You are on page 1of 4

EPEKTO NG MALING IMPORMASYON MULA SA “SOCIAL MEDIA” SA

MGA MAG-AARAL SA PRIBADONG PAARALAN

Tesis na Iniharap

Sa Departamento ng Senior High School

Kolehiyo ng Sacred Heart

Lungsod ng Lucena

Bilang Bahagi

Ng Pangangailangan sa Pagtatapos

Ng Unang Semestre sa ika-11 baitang sa istrand ng

Science, Technology, Engineering, and Mathematics

Angara, Hershey Danica T.

Lerum, Adrian Joseph D.

Murillo, Teresa Marie M.

Nunag, Samantha Mae

Palma, Ralph Kevin G.

Reyes, Marius Exequiel C.

Serrano, Jaden Luis P.

Sacred Heart College of Lucena City, Inc


Grade 11 – Stem 7
Ma’am Maria Jessa Coranes
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Guro)
Disyembre, 2022
KABANATA IV

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay nagsasaad ng buod ng mga natuklasan, konklusyon,

at mga rekomendasyon.

Buod

Naglalayon ang pag-aaral na malaman ang epekto ng maling impormasyon mula sa social

media sa mga mag-aaral sa pribadong paaralan batay sa demograpikong tala base sa kasarian at

strand o seksyon at base sa ikalawang suliranin na ang epekto nito sa mag-aaral.

Ayon sa nakalap na datos mula sa pinasagutang talatanungan sa siyamnapu’t isang

estudyante ng Kolehiyo ng Sacred Heart sa akademikong taon 2022-2023, natuklasan ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Demograpikong Tala ng mga mag-aaral batay sa:

1.1. Batay sa nakalap na datos kaugnay sa kasarian ng mga mag-aaral, sa siyamnapu’t

isa (91) na mag-aaral, mas mataas ang bilang ng mga lalaki kaysa sa babae, na

bumubuo ng kabuuang 51%, samantalang ang mga babae ay bumubuo ng

kabuuang 49%.

1.2. Batay sa nakalap na datos kaugnay sa strand o seksyon ng mga mag-aaral, sa

siyamnapu’t isa (91) na mag-aaral, ang unang seksyon ng STEM ang may

pinakamataas na bilang na may kabuuan na 14%, habang ang ika-anim na

seksyon ay may kabuuan na 13% at ang mga natirang seksyon ay may kabuuan na

12%

2. Epekto ng maling impormasyon sa social media sa mga mag-aaral batay sa:


A. Lumabas sa pagsusuri na ang maling impormasyon galing social media ay

nagdudulot ng negatibong epekto sa pag-unawa at pagpapahalaga ng mga

mag-aaral sa mga isyu sa kanilang paligid na may WAM na 3.38.

B. May WAM na 3.30 na ang mga maling impormasyon ay galing social media ay

nakakatakot para sa estudyante.

C. Sa mababang WAM na 2.42 ang maling impormasyon galing social media ay

mabagal maikalat sa mga mag-aaral.

Konklusyon

Mula sa isinagawang pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:

1. Mas mataas ang porsyento ng mga kalalakihang mag-aaral ang naapektuhan ng

maling impormasyon galing social media.

2. Makikita na negatibo ang naging epekto ng maling impormasyon galing social

media sa mga mag-aaral sa pribadong paaralan.

3. Ayon sa resulta, walang halagang pagkakaiba ang kasarian sa epekto ng maling

impormasyon ng mga mag-aaral habang ang pagkakaiba ng seksyon ay mayroon.

4. Gamit ang mga datos, makakagawa ng pamphlet ang mga mananaliksik para

makatulong sa pagkalat ng kaalaman sa mga mag-aaral sa pribadong paaralan

tungkol sa epekto ng maling impormasyon galing social media.

Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan at konklusyon, iminungkahi ang mga sumusunod na

rekomendasyon.
Para sa mga estudyante

Mas makakaiwas ang mga mag-aaral sa mga maling impormasyon na maaaring makita sa

social media.

Para sa mga Guro

Mas mapapadali ang pagtuturo ng mga guro sa mga estudyante tungkol sa peligro na

maaring idulot ng maling impormasyon sa mga mag-aaral.

Para sa mga Paaralan

Dapat ituro ng paaralan ang tamang impormasyon sa mga mag-aaral at ipakita kung ano

ang pagkakaiba ng tamang impormasyon sa maling impormasyon upang mas tumalas ang

kalidad ng mga estudyante.

Para sa Kinauukulan, Pamahalaan, Ahensya

Gamit ang datos sa pananaliksik maaaring makagawa ang mga ahensya ng mga

regulasyon na nagbabantay sa social media upang matiyak na ang mga impormasyon na

kumakalat ay hindi mali o hindi nakakasama sa kalusugan ng publiko.

Para sa susunod na mananaliksik

Maaring maging batayan ang pananaliksik na ito para sa mga susunod na mananaliksik

upang mas maging espesipiko ang impormasyong makukuha at para higit pang tama ang

makukuhang.

You might also like