nga


nag-aanyaya. Kabaligtaran ito ng liham pagtanggap. Dito, nakasaad
ang pasasalamat sa pag-anyaya subalit tinatanggihan ito nah indo
makadadalo sa nasabing paanyaya. Mahalaga rin maiparating ito
para sa pagtiyak ng mga taong dadalo.

5. Liham na Pakikiramay- ipinapadala ito upang maiparating ang


pakikidalamhati o pakikiramay sa kalungkutang nararamdaman ng
sinulatan. Karaniwang ipinapadala ito sa taong namatayan.

6. Liham na Pagpapasalamat- ipinapadala ang liham na ito bilang


pasasalamat sa mga natanggap niyang tulong, materyal man o
hindi.

7. Liham na Paumanhin- ito ang liham na ipinapadala upng


iparating ang paghingi ng paumanhin sa pagkakanaling nagawa,
sinasadya man ito o hindi. Isinasaad din ito ang pangako na hindi na
mauulit ang ginawang pagkakamali.

Mga Bahagi ng Liham


1. Pamuhatan (heading)- binubuo ito ng opisyal na pangalan ng
tanggapan, adres, petsa. Isinusulat ito sa kaliwang bahagi ng papel.
2. Bating Panimula-(salutation) – ito ay pagbati sa sinusulatan.Ito
ay may bantas na kuwit. Karaniwan ginagamit ang mga sumusunod:
Halimbawa: Mahal na Ginoo/ Ginang/ Binibini, Mahal kong
Guro/kamag-aral/ Kaibigan/Magulang
3. Katawan ng Liham (Body of the letter)- ito ang tampok na
bahagi ng liham na nagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan.
59

Mga dapat tandaaan sa Pamitagang Pangwakas


a. inaangkop sa katungkulan o kalagayang panlipunan ng taong
sinusulatan.
b. ang antas ng pamitagng ipinahihiwatig sa bating pambungad ay
siya ring isinasaad sa pamitagng pangwakas.
Halimbawa:
Magalang na sumasainyo, Lubos na gumagalang, Ang iyong kaibigan
5. Lagda (Signature)- -binubuo ito ng pangalan, lagda ta poisiyon ng
lumiham

Nilalaman ng Liham

 Kaisahan ng mga ideya


Ang mga pangungusap ay umiikot sa iisang diwa. Walang
kaisahan ang liham kung maligoy ang mga ideyang ipinahayag ng bawat
pangungusap. Kailangang lahat ng pangungusap ay magkatulong-tulong
na mapalitaw ang kaisipang nais palabasin.

 Kaugnayan sa Paksa
Kailangang magkaugnay ang mga pangungusap upang
magpatuloy ang daloy ng diwa mula sa simula hanggangsa dulo ng
pahayag.

Mekaniks
60

2. Panatilihin ang baybay sa bagong hiram na salita mula sa Espanyol,


Ingles at iba pang wikang banyaga.
Halimbawa:
Xerox, Facebook

3. Panatilihin ang baybay sa mga pangngalang pantangi na hiram sa


wikang banyaga.
Halimbawa:
Charles, St. Joseph, Jennifer, Feliza

4. Panatilihin ang baybay sa mga katawagang siyentipiko at teknikal


Halimbawa:
Carbon dioxide, quorum, zygote

5. Panatilihin ang baybay sa mga salit na mahirap dagliang baybayin.


Halimbawa:
Jaywalking, cauliflower, pizza

Tandaan: Iwasan ang paggamt ng hiram salita lalo pa kung ito ay may
katumbas sa ating wika.

 Kasanayan sa paggamit ng malki at maliit na titik.

A. Malaking Titik
-Ginagamit sa simula ng bawat pangungusap.
- Ginagamit sa mga partikular na pangngalan ng tao, bagay. Lugar,
hayop, pangyayari.
Halimbawa: Nestle, Oshwald, Christmas, New Year, Martes, Enero,
61

Naalala mo pa ba ang wastong gamit ng iba’t ibang uri ng bantas?

Mahalagang alam mo kubg kalian gagamitin ang bawat uri ng bantas


upang ikaw ay magkaroon ng wastong kasanayan sa pagsulat ng liham.

Tara! Balikan natin at isa-isahin.

