You are on page 1of 34

IV.

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG DATOS

Ang kabanata apat (4), dito naglalahad ng mga pagsusuri at interpretasyon base sa

binigay na datos ng mga respondante. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ng

mga mananaliksik ang opinyon at saloobin ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng

marketing management sa kanilang pag-harap sa hybrid learning set-up. Sa kabanatang

ito rin makikita ang paglalahad ng mga respondante ng kanilang mga datos base sa

kanilang kapasidad sa buhay. Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pag-

kalap ng impormasyon at pag-kolekta ng mga datos ay sa pamamagitan ng Google Forms

na ibinahagi sa mga mag aaral sa ikalawang taon ng marketing management.

1. Ano ang Demograpikong Profile ng mga respodante ayon sa:

1.1 – Edad

Talahayan 1
Ano ang Demograpikong Profile ng mga respodante
Edad Frequency Bahagdan Ranggo
17-19 Taong Gulang 19 63.3% 1
20-23 Taong Gulang 11 36.7% 2
23 Pataas na Taong Gulang 0 0% 3
Pangkalahatang kabuuan 30 100%

Ipinapakita sa talahayan 1 ang nagging distribusyon ng mga respondante na mula

sa ikalawang taong mag-aaral ng Marketing Management base sa kanilang edad.

Labinsiyam (19) o 63.3% ang kabuuang bilang ng mga nasa edad 17-19, labing isa (11) o

36.7% ang kabuuang bilang ng mga nasa edad 20-23, at sero (0) o wala ang kabuuang
bilang ng mga respondante ang nasa edad 23 pataas na taong gulang. Sa kabuuan,

tatlumpung (30) mag-aaral ang naging respondante para sa pag-aaral.

Ayon sa naging pag-aaral at resulta nina Alnaji, et. al. (2014), sa isang merkado

kung saan halos lahat ay nagiging computerized na, ang edad, kasarian at katayuan sa

lipunan ay tila may napakahalagang papel sa paggamit ng teknolohiya sa edukasyon.

Mula sa bahagi sa kasarian, tinitingnan ang Figure 1, nang tanungin tungkol sa paggamit

ng mga panlabas na tool tulad ng iPhone o iPad upang ma-access ang gawain sa paaralan,

64% ng mga babaeng na-survey ang sumang-ayon, kumpara sa 60% ng mga lalaki. Ang

mga babaeng estudyante ay tila gumagamit din ng Internet (sa labas ng kanilang kurso)

kaysa sa mga lalaki (73% hanggang 69%). Nang tanungin kung nais ng taong na-survey

na gumamit ng parehong tool sa mga kurso sa hinaharap, mas naging masigasig ang mga

kababaihan sa paggamit ng mga tool na ito kaysa sa kanilang mga katapat na lalaki (73%

kumpara sa 64%). Sa kabuuan ng mga resulta, mukhang mas gusto ng mga babaeng

estudyante ang online na teknolohiya kaysa sa kanilang mga katapat na lalaki, maliban

kapag tinanong kung ang mga pagsusulit sa kurso ay madaling tapusin; parehong

sumagot na may mababang marka: 12% lamang ng mga lalaki ang sumang-ayon kumpara

sa 4% lamang ng mga kababaihan. Ang resultang ito ay kadalasang dahil itinali ng mga

mag-aaral ang kahirapan ng pagsusulit sa tool. Ang tanong ay dapat na nakatuon sa tool

na ginamit sa mga pagsusulit sa halip na magtanong tungkol sa pagsusulit sa kurso sa

pangkalahatang paraan.
1.2 – Kasarian

Talahayan 2

Ano ang Demograpikong Profile ng mga respodante


Kasarian Frequency Bahagdan Ranggo
Lalaki 9 30% 2
Babae 21 70% 1
Pangkalahatang kabuuan 30 100%

Ipinapakita sa talahayan 2 ang nagging distribusyon ng mga respondante na mula

sa ikalawang taong mag-aaral ng Marketing Management base sa kanilang kasarian.

Siyam (9) o 30% ang kabuang bilang ng lalaki, at dalawamput isa (21) o 70% ang

kabuuang bilang ng mga respondante na babae. Sa kabuuan, tatlumpung (30) mag-aaral

ang naging respondante para sa pag-aaral.

Sa naging pag-aaral nina Alnaji, et. al. (2014), ang online na edukasyon ay

tumataas, dahil ang kompetisyon sa merkado, pag-usbong ng paggamit ng Internet,

globalisasyon, at ang pangangailangang ihanda ang mga mag-aaral na harapin ang mundo

ay nagtulak sa mga unibersidad na gumamit ng mga online na tool upang ihanda ang mga

mag-aaral para sa labas ng mundo. Ang paggamit ng mga online na tool ay nagtulak sa

mas maraming mag-aaral patungo sa online na pag-aaral, na lumilikha ng mga virtual na

unibersidad na sumisikat, pati na rin ang pagpilit sa mga kasalukuyang unibersidad na

mag-alok ng mga online na kurso o mag-alok ng mga hybrid na kurso (kalahati online,

kalahati nang harapan).


1.3 – Lokasyon

Talahayan 3

Ano ang Demograpikong Profile ng mga respodante


Kasarian Frequency Bahagdan Ranggo
Rural 16 53.3% 1
Urban 14 46.7% 2
Pangkalahatang kabuuan 30 100%

Ipinapakita sa talahayan 3 ang nagging distribusyon ng mga respondente na mula

sa ikalawang taong mag-aaral ng Marketing Management base sa kanilang lokasyon.

