You are on page 1of 4

ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences

Address/kinatatayuan: Alaminos, Laguna

Pamagat: Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik

May akda: Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia

Kurso: Batsilyer ng Artes sa Sikolohiya

Pondo:

I. Panimula

Ang mga batang ina ay mga batang nabuntis ng maaga edad labing dalawa hanggang labing
walong gulang na nagkaroon kaagad ng responsibilidad.Ito ay naging isyu sa pilipinas sapagkat ang
kabataan ngayon ay maagang nakakapag-asawa, dahil ito ay hidi tama at may epekto.

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng impormasyon sa paraan ng pagsasarbey at pagaralan ang


pinagdadaanan ng mga batang ina .Sila ay bumuo ng balangkas para sa mga respondente para alamin ang
kanilang pagkakakilanlan at pinagdadaanan sa mga sumusunod na salik: Emosyonal, Espiritiwal, Mental,
Relasyonal, at Sosyal; at alamin kung negatibo o positibo ba nila itong nararanasan.

II. Layunin ng Pag-aaral

Ang pagaaral na ito ay sasagutin ang mga sumusunod na na katanungan ayon sa:
1. Ano ang pagkakakilanlan ng mga batang ina ayon sa:
1.1 Antas ng edukasyon ;
1.2 Edad ng unang panganganak;
1.3 Marital status; at,
1.4 Tumigil o pinagpatuloy ang pagaaral
2. Ang mga pinagdadaanang karanasan ng mga batang ina ayon sa iba’t ibang salik:
2.1 Emosyonal ;
2.2 Espiritwal;
2.3 Mental;
2.4 Pinansyal ;
2.5 Relasyonal; at,
2.6 Sosyal.
3. May pagkakaiba ba ang mean score ng mga respondente kapag grinupo ayon sa pagkakakilanlan.

III. Metodo

Ang pagaaral na ito ay nakatuon sa mga pinagdadaanan ng mga batang ina sa anim na salik.
Isinagawa ang pananaliksik sa Brgy. Sta. Rosa, Alaminos, Laguna. Napili ang mga respondente sa paggamit
ng non-random conveniet sampling batay sa ibinigay na record ng munisipyo ng Alaminos, Laguna. Ito ay
sumailalim sa Quantitative method at gumamit ng instrumentong sarbey na kung saan sinuri sa
pamamagitan ng pagpapavalidate, pag pa-pilot testing at pagkuha ng reliability score. Ang sarbey
kwestyoner ay inihanda ng mga mananaliksik upang makakuha ng impormasyon, na nahahati sa dalawang
bahagi. Una ay ang pagkakakilanlan ng mga respondente at ang pangalawa ay ginamitan ng 4 point likert
scale: Lubos na hindi sumasang-ayon, Hindi sumasang-ayon, sumasang-ayon, at Lubos na hindi sumasang-
ayon. Upang makuha ang lebel ng kanilang pinagdadaraanan sa buhay sa pamamagitan ng anim na salik :
Emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal , sosyal at malaman ang postibo at negatibo nilang
naranasan.

Sa proseso ng pangangalap ng datos, ang mananaliksik ay pinaaprubahan ang kanilang pamagat


at naghanap ng literatura na konektado rito.Sila ay kumonsulta sa kanilang propesor, humingi ng tulong
sa statistician at eksperto sa instrumentong gagamitin, maging sa kwestyoneyr. Nagsumite ng
communication letter sa munisipyo ng Alaminos, Laguna at nangalap ng datos sa 35 na mga
respondente.

IV. Resulta at Diskusyon

Ang mga sumusunod ay mga analisis at resulta ng mga presentasyon ukol sa sagot na nakalap at
tinally sa pamamagitan ng SPSS.

