You are on page 1of 8

Tarlac State University

College of Computer studies


San isidro, Tarlac city

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA: FACEBOOK,


TWITTER AT INSTAGRAM SA PAG-
AARAL NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR
HIIGHSCHOOL NG TARLAC NATIONAL
HIGHSCHOOL

Rosales, Mardramille Jhon B


Melchor, JohnRey
Del Rosario, Juzzel
Del Rosario, Mark Joshua
Alvarez, Peter Jans Angelo
Carreon, Twinkle
Zapata, Richard
Kabanata 1

Kapaligiran at Suliranin

Panimula

Ang pag-ikot ng bawat oras, minuto at segundo ay napakabilis. Bawat pagpikit at pagkurap,

oras ay lumilipas. Nakaraan ay nakakalimutan, kasalukuyan ay nanatili at hinaharap ay mabilis na

dumarating. Alaala ng nakaraan, mga kabataan ay willing-wili sa laro, nagtatampisaw sa ulan at

naghahabulan sa palayan. Oras ay nauubos sa pagbuo ng ala-ala. Kaagapay ang mga kaibigang

minamahal, larawang kongkreto hawak ay ini-ingatang alaala, mga letrang itinatak sa papel upang

ang minamahal ay maabot sa kabilang distansyang naglalayo sa kanila. Ngunit sa pagdating ng

hinaharap, ang ikot ng kasalukuyan ay magbabago. Patuloy ang pagbabago ng lahat ng bagay.

Tunay ngang mabilis ang takbo ng panahon, na ultimo’y isang kisap mata lamang at tayo’y

namumuhay na sa panahon ng modernisasyon. Ang simula ng pag-usbong ng siyensya at

teknolohiya na kung saan nagsulputan ang iba’t -ibang aplikasyon na hatid ng social media tulad

ng facebook, twitter, at instagram.

Mga aplikasyon na magagamit sa anumang oras, lugar at panahon ng iba’t-ibang uri ng tao.

Ayon kay Espina at Borja (1996) “Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming

kahalagahan ang nai-ambag nito sa ating pamumuhay sa pang-araw-araw. Hindi maipagkakaila na

ang mga social media ay naging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang

komunikasyon.” Ang social media ay may malaking impluwensya sa pamumuhay ng maraming

tao lalong-lalo na ang mga mag-aaral, o kabataan. nakakatulong din ito upang magkaroon ng

komunikasyon sa mga kaibigan, kapamilya, kamag-anak, at maging sa mga hindi natin gaanong

kilala. Ilan sa mga nauusong social media ay ang facebook, twitter, at instagram, na-pwedeng
makatulong sa mga mag-aaral. Sa isang banda, marami rin itong hindi magandang epekto sa bawat

isa. May mga pagkakataon na napapabayaan na ang kanilang pag-aaral, dahil sa labis na paglalaan

ng oras sa social media, nawawala din ang pagkakataon na mas matuto pa ang mga mag aaral,

halimbawa sa mga detalye ng tamang pagbigkas at gramatika ng mga salita at pangungusap, dahil

dito naging isa ito sa mga salit na nagiging dahilan ng kawalan ng balanse at pokus ng mga mag-

aaral na nagsasanhi ng pagbagsak ng mga aralin. Tulad ng ating kasabihan, anumang sobra ay

masama. Maaaring maging kalamangan ang social media upang mapadali ang pagpasa ng mga

fayls, report, mensahe at ideya. Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral

na upang lalo pang malinang ang kanilang pagkamalikhain, o pagkamasining at patuloy na

pagkakaroon ng mga makabagong ideya.

Ang mga kakayahan, o talent ng bawat isa ay matutuklasan, halimbawa kung ang isang tao

ay may talent at magaling sa pag awit, maaari siyang matuklasan nang mas madali gamit ang pag-

upload sa social media. dumarami ang population na gumagamit ng social media at mapapansin

na may mabuti at masamang naidudulot ang paggamit ng social media sa mga tao. Dahil habang

umuunlad ang makabagong panahon ay kasabay ring dumarami ang problemang dulot ng

teknolohiya sa mga gumagamit nito, tulad ng social media na partikular sa facebook, twitter at

instagram.

Napag-alaman sa pag aaral ni Santos (2016), “Ang karamihan sa mga tao sa mundo ay may

pattern na sinusunod at ito ay ang paggamit ng ibat’t-ibang uri ng social media.” Isang halimbawa

nito ay ang Facebook, ang aplikasyon na ito ay nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral, upang mas

mapadali ang pag-access sa mga takdang-aralin at gawain. Marami pang ibat’t-ibang uri ng social

media ang ginagamit ng mga mag-aaral at ganoon din ang iba’t-ibang uri ng tao sa daigdig. Ang

iba pang ginagamit ay ang twitter at Instagram na may iisang layunin na makipag-ugnayan at
makipagtalastasan sa mga tao sa iba’t-ibang parte sa mundo. Napakapalad ng kabataan ngayon,

dahil sa isang pindot lang ay puno na ng kaalaman ang naghihintay sa kanila tulad ng mga babala,

impormasyon, anunsyo, balita, at marami pang-ibang nakapagpapagaan ng, o nakatutulong sa

kanilang pang araw-araw na gawain. Tunay na hindi mapigilan ang pagbabago ng mundo gamit

ang teknolohiya. Ka-alinsabay nito ay patuloy din binabago ang mga tao. Hindi maipagkakaila na

halos ito na ang humahaplos sa pang-araw-araw nating pamumuhay.