Labing anim (16) o 53.3% ang kabuuang bilang ng mga nasa rural, at labing apat (14) o

46.7% naman ang kabuuang bilang ng mga nasa urban. Sa kabuuan, tatlumpung (30)

mag-aaral ang naging respondente para sa pag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Mayer (2023), una, nalaman namin na habang pinupuri ng

mga mag-aaral ang flexibility ng hybrid na edukasyon na may lokasyong asynchrony,

mas binibigyang-diin ng mga tagapagturo ang mataas na pagiging kumplikado at hindi

nakakakita ng mas malalaking bentahe. Ang kaibahan na ito ay naaayon sa umiiral na

pananaliksik. Sa isang banda, inilalarawan ng mga mananaliksik ang pangangailangang

mag-alok ng mataas na kakayahang umangkop na ito sa mga mag-aaral, na pinangalanan

ang mga pakinabang tulad ng pagpapagaan ng mga pangunahing hamon tulad ng

paglikha ng balanse sa pagitan ng trabaho at edukasyon at sa pagitan ng pamilya / buhay

panlipunan at edukasyon.
2. Sa paanong paraan naaapektuhan ang mga mag-aaral sa ikalawang taon ng

marketing management sa implementasyon ng hybrid schedule, ayon sa:

2.1 - Pisikal na Aspeto

Talahayan 4
Sa paanong paraan naaapektuhan ang mga mag-aaral
sa implementasyon ng hybrid schedule
Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo
1. Responsibilidad sa tahanan 3.03 Sang-ayon 2
ang nagiging sanhi ng
kakulangan sa pokus ng mga
aralin.
2. Dahil sa hybrid iskedyul, 2.87 Sang-ayon 4
nawawalan ang mga mag-aaral
ng oras para sa kaayusan ng
sarili.
3. Hindi naunawaan ang 3.03 Sang-ayon 2
tinuturo dahil sa nakasanayang
online classes.
4. Hindi naunawaan ang 2.87 Sang-ayon 4
tinuturo dahil sa nakasanayang
face-to-face-classes.
5. Dulot ng masamang 3.27 Lubos na Sang- 1
iskedyul ang paghihirap ng ayon
mag-aaral sa mga gawaing
pang iskul at tahanan.

Composite Mean 3.01 Sang-ayon


Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon

Sa talahayan 4, ipinapakita rito ang bawat salik na umaayon sa pisikal na aspeto ng

mga mag aaral na sa kung paano paraan naapektuhan ang mga mag aaral sa

implementasyon ng hybrid schedule. Sa talahayang nasa itaas, makikita ang naging


resulta ng bawat pahayag ng bawat respondante. Nangunguna sa ranggo ang aytem na

dahil dinulot ng madamang iskedyul, nahihirapan ang mga mag-aaral sa mga gawain na

pang-iskul at pang-tahananan, ito ay may kabuuang mean na 3.37 at mayroong

interpretasyon na lubos na suma-sang-ayon ang bawat respendante sa pag-aaral.

Sa sunod ranggo naman, nag tugma o nag ka parehas sa ranggo ang aytem na:

Responsibilidad sa tahanan ang nagiging sanhi ng kakulangan sa pokus ng mga aralin, ath

indi naunawaan ang tinuturo dahil sa nakasanayang online classes ay may kabuuang

mean na 3.03% at mayroong interpretasyon na sang-ayon ang bawat respondante sa pag-

aaral.

Sa susunod naman na bahagi, muling nag ka tugma o nag ka parehas ang ranggo

ng susunod na aytem na: Dahil sa hybrid iskedyul, nawawalan ang mga mag-aaral ng

oras para sa kaayusan ng sarili, at hindi naunawaan ang tinuturo dahil sa nakasanayang

face-to-face-classes ay may kabuuang mean na 3.27 at mayroong interpretasyon na na

sang-ayon ang bawat respondante sa pag aaral.

Sa kabuuang datos na nakalap, mayroong composite mean na 3.01 na nag sa-saad

na interpretasyon na sang-ayon ang mga respondante sa buong pagaaral.

Lubos namang umaayon ang bawat impormasyong nakalap, ayon sa pag-aaral

nina Guitierez, J. et al. (2018), ang mga mag-aaral ay laging nakakaranas ng pag multi-

tasking at hindi maayos na tulog dahil sa mga gawaing kinakailangan tapusin at isumite.

Dahil sa makabagong pamamaraan sa pagkalap ng mga aralin, ang personal interaction o


social media interaction ay isa sa mga aspetong nakakaapekto sa kanilang kalidad ng

pakikipag-usap at pakikisalamuha.

2.2 – Mental na Aspeto

Talahayan 5
Sa paanong paraan naaapektuhan ang mga mag-aaral
sa implementasyon ng hybrid schedule
Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo
1. Na-prepressure sa mga 3.57 Lubos na Sang- 1
tambak na gawain. ayon
2. Nahihirapan makipag 3.3 Lubos na Sang- 2
sabayan sa mga diskusyon ayon
tuwing may online at face-to-
face classes sa kadahilanang
kinakabahan or natataranta.
3. Nakakaramdam ng social 2.8 Sang-ayon 5
anxiety tuwing may face-to-
face classes.
4. Madalas mag-alala at “mag- 3.1 Sang-ayon 3
overthink” sa mga gawain na
ipapasa dahil sa hybrid
schedule.
5. Mahilig mag procastinate 3.07 Sang-ayon 4
tuwing may gawain.
Composite Mean 3.17 Sang-ayon
Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon

Sa talahayan 5, ipinapakita rito ang bawat salik na umaayon sa mental na aspeto

ng mga mag aaral na sa kung paano paraan naapektuhan ang mga mag aaral sa

implementasyon ng hybrid schedule. Sa talahayang nasa itaas, makikita ang naging

resulta ng bawat pahayag ng bawat respondante. Nangunguna sa ranggo ang mga mag

aaral na na pre-pressure sa mga tambak na gawain, na may nakalap na mean na 3.57, na


may inisinasaad na interpretasyon na lubos na sang-ayon ang bawat responadante sa pag-

aaral. Sa Ikalawang ranggo naman, ang mga mag aaral na nahihirapan makipag sabayan

sa mga diskusyon tuwing may online at face-to-face classes sa kadahilanang kinakabahan

o natataranta ay may kabuuang mean na 3.3 at nag sa-saad na interpretasyon na lubos na

sang-ayon ang bawat respondante sa pag-aaral.

Sa ika-tatlong ranggo, ipinapakita rito na ang mga mag aaral na madalas mag-alala

at “mag-overthink” sa mga gawain na ipapasa dahil sa hybrid schedule ay may nakalap

na mean na 3.1 at nag sa-saad na interpretasyon na sang-ayon ang bawat respondante sa

pag-aaral. Sa ikaapat na bahagi, ang mga mag aaral na mahilig mag procastinate tuwing

may gawain ay may kabuuang mean na 3.07 na mayroong interpretasyon na sang-ayon

ang bawat respondante sa pag-aaral. At ang pang-huli sa ranggo, and bahagi na ang mga

mag-aaral na nakakaramdam ng social anxiety tuwing may face-to-face classes ay may

mean na 2.8 na mayroon paring interpretasyon na sang-ayon ang mga respondante sa

pag-aaral.

