You are on page 1of 43

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/337110884

Magsikap. Mamulat. Magsulat. Pagpapaunlad sa Batayang Kasanayan sa


Pagsulat ng mga Mag-Aaral sa Filipino Baitang 7 (Improving Basic Writing Skills
of Grade 7 Students in Filipino)

Research · January 2012

CITATIONS READS
3 43,558

1 author:

Joey R. Cabigao
Department of Education of the Philippines
36 PUBLICATIONS 214 CITATIONS

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Joey R. Cabigao on 09 May 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


ACTION
1
RESEARCH
2012

Magsikap. Mamulat. MAGSULAT.


PAGPAPAUNLAD SA BATAYANG KASANAYAN
SA PAGSULAT NG MGA MAG-AARAL
SA FILIPINO BAITANG 7
(Improving Basic Writing Skills of Grade 7 Students in Filipino)

Isang Kilos-Pananaliksik sa Filipino


(An Action Research in Filipino)

JOEY RAMOS CABIGAO


Guro, Mataas na Paaralan ng Pamarawan
(Teacher, Pamarawan High School)
Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Malolos, Rehiyon III
(Division of City Schools of Malolos, Region III)

Unang Semestre, Taong Panuruan 2012 – 2013


(First Semester, School Year 2012-2013)
2

ABSTRACT

This action research primarily aims to remediate the low competency level
of basic writing skills (writing in cursive, capitalization, punctuation, spelling, and
paragraphing) of the Filipino Grade 7 learners of Pamarawan High School on
the First Semester of School Year 2012 – 2013. To achieve the main objective of
the study, the researcher conducted (1) assessment of the learners’ level of
competency through pre- and post-test; (2) preparation/development of a
compilation of learning activities in improving learners’ competencies based on
their level of needs; (3) activities emphasizing the conduct of writing activities in
and out of the classroom; and (4) home visitations to reinforce the teacher’s
and parents’ monitoring of the progress of their children. A five-point rating scale
was utilized in assessing learners’ outputs. A 1.56 increase was recorded in the
general rating of pre- to post-test. This figure shows that 80% improvement is
manifested among the learners’ basic writing competencies, proving that the
intervention used is effective in achieving the target of the study. The study
reveals the significant role of teachers in arousing learners’ interest in writing and
making them realize its importance. The study holds the importance of having
learning activities and worksheets appropriate to the level of learners’ needs to
improve/enhance the unique skills in writing of each learner. Just like other
researchers, this study encourages the promptly remediate the classroom-
and/or school-based problems through the conduct of research for a rational
and systematic way of addressing them. With the aid of well a documented
study in all research endeavors, this will guide other teachers and school heads
to experience the same plight of addressing the gaps in schools effectively. ■

Keywords – Improving, Basic Skills, Writing


3

ABSTRAK
(sa Filipino)
Ang kilos-pananaliksik na ito ay pangunahing naglalayon na mabigyang-
lunas ang mababang antas ng mga batayang kasanayan sa pagsulat
(pagsulat nang kabit-kabit; wastong paggamit ng malalaki at maliliit na titik;
wastong paggamit ng mga bantas; wastong pagbaybay ng mga salita;
wastong pagsulat ng talata) ng mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7 ng Mataas
na Paaralan ng Pamarawan, Unang Semestre, Taong Panuruan 2012 – 2013.
Upang maisakatuparan ang naturang pangkalahatang layunin, sinikap ng
mananaliksik na: (1) mataya/masukat ang antas ng kasanayan ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pang-una at panghuling pagsusulit; (2)
makapaghanda/makabuo ng kalipunan ng mga gawaing panlinang sa
batayang kasanayan sa pagsulat ayon sa antas/lebel ng kanilang
pangangailangan; (3) mabigyang-pansin ang mga gawain sa pagsulat sa loob
at labas ng silid-aralan; at (4) magsagawa ng pagdalaw sa tahanan ng mga
mag-aaral upang mapagtibay ang ugnayan ng guro at magulang sa
pagsubaybay sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Isang five-point rating scale
ang ginamit sa pagtataya ng output ng mga mag-aaral sa pagsulat. Nagtala
ng 1.56 na pag-angat ang pangkalahatang marka ng Panghuling Pagsusulit
mula sa Pang-unang Pagsusulit. Ito ay nagpakita ng 80% na positibong
pagsulong sa antas ng mga batayang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-
aaral sa Baitang 7 at nagpapatunay na nagtagumpay ang gurong
mananaliksik na maisakatuparan ang pangunahing layunin ng pag-aaral.
Napatunayan ng pananaliksik na ito ang kahalagahan ng guro sa pagbuhay
sa kawilihan o interes ng mga mag-aaral sa pagsulat na kailangan nilang
matutuhan para sa pangangailangan ng kanilang pag-aaral. Hindi rin
maisasantabi ang kahalagahan ng angkop na mga gawain at sanayang-
papel sa lebel ng mga nangangailangan nito upang mahubog ang mga
natatanging kasanayan sa pagsulat ng bawat mag-aaral. Napagtibay rin ng
pag-aaral na ito ang lubos na kahalagahan ng magkatuwang na
pagsubaybay ng guro at ng mga magulang sa pagpapaunlad ng kasanayan
ng bawat mag-aaral. Gaya ng iba pang mananaliksik, hinihikayat ng pag-aaral
na ito na ugaliing lunasan ang mga suliraning pansilid-aralan at/o pampaaralan
sa tulong ng pananaliksik para sa rasyonal at sistematikong pagtugon sa mga
ito. Sa tulong ng maayos na dokumentasyon ng anumang pananaliksik,
magsisilbi itong gabay sa iba pang mga guro at mga puno ng paaralan na
makararanas din ng kahawig na suliraning binigyang-lunas nito. ■

Mga Susing Salita – Pagpapaunlad, Batayang Kasanayan, Pagsulat


4

BANGHAY NG KILOS–PANANALIKSIK

I. Pamagat
‘Magsikap, Mamulat. MAGSULAT.’

II. Paksa
Pagpapaunlad sa Batayang Kasanayan sa Pagsulat ng Mga Mag-
aaral sa Filipino Baitang 7

III. Kalagayan
Hindi tulad ng pagsasalita, ang pagsulat ay pormal na pinag-aaralan.
Ang resulta o epekto ng pagsulat ay higit na nagdudulot ng kakintalan sa
isipan ng sinuman sapagkat ang anumang naisulat na ay maaaring basahin
nang paulit-ulit. Ang katangiang ito ang ipinagkaiba ng pagsulat sa iba
pang uri ng komunikasyon. (Legaspi, 2005)

Ang kasanayan sa pagsulat ay isa sa limang Makrong Kasanayan


(kasama ng pakikinig, pagbasa, pagsasalita, at panonood) na kailangang
hasain sa mga mag-aaral ng asignaturang Filipino tungo sa mabisang
paghahatid ng ideya o kaisipan gamit ang Wikang Pambansa. Sa
pamamagitan ng pagsulat, naipamamalas ng mag-aaral ang antas ng
kaniyang kahusayan sa pagsasaayos ng mga kaisipan, pagkakaroon ng
malawak na talasalitaan, kaalaman sa kayarian ng wika, at lawak ng
kaalaman sa paksang isinusulat.

Upang matamo ang inaasahang antas ng kasanayan sa pagsulat ng


mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7 ng Mataas na Paaralan ng
Pamarawan, kailangang bigyang-lunas muna ang kahinaan ng mga mag-
aaral sa mga batayang kasanayan sa pagsulat (tinatawag itong mekaniks
sa pagsulat) na hindi pa ganap na nalinang sa mga naturang mag-aaral sa
mga nakaraang antas ng pag-aaral batay sa resulta ng pang-unang
pagsusulit/pagtataya sa kasanayan sa pagsulat na ibinigay ng guro sa
pagsisimula ng klase.

Ang hakbanging ito ay alinsunod sa nilagdaang Kautusang


Pangkagawaran ng DepEd Blg. 39, serye 2012 ni Kalihim Armin A. Luistro
noong Mayo 11, 2012 na pinamagatang ‘Policy Guidelines on Addressing
Learning Gaps and Implementing A Reading and Writing Program in
Secondary Schools Effective School Year (SY) 2012-2013.’ Ayon sa kautusan:
5

“The Department of Education recognizes that many of the


secondary schools have already put in place remediation programs
to address deficiencies in learning. In order to systematize the
process and ensure a more systematic approach to bridging gaps in
learning as the DepEd roll out the Grade 7 of the K to 12 Basic
Education Program, schools are advised to frame their programs and
interventions...”

