You are on page 1of 10

KABANATA IV

PAGLALAHAD,PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalarawan ng presentasyon,pagsusuri at

pagpapakahulugan sa mga datos na aming nalikom mula sa mga talatanungan na

aming ipinamahagi 70 na piling mag-aaral ng Senio High School mula sa Baitang 11

hanggang 12 sa Mataas na Paaralan ng Tipas.

1. Katangiang Personal ng mga mag-aaral sa Senior High School sa Mataasna Paaralan

ng Tipas.

Ang katangiang personal ng mga respondenteng piling mag-aaral ay batay sa

edad,kasarian,at baitang ng mga mag-aaral ng SeniorHigh School.

1.1 Edad.Ipinakikita sa Talahanayan Bilang 2 ang edad ng mga respondenteng piling

mag-aaral na nahahati sa limang kategorya.

Talahanayan Bilang2

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa edad

16 6 8.57 3

17 29 41.43 1

18 27 38.57 2

19 5 7.14 4

20-pataas 3 4.29 5
kabuuan 70 100

Ipinapakita sa Talahanayan Bilang 2 na sa kabuuang bilang ng mga respondante

na 70,29 ang nabibilang sa edad na 17 na nasa unang rank na may bahagdang

41.43;27 na bilang sa edad na 18 na may bahagdang 38.57 at nasa ikalawang rank;6

ang nabibilang sa edad na 16 na may bahagdang 7.14 na nasa ika-apat na rank at ang

edad na nasa huling rank ay 20 pataas na may bilang na 3 at bahagdang 4.29.

1.2 Kasarian.Sa Talahanayan Bilang 3 ay ipinakikita ang kasarian ng mga piling

respondenteng piling mag-aaral na nahahati sa dalawang kategorya.

Talahanayan Bilang 3

Distribusyon ng mga Repondente ayon sa Kasarian

Kasarian Bilang Bahagdan Rank

Babae 53 75.71 1

Lalaki 17 24.29 2

Ipanapakita sa Talahanayan Bilang 3 na sa kabuuang bilang ng mga respondente na 70,

53 ang sa kasariang babae na may bahagdang 75.71.At ang natitirang bilang na 17 ay

lalaki na may bahagdang 24.29.Sa kabuuan,karamihan sa mga respondente ay mga

babae.

1.3 Baitang.Ipinakikita sa Talahanayan Bilang 4 ang mga baitang ng mga piling

respondenteng mag-aaral na aming pinagkuhanan ng impormasyon.Ito ay nahahati sa

dalawang(2) kategorya.
Talahanayan Bilang 4

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Baitang

Baitang Bilang Bahagdan Rank

11 30 42.86 2

12 40 57.14 1

Kabuuan 70 100

Nakikita sa talahanayan na sa kabuuang 70 respondent,40 ang kabilang sa

baitang 12 na may bahagdang 57.14 na nasa unang rank at ang natitirang bilang na 30

ay nasa baitang 11 na may bahagdang 42.86. Karamihan sa mga respondente ay nasa

baitang 12.

2.Dahilan ng pagiging depress ng mga mag-aaral ng Senior High School sa

Akademikong perpormans.

Talahanayan 5

Dahilan ng pagiging depress ng mga mag-aaral ng Senior High School sa

Akademikong Perpormans

Aytem WM Berbal na interpretasyon Rank

1.Pagiging tambak sa mga gawain. 3.86 Higit na sumasang-ayon 2


2.Walang time management. 3.47 Higit na sumasang-ayon 4

3.Ang pagiging lider sa asignatura ngunit hindi 3.6 Higit na sumasang-ayon 3

tumutulong ang mga kagrupo.

4.Sunod-sunod na proyekto at takdang aralin. 4.2 Higit na sumasang-ayon 1

5.Kakulangan sa pagkakaintindi ng leksyong pinag- 3.43 Higit na sumasang-ayon 5

aaralan.

Composite Mean 3.71 Higit na sumasang-ayon

Makikita sa Talahanayan na ang nasa unang rank ay ang aytem bilang apat na

nagsasaad ng sunod-sunod na proyekto at takdang aralin.May weighted mean ito na 4.2

at may berbal na interpretasyon na higit na sumasang-ayon.Nagpapatunay lamang ito

na ang sunod-sunod na proyekto at takdang aralin ang pinakadahilan ng pagiging

depress ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Akademikong perpormans.At ang

nasa pangalawang rank ay ang aytem bilang isa na nagsasaad ng pagiging tambak sa

mga gawain.May weighted mean ito na 3.68 at may berbal na interpretasyon na higit

na sumasang-ayon. At ang nasa pangatlong rank ay ang aytem bilang tatlo na

nagsasaad na ang pagiging lider sa asignatura ngunit hindi tumutulong ang mga

kagrupo.May weighted mean ito na 3.6 at may berbal na higit na sumasang-ayon.