Ukol sa pagkakakilanlan ng mga batang ina:


Sa Talahanayan 1. Mababatid ang dibisyon ng mga taga-tugo\n ayon sa antas ng
edukasyon:Kolehiyo,Sekundarya,elementarya. Makikita kung anong antas sila tumigil dahil nalaman
nilang buntis sila. Ang pinakamataas na porsyento ay 62.86 o (22) na mga respondente na nasa
sekundarya at huminto sa pagaaral. Sumunod ay (11) o 31.43 na mga nasa elementarya at huminto sa
pagaaral. Huli ay ang 5.71 na porsyento o (2) na nasa kolehiyo at huminto sa pagaaral. Masasabi nating
mas marami ang mga batang ina na humihinto sa pagaaral sa antas ng sekundarya kumpara sa nasa
kolehiyo, sumusuporta ito sa pagaaral ni Malasan (2001) na ang pagiging batang ina ay nakakaapekto sa
pagaaral at hahantong sa paghinto sa pagaaral, lalo na sa hayskul.

Sa Talahanayan 2. Mababatid ang dibisyon ng mga taga-tugon ayon sa edad ng unang


panganganak. Ang pinakamataas na porsyento ay 42.86 o (15) na batang ina na nanganak sa edad na
labing walo (18) na sinundan ng (12) o 34.29 porsyento ng batang ina na nanganak sa edad na labing
pito (17), (2) o 5.71 na posyento na nanganak sa edad na labing anim (16),(4) o 11.43 porsyento na
nanganak sa edad na labing lima (15), (1) o 2.86 na porsyento na nanganak sa labing tatlo (13) at labing
apat (14). Makikita natin na mas marami ang mga batang ina na nanganganak sa edad na labing pito at
labing walo kumpara sa edad na labing dalawa hanggang labing anim.

Sa Talahanayan 3. Mababatid sa dibisyon ng mga taga-tugon ayon sa estadong marital. Ang


pinakamataas na porsyento ay 57.14 o (20) na respondente na kasal sa kanilang mga nobyo. Sinundan
ng (11) o 31.43 porsyento na live-in sa kinakasama at kasama ang magulang magpalaki ng sanggol at (4)
o 11.43 na porsyento ay single at kasama ang magulang magpalaki ng sanggol. Mataas ang porsyento ng
kasalan sapagkat naniniwala silang kasalanan ang hindi pagpapakasal.

Sa Talahanayan 4. Mababatid ang dibisyon ng mga taga-tugon kung tumigil o pinagpatuloy ba


nila ang pagaaaral matapos manganak. May porsyentong 91.43 o (32) na mga batang ina na huminto sa
pagaaral samantalang may 8.57 o (3) ang nagpatuloy. Masasabing mas marami ang huminto sapagkat
dahil sa meron na silang pasan na responsibilidad o kailangan nilang magtrabaho para matustusan ang
pangangailangan.

Ukol sa pinagdadaanang karanasan ng mg batang ina sa anim na salik:


Sa Talahanayan 5. Makikita ang pinagdadaanang buhay ng batang ina sa pandamdaming salik.
Ang pinakamataas na mean score ay 1.14 na “lubos na sumasang-ayon” ang batang ina sa statement na
“Ipinagmamalaki ko ang aking anak” na may positibong sagot na nararanasan nila ito at ang sunod na
may pinakamataas na mean score ay 1.17 na “Masarap sa pakiramdam kapag yakap ko ang aking anak”
na may postibong sagot na nararanasan nila ito. Ang statement na may pinakamababang mean score na
3.14 na may resulta na “hindi sumasang-ayon” ay ang “Malungkot magdalang tao” na negatibong
nararanasan ng batagn ina . Batay sa mga datos na nakuha ang kabuuang weighted mean ay 1.61. Kung
saan ang resulta ay “Sumasang-ayon”.

