You are on page 1of 4

KABANATA 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang Kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon at

rekomendasyon ng pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay "Mga Negatibong

Epekto ng Paninigarilyo sa Kalusugang Pangkaisipan at Gawi ng mga Mag-aaral na

Kolehiyo sa Kursong Criminology sa PHINMA - Cagayan de Oro College, Puerto

Campus."

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang “Mga Negatibong Epekto ng

Paninigarilyo sa Kalusugang Pangkaisipan at Gawi ng mga Mag-aaral na Kolehiyo sa Kursong

Criminology sa PHINMA - Cagayan de Oro College, Puerto Campus”. Ang mga mananaliksik ay

nangalap ng mga inpormasyon sa pagkakakilanlan ng mga estudyante. Ikalawa ay upang

malaman ang mga sanhi na naidudulot ng paninigarilyo. Ikatlo kung ano ang pagkakaiba ng

kanilang paraan kung paano nila hinaharap ang mga epektong dulot nito, at ang panghuli ay kung

nakaka-apekto ba ang paninigarilyo sa kanilang pag-aaral sa Kursong Criminology sa Kolehiyo.

Upang matukoy ang iba't-ibang mga sanhi ng kanilang paninigarilyo at ang mga epekto

nito, ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang talatanungan o survey questionnaire sa

pamamaraang "Google Form" para sa mga mag-aaral sa Kursong Criminology sa Kolehiyo na

magsasagot. Ang datos na natipon ay nagsilbi bilang pangunahing nakalap na kasagutan ng pag-

aaral na kung saan ay maingat na iniharap at nasuri ng maayos.

31
KONKLUSYON

Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay:

1. Ang nag udyok para sila ay manigarilyo at sanhi kung bakit sila nagsimulang manigarilyo

ay dahil sa kanilang mga kaibigan o barkada, problema o suliranin na kanilang hinaharap sa

pamilya, at kuryusidad.

2. Ang mga sintomas na kanilang nararamdaman sa paninigarilyo ay hyper acidity, matigas na

pag ubo, tuyong balat o dry skin, at ang pagbaba ng stamina na naging dahilan ng madaling

mapagod. Ang kanilang naramdaman naman na pagbago sa kanilang sarili noong nagsimula

silang gumamit ng sigarilyo ay mas kaunting kalinisan o less hygiene.

3. Napag-alaman at napagpasyahan na may mas kaunting epekto ang sigarilyo sa kanilang

pag-uugali at estado ng pag-iisip at hindi man ito naging hadlang sa kanilang akademikong

pagganap sa pag-aaral, gayunpaman, ito ay lubos na nakakaapekto sa kanilang pisikal na

kalusugan lalo na sa baga, katulad nalang ng tuberculosis at hirap sa paghinga dulot ng usok

na ibinibuga ng sigarilyo.

4. Ibinahagi nila na ang mga paraan upang maiwasan ang paninigarilyo ay ang direktang

paghinto sa paggamit nito, nabanggit din nila na ang pag-eehersisyo ay mabuti sa pagpapabuti

ng mood ng isang tao at nakakatulong ito sa kanila na makalimutan ang paninigarilyo,

kabilang ang isang malusog na diyeta at pagtulog ng maaga upang mapabuti ang kanilang

pisikal na kalusugan at mental na kagalingan.

32
REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng mga mananaliksik

ang mga rekomendasyong ito:

1. Counselling interbensyon ay dapat isagawa para sa mga mag-aaral upang matulungan silang

makatakas mula sa pagkalulong sa sigarilyo.

2. Ang mga mag-aaral ay dapat sumailalim sa talakayan at programa tungkol sa mga epekto ng

paninigarilyo at kung paano ito pigilan at maiwasan.

3. Ang mga mag-aaral ay dapat na bumuo ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao, upang ang

kanilang pakikipagkapwa-tao ay lalo pang maging epektibo at sa pamamagitan ng

pakikisalamuha sa ibang tao, maaari itong makatulong sa kanila na makalimot at maiwasan ang

paggamit ng sigarilyo.

4. Ito ay mahalaga para sa atin upang maiwasan ang paninigarilyo at matukoy kung sila ay

gumagamit o apektado ng paninigarilyo. Ito ang mga hakbang na inirerekomenda para sa pag-

iwas sa paninigarilyo:

Pag-iwas

Inirerekomenda naming tanungin ang mga kabataan (edad 13-18 yr) o ang kanilang mga

magulang tungkol sa paggamit ng sigarilyo ng bata o kabataan at mag-alok ng

maikling impormasyon at payo, kung naaangkop, sa mga pagbisita sa pangunahing pangangalaga

upang maiwasan ang paninigarilyo sa mga kabataan.

Ang rekomendasyon para sa mga interbensyon sa pag-iwas ay nalalapat sa mga bata at

kabataan na labintatlo hanggang labingwalong taong gulang na kasalukuyang hindi naninigarilyo

ng tabako, hindi man sila naninigarilyo o dating naninigarilyo, at walang mga kakulangan sa pag-

33
iisip, mga isyu sa kalusugan ng isip o pisikal, o isang kasaysayan. ng pag-abuso sa alkohol o

droga.

Ang mga practitioner ng pangunahing pangangalaga (hal., mga manggagamot ng pamilya

at nars) ay may mga pamamaraan o patnubay na inilagay sa setting ng pangunahing pangangalaga

sa kalusugan upang masuri ang panganib sa paninigarilyo o katayuan sa paninigarilyo ng mga

bata at kabataan. Kung matukoy nila na maaaring may pangangailangan para sa isang pang-iwas

o pagtigil na interbensyon, dapat itanong ng primary care practitioner kung ang bata o kabataan, o

magulang o tagapag-alaga, ay interesado na magkaroon ng maikling pag-uusap na maaaring

makatulong na pigilan ang paggamit ng paninigarilyo o paghinto. paninigarilyo.

34

You might also like