You are on page 1of 2

PAGNILAYAN NATIN

Perspektibo ng Pakikiuso sa Materyal na Bagay at sa Pag-Uugali ng Ilang mga


Kabataan ng Ardemil Junior High School

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tumalakay sa perspektibo ng pakikiuso sa materyal na


bagay at sa pag-uugali. Sampung kabataan ang naging kalahok at isinagawa sa
Baranggay Ardemil, Sara, Iloilo. Ang mananaliksik ay gumamit ng impormal na
pakikipanayam at pagtatanung-tanong upang higit na matalakay ang pakikiuso ayon sa
kamalayang Pilipino. Ayon sa resulta, ang ilan sa mga katwiran ukol sa pakikiuso ay,
“pakiki-in”, pagsabay sa pagbabago ng panahon at pakikibagay. Mayroon namang
positibo at negatibong naidulot ang pakikiuso. Ang ilan sa positibo ay ang pagkatutong
makibagay at pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Ang ilan naman sa negatibo ay ang
pagkakaroon ng siraan, pagiging magastos at pagkalimot sa kinalakihang kultura. Sa
pananaw naman, mayroong positibo at negatibo. Sa materyal na bagay at positibo, ito
raw ay bahagi na ng buhay at nangyayari ng dahil sa inobasyon at ito rin daw ay
nangyayari sa bawat henerasyon. Sa negatibo naman, sinasabing ito raw ay magastos.
Sa pag-uugali naman at positibo, sinasabing hindi ito masama dahil ito raw ay nabuo
na sa pang araw-araw na buhay at nakasanayan na. Sa negatibo naman, tingin nila na
ito ay kawalang respeto at pagkalimot sa sariling kagustuhan.

Ang nasa unang talata ay isang uri ng abstrak kung saan nagsisilbing buod sa
isang artikulo ng thesis sa isang partikular na paksa at madalas na ginagamit upang
matulungan ang mambabasa na mabilis na matukoy ang layunin ng papel. Sa abstrak
na ito ay nagsasaliksik sa mga perspektibo ng pakikiuso sa mga materyal na bagay at
pag-uugali ng mga kabataan sa isang paaralan. Ayon sa kanilang nakuha na datos,
masasabi nila na may positibo at negatibong epekto ang pakikiuso sa materyal na
bagay ayon sa kamalayang Filipino.
Ang kalikasan ng abstrak ng papel ay dito na mapaliwanag ang pangunahing
at mahahalagang ideya ng kanilang akademikong papel. Ang abstrak na ito ay binubuo
ng rasyunal, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon. Batay sa pamagat ng
kanilang papel ay masasabi na ito ay isang qualitatibong pananaliksik dahil kinukuha
nila ang mga perspektibo o pananaw ng mga respondente upang makalikom ng
malalim na pananaw sa isang problema o makabuo ng mga bagong ideya para sa
pagsasaliksik. Bukod dito, ipinaliwanag din ang mga kalimitan ng kanilang pananaliksik
na sumasaklaw sa mga respodyante at sa local na lugar na isasagawa.
Ang katangian ng abtrak naman ay empirikal na pamamaraan sapagkat batay
ang kanilang pakuha ng datos ay nakikipagpanayam sila sa mga respondente gamit
ang ilang katanungan na kanilang gabay upang malaman nila ang perspektibo ng
indibidwal na kanilang kinakausap.

You might also like