Sa Talahanayan 6. Makikita ang pinagdadaanang buhay ng mga batang ina sa espiritwal na salik.
Ang pinakamataas na mean score ay 1.91 na “Sumasang-ayon” ang batang ina sa statement na “Iniisip
ko na pagsubok mula sa panginoon lahat ng problema ko” na positibong nararanasan nila.Ang statement
na may pinakamababang mean score na 3.91 na may resulta na “Lubos na hindi sumasang-ayon” ay ang
“Nagagalit ako sa Panginoon” na may negatibong sagot na hindi nila ito naramdaman at ang sunod sa
pinakamababa na mean score ay 3.86 sa statement na “Nagtatampo ako sa Panginoon”. Ang hindi
nararanasan ng mga batang ina ay ang hindi makapagsimba tuwing linggo.
Sa Talahanayan 7. Makikita ang pinagdadaanang buhay ng mga batang ina sa mental na salik.
Ang pinakamataas na mean score ay 1.60 na “Sumasang-ayon” ang batang ina sa statement na
“Nakakatulog ako ng maayos” na positibong nararanasan nila. Ang statement naman na may
pinakamababang mean score na 3.89 na mayroong sagot na “Lubos na hindi sumasang-ayon” ay ang
“Naisip kong ipalaglag ang sanggol sa sinapupunan ko” na negatibong nararanasan nila, ang sunod na
may pinakamababa na mean score ay 3.83 sa statement na “Nais kong maglayas” na negatibong
nararanasan. Ang kabuoang weighted mean ay 2.79 kung saan ang resulta ay “Hindi sumasang-ayon”.

Sa Talahanayan 8. Makikita ang pinagdadaanang buhay ng mga batang ina sa pinansyal na salik.
Ang pinakamataas na mean score ay 1.60 na “Sumasang-ayon” ang batang ina sa statement na “Maayos
ang bahay na tinitirahan namin” na positibong nararanasan nila, ang sunod sa pinakamataas ay ang
statement na “Sapat ang pagkain namin sa pang araw-araw” na may positibo ring sagot .Ang
pinakamababa na may mean score na 3.11 na “Hindi pagsag-ayon” ay ang statement na “Tinitipid ko sa
wastong pangangailangan ang aking anak na negatibo nilang nararanasan. Ang kabuuang weighted
mean ay 2.36 na nagreresulta na “Sumasang-ayon”.

Sa Talahanayan 9. Makikita ang pinagdadaanang buhay ng mga batang ina sa relasyonal na salik.
Ang pinakamataas na mean score ay 1.29 na “Lubos na sumasang-ayon” ang batang ina sa statement na
“Maayos ang relasyon ko sa kinakasama ko” at sinundan ng mean score na 1.37 sa statement na
“Maayos ang relasyon ko sa anak ko” kung san parehong may positibong sagot. Ang statement na
pinakamababang mean score na 3.26 na “Hindi pagsang-ayon” ay “Nagalit ang mga kapatid ko sa akin”
na may negatibong sagot.. Ang kabuuang weighted mean ay 2.07 na nagreresultang “Sumasang-ayon”.

Sa Talahanayan 10. Makikita ang pinagdadaanang buhay ng mga batang ina sa sosyal na salik.
Ang pinakamataas na mean score ay 2.20 na “Sumasang-ayon” ang batang ina sa statement na “May
nagbibigay sa amin ng gamit ng mga bata” na may sagot na positibong nararanasan ito. Ang statement
na may pinakamababang mean score na 3.71 na “Lubos na hindi sumasang-ayon” ay “Nahihiya akong
lumabas ng bahay kasama ang aking anak” na may sagot na negatibo.Ang kabuuang weighted mean ay
3.22 na nagreresultang “Hindi pagsang-ayon”.

Kung may pagkakaiba ba ang mean score ng mga respondente kapag grinupo ayon sa
pagkakakilanlan:
Sa Talahanayan 11. Naipapakita ang test for significant difference sa antas ng huling pag-pasok.
Ang anim na salik ay mayroong computed level of significance na mas mataas sa set value of significance
at 0.01 level 2-tailed, kaya null hypothesis is accepted.Ang resulta ay walang pagkakaiba sa mean score
ng anim na salik kapag grinupo sa antas huling pagpasok, sa elementarya, sekondarya, at kolehiyo.