Matibay rin ang paniniwala ng kagawaran sa kahalagahan ng


pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat, gayundin sa pagbasa, sa
pagtatamo ng kaunlaran sa pag-aaral. Sa talata 2 ng naturang kautusan,
nasusulat na:

“The development of reading and writing skills is critical to


effective learning, and in many cases deficiencies in these areas are
often at the roots of why gaps in learning occur. A proactive
approach to management of potential problems in learning
beginning with a sound reading and writing program in schools is
therefore encouraged.”

Ang mga batayang kasanayan sa pagsulat na bibigyang-pansin sa


pananaliksik na ito ay ang: (1) pagsulat nang kabit-kabit; (2) wastong
paggamit ng malalaki at maliliit na titik; (3) wastong paggamit ng mga
bantas; (4) wastong pagbaybay ng mga salita; at (5) wastong pagsulat ng
talata.

IV. Suliranin
Batay sa pagsusuri ng guro sa unang buwan ng klase sa Taong
Panuruan 2012 – 2013, mababa ang antas ng mga batayang kasanayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral sa Baitang 7 ng Mataas na Paaralan ng
Pamarawan.

V. Maaaring Sanhi/Dahilan
Batay sa isang buwang pagmamasid at pagsusuri ng guro sa
mababang antas ng mga batayang kasanayan (mekaniks) sa pagsulat ng
mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7 ng Mataas na Paaralan ng
Pamarawan, inisa-isa sa ibaba ang mga maaaring sanhi o dahilan ng
naturang suliranin.

1. Kawalan ng sariling interes at/o pagpapahalaga ng mga mag-


aaral sa pagsulat
6

2. Kakulangan ng sapat na oras sa mga gawain sa pagsulat sa loob


ng paaralan

3. Kakulangan ng sapat na oras ng guro sa pagsubaybay sa mga


gawain sa pagsulat ng mga mag-aaral sa loob at labas ng
paaralan

4. Kawalan ng pagkakataon at angkop na lugar sa pagsulat sa loob


ng tahanan

5. Kakulangan ng kaalaman at pagpapahalaga ng mga magulang


sa kahalagahan ng paglinang sa batayang kasanayan sa pagsulat
ng mga mag-aaral tungo sa kapaki-pakinabang na pag-aaral

VI. Banghay ng Kilos


A. Saklaw na Panahon
Ang kilos-pananaliksik na ito ay isasagawa sa Unang Semestre
(Hunyo – Oktubre) ng Taong Panuruan 2012 – 2013.

B. Kalahok
Isasailalim sa pag-aaral na ito ang 78 mag-aaral sa Filipino
Baitang 7 ng Mataas na Paaralan ng Pamarawan, ang 38 mag-aaral
mula sa 7-Respect at 40 mag-aaral sa 7-Love.

C. Layunin
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na mapataas ang
antas ng mga batayang kasanayan sa pagsulat (pagsulat nang kabit-
kabit; wastong paggamit ng malalaki at maliliit na titik; wastong
paggamit ng mga bantas; wastong pagbaybay ng mga salita;
wastong pagsulat ng talata) ng mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7 ng
Mataas na Paaralan ng Pamarawan.

Upang maisakatuparan ang naturang pangkalahatang layunin,


sisikapin ng mananaliksik na:

1. mataya/masukat ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa


mga batayang kasanayan sa pagsulat na nangangailangang
paunlarin o pagtibayin pa;
7

2. makapaghanda/makabuo ng kalipunan ng mga gawaing


panlinang sa mga batayang kasanayan sa pagsulat;

3. mataya ang kabisaan ng mga inihanda/nabuong kalipunan ng


mga gawain sa pagpapaunlad ng mga batayang kasanayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral;

4. maikintal sa isipan ng bawat mag-aaral ang kahalagahan ng


pagsulat tungo sa higit pang kaunlaran ng kanilang pag-aaral; at

5. makamit ang pakikilahok ng mga magulang sa pagsubaybay sa


mga gawain sa pagsulat ng kanilang anak sa loob ng tahanan at
sa paaralan.

D. Hanay ng Ilulunsad na Gawain


PETSA KALAHOK GAWAIN
Hunyo Guro 1. Pagmamasid, pagtukoy sa suliranin, at
Mag-aaral pagbibigay-hinuha sa sanhi/ugat ng suliranin
2. Pagkalap ng datos na magbibigay-linaw sa
tunay na suliranin
Punungguro 3. Pagdodokumento ng suliranin at paghingi ng
pahintulot sa puno ng paaralan na isagawa
ang pananaliksik

Hulyo Guro 1. Paghahanda/pagbuo ng pang-araw-araw na


panimulang gawain na may kaugnayan sa
paglinang sa mga batayang kasanayan sa
pagsulat
Guro 2. Paghahanda/pagbuo ng kagamitang
panlinang (Strategic Intervention Material o
SIM) para sa mga batayang kasanayan sa
Guro pagsulat
Mag-aaral 3. Panimulang paggamit sa mga
gawain/pagsasanay na inihanda ng guro
4. Pagtataya sa antas ng kabihasaan (mastery
level) sa bawat tiyak na kasanayan na
Guro nililinang sa mga mag-aaral
5. Repleksiyon at pagdodokumento sa pag-usad
ng pag-aaral
8

PETSA KALAHOK GAWAIN


Agosto Guro 1. Pagpapatuloy sa paggamit ng mga
Mag-aaral gawain/pagsasanay na inihanda ng guro
2. Palagiang pagtataya sa antas ng kabihasaan
(mastery level) sa bawat tiyak na kasanayan
na nililinang sa mga mag-aaral
Guro 3. Repleksiyon at pagdodokumento sa pag-usad
ng pag-aaral

Setyembre Guro 1. Pagpapatuloy sa paggamit ng mga


Mag-aaral gawain/pagsasanay na inihanda ng guro
2. Palagiang pagtataya sa antas ng kabihasaan
(mastery level) sa bawat tiyak na kasanayan
na nililinang sa mga mag-aaral
Guro 3. Repleksiyon at pagdodokumento sa pag-usad
ng pag-aaral

Oktubre Guro 1. Pangwakas na pagtataya sa antas ng


Mag-aaral kabihasaan (mastery level) sa lahat ng mga
kasanayan na nilinang sa mga mag-aaral
2. Repleksiyon at pagdodokumento sa pag-usad
ng pag-aaral
Guro 3. Pagdodokumento sa pinal na sipi ng
isinagawang pananaliksik
Guro 4. Pag-uulat sa puno ng paaralan at sa mga
Punungguro kapwa guro hinggil sa kinalabasan ng
isinagawang kilos-pananaliksik

Upang gawing payak ang paglalahad ng panahong gugulin sa


pananaliksik, ibinuod ito sa Timeline na makikita sa ibaba.

Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre

▪ Pagmamasid, ▪ Paghahanda ▪ Pagpapatuloy ▪ Pagpapatuloy ▪ Pangwakas na


pagtukoy sa ng pang-araw- ng paggamit ng paggamit pagtataya sa
suliranin, at araw na ng mga gawain ng mga antas ng
pagbibigay- panimulang o pagsasanay gawain o kabihasaan
hinuha sa gawain na na inihanda ng pagsasanay (mastery
sanhi/ugat ng may guro na inihanda level) sa lahat
suliranin kaugnayan sa ng guro ng mga
paglinang sa ▪ Repleksiyon kasanayan na
▪ Repleksiyon mga batayang ▪ Dokumen- ▪ Repleksiyon nilinang sa
▪ Dokumen- kasanayan sa tasyon ▪ Dokumen- mga mag-
tasyon pagsulat tasyon aaral

▪ Repleksiyon ▪ Repleksiyon
▪ Dokumen- ▪ ▪ Dokumen-
tasyon ▪ tasyon
9

E. Inaasahang Bunga
Pagkatapos ng halos limang buwan ng isasagawang pag-aaral,
inaasahan ng mananaliksik na:

1. mapatataas ang antas ng mga batayang kasanayan sa


pagsulat (pagsulat nang kabit-kabit, wastong paggamit ng
malalaki at maliliit na titik, wastong paggamit ng mga bantas,
at wastong pagsulat ng talata) ng mga mag-aaral sa Filipino
Baitang 7 ng Mataas na Paaralan ng Pamarawan;

2. magkakaroon ng tiyak na kagamitang pampagtuturo na


lilinang sa mga batayang kasanayan sa pagsulat ng mga
nangangailangang mag-aaral;

3. maikikintal sa isipan ng bawat mag-aaral ang kahalagahan


ng pagsulat tungo sa higit pang kaunlaran ng kanilang pag-
aaral sa kasalukuyan at sa hinaharap; at

4. mahihikayat na maging aktibo ang mga magulang sa


pagsubaybay sa mga gawain sa pagsulat ng kani-kanilang
mga anak sa loob ng tahanan at ng paaralan.
10

Magsikap. Mamulat. MAGSULAT.