Sa kabuuang datos na nakalap, mayroong composite mean na 3.17 na nag sa-saad

na interpretasyon na sang-ayon ang mga respondante sa buong pagaaral.

Bilang karagdagang impormasyon na umaayon sa pag-aaral, ayon kina Peer, et al.

(2016), sa online at tradisyonal na klase, sa kanilang perspektibo, parehas na may

kaukulang epekto ang mga pamamaraan sa bawat mag-aaral. Nawawalan ang mga ito ng

pokus kung saan nagpapakita ng pagkababa ng porsyento ng kanilang pokus sa pag-aaral.


Kagaya na lamang sa online classes, maari nilang maakses ang mga iba't ibang apps

habang nakikinig sa leksyon ng guro. Sa face-to-face classes naman ay nagkaroon sila ng

distraksyon dahil sa mga kapwa mag-aaral.

2.3 – Pinansyal na Aspeto

Talahayan 6
Sa paanong paraan naaapektuhan ang mga mag-aaral
sa implementasyon ng hybrid schedule
Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo
1. Limitado ang mga 3.07 Sang-ayon 4
kagamitang pampagkatuto
(e.g. laptop, computer,
smartphones) upang
makalahok sa talakayan sa
online learning.
2. Dahil sa hybrid iskedyul, 3 Sang-ayon 3
hindi nagiging sapat ang
allowance.
3. Sa mga piling asignatura, 3.53 Lubos na Sang- 2
makakatulong ang paggawa ng ayon
e-books o printed module
upang maiwasan na ang
kinakailangang load/internet.
4. Lubos na malaki ang bahagi 4 Lubos na Sang- 1
ng pamasahe sa pagtugon sa ayon
hybrid learning.
5. Walang sapat na pambili ng 2.73 Sang-ayon 5
uniporme ng unibersidad.
Composite Mean 3.9 Lubos na Sang-
ayon
Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon
Sa talahayan 6, ipinapakita rito ang bawat salik na umaayon sa mental na aspeto

ng mga mag aaral na sa kung paano paraan naapektuhan ang mga mag aaral sa

implementasyon ng hybrid schedule. Sa talahayang nasa itaas, makikita ang naging

resulta ng bawat pahayag ng bawat respondante. Nangunguna sa ranggo ang mga mag-

aaral na nakaka-ranas ng lubos na nalalakihan ang bahagi ng pamasahe sa pagtugon sa

hybrid learning na may mean na 4 na nag sa-saad na interpretasyon na lubos na sang-

ayon ang mga respondante sa pag-aaral. Sa ikalawang ranggo naman na bahagi na kung

saan ang mga mag-aaral na nakakatulong ang pag-gawa ng mga e-books o printed

module upang maiwasan na ang kinakailangang load/internet ay may nakalap na mean na

3.53 na nag sa-saad ng interpretasyon na lubos na sang-ayon ang mga respondante sa

pag-aaral.

Sa ika-tatalong ranggo naman, ang mga mag-aaral na dahil sa hybrid iskedyul,

hindi nagiging sapat ang natatanggap na allowance na may nakalap na mean na 3 at nag

sa-saad na interpretasyon na sang-ayon ang mga respondante sa pag-aaral. Ang ika-apat

na ranggo naman ay ang mga mag aaral na may limitadong kagamitan sa pagka-tuto

upang makalahok sa mga talakayan sa online learning ay mayroong mean na 3.07 na nag

sa-saad na interpretasyon sang-ayon ang bawat respondante sa pag-aaral. At ang

panghulo, sa ikal-limang ranggo, ang mga mag-aaral na walang sapat na pambili ng

kanilang uniporme ng unibersidad ay may mean na 2.73 at nag sa-saad ng interpretasyon

na sang-ayon ang bawat respondante sa pag-aaral.


Sa kabuuang datos na nakalap, mayroong composite mean na 3.9 na nag sa-saad

na interpretasyon na lubos na sang-ayon ang mga respondante sa buong pagaaral.

Ayon sa naging pag-aaral ni Nolasco (2022), kadalasan ang kapalit na suliranin

para sa online na klase ay mas mababa kaysa sa karaniwang mga klase sa campus.

Habang ang mga mag-aaral ay nag-iipon ng pera dahil sa pinababang mga obligasyon sa

mga gastusin, ang mga paaralan ay nakakatipid din ng pera dahil sa mas kaunting gastos

sa pagpapanatili ng kanilang mga pasilidad. Makakatipid din ng oras ang mga estudyante

dahil sa mas maikling oras ng paglalakbay. Hindi na kinakailangang maabala ang mga

estudyante upang talunin ang daloy ng trapiko dahil sa pagkakaroon ng virtual na klase.

Ang mga materyales sa pag-aaral ay magagamit at kailangan lamang i-download. Ngunit

may mga suliranin paring kinahaharap ang mga mag-aaral sa online classes.
3. Mga suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa kanilang Hybrid schedule sa

Ikalawang Taon ng Marketing Management ng Batangas State University.

3.1 - Pisikal na Aspeto

Talahayanan 7

Masamang Impluwensya ng Lokasyon ng mga mag-aaral


sa kanilang Hybrid Schedule
Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo
1. Ang hindi komportableng 3.20 Sang-ayon 5
lokasyon ay nag reresulta ng
kahirapan sa pagsulat ng
maaaring maitala.
2. Dahil sa magulo at maingay 3.53 Lubos na Sang- 2
na lokasyon, hindi maunawaan ayon
ng mga mag-aaral ang mga
tinatalakay
3. Sanhi ng pag byahe ang 3.40 Lubos na Sang- 4
pag-kaubos ng enerhiya ng ayon
mga estudyante.

4. Maingay na kapaligiran na 3.60 Lubos na Sang- 1


nagbubunga ng pagkalito at ayon
hindi pagkaunawa sa nailahad
ng kamag aral o ng guro.