Sa Talahanayan 12. Naipapakita ang test for significant difference sa edad ng unang
panganganak. Ang anim na salik ay mayroong computed level of significance na mas mataas sa set value
of significance at 0.01 level 2-tailed kaya null hypothesis is accepted.Ang resulta ay walang pagkakaiba
ang mean score ng anim na salik pag grinupo sa edad ng unang panganganak.

Sa Talahanayan 13. Naipapakita ang test for significant difference ng estadong marital sa anim
na salik. Ang resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng espiritwal,pinansyal at relasyonal subalit
mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kaag grinupo sa estadong marital.

Sa Talahanayan 14. Naipapakita ang test for significant difference kapag tumigil o ipinagpatuloy
ang kanilang pagaaral sa anim na salik. Lahat ng salik ay mayroong computed levels of significance na
mas mataas sa set value of significance at 0..01 level 2-tailed ,kaya null hypothesis accepted. Ang resulta
ay walang pagkakaiba ang mean score sa anim na salik kapag grinupo sa pagkakakilanlan; tumigil o
ipinagpatuloy ang kanilang pagaaral.

V. Konklusyon at Rekomendasyon

Konklusyon
Pinakamaraming nabubuntis na respondente ay edad 17-18 at kaunti lamang ang nasa edad 13-
16. Ilan sa mga batang ina ay huminto sa pagaaral sa hayskul dahil nalaman nilang sila ay
buntis,sinundan ng elementarya, at kolehiyo. Ang ilang respondente rin ay ikinasal sa ama , na sinundan
ng live-in, at kaunti lamang ang single.Halos lahat naman ay huminto sa pagaaral dahil sa nagdadalang
tao sila.

Sa pandamdaming salik, may mga positibong nararanasan ang mga batang ina katulad ng
nagaalala sila kapag nagkakasakit ang kanilang anak at nasasaktan kapag umiiyak ito.Natural din na
masigawan ang anak dahil sa galit. Sa espiritwal na salik, ang negatibo nilang nararanasan ay ang hindi
makapagsimba tuwing linggo. Sa mental na salik positibong nararanasan ng mga batang ina na mag-isip
kung bakit sila nabuntis kaagad o kaya ba nilang maging ina, na sa halip ay nagaaral sila at walang
problema. S. pinansyal na salik, positibong nararanasan na mangutang o manghiram ng pera ang batang
ina kapag nagkulang sa pinansyal na pangangailangn at negatibong nararanasan naman ay hindi na niya
mabibili ang mga gusto niya ,magstock ng pagkain at makakain sa restawran. Sa relasyonal na salik
positibong maranasan na mapagsabihan ng nakatatanda dahil sa nangyari sa kanila,sa negatibo naman
ay hindi sila malapit sa kanilang byenan at hindi na nakakasama sa mga kaibigan nila. Sa sosyal na salik
naman ,positibong nararanasan na bigyan ng kagamitan ang kanilang anak ,sa mga negatibo naman ay
hindi na sila nakakasama sa proyektong panlipunan, hindi inuuna sa pila at hindi nakakapag party.

Wala ring pagkakaiba sa mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-
pasok,edad ng unang panganganak at sa pagkakakilanlan; kung tumigil o ipinagpatuloy ang pagaaral.
Walang ring pagkakaiba sa mean score ng espiritwal,mental,pinansyal at relasyonal na salik sa marital
status at naiba lamang sa mean score sa emosyonal at sosyal

Rekomendasyon
Ang pagkakaroon ng kaalaman ng mga magulang sa maaaring pagdaanan ng isang batang ina ay
makatutulong upang maturuan at magabayan ng maayos ang anak. Sa mga kabataan ang kaalaman nila
sa maaaring maging sitwasyon kapag naging batang ina ay makatutulong upang ito ay maiwasan, at
maitatak sa isipan na hindi lamang sila aasa sa kanilang mga magulang. Gayundin sa mga batang ina,
nararapat lamang na malaman ang maaari pa nilang maranasan at magandang makinig sa payo ng mga
magulang.

You might also like