You are on page 1of 2

PERSPEKTIBO NG PAKIKIUSO SA MATERYAL NA BAGAY AT SA PAG-

UUGALI NG ILANG MGA KABATAAN SA BAGUIO CITY

Macaraeg, Grace Anne

Bullecer, Ma. Fatima

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tumalakay sa perspektibo ng pakikiuso sa materyal na

bagay at sa paguugali ng ilang mga kabataan sa Baguio City. Sampung kabataan ang naging

kalahok at ito ay isinagawa sa Aurora Hills, Baguio City. Ang mananaliksik ay gumamit

ng impormal na pakikipanayan at pagtatanung-tanong upang higit na matalakay ang

pakikiuso ayon sa kamalayang Pilipino. Ayon sa resulta, ang ilan sa mga katwiran ukol sa

pakikiuso ay pakiki-“in”, pagsabay sa pagbabago ng panahon at pakikibagay. Mayroon

namang positibo at negatibong naidulot ang pakikiuso. Ang ilan sa positibo ay ang

pagkatutong makibagay at pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Ang ilan naman sa negatibo ay

ang pagkakaroon ng siraan, pagiging magastos at pagkalimot sa kinalakihang kultura. Sa

pananaw naman, mayroong positibo at negatibo. Sa positibong pananaw ukol sa materyal

na bagay, ito raw ay bahagi na ng buhay at nangyayari ng dahil sa inobasyon at ito rin daw

ay nangyayari sa bawat henerasyon. Sa negatibong pananaw naman, sinasabing ito raw ay

magastos. Sa positibong pananaw naman ukol sa pag-uugali, sinasabing hindi ito masama

dahil ito raw ay nabuo na sa pang araw-araw na buhay at nakasanayan na. Sa negatibong

pananaw naman, tingin nila na ito ay kawalang respeto at pagkalimot sa sariling

kagustuhan.
Mga susing salita: Pakikiuso, Perspektibo, Sikolohiyang Pilipino, Inobasyon,

Kultura, Kabataan

Pinagkuhanan ng impormasyon: www.sanbeda-

alabang.edu.ph/bede/images/researchpublication/BedanJournalPsych/BJP2016v2-75.pdf

You might also like