5. Ang mga outdated na 3.46 Lubos na Sang- 3


gadyet ay nag reresulta ng ayon
kahirapan sa pakikipag
sabayan sa leksyong online.
Composite Mean 3.43 Lubos na Sang-
ayon
Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon

Ang talahayanan 7 ay nagrerepresenta ng mga salik na umaayon sa mga mag-aaral

sa pisikal na aspeto kung saan naglalahad ng malawakang pagbibigay ng opinyon batay

sa mga masamang impluwensiya ng lokasyon sa hybrid schedule sa mga mag-aaral. Sa

mga nakalap na impormasyon ito ay nag bibigay ng interpretasyon na umaayon sa

nararanasanan ng mga respondante sa mga pahayag. Karamihan sa mga mag-aaral ay

Lubos na Sang-ayon na ang pagkakaroon ng maingay na kapaligiran na nagbubunga ng

pagkalito at hindi pagkaunawa sa nailahad ng kamag aral o ng guro ay masamang

impluwensya na may mean na 3.60. Sinundan naman nito ng dahil sa magulo at maingay

na lokasyon, hindi maunawaan ng mga mag-aaral ang mga tinatalakay na may mean na

3.53, at ito ay sinundan ng ang mga outdated na gadyet ay nag reresulta ng kahirapan sa

pakikipag sabayan sa leksyong online na mayroong mean na 3.46, at ito ay sinundan ng

sanhi ng pag byahe ang pag-kaubos ng enerhiya ng mga estudyante na may mean na 3.40.

At ang may pinakamababang mean naman ay ang hindi komportableng lokasyon ay nag

reresulta ng kahirapan sa pagsulat ng maaaring maitala na may 3.20. Ang kabuuang

composite mean ng mga pahayag ay higit kumulang na 3.43.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Zhang (2021), sa panahon ngayon ang blended

learning ay isa sa mga paraan na ginagamit sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng Batangas

State University sa kursong Marketing Management. Nagkakaroon ng mga balakid hindi

lamang sa pagsasagawa ng nasabing hybrid learning sapagkat nagkakaroon ng


komplikasyon sa iskedyul, kapaligiran, sariling enerhiya at motibasyon, nagkakataon na

ito ay hindi maayos na nakakaapekto sa mga pisikal na kakayahan ng mga mag-aaral.

3.2 - Mental na Aspeto

Talahayanan 8

Masamang Impluwensya ng Lokasyon ng mga


mag-aaral sa kanilang Hybrid Schedule
Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo
1. Nahihirapan kapag 3.33 Lubos na Sang- 1
naghahanap ng komportableng ayon
lokasyon na nag dudulot ng
pag ka balisa o pag ka stress.
2. Naninibago sa lokasyon sa 3.13 Sang-ayon 3
loob nang tahanan at sa iba
pang lokasyon na nag dudulot
ng paninibago sa mental na
kalusugan
3. Naapektuhan ang pagtulog 3.03 Sang-ayon 4
dulot ng matinding pag iisip sa
hybrid schedule.

4. Kawalan ng lakas ng loob 3.23 Sang-ayon 2


makipagpartisipasyon sa klase.

5. Nawawalan ng gana sa 2.86 Sang-ayon 5


pagkain sa labis na pagiisip
ng. mga pagsubok dulot ng
hybrid schedule.
Composite Mean 3.11 Sang-ayon

Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon
Ang talahayanan 8 ay nagrerepresenta ng mga salik na umaayon sa mga mag-aaral

sa mental na aspeto kung saan naglalahad ng malawakang pagbibigay ng opinyon batay

sa mga masamang impluwensiya ng lokasyon sa hybrid schedule sa mga mag-aaral. Sa

mga nakalap na impormasyon ito ay nag bibigay ng interpretasyon na umaayon sa

nararanasanan ng mga respondante sa mga pahayag. Karamihan sa mga mag-aaral ay

Lubos na Sang-ayon na nahihirapan kapag naghahanap ng komportableng lokasyon na

nag dudulot ng pag ka balisa o pag ka stress na may mean na 3.33. Sinundan naman nito

ng naapektuhan ang pagtulog dulot ng matinding pag iisip sa hybrid schedule na may

mean na 3.03, at ito ay sinundan ng naninibago sa lokasyon sa loob nang tahanan at sa

iba pang lokasyon na nag dudulot ng paninibago sa mental na kalusugan na mayroong

mean na 3.13, at ito ay sinundan ng kawalan ng lakas ng loob makipagpartisipasyon sa

klase na may mean na 3.23. At ang may pinakamababang mean naman ay nawawalan ng

gana sa pagkain sa labis na pagiisip ng. mga pagsubok dulot ng hybrid schedule na may

3.86. Ang kabuuang composite mean ng mga pahayag ay higit kumulang na 3.11.

Ayon sa pag-aaral ni Cura (2021), ang sitwasyon na umaangkop sa edukasyon

ng mag aaral ay ang mga konsepto na dapat isa alang-alang sa pag adapt sa

makabagong henerasyon ng pag tuturo. Ang new pedagogical concepts ay umaayoon sa

mga tekniks ng mga estudyante para sa pag kakaroon ng oportyunidad sa pag-aaral at

nakikita rin dito ang mga pagsubok na kanilang kinahaharap sa mga makabagong

sistema ng edukasyon sa mental na kakayahan ng mga mag-aaral.


3.3 - Pinansyal na Aspeto

Talahayanan 9

Masamang Impluwensya ng Lokasyon ng mga


mag-aaral sa kanilang Hybrid Schedule
Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo
1. Pagbabayad ng pamasahe at 3.16 Sang-ayon 2
mga gastusin na nag reresulta
ng kakulangan sa pang araw-
araw na pinansyal.
2. Dahil sa kalayuan ng 3.1 Sang-ayon 4
tirahan, mas piling mag dorm
nalang malapit sa school.
3. Inaayon ang pag hahanap ng 3.16 Sang-ayon 2
dormitoryo sa pinansyal na
kapasidad.

4. Kinakapos sa gastusin dahil 2.86 Sang-ayon 5


sa bayarin sa paupahan.

5. Pagtaas ng mga bilihin sa 3.66 Lubos na Sang- 1


nasabing syudad ay nag ayon
reresulta ng pagtitipid ng mag-
aaral.
Composite Mean 3.18 Sang-ayon

Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon
Ang talahayanan 9 ay nagrerepresenta ng mga salik na umaayon sa mga mag-aaral

sa pinansyal na aspeto kung saan naglalahad ng malawakang pagbibigay ng opinyon

batay sa mga masamang impluwensiya ng lokasyon sa hybrid schedule sa mga mag-aaral.