PAGPAPAUNLAD SA MGA BATAYANG KASANAYAN SA PAGSULAT
NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO BAITANG 7
(Improving Basic Writing Skills of Grade 7 Students in Filipino)

A. Panimula
Sapagkat ang pagsulat ay isang kompleks na kasanayan (Badayos,
2008), kailangan ng isang manunulat ang sapat na kaalaman sa mga salik
na mahalaga sa pagbuo ng isang sulatin. Pangunahin na rito ang pagiging
maalam sa mekaniks ng pagsulat – anyo ng pagkakasulat, pagbaybay,
pagbabantas, at kumbensiyon sa pagsulat. Ang kabihasaan sa batayang
kasanayan na ito sa pagsulat ang magiging batong tuntungan ng bawat
mag-aaral tungo sa malinaw, makinis, at maayos na pagpapahayag ng
ideya ng kaniyang isinusulat.

Sa pagpasok ng mga mag-aaral sa Baitang 7 ng antas sekondarya,


inaasahan na taglay na ng bawat isa ang mga batayang kasanayan sa
pagsulat. Malinaw na inilahad sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002
(Basic Education Curriculum) sa antas elementarya ang lawak at
pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa makrong kasanayan sa pagsulat sa
bawat baitang gaya ng nasasaad sa ibaba.

Talahanayan 1
Lawak at Pagkakasunod-sunod ng mga Aralin sa Kasanayan sa Pagsulat
(Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002, Antas Elementarya)

Unang Ikalawang Ikatlong Ikaapat na Ikalimang Ikaanim na


Baitang Baitang Baitang Baitang Baitang Baitang
Mga titik na Mga wastong Malalaking Wastong
may wastong anyo at hugis titik bantas
porma at ng mga titik
hugis
Sariling wastong Wastong Kuwit Bantas sa iba’t
pangalan pagitan ng bantas na ibang
mga titik/ tuldok, pangungusap
salita pananong, at
padamdam
Malalaking Kabit-kabit na Wastong Kuwit sa Gamit ng
titik sa simula pagsulat pasok at bating panaklong,
ng pangalan/ palugit panimula at tutuldok,
araw/ bating tuldok-kuwit,
pangungusap pangwakas gitling
Maikling Iba’t ibang uri Talaarawan, Maikling balita, Pormal at di
tugma ng usapan, at poster, pormal na
Maikling talata pangungusap dayalog tagubilin, at katha
iba pa
11

Mula sa Talahanayan 1, inaasahan na sa pagtatapos ng mga mag-


aaral sa antas elementarya, nakasusulat na sila nang maayos at masining.
Bawat mag-aaral ay nakasusulat na nang kabit-kabit, may wastong anyo at
hugis ng mga titik; nagagamit nang wasto ang malalaki at maliliit na titik
batay sa pangangailangan; may wastong pagbabantas; at may wastong
pasok at palugit sa bawat sulatin. Sa pamamagitan ng mga nabanggit na
kasanayan, magiging mabisa ang bawat sulatin ng mga mag-aaral sa
pakikipagtalastasan. Ito rin ang magsisilbing panimulang sandata ng mga
mag-aaral sa higit pang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat sa
antas sekondarya.

Ipinakikita naman sa Talahanayan 2 ang hanay ng mga batayang


kasanayan sa pagsulat na inaasahang malilinang sa mga mag-aaral ng
Filipino Baitang 7 alinsunod sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng K to 12
(K to 12 basic Education Curriculum) na ipinatupad ngayong Taong
Panuruan 2012 – 2013.

Talahanayan 2
MGA BATAYANG KAKAYAHAN SA PAGSULAT PARA SA BAITANG 7
(Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng K to 12)

Unang Markahan Ikalawang Markahan Ikatlong Markahan Ikaapat na Markahan


Natutukoy ang Nakasusulat ng Nakasusulat ng Nakasusulat ng suring
kaibahan ng pasalita tekstong nagsasalaysay sanaysay na may papel sa isang akda
at pasulat na paraan kaayusan, kaisahan, at
ng wika na may tuon sa kabuuan
kani-kanilang
katangian

Nakasusulat ng isang Nagagamit nang


payak at masining na epektibo ang
paglalarawan nasaliksik sa pagsulat

Nagpapahayag ng
damdamin, ideya,
opinyon, at mensahe
gamit ang malilinaw
na pangungusap

Nakasusulat ng simple
at organisadong talata

Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na hindi malilinang ang


mga kasanayang nakatala sa itaas, gayundin ang iba pang mga
kasanayan sa Baitang 7 sa iba’t ibang asignatura, kung hindi ganap na
matutugunan ang mga puwang sa pagkatuto (learning gaps) ng mga mag-
12

aaral sa pamamagitan ng mga gawaing pampagpapaunlad o mga


gawaing panlunas (DepEd Order 39, serye 2012).

Nagbigay rin ang kagawaran ng gabay para sa mga puno ng


paaralan at mga guro sa pagsasagawa ng mga naturang gawain upang
matiyak na magkakaroon ng pag-unlad ang mga mag-aaral na isasailalim
sa mga gawaing pampagpapaunlad at/o panlunas.

Dayagram 1
TIERED MODEL SA PAG-UUGNAY NG MGA PUWANG SA PAGKATUTO
(Ayon sa DepEd Order 39, serye 2012)

Advanced (90% at pataas)

Proficient (85% — 89%)

Approaching Proficiency (80% — 84%)

• 20 – 30 minuto ng remediation sa paaralan (laktaw-araw)

Developing (75% — 79%)

• 30 – 45 minuto ng remediation sa paaralan (araw-araw)

Beginning (74% at pababa)

• isang oras ng remediation sa paaralan (araw-araw) + karagdagang pagsasanay


sa labas ng paaralan

Batay sa resulta ng isinagawang pang-unang pagtataya ng guro sa


kanyang mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7, nakararami sa mga mag-
aaral ang hindi pa nalinang sa kanilang mga sarili ang mga batayang
kasanayan sa pagsulat sa panahon ng kanilang pag-aaral sa antas
elementarya.

Ayon sa paniniwala ng guro, hindi sapat ang kahandaan ng kanyang


mga mag-aaral sa pagtugon sa mga gawain sa pagsulat sa Baitang 7
sapagkat hindi pa nila ganap na taglay ang mga batayang kasanayan sa
13

pagsulat na inaasahang nalinang na sa kanila sa anim na taong


pamamalagi at pagsasanay sa antas elementarya.

Bunsod ng nabanggit na kalagayan, sinikap ng mananaliksik na


isagawa ang pag-aaral na ito upang mapunuan ang puwang sa pagkatuto
(learning gap) ng mga mag-aaral sa Baitang 7 tungo sa kanilang kaunlaran
sa pasulat na paggamit ng wika.

B. Balangkas-Konseptuwal
Pangunahing sanligan ng kilos-pananaliksik na ito ang iba’t ibang
pangunahing pananaw hinggil sa makrong kasanayan sa pagsulat. Ayon
kay Rivers (1975; sa akda ni Badayos, 1999), ang pagsulat ay isang gawaing
nag-uugat mula sa pagtatamo ng kasanayan (skill-getting) hanggang sa
ang mga kasanayang ito ay aktuwal na magagamit (skill-using).

