You are on page 1of 1

LAGOM:

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ng Grade 12 sa
pagsulat ng liham pangangalakal tungo sa pagbuo ng isang patnubay. Sa isinagawang pag-aaral,
dalawampung mga mag-aaral na nasa Grade 12 ng Rosario Integrated School, Rosario, La Union
Taong Panuruan 2019 - 2020 ang naging respondente ng pag-aaral na ito.

Mula sa mga natuklasan, nabuo ang sumusunod


1. Sa unang suliranin, lumalabas na mas marami ang mahilig sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan kung ikukumpara sa pagsulat ng mga teknikal na sulatin; karamihan sa mga
respondente ay naglalaan ng isang oras sa pagsusulat, naipakita ito sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng labing-tatlo (13) o 65% ng mga mag-aaral at lumalabas na ang madalas salihang patimpalak
ng mga mag-aaral ay ang pagsulat ng sanaysay na may walong (8) bilang at may kabuoang 40%.
2. Sa ikalawang suliranin, natuklasang mababa ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat
ng liham pangangalakal dahil nakapagtala ang mananaliksik ng Overall Weighted Mean na 1.73 na
timumbasan ng Walang Kasanayan.
3. Sa ikatlong suliranin, sinasabing walang makabuluhang kaugnayan ang profayl ng mga respondente
sa antas ng kanilang kasanayan sa pagsulat ng liham pangangalakal.
4. Sa ikaapat na suliranin, makikita ang pagkakaroon ng Overall Weigthed Mean na 4.25 o kapuna–
punang nararanasan ang mga suliranin sa pagsulat ng liham pangangalakal.
5. Batay sa natuklasang resulta sa ikalawang suliranin, bumuo ang mananaliksik ng isang gabay
o patnubay na makatutulong sa pagpapataas sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral

KONKLUSYON:
Batay sa mga nabanggit na mga kasagutan sa mga espesipikong katanungan, ang sumusunod na
kongklusyon ay nailahad
1.Kinahihiligan ng mga mag-aaral ang pagsulat ng malikhain kaysa sa teknikal dahil napupukaw
ang kanilang malawak na imahinasyon na siyang isa sa mga taglay na katangian ng mga kabataan
ngayon.
2.Nakaaapekto sa pagsulat ng liham ng mga mag-aaral ang kakulangan sa tamang pagsasanay.
3.Walang makabuluhang ugnayan ang profayl ng mga respondente sa antas ng kanilang kasanayan sa
pagsulat ng liham pangangalakal.
4.Mabisa at nakatutulong sa mga mag-aaral kung sila ay magkakaroon ng maayos na
pagsasanay upang mas malinang ang kanilang kasanayan sa pagsulat.
5.Malaki ang ginagampanang papel ng nabuong gabay sa pagpapataas ng kasanayan ng mga
mag-aaral sa pagsulat ng liham

REKOMENDASYON:
Batay sa mga nailahad na resulta at kongklusyon ng pag-aaral, iminumungkahi ang sumusunod na
rekomendasyon upang maging mabisa pa lalo ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
1. Dapat magsagawa ang DepEd ng mga pagsasanay at patimpalak sa pagsulat ng liham sa iba’t ibang
anyo upang lalong maiangat ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat ng
liham.
2. Tukuyin ang mga mag-aaral na nagtala pa rin ng mababang antas ng mga batayang kasanayan sa
pagsulat matapos ang unang semester at ipagpatuloy ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng mga
gawaing panlunas hanggang sa pagtatapos ng taong panuruan upang malinang ang kanilang kasanayan
lalo na sa pagsulat ng liham.
3. Dapat pag-aralan ng mga dalubguro ang profayl ng mga mag-aaral sapagkat malaki ang
impluwensiya nito sa paglinang ng kanilang kasanayan sa pagsulat.
4. Ilantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibang sitwasyon at hikayatin sila sa pagbabasa at
pagsusulat upang mahasa ang kanilang kasanayan lalo na sa pagsulat nang maayos na liham na
kakailanganin sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng sangay sa loob at labas ng bansa.
5. Pagdaragdag ng paksang pagsulat ng liham pangangalakal sa Grade 12 para sa higit na pagkatuto
ng mga mag-aaral at maging dala nila ang karunungang ito hanggang sila ay magtapos.
6. Pagpapasuri sa nilalaman at organisasyon ng nabuong gabay upang higit na maging makabuluhan at
mabisa ito.

You might also like