Sa mga nakalap na impormasyon ito ay nag bibigay ng interpretasyon na umaayon sa

nararanasanan ng mga respondante sa mga pahayag. Karamihan sa mga mag-aaral ay

Lubos na Sang-ayon na pagtaas ng mga bilihin sa nasabing syudad ay nag reresulta ng

pagtitipid ng mag-aaral na may mean na 3.66. Sinundan naman nito ng dahil sa kalayuan

ng tirahan, mas piling mag dorm nalang malapit sa school na may mean na 3.10, at ito ay

sinundan ng pagbabayad ng pamasahe at mga gastusin na nag reresulta ng kakulangan sa

pang araw-araw na pinansyal at inaayon ang pag hahanap ng dormitoryo sa pinansyal na

kapasidad na mayroong pagkaparehas na mean na 3.16. At ang may pinakamababang

mean naman ay kinakapos sa gastusin dahil sa bayarin sa paupahan na may 2.86. Ang

kabuuang composite mean ng mga pahayag ay higit kumulang na 3.18 na Sang-ayon..

Sa pag-aaral ni Graham et al. (2018), ipinakita ang mahalagang papel ng hybrid na

klase sa edukasyon, kung saan ang mga innovator at lider sa mas mataas na edukasyon ay

nag-e-expect ng mga benepisyo mula dito. Upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon

sa online at offline na kapaligiran, mahalaga na magkaroon ng kaakibat na kapaligiran sa

pag-aaral na naglalayong malampasan ang mga hamon. Na sinuportahan naman ni

Nolasco (2022), na ang online na edukasyon ay madalas na mas abot-kaya ang bayarin

kumpara sa tradisyonal na mga klase sa campus. Ito ay nag re-resulta sa pag-iipon ng

pera ng mga mag-aaral dahil sa mas mababang gastusin sa mga pisikal na gawain tulad
na lamang ng pag-byahe, pagbili ng uniporme, paghahanap ng dormitoryo dahil sa

kalayuan ng tirahan.

4. Mga suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa kanilang Hybrid schedule sa

Ikalawang Taon ng Marketing Management ng Batangas State University.

4.1 - Pisikal na Aspeto

Talahayanan 10

Mga suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa kanilang Hybrid schedule

Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo

1. Kahirapan sa transportasyon 3.26 Lubos na Sang- 4


ayon

2. Maingay na paligid. 3.47 Lubos na Sang- 2


ayon

3. Hindi komportable o sanay 3.27 Lubos na Sang- 3


sa kaligiran. ayon

4. Problema sa korporasyon at 3.26 Lubos na Sang- 4


kaswal na kasuotan. ayon
5. Kawalan ng enerhiya dulot 3.53 Lubos na Sang- 1
ng pagbyahe. ayon

Composite Mean 3.36 Lubos na Sang-


ayon
Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon

Ang talahayanan 10 ay nag rerepresenta ng mga salik na umaayon sa mga mag-

aaral sa pisikal na aspeto kung saan naglalahad ng malawakang pagbibigay ng opinyon

batay sa mga suliraning kinahaharap sa hybrid schedule ng mga mag-aaral. Sa mga

nakalap na impormasyon ito ay nag bibigay ng interpretasyon na umaayon sa

nararanasanan ng mga respondante sa mga pahayag. Karamihan sa mga mag-aaral ay

lubos na sang-ayon na ang kawalan ng enerhiya dulot ng pagbyahe ay nagging suliranin

sa mga ito na may mean na 3.53. Sinundan nmn ito ng nakakaapekto sa pag-aaral ang

maingay a paligid na mayroong mean na 3.47, at ito naman ay sinundn ng kahirapan sa

transportasyon at problema sa korporasyon at kaswal na kasuotan na may 3.26 na mean

sa talahayanan. Ang may pinakamababang mean naman ay ang kahirapan sa

transportasyon at problema sa korporasyon at kaswal na kasuotan na may 3.26 na mean.

Ang kabuuang composite mean ng mga pahayag ay higit kumulang na 3.36.

Sa pag-aaral ni Tong, D. (2017), ay nag bibigay ng malaking suliranin at hamon

ang lokasyon o lugar ng isang mag-aaral. Isa ito sa pinaka malaking balakid sa pag-aaral

ng mga estudyante dahil sa kakayahan ng mga itong umangkop sa mga suliraninn sa

kaligiran, sa kani-kanilang sariling enerhiya at motibasyon para sa mga maaring gawin.


Ang progreso ng mga mag-aaral sa kanilang mga aralin ay nakakatanggap na matinding

pagsubok sa pagharap sa mga maaaring balakid sa kanilang mga pisikal na kakayahan.

4.2 - Mental na Aspeto

Talahayanan 11

Mga suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa kanilang Hybrid schedule

Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo


1. Pag kakaroon ng mahinang 3.33 Lubos na Sang- 2
kalooban tuwing may ayon
recitation o reporting.
2. Nahihirapan makisalamuha 3.06 Sang-ayon 5
sa kapwa.
3. Kawalan ng pokus dulot ng 3.40 Lubos na Sang- 1
mga tambak na gawain. ayon
4. Paninibago sa paraan ng 3.23 Sang-ayon 4
pagkatuto dahil sa mga di’
nakasanayang interaksyon sa
kapuwa tao at deliberasyon ng
mga talakayan.

5. Hirap maunawaan ang mga 3.26 Lubos na Sang- 3


talakayan dahil sa pamamraan ayon
ng pagturo.

Composite Mean 3.26 Lubos na Sang-


ayon
Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon

Ang Talahayanan 11 ay nag rerepresenta ng mga salik na umaayon sa mental na

aspeto ng mga mag-aaral kung saan nag papakita ang talahayanan ng kaugnayang

pahayag na nararapat sa interpretasyong nailalahad. Sa mga nakalap na impormasyon,

karamihan sa mga pahayag na naihatid sa mga respondante ay mayroong kabuuang

interpretasyon na may lubos na sang-ayon ang interpretasyon sa bawat mean ng pahayag

na ang kawalan ng pokus dulot ng mga tambak na gawain ang may pinakamataas na

ranggo kung saan mayroong 3.40 na mean. Sinundan naman ang pahayag na ito sa pag

kakaroon ng mahinang kalooban tuwing may recitation o reporting na mayroong mean na

3.33. Sa ikatlong ranggo naman na may naitatalang 3.26 na mean ay ang hirap

maunawaan ang mga talakayan dahil sa pamamaraan ng pagturo. Sinundan naman ito sa

ng paninibago sa paraan ng pagkatuto dahil sa mga di’ nakasanayang interaksyon sa

kapuwa tao at deliberasyon ng mga talakayan na may mean na 3.23. Higit sa lahat ang

may pinaka mababang mean ay ang nahihirapan sa makisalamuha sa kapwa na may mean

na 3.06. Sa kabuuang pahayag ay nagtatagingting na may 3.26 na composite mean.