Sa makabagong pananaw ni Liwanag (1999) sa pagsulat, binigyang-


diin niya na ito ay isang prosesong sosyal na nangangahulugang ginagamit
natin ang pagsulat sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa
ayon sa iba’t ibang layunin o situwasyon. Aniya, sa pagbuo ng isang sulatin,
kinakailangan ng isang masusing pagsusuri, interpretasyon, at komunikasyon
ng mga ideya na nakukuha ng mag-aaral sa kanyang dating karanasan at
kaalaman (schema).

Mahalaga ang papel ng guro sa paglinang sa mga kasanayang ito.


Sa pananaw ni Reid (1993), ang guro ang pinakamahalagang salik sa
mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagsulat. Kinakailangang
maging mapanuri ang guro at may kakayahang makabuo ng sariling
prinsipiyo, modelo, at mga kagamitan sa pagtuturo ng pagsulat dahil siya
ang higit na nakababatid ng mga pangangailangan at kahinaan ng mga
mag-aaral, kaya’t siya rin ang hahanap ng mga panlunas sa mga suliraning
kanilang nararananasan sa pang-araw-araw. Nakasalalay rin sa guro ang
ikagagaling ng mga mag-aaral sa pagbuo o pagsulat ng komposisyon o ng
iba’t ibang sulatin na magagamit ng mga mag-aaral sa tunay na
pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Isinaalang-alang din ng mananaliksik ang mga kaisipan ni Badayos


(2008) hinggil sa pagtuturo ng pagsulat na makatutulong nang malaki sa
matagumpay na paglinang sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat.
Ito ay ang mga sumusunod:
14

Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung hindi sila


magbabasa ng mga isinusulat ng magagaling. Kailangang
maghanap ng mahusay na babasahin ang guro at ipabasa ito upang
makita ng mga mag-aaral ang mga halimbawa na dapat nilang
tularan. Dahil sa ang batayang kasanayan sa pagsulat ang
nangangailangang bigyang-pansin, hindi nararapat magpabasa ng
mga babasahin na hindi maayos ang kapitalisasyon at pagbabantas.

Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung wala


silang oras para magsulat sa loob at labas ng klasrum. Ang
pagsusulat ay isang gawain na hindi pampalipas o pang-ubos oras
lamang. Kailangang ipamulat sa mga mag-aaral na ang pagsulat ay
isinasagawa sa takdang oras, may plano at layunin, at hindi dahil sa
naisipan lamang ng guro. Kailangang bigyan ng sapat na oras sa
pagbuo ng sulatin ang mga mag-aaral, gayundin naman, dapat
silang bigyan ng angkop na gawaing pampaghahanda bago ang
aktuwal na pagsulat.

Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung hindi nila


nakikitang nagsusulat ang kanilang mga guro. Mapagmasid ang mga
mag-aaral. Naghahanap din sila ng sariling likha ng guro. Sa
pamamagitan ng pagbabahagi sa mga mag-aaral ng mga isinulat ng
guro, mabubuo ang tiwala nila sa kanilang guro na may sapat itong
kakayahan at tunay na nababatid ang anumang ibinabahagi niya sa
klase.

Hindi magsusulat ang mga mag-aaral kung hindi malikhain at


mapanuri ang kanilang guro. Hindi nagwawakas ang gawain ng guro
sa oras ng pagsisimula ng pagsulat ng mga mag-aaral. Kailangan ng
guro na maglibot-libot sa klase habang isinasagawa ang pagsulat
upang magbigay-gabay sa mga mag-aaaral na nangangailangan
nito. Pagkatapos namang sumulat ng mga mag-aaral, kailangan ng
guro na basahing mabuti ang kanilang mga isinulat at bigyan ng
kaukulang puna para sa anumang pagwawasto, pagpapaunlad, o
pagpapayaman pa ng kanilang mga kasanayan.

Hindi magsusulat ang mga mag-aaral kung natatakot silang


magkamali habang nagsusulat. Ang pagsulat ay hindi nakatatakot
na gawain, maaaring magkamali, bahagi ito ng tunay na pagkatuto.
Walang sinuman ang naging bihasa sa isang bagay na hindi
kailanman nagkamali. Kailangang ipadama ng guro sa kaniyang
mga mag-aaral na bukas siya sa anumang paglilinaw o pagtatanong
hinggil sa gawain sa pagsulat sa panahon na naghahanda pa
15

lamang sa pagsulat, habang nagsusulat, at maging sa panahon na


tapos na ang oras ng pagsulat.

Magbasa para makasulat; magsulat para matuklasan kung


paano ang mahusay na pagsulat. Magkabuhol ang pagbasa at
pagsulat. Sa pamamagitan ng mapanuring pagbabasa,
makapupulot ang mga mag-aaral ng mga bagong kasanayan na
hindi pa niya nalalaman, gayundin naman, mapatitibay ang kanyang
mga taglay nang kasanayan upang hingit pang maging mahusay sa
larangan ng pagsulat.

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagpapaunlad sa batayang


kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7 ng Mataas
na Paaralan ng Pamarawan sa Unang Semestre ng Taong Panuruan 2012 -
2013. Mula sa mga batayang kasanayan sa pagsulat na namasid ng guro
na hindi pa ganap na nalilinang sa mga mag-aaral sa unang buwan ng
klase, naghanda siya ng hanay ng mga gawaing panlunas sa mga naturang
puwang sa pagkakatuto (learning gap) sa pagsulat.

Bumuo ang guro ng ilang gawain sa pagsulat alinsunod sa pananaw


nina Allwright at O’Neill (1990; sa akda ni Badayos, 1999). Ayon kay Allwright,
ang kagamitang pampagtuturo ay tinutulungan ang mga mag-aaral upang
matuto, ang mga mag-aaral din ang magbubukas ng mga ideya at mga
gawain sa pagtuturo at/o pagkatuto at marapat lamang na katuwang ng
mga mag-aaral ang guro sa ginagawa nila. Niliwanag naman ni O’Neill na
ang mga kagamitang pampagtuturo ay nararapat na akma sa
pangangailangan ng mga mag-aaral at nilikha ayon sa kanilang
pangangailangan.

Sa bawat pagbibigay ng gawaing panlunas sa kahinaan ng mga


mag-aaral sa mga batayang kasanayan sa pagsulat, masusing itinatala ng
guro ang pagkakaroon o hindi pagkakaroon ng makabuluhang pag-unlad
sa batayang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7.
Ang naturang gawaing panlunas ay kinabibilangan ng binuong hanay ng
mga gawain sa pagsulat, pang-araw-araw na panimulang gawain sa klase,
at pagsubaybay sa mga gawain sa pagsulat ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan sa pamamagitan ng pagdalaw at pakikipag-ugnayan sa
mga magulang.

Patuloy na isasagawa ng guro ang pagbuo ng kagamitang


pampagtuturo at mapanuring pagmamasid sa kabisaan nito hangang
mabigyang-lunas ang kahinaan ng mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7
hinggil sa mga batayang kasanayan sa pagsulat at maisakatuparan ang
16

pangunahing layunin ng kilos pananaliksik na ito na pinamagatang


Magsikap. Mamulat. Magsulat: Pagpapaunlad sa Mga Batayang
Kasanayan sa Pagsulat ng Mga Mag-aaral sa Filipino Baitang 7.

Matutunghayan sa kasunod na pahina ang balangkas-konseptuwal


ng kilos-pananaliksik na ito.

