You are on page 1of 7

KABANATA 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos na


nakalap tungkol sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ang pagtatalakay sa mga sagot ay
ibinatay sa pagkakaayos ng mga katanungan sa unang kabanata.

Kasarian BLG. NG TAGA-SAGOT BAHAGDAN

Lalake 37 70%

Babae 16 30%

Kabuuang bilang 53 100%

Talahanayan 1. Distribusyon batay sa kasarian ng mga taga-sagot sa kolehiyo ng kursong

Criminology sa PHINMA – Cagayan de Oro, Puerto Campus.

Ang talahanayan 1. Distribusyon batay sa kasarian ng mga taga-sagot sa kolehiyo ng


kursong Criminology sa PHINMA – Cagayan de Oro, Puerto Campus, ay ang bilang ng taga-
sagot batay sa kasarian. Sa limampu’t tatlo (53) na taga-sagot, ang labing-anim (16) o 30% ay
babae at ang bilang ng mga lalake naman ay umaabot tatlumpu’t pito (37) o 70%, na bumubuo sa
kabuuang bilang ng limampu’t tatlo (53) o 100%.

Mga Edad:

26
Pigura 2. Distribusyon batay sa edad ng mga taga-sagot sa kolehiyo ng kursong

Criminology sa PHINMA – Cagayan de Oro, Puerto Campus.

Sa Pigura 2. Distribusyon batay sa edad ng mga taga-sagot sa kolehiyo ng kursong


Criminology sa PHINMA - Cagayan de Oro College, Puerto Campus, makikita natin na ang mga
edad ay mula labing-siyam hanggang dalawampu't lima (19-25). May labing-lima na sumagot (15)
ang sumagot ng edad na labing-siyam (19), labing-dalawa (12) ang edad dalawampu (20), siyam
(9) naman sa dalawampu’t isa (21), siyam (9) sa dalawampu’t dalawa (22), tatlo (3) sa
dalawampu't tatlo (23), tatlo (3) din sa dalawampu’t apat at dalawa (2) naman ang sumagot ng
edad dalawampu’t lima (25) na bumubuo sa kabuuang bilang ng limampu’t tatlo (53) na sumagot
sa aming sarbey.

Tugon Bilang ng mga tugon Bahagdan

Oo 26 49.06%

Hindi 27 51%

Kabuuang bilang 53 100%

Talahanayan 2. Distribusyon ng tugon ng mga respondente batay sa kung sila ba ay


naninigarilyo o hindi.

Ang Talahanayan 2. Distribusyon ng tugon ng mga respondente batay sa kung sila ba ay


naninigarilyo o hindi. Ang bilang ng sumagot ng oo at hindi tungkol sa paggamit ng sigarilyo. Sa
limampu’t tatlo (53) na taga-sagot, may dalawampu’t anim (26) o 49.06% ang sumagot na oo at
ang bilang naman ng sumagot ng hindi ay umaabot sa dalawampu't pito (27) o 51% mula sa
kabuuang bilang.

Edad Bilang ng nagsimulang gumamit

16 9

17 10

18 6

19 1

Kabuuang Bilang 26

27
Talahanayan 3: Distribusyon ng mga respondente batay sa kung kailan sila simulang

gumamit ng sigarilyo.

Sa talahanayan 3. Distribusyon ng mga respondente batay sa kung kailan sila simulang

gumamit ng sigarilyo naman ay ipinapahayag ang bilang at kung kailan at anong edad

nagsimulang gumamit ng sigarilyo ang mga respondente. Sa dalawampu’t anim (26) na tugon

ng naninigarilyo ay siyam (9) ang nagsimula sa edad na labing-anim, sampu (10) sa edad na

labing-pito (7), anim (6) naman sa edad labing-walo (18), at isa naman na nag simula sa edad

na labing-siyam (19).

Mga dahilan.

Pigura 2. Distribusyon ng mga dahilan na nag-udyok sa mga respondente na manigarilyo.

Sa pigura 2. Distribusyon ng mga dahilan na nag udyok sa mga respondente na

manigarilyo, makikita ang mga dahilan kung bakit na-udyok ang mga respondente sa paggamit

ng sigarilyo. Labing-tatlo (13) ang sumagot ng dahil sa kanilang mga barkada o kaibigan, pito (7)

naman ang sumagot ng dahil sa kanilang kuryosidad, anim (6) din ang sumagot ng dahil sa

kanyang pinagdadaanang problema.

28
Mga sintomas na naramdaman ng mga respondente sa paninigarilyo

Pigura 3: Distribusyon batay sa mga sintomas na naramdaman sa paninigarilyo ng mga

respondente.

Sa pigura 3. Distribusyon batay sa mga sintomas na naramdaman sa paninigarilyo ng mga

respondente naman ay pinapakita ang mga tugon ng mga sintomas na naramdaman ng mga

respondente. tatlo (3) ang sumagot ng sakit sa tiyan, walo (8) ay sumagot ng matigas na ubo,

anim (6) naman ay sumagot ng nahihirapang huminga, apat (4) naman ay sumagot ng dry skin at

lima (5) sa madaling mapagod.

Mga naging epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mga respondente

29
Pigura 4: Mga naging epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mga respondente.

Sa pigura 4. Mga naging epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mga respondente, ay


pinapakita kung ano ang naging epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mga respondente. Lima
(5) ang sumagot ng Asthma, sampu (10) naman ay nagkaroon ng adiksiyon sa paninigarilyo,
labing-apat (14) ang nagkaroon ng pagbabaho ng hininga at apat (4) naman ay nagkaroon ng
tuyong labi.

Bilang ng sticks.

Pigura 5. Presentasyon kung ilang sticks ang nauubos ng mga naninigarilyong respondente

araw-araw.

Sa Pigura 5. Presentasyon kung ilang sticks ang nauubos ng mga naninigarilyong

respondente araw-araw naman ay ipinakita kung ilan ang nauubos na sigarilyo ng respondenteng

naninigarilyo sa araw-araw. pito (7) sa mga respondente ang nakakaubos ng isang stick, labing isa

(11) naman ang nakakaubos ng tatlong (3) sticks sa isang araw, limang (5) respondente naman ay

nakakaubos ng apat (4) sa isang araw, isa (1) sa mga respondenteng naninigarilyo ay nakakaubos

ng pito (7) sa isang araw, isa (1) din ang nakakaubos ng labing-dalawang (12) stick araw-araw,

isa (1) naman ang nakakaubos ng isang (1) kaha o dalawampung (20) stick.

30
Brand ng sigarilyo
Pigura 6. Distribusyon batay sa paboritong brand ng sigarilyo ng mga respondente.

Dito sa Pigura 6. Distribusyon batay sa paboritong brand ng sigarilyo ng mga respondente,

ipinapakita ang gustong tatak ng sigarilyo ng mga respondente. Anim (6) na respondente ay

pumili ng Winston, tatlo (3) naman ang pumili ng Marlboro, pito (7) naman ang gusto ng vape,

dalawa (2) ang Fortune, dalawa (2) din ang pumili ng Mighty, at anim (6) ang pumili ng Delta

bilang kanilang paboritong sigarilyo.

31

You might also like