You are on page 1of 10

Saint Mary’s University

School of Teacher Education and Humanities

Abstrak

1
Saint Mary’s University
School of Teacher Education and Humanities

Introduksyon

Paggamit ng Media at ang Kaugnayan nito sa Academic Performance ng Mag-aaral sa Saint

Mary’s University

Ang media ay isang instrumento na tumutlong sa pagpapadala at paglilipat ng

impormasyon sa malawakang paraan. Sa panahon ngayon ay laganap na ang media bilang basehan

ng kaalaman pagkat mas madali itong ma-access at ang kailangan lamang ay intrumentong pang-

access sa media at internet. Sa ika-21 na siglo ay umusbong ang paggamit ng media sa pang araw-

araw na gawain. Ito ay karaniwan nang pangyayari lalo na sa iskwelahan pagkat nagiging paraan

ang mga ito sa pagkalap pa ng karagdagaang kaaalaman.

Ang makabagong media ay makikita at naa-access sa iba’t-ibang anyo, kabilang na ang

print media (libro, pahayagan, diyaryo), telebisyon, pelikula, musika, mga cell phone, iba't-ibang

uri ng software, at ang internet (Oswalt A., MSW). Sa lipunan ngayon, ang social media ay isa na

sa pinakamahalagang bahagi ng pang araw-araw na pamumuhay, lalo na sa mga mag-aaral sa

unibersidad, na karaniwang malakas na gumagamit ng social media (Lau W., 2016). Sa paglawak

ng plataporma ng sosyal media ay dumating ang mga hegemon ng internet tulad ng Facebook,

Tweeter, Instagram, at YouTube.

Malaki ang epekto ng paggamit ng media sa pagkamit ng akademikong karangalan lalo

na’t ito’y may mahalagang papel sa indibidwal na posisyon, maging sa akademikong institusyon

o posisyon sa trabaho. Dahil dito, maraming tao ang nagaalala kung paano nila mapapahusay ang

kanilang pang-akademikong tagumpay. Ginagamit ang media bilang pantulong sa mga hakbang

na kakailanganin upang makamit itong akademikong tagumpay. Malaki ang ginagampanan ng

2
Saint Mary’s University
School of Teacher Education and Humanities

akademikong tagumpay bilang isa sa predictors ng tagumpay na nakakaapekto sa anatas ng

employability at ito’y hindi maiiwasan (Kyoshaba, 2009).

Ang akademikong tagumpay ay ang kinalabasan ng edukasyon, ang saklaw na nakamit ng

mag-aaral, guro o institusyon ang kanilang mga layunin sa pag-aaral. Ang academic performance

ay karaniwang nasusukat sa pamamagitan ng mga eksaminasyon o tuluy-tuloy na pagtatasa ngunit

walang pangkalahatang kasunduan sa kung paano ito masusukat o kung anong aspeto ang

pinakamahalaga, kaalaman sa pamamaraan tulad ng mga kasanayan o kaalaman sa pagpapahayag

tulad ng mga katotohanan (Annie, Howard & Mildred, 1996). Ang kaugnayan ng media sa acadmic

performance ay mayroon nang nakalaang kasagutan sa mga katanungan kaya naman ay kadalasan

ay umaasa na lamang sa kung ano ang maisasagot ng media.

Ang mabilis na pagusbong sa iba't ibang anyo ng media ay nagbunga ng paglawak ng

impormasyon sa pandaigdigang saklaw at nakakaapekto ito sa maraming bagay na kinabibilangan

ng sining ng edukasyon. Ang paggamit ng iba't ibang mga uri ng media sa edukasyon ay nagbigay

ng madaling pag-access sa impormasyon kahit sa labas ng paaralan. Ang bentaha na ito ay

nagbigay ng hindi mabilang na benepisyo na humantong sa tagumpay; gayunpaman, lumikha din

ito ng walang katapusang hukay sa mga hindi tama ang paggamit nito. Katulad na lamang ng