Dayagram 2
BALANGKAS-KONSEPTUWAL NG PAG-AARAL

MATAAS NA PAARALAN NG PAMARAWAN

PAGPAPAUNLAD SA BATAYANG KASANAYAN


SA PAGSULAT NG MGA MAG-AARAL
SA FILIPINO BAITANG 7
MATAAS NA PAARALAN NG PAMARAWAN

MATAAS NA PAARALAN NG PAMARAWAN


MGA POKUS NG
OUTPUT
BATAYANG PAG-AARAL
PAG-AARAL
Paghahanda ng
Kagamitang Pampagtuturo
(O’Neill, 1990;
Allwright, 1990)

1. Rivers
(1975) Makrong Kasanayan Mataas na
2. Reid sa Pagsulat Antas ng
(1993) Batayang
3. Liwanag Kasanayan sa
(1999) Mababang Antas Pagbibigay ng Bagsulat ng
4. Badayos ng Batayang Gawaing
Mga Mag-aaral
Kasanayan sa
(2008) Pagsulat ng Mga
Panlunas sa
sa Filipino
Pagsulat
Mag-aaral
Baitang 7

BATAYANG
KAUTUSAN Pagsisiyasat sa Pagkakaroon o
Hindi Pagkakaroon ng
1. DepEd Makabuluhang Pag-unlad sa
Order Blg. Batayang Kasanayan sa Pagsulat
39, serye ng Mga Mag-aaral sa Filipino
2012 Baitang 7

MATAAS NA PAARALAN NG PAMARAWAN


17

C. Pamamaraan

Ang disenyo ng kilos-pananaliksik na ito ay nakasalig sa mga


hakbangin ni Nunan (1992) hinggil sa pananaliksik-wika. Ayon sa kanya, ang
pagsasagawa ng isang kilos-pananaliksik sa mga pag-aaral na pangwika ay
dumaraan sa isang siklo na may pitong yugto.

Una, ang isang kilos-pananaliksik ay pinasisimulan ng isang guro, na


lehitimong saksi at kasangkot, sa suliranin na kinakaharap ng kanyang klase.

Sa pananaliksik na ito, ang guro sa Filipino Baitang 7 ang nagsagawa


ng pananaliksik hinggil sa pagsulat sapagkat bahagi ng mga kasanayan na
dapat linangin sa mga mag-aaral sa naturang baitang ang pagsulat
alinsunod sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng K to 12.

Ikalawa, isinasagawa ang pangunang imbestigasyon ng isang kilos-


pananaliksik sa pamamagitan ng pagtitipon at pagtatala ng mga namasid
sa loob ng silid-aralan at sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral.

Sa unang buwan ng Taong Panuruan 2012 – 2013, namasid ng gurong


mananaliksik na marami sa mga mag-aaral sa Baitang 7 ang hindi
nakasusunod sa mga batayang alituntunin sa pagsulat – ang pagsulat nang
kabit-kabit; wastong paggamit ng malalaki at maliliit na titik; wastong
paggamit ng mga bantas; wastong pagbaybay ng mga salita; wastong
pagsulat ng talata). Upang ito ay matiyak, tinipon ng guro ang mga sulatin
ng mag-aaral at itinala isa-isa ang mga pagkakamali sa mga batayang
alituntunin sa pagsulat. Mula rito, natiyak niya na “mababa ang antas ng
mga batayang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino Baitang
7.”

Ikatlo, matapos ang pagsusuri sa mga inisyal na datos para sa


isasagawang kilos-pananaliksik, bumubuo ang mananaliksik ng iba’t ibang
hinuha hinggil sa mga maaaring ugat o sanhi ng suliraning natuklasan.
18

Inisa-isa ng guro ang mga maaaring sanhi ng mababang antas ng


batayang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7.
Ayon sa guro, ito ay maaaring sa : (1) kawalan ng sariling interes at/o
pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa pagsulat; (2) kakulangan ng sapat
na oras sa mga gawain sa pagsulat sa loob ng paaralan; (3) kakulangan ng
sapat na oras ng guro sa pagsubaybay sa mga gawain sa pagsulat ng mga
mag-aaral sa loob at labas ng paaralan; (4) kawalan ng pagkakataon at
angkop na lugar sa pagsulat sa loob ng tahanan; at (5) kakulangan ng
kaalaman at pagpapahalaga ng mga magulang sa kahalagahan ng
paglinang sa mga batayang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral
tungo sa kapaki-pakinabang na pag-aaral.

Ikaapat, ang gurong magsasagawa ng isang kilos-pananaliksik ay


bumubuo/naghahanda ng estratehiya at/o kagamitang pampagtuturo na
sa palagay niya ay makatutugon bilang panlunas sa suliranin na natuklasan.

Sa pag-aaral na ito, ang guro ay sumangguni sa iba’t ibang aklat


hinggil sa mabisang pagtuturo ng pagsulat. Sumangguni rin ang
mananaliksik sa nilalaman ng 2002 Basic Education Curriculum sa antas
elementarya at ang bagong kurikulum ng Baitang 7 sa K to 12 Basic
Education Curriculum upang matukoy ang mga kasanayan sa pagsulat na
inaasahang nalinang na at malilinang pa sa mga mag-aaral. Matapos ang
pagtitipon ng sapat na datos at kaalaman, ang mananaliksik ay naghanda
ng sanayang-papel hinggil sa paglinang ng mga batayang kasanayan sa
pagsulat. Naglaan din siya ng pang-araw-araw na gawain na
magpapatibay sa isipan ng mga mag-aaral hinggil sa mga alituntuning
dapat tandaan sa pagsulat. Nagsagawa rin ang guro ng pagdalaw sa
tahanan upang masubaybayan ang pagsulat ng mga mag-aaral sa bahay
at ipaalala sa mga magulang ang mahalagang papel nila sa pagbibigay
ng isang kapaligiran sa loob ng tahanan na angkop sa mga gawaing
pampaaralan gaya ng pagbasa, pagsulat, at paggawa ng iba pang
takdang-aralin at/o kasunduan.

Ikalima, matapos ang ilang linggo ng paggamit ng inihandang


estratehiya at/o kagamitang pampagtuturo, magsasagawa ng kaukulang
19

pagtataya ang guro upang matukoy ang kabisaan ng inilatag na gawaing


panlunas. Ito ay mahalagang yugto na hindi dapat kalimutan.

Ginamit ng guro na batayan sa pagtataya ang sulatin ng mga mag-


aaral sa ikalawang linggo ng Setyembre hanggang sa ikalawang linggo ng
Oktubre. Natuklasan niya na nagkaroon ng mahalagang pag-unlad
(significant development) sa antas ng batayang kasanayan sa pagsulat ang
mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7 matapos ang ilang linggo ng
paglalatag ng estratehiya/gawain na inihanda ng guro.

Ikaanim, isinasadokumento ng guro ang kinalabasan ng kanyang


kilos-pananaliksik, kung naging mabisa at makabuluhan ba ang kanyang
inilatag na gawaing panlunas o hindi.

Noong ikatlong linggo ng Oktubre, inilaan ng mananaliksik ang


kanyang mga libreng oras sa paghahanda ng kanyang dokumentasyon
hinggil sa isinagawang kilos-pananaliksik. Nagtagumpay ang guro na
pataasin ang antas ng batayang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral
sa Filipino Baitang 7 sa pamamagitan ng kanyang inihandang kagamitan,
mga isinagawang estratehiya sa loob ng silid-aralan, at pakikipag-ugnayan
sa mga magulang ng mag-aaral upang masubaybayan ang kanilang pag-
aaral sa loob at labas ng paaralan at ng tahanan.

Ikapito, sa isang kilos-pananaliksik, naging matagumpay man o hindi


ang isinagawang gawaing panlunas sa suliraning nilalayong matugunan,
ang gurong mananaliksik ay nararapat na patuloy na maghanap ng iba
pang alternatibo sa suliranin na nilalayong bigyang-katugunan.