At ang nasa pang-apat na rank ay ang aytem bilang dalawa na nagsasaad na

walang time management.May weighted mean ito na 3.47 at may berbal na

interpretasyon na higit na sumasang-ayon.Ang pinakahuli na nasa rank ay ang aytem

bilang lima na nagsasaad na kakulangan sa pagkakaintindi ng leksyong pinag-

aaralan.May weighted mean ito na 3.43 at may berbal na higit na sumasang-ayon.


Sa kabuuan may composite mean ang dahilan ng pagiging depress ng mga

mag-aaral ng Senior High School sa Akademikong perpormans na 3.71.May berbal na

interpretasyon itong higit na sumasang-ayon.Pagpapatunay ito na ang respondenteng

piling mag-aaral ng Senior High School sa Mataas na Paaralan ng Tipas ay

nagpapatunay na ang depresyon ay hindi maganda sa akademikong perpormans ng

mga mag-aaral.

3.Epekto ng depresyon ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Akademikong

perpormans.

TALAHANAYAN BILANG 6

Epekto ng Depresyon sa mga mag-aaral ng Senior High School sa Akademikong

Perpormans

LEGEND:WM-Weighted Mean

Aytem WM Berbal na Rank

interpretasyon

1.Laging nagiging balisa o wala sa sarili. 3.63 Higit na sumasang-ayon 1

2.Hindi nakikinig sa klase dahil tulala. 3.2 Sumasang-ayon 8

3.Nakakakuha ng mababang marka sa 3.59 Higit na sumasang-ayon 2

asignatura.

4.Nag-iisip magpatiwakal. 2.9 Sumasang-ayn 10

5.Nawawala na ang pagiging aktibo sa klase. 3.23 Sumasang-ayon 7


6.Nawawalan ng tiwala sa sarili. 3.31 Sumasang-ayon 4

7.Laging nag-iisip ng mga negatibong bagay. 3.46 Higit na sumasang-ayon 3

8.Napapabayaan na ang sarili. 3.26 Sumasang-ayo 6

9.Laging nag-iisa at tahimik lamang. 3.07 Sumasan 9

10.Ayaw sa mga maiingay na lugar. 3.27 Sumasang-ayon 5

Composite Mean 3.29 Sumasang-ayon

Makikita sa talahanayan bilang 6,ang nasa unang rank ay ang aytem bilang

isa na nagsasaad ng laging nagiging balisa o wala sa sarili.May weighted mean ito na

3.63 at may berbal na interpretasyon na higit na sumasang-ayon.Nagpapatunay lamang

ito na ang laging nagiging balisa o wala sa sarili ang pinaka epekto ng depresyon sa

mga mag-aaral ng Senior High School sa akademikong perpormans.

At ang nasa pangalawang rank naman ay ang aytem bilang tatlo na

nagsasaad na nakakakuha ng mababang marka sa asignatura.May weighted mean ito

na 3.59 at may berbal na interpretasyon na higit na sumasang-ayon. Ang aytem bilang

pito ang nasa pangatlong rank na nagsasaad na laging nag-iisip ng mga negatibong

bagay.May weighted mean ito na 3.46 at may berbal na interpretasyon na higit na

sumasang-ayon.At ang nasa pang-apat na rank naman ay ang aytem bilang anim na

nagsasaad na nawawalan ng tiwala sa sarili.May weighted mean ito na 3.31 at may

berbal na interpretasyon na sumasang-ayon.

Ang aytem bilang sampu ang nasa pang-limang rank na nagsasaad na

ayaw sa mga maiingay na lugar.At may weighted meanito na 3.27 at may berbal na

interpretasyon na sumasang-ayon.At ang nasa pang-anim na rank ay ang aytem bilang


walo na nagsasaad na napapabayaan na ang sarili.May weighted mean ito na 3.26 at

may berbal na interpretasyon na sumasang-ayon.Ang aytem bilang lima ang nasa

ikapitong rank na nagsasaad na nawawala na ang pagiging aktibo sa klase.May

weighted mean ito na 3.23 at may berbal ma interpretasyon na sumasang-ayon.At ang

nasa pang-walong rank naman ay ang ayrem bilang dalawa na nagsasaad na hindi

nakikinig sa klase dahil tulala. May weighted mean na ito na 3.2 at may berbal na

interpretasyon na sumasang-ayon.Ang aytem bilang siyam ang nasa ika-siyam na rank

na nagsasaad na laging nag-iisa at tahimik lamang.May weighted mean ito na 3.07 at

may berbal na interpretasyon na sumasang-ayon.Samantalang ang nasa ika-sampung

rankvay ang aytem bilang apat na nagsasaad na mag-iisip magpatiwakal.May

weightedmean ito na 2.9 at may berbal na interpretasyon na sumasang-ayon.