pagkagumon sa mga entertainment media na kapag nasosobrahan ay nagiging negetibo ang epekto

sa tuon sa pag-aaral na siya namang nakakaapekto sa academic performance ng isang mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang madalas gamitin na plataporma ng media

ng mga estudyante sa School of Teacher Education and Humanities ng Saint Mary’s University,

ang saklaw ng epekto nito sa kanilang academic performance, at tukuyin kung paano nila gamitin

itong mga plataporma ng media upang impluwenisyahan ang kanilang academic performance. Ang

tukoy sa mga kadahilanang ito ay maaaring makatulong sa mga mag-aaral na makita ang

3
Saint Mary’s University
School of Teacher Education and Humanities

napapailalim na mga epekto na maaaring gamitin ng media sa kanilang akademikong performance,

para sa iba pang mga mananaliksik, maaaring makatulong ito sa pagsasagawa ng mga solusyon sa

mga katulad na problema.

4
Saint Mary’s University
School of Teacher Education and Humanities

Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong metodolihiya. Sa pamamgitan nito,

nabigyang linaw ang paggamit ng media at ang relayon nito sa academic performance ng mga

college freshmen STEH students ng Saint Mary’s University. Ang napiling gamitin ng

mananaliksik ay Descriptive Survey Research Design na ang ginagamit ay talatanungan para

malikom ang mga datos.

Ang mga tagatugon ay ang piling College freshmen STEH students sa sumusunod na

pamantayan: (a) na sa unang taon ng kolehiyo, (b) na sa School of Teacher Education and

Humanities, (c) at nag-aaral sa Saint Mary’s University, Bayombong, Nueva Vizcaya. Sila ay

napili sa pamamagitan ng simple random sampling, ito ay ang malayang pagpili ng respondante

sa kinabibilangan nitong grupo.

Ito’y isinakatuparan sa piing mga lugar sa bayan ng Boyombong, Nueva Vizcaya:

Ginamit na intrumento ng pag-aaral ang mga gabay na tanong sa talatanungan.

5
Saint Mary’s University
School of Teacher Education and Humanities

Resulta at Diskusyon

Uri ng Media

A. Gadget

Frequency Porsyento

Cellphone/Tablet 38 95%

Computer/Laptop 15 37.5%

T.V. 7 17.5%

B. Aplikasyon

Frequency Porsyento

Facebook 35 87.5%

Twitter 18 45%

Instagram 17 42.5%

Google 25 62.5%

YouTube 27 67.5%

Mobile Games 11 27.5%

Base sa datos na nasa itaas, karamihan ay ginagamit ang Cellphone/Tablet at pangalawa

naman ang Coputer/Laptop bilang intrumento sap ag-access ng media. Sang ayon ang datos

naming sa nakuha ni Giselle Tsirulnik(2019) na nagsasabing “73 percent of the 37,000

respondents claim the mobile phone is the electronic device they use the most. Fifty-eight percent

said the second-most-widely-used device is their desktop PC.”

Ayon naman sa aplikasyon na ginagamit, karamihan ay gumagamit ng Facebook at

sumusunod ang Youtube at pangatlo ang Google. Ayon kay Pewinternet(2018), nananatiling

6
Saint Mary’s University
School of Teacher Education and Humanities

pinakapopular at ginagamit ang Facebook sa buong mundo. Sa ngayon ay may naireporta na 68%

ng matatanda sa U.S. ay gumagamit ng Facebook. Ito ay humigit kumulang 1.49 bilyon na

gumagamit ng Facebook araw-araw sa mga dahilang napapadali ang komunikasyon. Nakakapag

bahagi ng mga kaisipan, larawan, at mga idea sa mga kaibigan at pamilya kahit kelan.

Ayon naman kay Pichai(2017), ang Google ay mayroong isang bilyon na gumagamit araw-

araw na ginagamit hindi lamang sa pagkalap ng impormasyon kundi pati narin sa pagkalat nito.