Sa kabila ng suliranin na nabigyang-katugunan ng pananaliksik na ito,


patuloy ang guro sa paghahanap ng iba pang mga pamamaraan upang
mapagtibay pa ang antas ng mga batayang kasanayan sa pagsulat ng
mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7 upang maging matagumpay sa iba
pang pangangailangan ng mga aralin sa antas sekondarya.
20

Yugto 7
Pagsasagawa ng Yugto 1
Kaugnay Pang Paghahanda
Pananaliksik

Yugto 6
Pag-uulat at Yugto 2
Pagbabahagi ng Pangunang
Kinalabasan ng Dayagram 3 Imbestigasyon
Pag-aaral DISENYO NG KILOS-
PANANALIKSIK

Yugto 3
Yugto 5 Pagbibigay-hinuha
Pagtataya sa Sanhi ng
Suliranin

Yugto 4
Pagbibigay ng
Gawaing Panlunas
(Intervention)

D. Paglalahad ng Datos
Sa pagtataya ng antas ng kahusayan sa pagsulat ng mga mag-aaral,
ginamit na kasangkapan sa pagmamarka ang kasunod na pamantayan:

Talahanayan 3
PAMANTAYAAN SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT PARA SA BAITANG 7
KATUMBAS NA SAKLAW NA
ANTAS NG KASANAYAN
BILANG BILANG
A Advanced 5 4.50 – 5.00
P Proficient 4 3.50 – 4.49
AP Approaching Proficiency 3 2.50 – 3.49
D Developing 2 1.50 – 2.49
B Basic 1 1.00 – 1.49
21

Sa Kautusang Pangkagawaran (DepEd Order) Blg. 31, serye 2012,


inilarawan isa-isa ang naturang antas ng kasanayan gaya ng nasasaad sa
ibaba:

• B – Beginning: Sa yugtong ito, ang mag-aaral ay kasalukuyang may


kalituhan pa sa kanyang pang-unawa; ang kanyang mga batayang
kasanayan at kaalaman ay hindi pa sapat para sa sariling pagkatuto.

• D – Developing: Ang mag-aaral sa yugtong ito ay nagtataglay na ng


mga batayang kaalaman, kasanayan, at pag-unawa subalit
nangangailangan pa rin nang ibayong pagsubaybay sa
pagsasakatuparan ng isang gawain.

• AP – Approaching Proficiency: Nalinang na sa mag-aaral ang mga


batayang kaalaman, kasanayan, at pag-unawa. Sa kaunting tulong o
gabay ng guro, nailalapat na ng mag-aaral ang anumang natutuhan
sa pagsasakatuparan ng isang takdang gawain.

• P – Proficient: Ganap nang nalinang sa mag-aaral ang mga batayang


kaalaman, kasanayan, at pag-unawa. Sa yugtong ito, nailalapat na
ng mag-aaral ang anumang natutuhan sa pagsasakatuparan ng
isang takdang gawain nang mag-isa o walang anumang
pagsubaybay.

• A – Advanced: Bilang pinakamataas na yugto, nalagpasan na ng


mag-aaral ang mga batayang pangangailangan sa kaalaman,
kasanayan, at pag-unawa. Anumang natutuhan ng mag-aaral ay
awtomatikong nailalapat na niya sa pagsasakatuparan ng isang
gawain.
22

1. Kinalabasan ng Pang-unang Pagsusulit (Pre Test)

Upang mataya ang antas ng mga batayang kasanayan sa


pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino Baitang 7, dalawang output ng
mga mag-aaral ang binigyang-marka.

PANIMULANG PAGTATAYA – 1
Petsa: Hunyo 04, 2012

Gawain: Pagsulat ng mahahalagang tala sa sarili sa pamamagitan ng


• pagsulat nang kabit-kabit
• may wastong kapitalisasyon
• may wastong pagbabantas
• malinis/makinis na pagsulat

Panuto ng Guro: Isulat ang mahahalagang tala sa sarili. Sikaping maging malinis ang papel
at maayos ang pagkakasulat.

Inaasahang Bunga: Makasusulat ang mga mag-aaral ng mahahalagang impormasyong


pansarili nang kabit-kabit ang pagsulat, may wastong kapitalisasyon at
pagbabantas, at malinis/makinis na pagsulat.

Sa Panimulang Pagtataya – 1, tatlong sangkap ng mga batayang


kasanayan sa pagsulat ang tinaya/sinukat, ang (1) anyo ng kabit-kabit na
pagsulat, (2) ang wastong kapitalisasyon ng mga titik, at ang (3) wastong
paggamit ng bantas.

Sa 78 mag-aaral sa Baitang 7, naitala na 11 mag-aaral ang nasa


antas na Beginning, 40 ang nasa Developing, 27 ang nasa Approaching
Proficiency, at walang sinuman ang nasa antas na Proficient at
Advanced.
23

Dayagram 4
PANGKALAHATANG DISTRIBUSYON NG ANTAS NG KASANAYAN
SA PANIMULANG PAGTATAYA – 1
(Pagsulat ng Mahahalagang Tala sa Sarili)

Talahanayan 4
MARKA SA PANIMULANG PAGTATAYA – 1 SA PAGSULAT PARA SA BAITANG 7
(Pagsulat ng Talata na Naglalarawan sa Sarili)
SANGKAP SA PAGSULAT NA TINAYA MEAN PAGLALARAWAN
a. Anyo ng Kabit-kabit na Pagsulat 2.03 Developing (D)
b. Wastong Kapitalisasyon ng mga Titik 2.78 Approaching
Proficiency (AP)
c. Wastong Paggamit ng Bantas 1.88 Developing (D)
KABUUAN 2.23 Developing (D)

Lumabas sa Panimulang Pagtataya – 1 na sa pangkalahatan, ang


kasanayan ng mga mag-aaral ay nasa antas na Developing pa lamang
kaya’t lubhang kailangang pagtuunan ng pansin ng guro.
24

Talahanayan 5
INDIBIDUWAL NA MARKA NG MGA MAG-AARAL NG 7 – RESPECT
SA PANIMULANG PAGTATAYA – 1 SA PAGSULAT
(Pagsulat ng Mahahalagang Tala sa Sarili)
25

Talahanayan 6
INDIBIDUWAL NA MARKA NG MGA MAG-AARAL NG 7 – LOVE
SA PANIMULANG PAGTATAYA – 1 SA PAGSULAT
(Pagsulat ng Mahahalagang Tala sa Sarili)
26

PANIMULANG PAGTATAYA – 2
Petsa: Hunyo 11, 2012

Gawain: Paghahambing sa mga pansariling katangian noong bata pa at sa mga


katangian ngayong nasa antas sekondarya na. Kailangang isaalang-alang
ang mga sumusunod:
• pagsulat nang kabit-kabit
• may wastong kapitalisasyon
• may wastong pagbabantas
• may wastong pagbaybay ng salita
• may wastong palugit at malinis/makinis ang pagsulat ng talata

Panuto ng Guro: Ilarawan ang sarili noong bata pa at ngayong nasa antas sekondarya na.
Isulat ito sa loob ng dalawang talata. Sikaping maging malinis ang papel
at maayos ang pagkakasulat.

Inaasahang Bunga: Makasusulat ang mga mag-aaral ng dalawang talata na naglalarawan sa


sarili noong bata pa at ngayong nasa antas sekondarya na nang kabit-
kabit ang pagsulat, may wastong kapitalisasyon, pagbabantas at
pagbaybay ng mga salita, at may tamang palugit at malinis/makinis na
pagsulat.

Sinukat sa gawaing ito ang limang sangkap ng batayang


kasanayan sa pagsulat, ang (1) Pagkakakabit-kabit ng Pagsulat, (2)
Wastong Kapitalisasyon, (3) Wastong Pagbabantas, (4) Wastong
Pagbabaybay, at (5) Kawastuhan sa Palugit at Kinis ng Pagsulat ng
Talata.

Sa ikalawang bahagi ng pang-unang pagsusulit (Panimulang


Pagtataya – 2) naitala naman na sa pagsulat ng talata, 44 na mag-aaral
ang nasa antas pa na Beginning, 21 ang nasa Developing, 10 ang nasa
Approaching Proficiency, 3 ang nasa Proficient, at walang sinumang
mag-aaral ang nakaabot sa antas na Advanced. Ang distribusyon nito
ay matutunghayan sa dayagram sa kasunod na pahina.
27

Dayagram 5
PANGKALAHATANG DISTRIBUSYON NG ANTAS NG KASANAYAN
SA PANIMULANG PAGTATAYA – 2
(Pagsulat ng Talata na Naglalarawan sa Sarili)

Sa Talahanayan 7 matutunghayan na sa pangkalahatan, ang


antas ng mga batayang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa
Baitang 7 sa Panimulang Pagtataya – 2 ay nasa antas pa lamang na
Developing.

