You are on page 1of 3

Buod

Ang amin pong pag-aaral ay pumapatungkol sa Antas ng kakayahang


pangkomunikatibo gabay sa paggawa ng banghay-aralin sa pagsasalita. Nakatuon ito
sa apat na component ng kakayahang pangkomunikatibo ito ay ang gramatikal,
istratedyik, diskorsal at sosyo-lingguwistik. kung saan tutukuyin sa pag-aaral na ito kung
ano o anu-anung mga kakayahan ang taglay ng mga respondente sa apat na
komponent ng kakayahang pangkomunikatibo. Ang pag-aaral na ito ay magiging
interbasyon ng mga mananaliksik bilang gabay sa paggawa ng banghay-aralin sa
pagsasalita.

Bilang pagtitiyak, tatangkaing sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang profayl ng mga respondente ayon sa:

1.1 edad; at

1.2 kasarian?

Pinili namin ang baryabols na Edad at kasarian dahil nagkakaroon ng malaking salik na
nakakaapekto sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo kung saan mas hasa
ang isang tao na makipagtalastasan kung ito ay matanda at sa ibang sirkumstansya
naman ay dala ng iba’t ibang karanasan at pagkakataon. May malaking epekto rin ang
pagkakaiba ng kasarian ng bawat indibidwal dahil ang konsepto ng pakikipagtalastasan
para sa lalaki at babae ay nakadepende sa intension at gamit nito.

2. Ano ang antas ng kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang

wikang kinalakhan ayon sa:

2.1 gramatikal;

2.2 istratedyik;

2.3 diskorsal; at

2.4 sosyo-lingguwistik?

3. Ano ang implikasyon ng profayl ng mga respondente sa antas ng kakayahang

pangkomunikatibo ng mga mag-aaral?


4. Ano ang maaaring interbasyon upang maging gabay sa paggawa ng banghay-

aralin sa pagsasalita

Bakit napiling pag-aralan?

Napili namin itong pag-aralan dahil ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-
aaral ay isa sa mahalagang bagay na kailangan at dapat linangin hindi lamang ng mga
mag-aaral kundi ng lahat ng tao. Ang bawat isa po sa lipunang ating ginagalawan ay
kinakailangang makihalubilo sa kawpa tao sa halos lahat ng panahon at kung hindi
marunong ang isang mag-aaral o isang tao na makipag-ugnayan sa kapwa tao,
maaring maging sanhi ito ng hindi pagkakaintindihan. Kaya’t minamahalaga po ng mga
mananaliksik ang pagkakaroon ng kakayahang pangkomunikatibo ang siyang magiging
susi sa maayos na pakikipagtalastasan.

Ang apat na component ng kakayahang pangkomunikatibo.


Una ay ang kakayahang gramtikal na pumapatungkol sa kakayahang umunawa at
makabuo ng mga estraktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika. Ang
kakayahang ito ay hindi lamang naayon sa kaalamang nakagamit ng mga pangungusap
na may wastong balarila kundi kakayahan ding ipakita at gamitin na naayon sa hinihingi
ng sitwasyon. Samantalang ang kakayahang diskorsal naman ay nakatuon sa
kakayahang mabigyang ng wasto at tamang interprestasyon ang napakinggang
pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan. Ang kakayahang
istratedyik mga istratehiyang ginagawa ng tao upang matakpan ang mga di
perpektong kaalaman sa wika nang sa gayo’y ay maipagpatuloy ang daloy ng
komunikasyon. ikaapat, ang kakayahang sosyo-lingguwistik kung saan ang kakayahang
magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal.

Ano ang saligan o background study ninyo sa inyong pag-aaral?


Mayroon po kaming mga pag-aaral at progama na pinagbatayang konsepto. Ito ay ang
pananaliksik ni Yu (2017), sa “Communicative Competence of the First Year Student”
sa bansang Vietnam, kung saan natuklasan na ang kakayahang pangkomunikatibo ng
mga mag-aaral ay naimpluwensiyahan ng kanilang mga magulang. Ang kakayahang
gramatikal at diskorsal ay nagkakaroon ng development hindi lamang sa loob ng
paaralan bagkus nalilinang ito sa tahanan sa tulong ng mga magulang, pakikipag-usap
sa isang katutubong nagsasalita ng wikang Ingles at pagbabasa sa mga nakalantad na
mga impormasyon sa social media, at mga materyales na nakasulat sa Ingles.
pangalawa, ay ang pag-aaral na isinagawa nina Sumale et. al., 2018 kung saan ginamit
bilang variable ang apat na component ng kakayahang pangkomunikatibo upang
malaman ang antas pangkomunikatibo sa senior hugh school. Ang programa ng k-12
curriculum kung naglunsad kakayahang pangkomunikatibo mula sa baiting 7 hanggang
10. At kalauna’y isinama sa baiting 11 at 12 ang paghubog sa kakayahang
pangkomunikatibo sa asignaturang Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino kung
saan, sakop sa mga araling tatalakayin ang kasanayan sa paggamit ng kakayahang
pangkomunikatibo (gramatikal, istratedyik, diskorsal at sosyo-lingguwistik).

ay abilidad ng isang tao na makipag-ugnayan o maghatid ng mga impormasyon sa


tagatanggap nito na maging malinaw, tama at tamang impormasyon ayon sa nilalayon
nito gayundin ito ay kakayahang magsalitang nanghihikayat ng ibang tao at higit sa
lahat ay magamit ng wasto ang wika sa angkop na sitwasyon. Mayroon itong apat na
antas ng kakayahan, ito ay ang kakayahang gramatikal, istratedyik, diskorsal at sosyo-
lingguwistik) kung saan tutukuyin sa pag-aaral na ito kung ano o anu-anung mga
kakayahan ang taglay ng mga respondente sa apat na komponent ng kakayahang
pangkomunikatibo. Ang pag-aaral na ito ay magiging basehan ng mga mananaliksik sa
pagmumungkahi ng mga gabay sa pagbuo ng banghay-aralin sa pagsasalita.

You might also like