Gaano Katagal ang Paggamit Kada Araw

A. Gadyet

Frequency Porsyento

10-30 minutos 1 2.5

30 minutos – 1 oras 1 2.5%

1-3 oras 25 62.5%

Higit pa sa isang oras 13 32.5%

B. Aplikasyon

Frequency Porsyento

10-30 minutos 4 10%

30 minutos – 1 oras 5 12.5%

1-3 oras 17 42.5%

Higit pa sa isang oras 12 30%

Sa resulta sa itaas ay pinakamarami ang gumagamit ng gadget at aplikasyon ng 1 – 3 hours

at nasusuportahan ito ng pananaliksik ng Globalwebindex(2018) na sinabing, “This social media

7
Saint Mary’s University
School of Teacher Education and Humanities

statistic uncovers that an average of 2 hours and 22 minutes are spent per day per person on social

networks and messaging.” Ayon pa sa datos na kanilang nalikom ay ang oras ng paggamit ay

naapektohan ng edad. Ang mga nasa edad 16-24, sa ngayon ay umaabot na ng 3 oras. Habang ang

pinakamababa naman na oras sa datos na makikita ay 10-30 na minutos.

Nakakaapektohan ba nito ang iyong Academic Performance

Frequency Porsyento

Oo 26 67.5%

Hindi 14 32.%

Oo

Bakit Anong Aspekto

 Manyana Habit  Mental at Pisikal

 Walang pokus  Pag-iisip

 Maraming natutunan  Positibo

 Time Management  Akademiko

 Pag-uugali  Emosyonal

Ayon sa datos sa itaas, makikita na marami ang nagsabing naapektohan ng paggamit ng

media ang kanlilang academic performance at iilan lamang ang nagsabing hindi naapektohan. Base

sa mga sumagot ng Oo, makikita sa resulta ang limang nangungunang kadahilanan kung bakit

naapektohan at sa kung anong aspkto pa naapektuhan. Ayon naman kina Habes, Mohammed &

Alghizzawi, Mahmoud & Khalaf, Rifat & Salloum, Said & Abd Ghani, Mazuri. (2018). The

8
Saint Mary’s University
School of Teacher Education and Humanities

Relationship between Social Media and Academic Performance: Facebook Perspective.

International Journal of Information Technology and Language Studies. 2. 12-18. “The study

indicated that a large number of university students are using social media with more focus on

Facebook, which in turn negatively affect their academic results.” At katulad sa datos na nakalap,

isa sa apat ay positibong epekto.

Konklusyon

Batay sa mga datos, natuklasan ng pananaliksik na ito na malaki ang porsyento ng mga

mag-aaral na STEH freshmen ang gumagamit ng mga aplikasyon gamit ang kanilang mobile

phones at ang kadalasang ginagamit ay ang Facebook na may pinakaraming respondante na

gumagamit kasunod nito ay ang youtube an madalas din ginagamit ng mga mag-aaral. Napag-

alaman din na karamihan sa mga gumagamit ay hindi bumababa sa isang oras ang kanilang

pagugugol ng mga ito. Sa paggamit ng palatanungan ay natuklasan na negatibo ang epekto nito

sa kanilang academic performace .

Rekomendasyon

Sa mga kabataan at mag-aaral, inirerekomenda ng pananaliksik na ito na gamitin ang

mobile phone sa tamang paggamit ng mga applikasyong nakakatulong sa kanilang pag-aaral tulad

ng google at youtube. Batay sa naging resulta ng datos mas inirerekomenda na ang mga mag-aaral

9
Saint Mary’s University
School of Teacher Education and Humanities

ay dapat ding mapabuti ang kanilang pag-uugali sa paggamit ng kanilang oras sa iba pang mga

application tulad ng facebook, twitter, instagram na hindi konektado sa kanilang pag-aaral upang

ang kanilang mga marka ay hindi maaapektuhan. Sa iba pang mga mananaliksik aming

inirerekomenda na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa usaping ito upang

makapagdag ng kaalaman ng mga mag-aaral.

10

You might also like