 Kasanayan sa paggamit ng wastong bantas.

a. Tuldok (.) – ginagamit sa katapusan ng bawat pangungusap na pasalayasay,


pautos o pakiusap.
Halimbawa: Marami na tayong nararanasang kalamidad.
- Ginagamit sa pagpapaikli ng salita.
Halimbawa; G. , Gng. , Bb. , Dr. , Ka. , Kgg.

b. Kuwit (,) – ginagamit sa paghihiwalay ng mga salitang magkakauri:


Halimbawa: Siya ay may natatanging kakayahang umawit, sumayaw, at
puminta
- Sa pagsusulat ng petsa
Halimbawa: Setyembre 25, 2010
- Sa pagsulat ng Liham Bating Panimula
Mahal kong Maria,
- Bating Pangwakas
Halimbawa: Lubos na gumagalang,
- Sa pagsulat ng address
Halimbawa: 214, Campo Dos, Novaliches, Quezon City, Philippines

c. Gitling (-) – ginagamit sa pagitan ng mga, tag- pag, at pang, panlapi at


salitang- ugat na nagsisimul;a sa patinig.
Halimbawa: mag-anak, tag-init,
- Ginagamit sa pagitan ng tambalang salita
Halimbawa: dapit-hapon, takip-silim, bukang-liwayway
- Ginagamit s apagitang ng unlaping nagtatapos sa katinig
(Hal. Pag-ibig)
- At sa salitang- ugat na nagsisimula sa patinig
62

e. Panaklong ( ) ito ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi


direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa
pangungusap na ito.Ginagamit ito upang kulungin nag pamuno.
Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ay may akda ng El
Filibustirismo

- Ginagamit sa pamilang o ha;aga na inuulit upang tiyak ang


kawastuhan.
Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang
Turkey ay humigit kumulang sa labindalawang libong ( 12,0000) katao.

-Ginagamit sag a pamilang na nagpapahayag ng taon.


Halimbawa: Jose P Rizal ( 1861-1896)

f. Kudlit (‘) - ginagamit na panghalili sa isang titik na kinakaltas.


Halimbawa: Ako’y Pilipino sa isip, sa puso’t, salita’t sa gawa.

g. Tutuldok (:) – Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.


Halimbawa: Maraming kakayahan tulad ng sumuyaw, umawit, at puminta ang
ipinakita niya sa paligsahan.

- Sa liham- pangangalakal
Halimbawa: G. De Jesus:
Kagalang-galang na Pangulo:
63

Organisasyon

 Kasanayan sa pagbuo at pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng


liham.

Mga Bahagi ng Liham

1. Pamuhatan (heading) - binubuo ito ng opisyal na pangalan ng


tanggapan, adres, petsa. Isinusulat ito sa kaliwang bahagi ng papel.

2. Bating Panimula-(salutation) – ito ay pagbati sa sinusulatan.Ito ay


may bantas na kuwit. Karaniwan ginagamit ang mga sumusunod:
Halimbawa: Mahal na Ginoo/ Ginang/ Binibini, Mahal kong Guro/kamag-
aral/ Kaibigan/Magulang

3. Katawan ng Liham (Body of the letter)- ito ang tampok na bahagi ng


liham na nagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan.

Mga katangian ng maayos na mensahe


a. Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi
dapat lumilikha ng anumang alinlangan sa pinadalhan o babasa nito.
b. Kailangan may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita,
pangungusap, talata at mga bahai ng liham.
c. Kailangan ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na
mga salita, banghay, at bantas.
Mga bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham
a. Panimulang talata- naglalaman ito ng maikling pahayg sa layon o
pakay ng liham.
b. Katawan- naglalaman ito ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa
pakay ng liham
64

Halimbawa ng Liham

Brgy. Talipapa
Pamuhatan Setyembre 21, 2010
2 espasyo

Mahal kong kaibigan, Bating Panimula

Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong damit noong


magtatapos ako sa Mababang Paaralan. Bagay na bagay na akin sa akin,
Sabi nga ni inay para daw sinukat. Talagang tuwang-tuwa ako at nasiyahan sa
iyong regalo.
2 espasyo Bating Pangwakas
Katawan ng Liham Ang iyong kaibigan,
Lagda
Melissa

Ang anyo ng liham pangkaibigan ay semi- blak (Semi- Block Style)- dito
pamuhatan , bating pangwakas at lagda ang nasa kanan. Ang margin sa kanan ay
isang (1) pulgada samantala asa kaliwa naman ay kalahati (1/2)pulgada. Ang format
na ito ay hawig sa anyong tradisyonal.