Talahanayan 7
MARKA SA PANIMULANG PAGTATAYA – 2 SA PAGSULAT PARA SA BAITANG 7
(Pagsulat ng Talata na Naglalarawan sa Sarili)
SANGKAP SA PAGSULAT NA TINAYA MEAN PAGLALARAWAN
a. Pagkakakabit-kabit ng Pagsulat 1.69 Developing (D)
b. Wastong Kapitalisasyon 1.72 Developing (D)
c. Wastong Pagbabantas 1.63 Developing (D)
d. Wastong Pagbabaybay 1.64 Developing (D)
e. Kawastuhan sa Palugit at Kinis ng Pagsulat
1.76 Developing (D)
ng Talata
KABUUAN 1.69 Developing (D)

Sa Talahanayan 8 at 9 naman sa dalawang magkasunod na


pahina, makikita ang indibiduwal na marka ng mga mag-aaral mula sa
dalawang pangkat ng Baitang 7 ng Mataas na Paaralan ng Pamarawan,
ang 7-Respect at 7-Love.
28

Talahanayan 8
INDIBIDUWAL NA MARKA NG MGA MAG-AARAL NG 7 – RESPECT
SA PANIMULANG PAGTATAYA – 2 SA PAGSULAT
(Pagsulat ng Talata na Naglalarawan sa Sarili)
29

Talahanayan 9
INDIBIDUWAL NA MARKA NG MGA MAG-AARAL NG 7 – LOVE
SA PANIMULANG PAGTATAYA – 2 SA PAGSULAT
(Pagsulat ng Talata na Naglalarawan sa Sarili)
30

2. Kinalabasan ng Panghuling Pagsusulit (Post Test)


Sa pagtatapos ng Unang Semestre, upang mataya ang bisa ng
mga inihanda at binuong gawain ng guro sa paglinang ng mga
batayang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Baitang 7 ng
Mataas na Paaralan ng Pamarawan, dalawang pangwakas na
pagtataya ang ibinigay ng guro.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA – 1
Petsa: Oktubre 04, 2012

Gawain: Pagsulat ng sariling talambuhay sa pamamagitan ng


• pagsulat nang kabit-kabit
• may wastong kapitalisasyon
• may wastong pagbabantas
• malinis/makinis na pagsulat

Panuto ng Guro: Sa loob ng tatlo hanggang limang talata, isulat ang iyong sariling
talambuhay. Sikaping maging malinis ang papel at maayos ang
pagkakasulat.

Inaasahang Bunga: Makasusulat ang mga mag-aaral ng sariling talambuhay nang kabit-kabit
ang pagsulat, may wastong kapitalisasyon at pagbabantas, at
malinis/makinis na pagsulat.

Muling sinukat sa gawaing ito ang limang sangkap ng mga


batayang kasanayan sa pagsulat, ang (1) Pagkakakabit-kabit ng
Pagsulat, (2) Wastong Kapitalisasyon, (3) Wastong Pagbabantas, (4)
Wastong Pagbabaybay, at (5) Kawastuhan sa Palugit at Kinis ng Pagsulat
ng Talata.

Sa panghuling pagsusulit (Pangwakas na Pagtataya – 1), 75 mag-


aaral na lamang ang kalahok sa pagtataya mula sa orihinal na 78 noong
panimulang pagtataya. Ito ay sapagkat hindi inaasahang naghinto na
sa pag-aaral ang tatlong mag-aaral na nabanggit.

Batay sa kinalabasan ng Pangwakas na Pagtataya – 1, may 3 mag-


aaral na lamang na nasa antas Beginning, 11 ang nasa Developing, 19
ang nasa Approaching Proficiency, 28 ang nasa Proficient, at 14 na mag-
aaral na ang nakaabot sa antas na Advanced.
31

Sa Dayagram 6 matutunghayan ang distribusyon ng antas ng


kasanayan sa Pangwakas na Pagtataya – 1.

Dayagram 6
PANGKALAHATANG DISTRIBUSYON NG ANTAS NG KASANAYAN SA PANGWAKAS
NA PAGTATAYA – 1 SA PAGSULAT PARA SA BAITANG 7
(Pagsulat ng Sariling Talambuhay)

A. Kinalabasan

B. Kongklusyon

Sa Pangwakas na Pagtataya – 2, matutunghayan na ang mga


mag-aaral sa Baitang 7 sa pangkalahatan ay nakaabot na sa antas na
Approaching Proficiency.

Talahanayan 10
MARKA SA PANGWAKAS NA PAGTATAYA – 1 SA PAGSULAT PARA SA BAITANG 7
(Pagsulat ng Sariling Talambuhay)
32

SANGKAP SA PAGSULAT NA TINAYA MEAN PAGLALARAWAN


a. Pagkakakabit-kabit ng Pagsulat 2.93 Approaching
Proficiency (AP)
b. Wastong Kapitalisasyon 3.67 Developing (D)
c. Wastong Pagbabantas 3.65 Developing (D)
d. Wastong Pagbabaybay 3.71 Developing (D)
e. Kawastuhan sa Palugit at Kinis ng Pagsulat
3.47 Approaching
ng Talata Proficiency (AP)
KABUUAN 3.49 Approaching
Proficiency (AP)

Sa dalawang magkasunod na pahina, matutunghayan ang


Talahanayan 11 at 12 hinggil sa indibiduwal na marka ng mga mag-aaral
mula sa dalawang pangkat ng Baitang 7 sa Pangwakas na Pagtataya – 2.
33

Talahanayan 11
INDIBIDUWAL NA MARKA NG MGA MAG-AARAL NG 7 – RESPECT
SA PANGWAKAS NA PAGTATAYA – 1
(Pagsulat ng Sariling Talambuhay)

Talahanayan 12
INDIBIDUWAL NA MARKA NG MGA MAG-AARAL NG 7 – LOVE
34

SA PANGWAKAS NA PAGTATAYA – 1
(Pagsulat ng Sariling Talambuhay)
35

PANGWAKAS NA PAGTATAYA – 2
Petsa: Oktubre 11, 2012

Gawain: Paglalarawan sa sariling natatanging kakayahan sa pamamagitan ng


• pagsulat nang kabit-kabit
• may wastong kapitalisasyon
• may wastong pagbabantas
• malinis/makinis na pagsulat

Panuto ng Guro: Sa loob ng tatlong talata, ilarawan ang iyong natatanging talento na nais
mong ibahagi sa iyong kapuwa. Sikaping maging malinis ang papel at
maayos ang pagkakasulat.

Inaasahang Bunga: Makasusulat ng sariling paglalarawan sa sariling natatanging kakayahan


nang kabit-kabit ang pagsulat, may wastong kapitalisasyon at
pagbabantas, at malinis/makinis na pagsulat.

Sa ikalawang bahagi ng panghuling pagsusulit (Pangwakas na


Pagtataya – 2), may 1 mag-aaral na lamang na nasa antas Beginning, 12
ang nasa Developing, 26 ang nasa Approaching Proficiency, 19 na ang
nasa Proficient at 17 mag-aaral na ang nakaabot sa antas na Advanced.

Ang naturang bilang ay batay sa pagsusuri ng guro sa limang


sangkap ng batayang kasanayan sa pagsulat na inisa-isa sa mga
naunang pahina.

Sa Dayagram 7 sa kasunod na pahina matutunghayan ang


distribusyon ng antas ng kasanayan sa Pangwakas na Pagtataya – 2.
36

Dayagram 7
PANGKALAHATANG DISTRIBUSYON NG ANTAS NG KASANAYAN SA PANGWAKAS
NA PAGTATAYA – 2 SA PAGSULAT PARA SA BAITANG 7
(Paglalarawan sa Sariling Natatanging Kakayahan)

Sa huling bahagi ng pangwakas na pagtataya, lumabas sa


natipong marka ng mga mag-aaral na sa pangkalahatang antas,
naabot na ng mga mag-aaral ang antas na Proficient.

Talahanayan 13
MARKA SA PANGWAKAS NA PAGTATAYA – 2 SA PAGSULAT PARA SA BAITANG 7
(Paglalarawan sa Sariling Natatanging Kakayahan)

SANGKAP SA PAGSULAT NA TINAYA MEAN PAGLALARAWAN


a. Pagkakakabit-kabit ng Pagsulat 3.07 Approaching
Proficiency (AP)
b. Wastong Kapitalisasyon 3.76 Proficient (P)
c. Wastong Pagbabantas 3.72 Proficient (P)
d. Wastong Pagbabaybay 3.73 Proficient (P)
e. Kawastuhan sa Palugit at Kinis Approaching
3.40 Proficiency (AP)
ng Pagsulat ng Talata
KABUUAN 3.54 Proficient (P)

Inisa-isa sa Talahanayan 14 at 15 ang indibiduwal na marka sa


pagsulat ng mga mag-aaral sa dalawang pangkat ng Baitang 7 sa
37

Pangwakas na Pagtataya – 2 hinggil sa pagsulat ng mga talata na


naglalarawan sa sariling natatanging kakayahan.