Sa pag-aaral nina Peer, et al. (2016) na ang perspektibo ng mga mag-aaral sa

kasalukuyang deliberasyon ng aralin ay nakakaapekto sa pamamaraan ng pag-aaral.

Naapektuhan rin ang kanilang mental na kakayahan dahil sa pag baba ng porsyento ng

pokus sa pag-aaral. Sinusuportahan naman ito ng pag-aaral sa mga pamamaraan ng

pagpapakatuto ay nagiging salik sa mga mag-aaral ang tambak na gawain na ayon sa pag

aaral ni Guitierez, J et al. (2018) na ang mga mag-aaral ay hindi nagkakaroon ng sapat na
tulog dahil sa mga kinakailangang tapusin na gawain. Ito ang pinagmulan ng salitang

multi-tasking ng mga mag-aaral dahil sa sabay-sabay na gawain na kailangang tapusin.

4.3 – Pinansyal na Aspeto

Talahayanan 12

Mga suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa kanilang Hybrid schedule


Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo
1. Pagtitipid o mahigpit na pag 3.73 Lubos na Sang- 1
babadyet ng pera. ayon

2. Malaking bayad sa 3.17 Sang-ayon 3


pamasahe.
3. Maraming gastusin na gamit 3.53 Lubos na Sang- 2
pampagkatuto at sa gastusin sa ayon
tahanan.
4. Walang sapat na pera 2.77 Sang-ayon 5
pambili ng unipormeng pang
unibersidad.

5. Kawalan ng kasapatan na 2.93 Sang-ayon 4


gadyets sa pag-aaral.
Composite Mean 3.23 Sang-ayon

Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon
Ang Talahayanan 12 ay nag rerepresenta ng mga salik na umaayon sa pinansyal na

aspeto ng mga mag-aaral. Sa mga nakalap na impormasyon, karamihan sa mga pahayag

ay nag hahatid ng interpretasyong sang-ayon. Karamihan sa mga mag-aaral ay may

pinagmula sa kanilang pinansyal na aspeto naririto ng ilang pahayag kung saan ang mga

suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral ay nagiging rason sa pagbaba ng porsyento sa

pagkakaroon ng access sa mga kagamitang pampagpapakatuto. Nasa ika unang ranggo

ang pagtitipid o mahigpit na pag babadyet ng pero na may mean na 3.73 at ito ay

sinundan ng madaming gastusin na gamit pampagpapakatuto at gastusin sa tahanan na

may mean na 3.53. Sinundan naman ito ng sang-ayon na interpresyon na malaking bayad

sa pamasahe na may 3.17 na mean. Ang pinaka mababang mean naman ay nakatanggap

ng 2.77 na walang sapat na era pambili ng unipormeng pang unibersidad.

Sa mga nakalapa na impormasyon, ang kahalahatan ay binubuo ng 3.23 na

composite mean kung saan sang-ayon ang mga mag-aaral saa mga pahayag na maaring

suliranin nito.

Ayon naman sa pag-aaral ni Nolasco (2022) na ang kadalasan na kapalit ng

makabagong paraan ng pagtuturo sa online learning ay higit pang mas nakakatippid

kumpara sa tradisyunal na gawain. Dahil sa kaunting gastos sa online learnig nakakatipid

ang mga mag-aaral sa mga gastusin at mas mapapagtuunang pansin ang gastusin sa

tahanan. Kalaunan, hindi nila kailangang isipin ang pag byahe papunta sa paaralan at

nababawasan na rin ang mga gastusing kailangan nilang harapin. Sa pag-aaral ni Nolasco

(2022), ang mga salik at nais ipahatid ng diskusyong pang pamagpapakatuto ay maaring
makaapekto sa deliberasyon ng aralin, ngunit ang kapalit nito ay pagbaba ng porsyento

ng gastusin.

Sa kinasanayang traditional learning ay nagpapakita ito ng ng mas mataas na

karagdagang gastusin na nakaka epekto sa mga mag-aaral. Ang mga salik na kinahaharap

sa online learning ay ang kagamitan sa pampagpapakatuto, samantalang sa tradisyunal na

pamamaraan ay ang pag kakaroon ng matiwasay na lokason na umaakibat sa destinasyon

ng paaralan.

5. Ano ang rekomendasyon/solusyon na maaaring maisagawa upang maipatupad

ang maayos na schedule ng mga Marketing Management sa Ikalawang Taon, Ayon

sa:

5.1 - Pisikal na Aspeto

Talahayanan 13

Ano ang rekomendasyon/solusyon na maaaring


maisagawa upang maipatupad ang maayos na schedule
Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo

1. Gumigising/Naghahanda 3.7 Lubos na Sang- 1


nang maaga, dalawang oras ayon
bago mag klase.

2. Pumapasok ng mas maaga, 3.57 Lubos na Sang- 4


Kalahating oras bago mag ayon
simula ang klase.

3. Nag-aayos ng Maganda at 3.57 Lubos na Sang- 4


mapayapang paligid bago mag ayon
simula ang online na klase.
4. Sinisiguradong malakas 3.67 Lubos na Sang- 2
ang internet bago mag simula ayon
ang online na klase.

5. Nagiging handa sa bawat 3.67 Lubos na Sang- 2


problema na pwedeng ayon
umusbong sa pag-pasok sa
unibersidad.

Composite Mean 3.64 Lubos na Sang-


ayon
Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon

Ipinapakita sa talahanayan 13 ang iba’t ibang mga paraan ayon sa pisikal na aspeto

ng mga mag-aaral sa pagtugon nila sa mga suliraning kinakaharap sa kanilang hybrid

schedule. Makikita sa talahanayan 13 ang pangunguna sa ranggo ng aytem na gumising

nang maaga, dalawang oras bago magklase. Ito ay may weighted mean na 3.7 at may

berbal na interpretasyon na lubos na sang-ayon.