Sugod, Bacon District


Sorsogon City
Pebero 25, 2011
65

1/2
pulgada

1
pulgada

May natutunan ka ba? Madali lang bumuo


ng liham. Sundin mo lang ang tamang
Mahusay! pagkakasunod-sunod ng mga bahagi at ikaw
na ang susunod na mahusay na manunulat

II. MGA GAWAIN SA


PAGKATUTO:
A. PAGSASANAY 1

Panuto: Isulat ang mga pangungusap sa anyong liham. Lagyan ng wastong


bantas, malaking titik, palugit at papasok. Tukuyin ang bahagi ng liham.
a. poblacion bacon district sorsogon city
b. ika 10 ng marso
c. mahal kong mona
d. kumusta ka na hindi na tayo nagkita noong nakaraang buwan
e. marami akong ikukuwento saiyo tungkol sa bago naming tinitirhan
f.maaliwalas at mahangin dito malayong malayo sa dati

1
g. sana makapunta ka rito upang makita mo
h. ang iyong kaibigan
i. liza ______________________
______________________

________________________
66

2
B. PAGSASANAY 2

Panuto: Isulat muli ang liham. Kopyahin ang tamang baybay sa


loob ng panaklong. Gamitin ang malaking titik kung kinakailangan.
Lagyan ng palugit at papasok.

San Fernando,bulacan
abril 21, 2019

(mahal kong Gng. Reyes, Mahal kong gng. reyes),

(Ipagpaumanhin, ipagpaomanhin) niyo po sana ang aking pagliban sa


klase ngayong araw dahil may sakit po ang aking itay. Wala po sa
(kanya, kanila) (magbabantay, nagbabantay) (sapagkat, kahit) may
trabaho si inay. Ako lang po ang inaasahan sa bahay,Ipinapangako kop
o na (bokas, bukas) ay papasok na ako sa klase. Sana po maunawaan
ninyo ako.
Maraming salamat po.

ang iyong kamg-aral,


rosalie
I 67

s
3 u
C. PAGSASANAY 3

l
Panuto: Ayusin ng wastong pagkakasunod-sunod ng
bahagi ng liham. Gamitin ang malaking titik kung kinakailangan.
Lagyan ng palugit at papasok at mga bantas. Isulat muli ang
liham sa ibaba.

1.Mahal kong Tito Boy


2.Purok 4, Sugod Bacon District, Sorsogon City
3. Lubos na gumagalang

a
4. Inaanyayahan kop o kayong pumunta sa aking graduation na
magaganap sa April 3 alas 8 ng umaga. Alam ko pong matutuwa
kayo para sa akin dahil magtatapos ako ng elementarya na may
sertipiko at diplomang matatanggap. Inaasahan kop o ang inyong
pagdating.
5. ika 28 ng Marso, 2012
6. justine
t
68

m
u
III. PAGTATAYA:

A. Panuto:Basahin ang liham. Bilugan ang angkop na bantas o mga


pahayag na matatagpuan sa loob ng kahon.

(Sto. Niňo, sto Nino) ( , ? .) San Fernando ( , ? .) Bulacan


(Ika 5, Ika-5) ng Oktubre ( , / . ) 2020
Mahal kong mga Magulang (. : , )

Nais ko po kayong pasalamatan sa lahat ng mabuting bagay na ginawa ninyo


para sa akin at sa aking mga kapatid ( / , .) Sa (pagaaruga, pag-aaruga)
( . , : ) pagpapalaki sa amin ( . , : ) paggabay at pagsuporta sa aming mga
pangarap. Mahal na mahal ko po kayo dahil kayo po ang pinakamahalagang
ibinigay ng (diyos, Diyos) sa amin (. , / )
Nagmamahal ( , . : )
(Liza, liza)
B. Isulat muli ang liham na nasa wastong form, bantas, palugit at
papasok, malaking titik kung kinakailangan.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________ 69
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

III. PAGTATAYA:

C. Panuto: Sumulat ng isang liham pangkaibigan na pangungumusta sa


iyong kaibigan na matagal na hindi kayo nagkita ng mahabang panahon.
Rubriks ang paraan ng pagwawasto.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
70
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