Talahanayan 14
INDIBIDUWAL NA MARKA NG MGA MAG-AARAL NG 7 – RESPECT
SA PANGWAKAS NA PAGTATAYA – 2
(Paglalarawan sa Sariling Natatanging Kakayahan)
38

Talahanayan 15
INDIBIDUWAL NA MARKA NG MGA MAG-AARAL NG 7 – LOVE
SA PANGWAKAS NA PAGTATAYA – 2
(Paglalarawan sa Sariling Natatanging Kakayahan)
39

3. Paghahambing sa Kinalabasan ng Pang-unang Pagsusulit (Pre Test)


at Panghuling Pagsusulit (Post Test)

Talahanayan 16
PAGHAHAMBING SA ANTAS NG MGA BATAYANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG
MGA MAG-AARAL SA BAITANG 7 SA PANG-UNA AT PANGHULING PAGSUSULIT
PANG-UNANG PANGHULING
ANTAS ANTAS
PAGSUSULIT PAGSUSULIT
Bahagi 1 2.23 Developing 3.49 Approaching Proficiency
Bahagi 2 1.69 Developing 3.54 Proficient
KABUUAN 1.96 Developing 3.52 Proficient

Matapos isagawa ng guro ang inihandang hanay ng mga gawain


sa paglinang ng mga batayang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-
aaral sa Baitang 7, naitala na nagkaroon ng makabuluhang pag-unlad
(significant development) sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral.

Mula sa pangkalahatang mean na 1.96 sa Pang-unang Pagsusulit


na nakapaloob sa paglalarawan na Developing, sumulong ito sa
markang 3.52 sa Pangwakas na Pagsusulit na may paglalarawan na
Proficient.

Nagtala ng markang 1.56 difference ang kinalabasan ng Pang-una


at Panghuling Pagsusulit na nagpapakita ng 80% na positibong
pagsulong sa antas ng mga batayang kasanayan sa pagsulat ng mga
mag-aaral sa Baitang 7 ng Mataas na Paaralan ng Pamarawan sa Taong
Panuruan 2012 – 2013.

Dayagram 7
PALARAWANG PAGHAHAMBING SA KINALABASAN
NG PANG-UNA AT PANGHULING PAGSUSULIT
40

E. Kongklusyon
Mula sa isinagawang kilos-pananaliksik sa Unang Semestre ng Taong
Panuruan 2012 – 2013, nabigyang-lunas ang suliranin ng mababang antas
ng mga batayang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino
Baitang 7 ng Mataas na Paaralan ng Pamarawan batay sa kinalabasan ng
paghahambing sa resulta ng pang-una at panghuling pagtataya ng guro.

Napatunayan ng gurong mananaliksik sa kanyang isinagawang pag-


aaral na:

1. higit na mahuhubog ang sariling kawilihan/interes ng mga mag-


aaral sa pagsulat kung makapaghahanda ang guro ng mga
angkop na gawaing pampagkatuto sa lebel ng kakayahan ng
mga mag-aaral gaya ng isang modyul;

2. maikikintal sa isipan ng mga mag-aaral na ang pagsulat ay isang


kawili-wiling gawain at hindi kailanman isang parusa kung ang guro
ay magbibigay o maglalaan ng sapat na oras at/o panahon sa
mga gawain sa pagsulat sa loob o labas man ng paaralan;

3. matitiyak na may pagsulong sa mga batayang kasanayan sa


pagsulat ng mga mag-aaral kung patuloy ang guro sa
pagsubaybay habang isinasagawa ang mga gawain sa pagsulat;

4. malaki ang maitutulong ng tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan ng


guro sa magulang ng mga mag-aaral gaya ng pagdalaw sa
tahanan (home visitation) upang ipaliwanag sa kanila ang
mahalagang papel ng mga magulang sa pagsubaybay sa pag-
aaral ng kanilang mga anak at ang kahalagahan ng angkop na
lugar sa loob ng tahanan upang malayang makapagsulat ang
bata at maisagawa ang iba pang mga takdang aralin; at

5. tunay na mahalaga ang papel ng guro sa pagbibigay-lunas sa


mga puwang sa pagkatuto (learning gap) para sa higit pang pag-
kaunlaran ng mga mag-aaral sa pagtugon sa mga
pangangailangan sa iba’t ibang asignatura.
41

F. Rekomendasyon
Mula sa nabuong mga kongklusyon sa pag-aaral na ito, buong
kapakumbabaang iminumungkahi ng gurong mananaliksik na:

1. ipadama sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng makrong


kasanayan na pagsulat para sa kanilang lubos na pagkatuto sa
pamamagitan ng paghahanda at pagbibigay ng mga kawili-wiling
gawain na angkop sa antas ng kanilang kakayahan;

2. tiyakin sa tuwina na may sapat na panimulang gawain sa bawat


pagsulat upang makuha ang kanilang kawilihan/interes at may sapat
na panahon/oras sa bawat partikular na gawain sa pagsulat;

3. subaybayan ang mga mag-aaral mula sa mga gawaing


pampaghahanda hanggang sa mismong pagsulat upang
matugunan ang anumang gabay na kinakailangan ng mga mag-
aaral sa matagumpay na pagsulat;

4. bumuo ng matibay na pakikipag-ugnayan sa tahanan ng bawat


mag-aaral upang maging katuwang ang mga magulang sa
pagsubaybay sa kaunlaran sa pag-aaral ng kanilang mga anak;

5. tukuyin ang mga mag-aaral na nagtala pa rin ng mababang antas ng


ng mga batayang kasanayan sa pagsulat matapos ang unang
semestre at ipagpatuloy ang pagbibigay sa kanila ng mga gawaing
panlunas hanggang sa pagtatapos ng taong panuruan para
malinang ang kanilang kasanayan sa pagsulat; at

6. ipagpatuloy ng mga guro ang pagsasagawa ng mga kilos-


pananaliksik gaya nito sa paglutas ng mga suliranin sa pagkatuto ng
mga mag-aaral o ng mga suliraning pansilid-aralan para sa rasyonal
at sistematikong pagbibigay-lunas sa mga ito.
42

TALASANGGUNIAN

Badayos, Paquito B. (1999). Metodolohiya sa pagtuturo ng wika: Simulain at


estratehiya. Makati: Grandwater Publications and Research Corporations.

Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa


Filipino: Mga teorya, simulain, at istratehiya. Malabon: Mutya Publishing
House, Inc.

DepEd Order No. 31, series 2012. Policy guidelines on the implementation of
grades 1 to 10 of the K to 12 Basic Education Curriculum (BEC) effective
school year 2012 – 2013.

DepEd Order No. 39, series 2012. Policy guidelines on addressing learning gaps
and implementing a reading and writing program in secondary schools
effective school year (SY) 2012-2013.

Komisyon sa Wikang Filipino. (2001). 2001 Revisyon ng alfabeto at patnubay sa


ispeling ng wikang Filipino. Maynila.

__________________________. (2011). Diksiyonaryong sentinyal ng wikang Filipino,


ika-75 anibersaryong edisyon. Maynila.

Legaspi, Leonida Q. (2005). Mga gawain sa paglinang ng kasanayan sa


pagsulat sa ikaapat na baitang sa elementarya. Di Nailathalang Tesis
Masteral. Maynila: Pamantasang Normal ng Pilipinas.

Liwanag, Lydia B. (1999). Magkakaugnay na pagtuturo ng pagbasa at pagsulat


sa Filipino: Mga pananaw at gawain. The Educators Diary 1999, Booklet.
Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.

Nunan, David. (1992). Research methods in language learning. New York:


Cambridge University Press.

Reid, Joy M. (1993). Teaching ESL writing. Prentice Hall Regents.

View publication stats

You might also like