Suliranin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tukuyin at suriin ang epekto at sanhi ng paggamit
ng social media particular sa Facebook, twitter, Instagram sa mga mag-aaral ng senior high ng
Tarlac National Highschool(main) kaya naglalayong ang pananaliksik na ito na magbigay
kasagutan sa mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral batay sa:


1.1.Edad
1.2.Kasarian

2. Paano nakakaapekto ang mga sangay ng social media sa mga mag-aaral sa mga
sumusunod.
2.1.Facebook
2.2.Twitter
2.3.Instagram

3. Ano ang epektong naidudulot ng social media sa mga mag-aaral.


3.1.Sikolohiya
3.2.Emosyonal
3.3.Pisikal

4. Ano-ano ang mga implikasyon ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral?

5. Bakit naiimpluwensyahan ng social media ang mga mag-aaral?


Konseptwal na Balangkas
May hangarin ipakita kung paano matutulungan mapaunlad ang kaalaman ng wastong
paggamit ng social media na maaaring magamit ng mag-aaral at ibang pang araw-araw na gawain
at ito ay mapapakita sa pamamagitan ng paradigmang pag-aaral.

SANHI PROSESO BUNGA

Nais ng mga mananaliksik na Ang mga mananaliksik ay Ayon sa mga datos na nakalap
malaman ang bunga ng paggamit ng kumalap ng datis gamit ang ng mga mananaliksik,
social media partikular sa facebook, pagtatanong sa mga senior nakakaapekto ang social
twitter at Instagram sa kanilang pag- highschool ng Tarlac National media sa facebook, twitter at
aaral. HighSchool(main), (2019- Instagram sa akademikong
2020). pag-aaral ng mga senior
highschool sa Tarlac National
HighSchool(main). (2019-
2020).

Batay sa nakasulat sa itaas, ang mga mag-aaral, o kabataan ng makabagong henerasyon ay


kailangan dumaan sa proseso ng tanong na kung saan ay malalaman kung ano-ano ba ang epekto ng social
media partikular sa facebook, twitter at Instagram sa kanilang pag-aaral at napag alamang nakaapekto ang
social media sa akademikong pag-aaral ng mga mag aaral ng Tarlac National HighSchool(main).

Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tungkol lamang sa mga nakalapat na buong impormasyon
tungkol sa epekto at sanhi ng paggamit ng social media sa facebook, twitter, at instagram sa mga
mag-aaral ng Senior Highschool sa Tarlac National High School(main) . Saklaw ng pag-aaral na
ito ang pagkuha ng mga datos at impormasyon na nabuo sa na-ayong paksang pinag-uusapan. Ang
pananaliksik na ito ay isinagawa sa paaralan ng Tarlac National High School (main), (2019-2020)
eksklusibo sa mag-aaral ng ika-11 at ika-12 na baitang.
Kahalagahan na Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa epekto at sanhi ng paggamit ng social media sa
facebook, twitter at instagram sa mga mag-aaral ng Senior Highschool sa Tarlac National High
School(main), (2019-2020). Ang social media ay instrumento upang makapagpahayag ng
damdamin ng mga kabataan at magkaroon ng interaksyon sa bawat isa lalo na ang kabataan sa
iba’t-ibang panig ng mundo. Kaya ang pag aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga
sumusunod.

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang malaman nila ang epekto at
sanhi ng paggamit ng social media at maipahayag ng mga kabataan ang kanilang saloobin.

Sa mga guro. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay kaalaman kung ano ang sanhi ng paggamit ng
social media sa mga mag-aaral, o mga kabataan at magiging daan ito upang maintindihan nila ang
mga mag-aaral.

Sa mga administrador ng paaralan. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sakanila upang
matukoy ang pinanggalingan ng bawat mag-aaral sa paggamit ng social media at mabigyan ito ng
kaakibat na aksyon.

Depenisyon ng Terminolohiya
Mag-aaral ng Senior High. Respondente ng pananaliksik. Mga mag-aaral na nasa ika-11
at ika-12 na baitang ng Tarlac National High School(main).

Facebook. Isang aplikasyon na hatid ng social media. Gamit ito maaaring makipag palitan
ng mensahe, ideya, mag-upload ng larawan at magkomento.

Twitter. Isang aplikasyon na hatid ng social media. Gamit ito ay nakakapagpadala at


nakakapagbasa ng mensahe mula sa kakilala na tinatawag na “tweets”.

Instagram. Isang libreng aplikasyon na hatid ng social media. Gamit ito ay


nakapagbabahagi ng mga litrato at bidyo.

Sikolohiya. Ang estado ng pag-iisip ng mga mag-aaral ukol sa paggamit ng social media.
Emosyonal. Ang estado ng emosyonal na kalagayan mg mga mag-aaral ukol sa paggamit
ng social media.

Pisikal. Ang estado ng pisikal na kalagayan ng mga mag-aaral ukol sa paggamit ng social
media.

Teknolohiya. Hatid ng makabagong panahon. Senyales ng progreso at pag-usbong ng


isang bansa.

Bibliograpi

[1]. https://www.slideshare.net/mobile/KristelGailBasilio/social-media-sa-akademikong-pag-
aaral-ng-mga-magaaral-rodriguez-at-sabdao-2018
[2]. https://www.google.com/amp/s/www.bulgaronline.com/single-post/2018/11/15/Positibo-
at-negatibong-epekto-ng-social-media-sa-kabataan%3f_amp_
[3]. https://www.slideshare.net/mobile/kkamjongin/epekto-ng-social-media-sa-pag
[4]. https://www.academia.edu/23301547/_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAMUM
UHAY_NG_MGA_MAG-AARAL
[5]. https://prezi.com/dbk3n4lsr0qu/ang-mga-epekto-ng-mass-media-at-social-networking-
sites-sa/
[6]. "https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Twitter/" https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Twitter/

You might also like