SANGGUNIAN:
Almario, Virgilio S. , KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat- Ikalawang
Edisyon.Quezon City: Komisyon sa Wikang Filipino, c2015
Liwanag, Lydia B., Landas ng Wika 6. Dane Publishing House, Inc
Marasigan, Emily V., Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino 6, Phoenix
Publishing House Inc.
Villafuerte, Patrocinio V., Patuturo ng Filipino: Teorya at Praktika. Mutya
Publishing House, Inc.
SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsasanay 1

Poblacion, Bacon District,


Sorsogon City
Ika -10 ng Marso

Mahal kong Mona,


71

Kumusta ka na hindi na tayo nagkita noong nakaraang buwan,


marami akong ikukuwento saiyo tungkol sa bago naming
tinitirhan.Maaliwalas at mahangin dito malayong malayo sa dati.
Sana makapunta ka rito upang makita mo.

Ang iyong kaibigan,


Liza

Pagsasanay 2
San Fernando,Bulacan
Abril 21, 2019

Mahal kong Gng.Reyes

Ipagpaumanhin niyo po sana ang aking pagliban sa klase


ngayong araw dahil may sakit po ang aking itay. Wala po sa kanya
magbabantay sapagkat may trabaho si inay. Ako lang po ang
inaasahan sa bahay,Ipinapangako ko po na bukas ay papasok na po
ako sa klase. Sana po maunawaan ninyo ako.
Maraming salamat po.

Ang iyong kamg-aral,


Rosalie
Pagsasanay 3

Purok 4, Sugod Bacon


District
Sorsogon City
Ika-28 ng Marso, 2012

Mahal kong Tito Boy,

. Inaanyayahan ko po kayong pumunta sa aking graduation na


magaganap sa April 3, alas 8 ng umaga. Alam ko pong matutuwa kayo
para sa akin dahil magtatapos ako ng elementarya na may sertipiko at
diplomang matatanggap. Inaasahan ko po ang inyong pagdating.

Lubos na gumagalang,
Justine
72

Pagtataya A
Sto. Niňo,San Fernando, Bulacan
Ika-5 ng Oktubre, 2020

Mahal kong mga Magulang,

Nais ko po kayong pasalamatan sa lahat ng mabuting bagay na


ginawa ninyo para sa akin at sa aking mga kapatid. Sa pag-aaruga,
pagpapalaki sa amin, paggabay at pagsuporta sa aming mga pangarap.
Mahal na mahal ko po kayo dahil kayo po ang pinakamahalagang ibinigay
ng Diyos sa amin.

Nagmamahal,
Liza

Pagtataya B

RUBRIC NA GINAMIT SA PAGMAMARKA NG MGA PANULAT-LIHAM

A. NILALAMAN
5 4 3 2 1
Buo ang kaisipan Buo ang kaisipan Kulang ang Kulang ang Walang
may kaisahan at at may kaisahan kaisipan at kaisipan at kauganayan ang
ginamit ng ngunit hindi walang hindi lahat ng sinulat sa
wasto ang mga lahat ng detalye kaisahan ang detalye ay ibinigay na paksa
detalye sa uri ng ay ginamit sa liham ginamit sa at mga detalye
liham pagsulat pagsulat

B. MEKANIKS
5 4 3 2 1
Nakagagamit ng Nakagawa ng 1- Nakagawa ng 4- Nakagawa ng Nakagawa ng
wastong bantas, 3 na kamalian s 7 kamalian sa 8-10 na mahigit sa 11
baybay, wastong paggamit ng paggamit ng kamalian sa pataas na
gamit ng wika at bantas, wastong bantas, paggamit ng kamalian sa
estruktura ng gamit ng wika at wastong gamit bantas, paggamit ng
pangungusap estruktura ng ng wika at wastong gamit bantas, wastong
pangungusap estruktura ng ng wika at gamit ng wika at
pangungusap estruktura ng estruktura ng
73

pangungusap pangungusap
C. ORGANISASYON
4 3 2 1
5
Karamihan Naihanay nang Hindi naihanay Halos hindi
Lahat naihanay
naihanay nang lohikal ang mga nang wasto naihanay ang
nang lohikal ang
lohikal ang mga ideya ngunit ang pagkakasunod-
mga
ideya,malinis at hindi pagkakasunod- sunod ng mga
ideya,malinis at
kawili-wiling masyadong sunod at hindi ideya at hindi
kawili-wiling
basahin malinis ang malinis ang kawili-wiling
basahin
pagkasulat pagkasulat basahin

You might also like