PAMAGAT: MGA EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG-AARAL NG DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES GRADE12 MAG-AARAL
MANANALIKSIK: Zembrano et al.
PAARALAN: Dagupan City National High School TAGAPAYO: Carrera, Cayetano PETSA: Marso, 2022
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang epekto ng social media sa mga pag-aaral ng
mga mag-aaral ng Dagupan City National High School Senior High School Humanities and Social Sciences 12 ay isinagawa sa Dagupan City National High School-Senior High School sa pamamagitan ng deskerptibong pagsusuring metodo. Batay sa mga datos na nakalap, ang mga makabuluhang natuklasan ay inilalahad: ang mga respondente ng Dagupan City National High School-Senior High School na mga mag-aaral ng HUMSS, ay nagpakita ng isang konseptwal na modelo para sa epekto ng social media sa mga pag-aaral ng mga mag-aaral ng HUMSS senior high school. Parehong lalaki at babae ang sumagot na hindi sila sumasang-ayon sa epekto ng social media sa kanilang pag-aaral. Ang bawat talahanayan ay nagpapakita ng resulta ng weighted at average weighted mean ng mga respondente sa bawat salik. (1)Pinagtibay ng mga respondent na hindi sila sumasang-ayon sa epekto ng social media sa mga pag-aaral ng HUMSS 12 Students.(2) Sumang-ayon ang mga babaeng respondente sa epekto ng social media sa pag-aaral ng HUMSS 12 Students kaysa sa mga lalaking respondent. (3) Halos buong populasyon, kapwa lalaki at babae ay hindi sumasang-ayon sa epekto ng social media sa pag-aaral ng HUMSS 12 Students. Ang mga babaeng respondente ay 99, habang sa kabilang banda, ang mga lalaking respondente ay 110 lahat sa kabuuan, mayroong 209 na respondente