Sa kabuuan may composite mean ang epekto ng depresyon sa mag-aaral

ng Senior High School s akademikong perpormans na 3.29.May berbal na

interpretasyon ito na sumasang-ayon.Pagpapatunay ito na ang mga piling

respondanteng mag-aaral ng Senior High School sa Mataas na Paaralan ng Tipas ay

nagpapatunay na ang masamang epekto ng depresyon sa mga mag-aaral ay hindi

maganda sa akademikong perpormans ng ma mag-aaral dahil nawawala ang mga mag-

aaral sa sarili para mag-aral.

4.Maaaring maging hakbang para maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon ng mga

mag-aaral.
Talahanayan 7

Maaaring maging hakbang para maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon ng

mga mag-aaral.

Legend:WM-Weighted Mean

Aytem WM Berba na Rank

Interpretasyon

1.Magkaroon ng time management. 4.29 Lubos na Sumasang- 5.5

ayon

2.Humingi ng tulong sa kamag-aaral o guro 4.26 Lubos na Sumasang- 7.5

sa mga asignaturang hindi alam ang ayon

gagawin.

3.Paglilibang sa sarili. 4.33 Lubos na Sumasang- 4

ayon

4.Gawin agad ang mga dapat gawin para 4.53 Lubos na Sumasang- 1

hindi matambakan ng madaming gawain. ayon

5.Huwag lumiban para hindi maiwan sa mga 4.39 Lubos na Sumasang- 2.5

gawain. ayon

6.Lumabas kasama ang mga kaibigan para 4.13 Higit na Sumasang-ayon 10

makapag-relax.

7.Magsabi ng problema sa magulang at mga 4.26 Lubos na Sumasang- 7.5

kaibigan para matulungan. ayon


8.Gumawa ng mga bagay na ikakasaya mo. 4.29 Lubos na Sumasang- 5.5

ayon

Huwag kaisipin ang mga problema. 4.19 Higit na Sumasang-ayon 9

Huwag mag-isip ng negatibo. 4.39 Lubos na Sumasang- 2.5

ayon

Composite Mean 4.31 Lubos na Sumasang-

ayon

Makikita sa Talahanayan 7,ang unang rank ay ang aytem bilang apat na

nagsasaad na gawin ang mga dapat gawin para hindi matambakan ng madaming

gawain. May weighted mean ito na 4.53 at may berbal na interpretasyon na lubos na

sumasang-ayon. Nagpapatunay lamang ito na ang gawin agad ang mga dapat gawin

para hindi matambakan ng madaming gawain ang pinaka maaaring maging hakbang

para maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon ng mag-aaral. Ito ang pinaka-mabisang

paraan sa pananaw ng mga respondente.

At nagkapareho naman sa ikalawang rank ang aytem bilang lima at sampu.

Sa aytem bilang lima na nagsasaad ito na huwag lumiban para hindi maiwan sa mga

gawain. May weighted mean na 4.39 na kapareho sa aytem bilang sampu na nagsasaad

naman na huwag mag-isip ng negatibo. May berbal na interpretasyon na lubos na

sumasang-ayon. At apat pa na aytem ang nagkapareho ng rank, ito ay ang aytem bilang

isa kung saan nagsasaad na magkaroon ng time management, may weighted mean na

5.5 at may berbal na interpretasyon na lubos na sumasang-ayon. At ang aytem bilang

walo kung saan nagsasaad na gumawa ng mga bagay na ikakasaya mo, may weighted

mean ito na 5.5 at may berbal na interpretasyon na lubos na sumasang-ayon. Ang

aytem bilang dalawa naman ay nagsasaad na humingi ng tulong sa kamag-aaral o guro


sa mga asignaturang hindi alam ang gagawin, may weighted mean na 7.5 at may berbal

na interpretasyon na lubos na sumasang-ayon. Ang aytem bilang pito ay nagsasaad na

magsabi ng problema sa magulang at mga kaibigan para matulungan, may weighted

mean na 7.5at may berbal na interpretasyon na lubos na sumasang-ayon.

At ang nasa ika-siyam na rank ay ang aytem bilang siyam na nagsasaad na

huwag kaisipin ang mga problema. May weighted mean ito na 4.19 at may berbal na

interpretasyon na higit na sumasang-ayon. At ang nasa ika-sampung rank naman ay

ang aytem bilang anim na nagsasaad na lumabas kasama ang mga kaibigan para

makapag-relax. May weihted mean ito na 4.19 at may berbal na interpretasyon na higit

na sumasang-ayon.

Sa kabuuan may compsite mean ang maaaring maging hakbang par

maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon ng mga mag-aaral na 4.31.May berbal na

interpretasyon ito na lubos na sumasang-ayon. Pagpapatunay ito na ang mga mag-aaral

ng Senior High School na napiling repondente ay nagpapatunay na ang maaaring

maging hakbang para maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon ng mga mag-aaral ay

maganda para sa kanilang akademikong perpormans.

You might also like