Sumunod sa ranggo naman ang mga aytem na siniguradong malakas ang internet

bago magsimula ang online na klase at handa sa bawat problema na pwedeng umusbong

sa pagpasok sa unibersidad. Ang parehas na aytem ay may weighted mean na 3.67 at may

berbal na interpretasyon na lubos na sang-ayon.

Ayon kay Amul et al. (2022), sa konteksto ng online na pag-aaral ay may

mgahamon na mas kinakaharap ang mga mag-aaral. Ito ay kinabibilangan ng kakulangan

saindibidwal na atensyon, abala, at mahirap na pamamahala ng oras. Ang online

napagsasanay ay maaaring pagmulan ng kaakibat na negatibong epekto sa pagpopokus ng


isang mag-aaral. dahil ito ay nangangailangan ng mataas na antas ng adaptasyon at oras,

at ito ay madalas na maging sanhi ng maraming abala.

Kaugnay sa pag aaral ni Amul ang kakulangan ng sariling pagkontrol ng oras ay

maaaring maging isa sa mga malalaking hadlang sa pagpapakatuto. Upang malampasan

ito, mahalaga na ang mga mag-aaral ay maging seryoso sa kanilang pag-aaral, magkaroon

ng mga diskarte sa pamamahala ng oras, at magtiyaga sa kanilang pag-aaral sa kabila ng

mganegatibong dating ng modernong pagpapakatuto. Ang nais o motibasyon ng mga

mag-aaralay maaaring maging isang hamon kapag sila ay hindi nasa pisikal na klase sa

isang takdangoras, at ito ay isang aspeto na kinakailangan nilang labanan.

Sa pag-aaral ni Graham et al. (2018), ipinakita ang mahalagang papel ng hybrid

naklase sa edukasyon, kung saan ang mga innovator at lider sa mas mataas na edukasyon

ay nag-e-expect ng mga benepisyo mula dito. Upang mapanatili ang kalidad ng

edukasyon saonline at offline na kapaligiran, mahalaga na magkaroon ng kaakibat na

kapaligiran sa pag-aaral na naglalayong malampasan ang mga hamon.

Samantalang, nasa panghuling ranggo naman ang pumasok ng mas maaga, dalawang

oras bago magklase at may magandang ayos, kalahating oras bago magsimula ang klase

na may weighted mean na 3.57 at berbal na interpretasyon na lubos na sang-ayon.

Sa kabuuan, ang iba’t ibang mga paraan ayon sa pisikal na aspeto ng mga mag-

aaral sa pagtugon nila sa mga suliraning kinakaharap sa kanilang hybrid schedule ay may

composite mean na 3.64 at may berbal na interpretasyon na lubos na sang-ayon.


5.2 - Mental na Aspeto

Talahayanan 14

Ano ang rekomendasyon/solusyon na maaaring


maisagawa upang maipatupad ang maayos na schedule

Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo

1. Nag-aaral at nag-babasa ng 3.23 Sang-ayon 5


maaga bago pag-aralan ang
paksa sa klase.

2. Hinahabaan ang pasensya sa 3.73 Lubos na Sang- 1


mga posibleng problema na ayon
maaring maharap.

3. Nagiging mapag-matyag 3.7 Lubos na Sang- 3


sa klase upang maka-isip ng ayon
mga diskarte sa pag-aaral.

4. Mayroong mabuting 3.73 Lubos na Sang- 1


kaibigan na makakatulong sa ayon
pag-aaral.
5. Nakikinig sa bawat paksa na 3.53 Lubos na Sang- 4
tatalakayin sa bawat klase ayon

Composite Mean 3.58 Lubos na Sang-


ayon
Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon

Sa talahanayan 14, makikita ang ang iba’t ibang mga paraan ayon sa mental na

aspeto ng mga mag-aaral sa pagtugon nila sa mga suliraning kinakaharap sa kanilang

hybrid schedule. Makikita sa talahanayan na kung pag-uusapan ang mental na aspeto ng

mga mag-aaral, parehas ng ranggo ang mga aytem na mahabang pasensiya sa mga

posibleng problema na maaaring maharap at mayroong mabuting kaibigan na

makakatulong sa pag-aaral. ito ay may weighted mean na 3.73 at may berbal na

interpretasyon na lubos na sang-ayon.

Ayon kina Guitierez, J. et al. (2018), ang mga mag-aaral ay laging nakakaranas ng

pag multi-tasking at hindi maayos na tulog dahil sa mga gawaing kinakailangan tapusin at

isumite. Dahil sa makabagong pamamaraan sa pagkalap ng mga aralin, ang personal

interaction o social media interaction ay isa sa mga aspetong nakakaapekto sa

kanilangkalidad ng pakikipag-usap at pakikisalamuha.

Ayon kay Amul et al. (2022), sa konteksto ng online na pag-aaral ay may

mgahamon na mas kinakaharap ang mga mag-aaral. Ito ay kinabibilangan ng kakulangan

saindibidwal na atensyon, abala, at mahirap na pamamahala ng oras. Ang online

napagsasanay ay maaaring pagmulan ng kaakibat na negatibong epekto sa pagpopokus ng


isang mag-aaral. dahil ito ay nangangailangan ng mataas na antas ng adaptasyon at oras,

at ito ay madalas na maging sanhi ng maraming abala.

Sinundan naman ito ng aytem na mapagmatiyag sa klase at may diskarte sa pag-

aaral. Ito ay may weighted mean na 3.7 at may berbal na interpretasyon na lubos na

sang-ayon.

Bilang karagdagan, ang edukasyon sa online na pag-aaral ay puno ng mga abala, at

kung ang isang mag-aaral ay nasa gitna ng isang virtual na meeting sa isang bahay ay

maaaring maging dulot ito o pagmulan ng kaakibat na negatibong epekto sa pagpopokus

n g isang mag-aaral. Nagiging mas mahirap ang pamamahala sa oras bilang resulta ng

mgadibersyong ito at maaaring magkaroon ng maraming tungkulin. Ang

kakayahangpangasiwaan ng mabuti ang oras ng isang tao ay umaasa lamang sa sariling

pagkontrol ng mga gawain na posibleng pinakamahirap na balakid para sa mga mag-aaral

na malampasan. Kailangang seryosohin ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral,

magsanay ng mgadiskarte sa pamamahala ng oras, gumawa ng pang araw-araw na

gawain, at magtiyaga sakanilang pag-aaral sa kabila ng maraming pinagmumulan ng

istorbo o pagka-gambala sapag-aaral. Kapag ang mga mag-aaral ay hindi pisikal na

naroroon sa klase sa isang takdangoras, maaaring mahirapan mapanatili ang kanilang

motibasyon upang simulan ang kanilangpag-aaral. Amul et al. (2022).


Samantala, sumunod ranggo naman ang aytem na nakinig sa bawat paksa na tatalakayin

sa bawat klase. Ito ay may weighted mean na 3.53 at may berbal na interpretasyon na

lubos na sang-ayon.

Para kay Tamayo (2018), ang labis na kailangan ng mga estudyante sa proseso ng

kanilang pagkatuto ay dapat mayroong diskusyon kung saan mas nauunawaan ng

mgaestudyante ang mga aralin. Ang paaralan ay isang pinagkukunan ng karanasan at

obserbasyon na pinagmumulan ng open discussions nang sa gayon ay

malayangmaipahayag ng mga estudyante ang kanilang ideya, opinyon at suhestiyon.

Ang aytem na nag-aral at nagbasa ng maaga bago pag-aralan ang paksa sa klase

ang may pinakamababang ranggo na may weighted mean 3.23 at may berbal na

interpretasyon na Hindi Gaanong Sang-ayon.

Mula sa pananaliksik na isinagawa nila Abacan et al. (2022), kabahagi ang mga

gurosa napakalaking responsibilidad upang makapagbigay serbisyo sa mga kabataan

sapamamagitan ng pagtuturo. Ang guro ay sinasabing mayroong

pinakamahalagangpersonalidad, hindi lamang ang silid aralan, maging ang paaralan

upang magkaroon ng suporta ang kaalaman ng mga tao sa panahon ngayon. Subalit,

napakaraming walangkakayahan ukol sa makabagong estratehiya sa aktibong diskusyon

sa loob ng silid ng paaralan. Ang desisyon ng isang guro sa kung anong gagamiting

paraan ng pagtuturo ay napakahalaga sa bawat aralin na kaniyang itinuturo sa mag aaral


sapagkat dito nakasalalaykung may matututuhan o wala ang mga bata. Sa mga maaring

harapin ng mag-aaral ay siyamaaring harapin ng mga guro.

Sa kabuuan, ang iba’t ibang mga paraan ayon sa mental na aspeto ng mga mag-

aaral sa pagtugon nila sa mga suliraning kinakaharap sa kanilang hybrid schedule ay may

composite mean na 3.58 at may berbal na interpretasyon na lubos na sang-ayon.

5.3 - Pinansyal na Aspeto

Talahayanan 15

Ano ang rekomendasyon/solusyon na maaaring


maisagawa upang maipatupad ang maayos na schedule

Mga Pahayag Mean Interpretasyon Ranggo

1. Sinisugurado na may 3.67 Lubos na Sang- 3


sapat na budyet pang araw- ayon
araw na pag pasok.

2. Mayroong sapat na load 3.5 Lubos na Sang- 5


sa bawat online na klase. ayon

3. Mayroong mga gamit na 3.63 Lubos na Sang- 4


ginagamit upang maging ayon
gabay sa pag aaral.
4. May sapat na kapasidad 3.73 Lubos na Sang- 1
na makabyahe uwian, araw- ayon
araw sa bawat klase.

5. May kakayanan umattend sa 3.73 Lubos na Sang- 1


klase gamit ang teknolohiya sa ayon
pag aaral sa online na klase

Composite Mean 3.65 Lubos na Sang-


ayon
Para sa interpretasyon ng datos; 1.00 -1.75 = Lubos na Hindi Sang-ayon, 1.76 - 2.50 = Hindi Sang-
ayon, 2.51 - 3.25 = Sang-ayon, 3.26 – 4.00 = Lubos na Sang-ayon

Sa talahanayan 15, makikita ang iba’t ibang mga paraan ayon sa pinansyal na

aspeto ng mga mag-aaral sa pagtugon nila sa mga suliraning kinakaharap sa kanilang

hybrid schedule. Makikita sa talahanayan na kung pag-uusapan ang pinansyal na aspeto

ng mga mag-aaral, parehas na ranggo ang mga aytem na may sapat na kapasidad na

makabyahe uwian, araw-araw sa bawat klase at may kakayanan umatttend sa klase gamit

ang teknolohiya sa pag-aaral sa online na klase. Ang mga ito ay may weighted mean na

3.73 at may berbal na interpretasyon na lubos na sang–ayon.

Ayon rin kay Nolasco (2022), kadalasan ang kapalit na suliranin para sa online

naklase ay mas mababa kaysa sa karaniwang mga klase sa campus. Habang ang mga

mag-aaral ay nag-iipon ng pera dahil sa pinababang mga obligasyon sa mga gastusin, ang

mgapaaralan ay nakakatipid din ng pera dahil sa mas kaunting gastos sa pagpapanatili ng

kanilang mga pasilidad. Makakatipid din ng oras ang mga estudyante dahil sa mas

maiklingoras ng paglalakbay. Hindi na kinakailangang maabala ang mga estudyante

upang taluninang daloy ng trapiko dahil sa pagkakaroon ng virtual na klase. Ang mga
materyales sa pag-aaral ay magagamit at kailangan lamang i-download. Ngunit may mga

suliranin paring kinahaharap ang mga mag-aaral sa online classes.

Samantala, sumunod na ranggo naman ang aytem na may sapat na budyet pang

araw-araw sa pagpasok. Ito ay may weighted mean na 3.67 at may berbal na

interpretasyon na lubos na sang-ayon. Ang aytem na mayroong mga gamit na ginagamit

upang gabay sa pag-aaral ang sinundan na ranggo. Ito ay may weighted mean na 3.63 at

may berbal na interpretasyon na lubos na sang-ayon. Makikita sa talahanayan na

panghuli sa ranggo ang aytem na mayroong sapat na load sa bawat online na klase. Ito ay

may weighted mean na 3.5 at may berbal na interpretasyon na lubos na sang-ayon.

Sa kabuuan, ang iba’t ibang mga paraan ayon sa pinansyal na aspeto ng mga mag-

aaral sa pagtugon nila sa mga suliraning kinakaharap sa kanilang hybrid schedule ay may

composite mean na 3.65 at may berbal na interpretasyon na lubos na sang-ayon.

You might also like