You are on page 1of 8

Mga Iba’t ibang Pananaliksik tungkol sa Pagpapahalaga sa Sarili ng mga Pilipino

(Researches about Self-Esteem of the Filipinos)

Erick Charles E. Perez

BS Psychology

Filipino Psychology
Panimula

Pagpapahalaga sa sarili o “Self-Esteem” kung tawagin sa wikang ingles, ay tumutukoy sa kung


paano natin tinitingnan ang ating sarili – na tayo ay karapat-dapat sa kung anuman na ating
tinatahak. Sa madaling salita, maaaring ipalagay na ang pagpapahalaga sa sarili o “self-
esteem” ay pagsusuri sa ating sarili – ang pag-alam natin sa kahalagahan ng ating buhay.
Kalimitang nagkakaroon ng hindi tamang kuro-kuro sa pagitan ng terminong “self-esteem” sa
mga terminong gaya ng “self-efficacy” at “self-concept”. Bagamat may pagkakatulad sila sa
kahulugan, hindi ito implikasyon na sila ay isandaang porsiyento na magkatulad. Kung ang
“Self-Esteem” ay tumutukoy sa pagkalahatang pagsusuri sa sarili, pumapatungkol naman ang
“Self-concept” sa pag-alam sa ating sarili bilang isang indibidwal – kung paano tumatakbo ang
pag-iisip mo, ano ang mga libingan mo, ano mga kagustuhan mo sa mga bagay bagay at iba
pa. Tumutukoy naman ang self-efficacy sa pagkakaroon ng tiwala na kaya ng isang indibidwal
na gawin ang isang particular na gawain. Ang maaaring halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng
isang indibidwal ng tiwala na kaya niyang makipagkumpitensya sa larangan ng basketball
ngunit wala siyang tiwala sa sarili na kaya niyang makipagkumpitensya sa larangan ng
pagtugtog ng gitara.

May iba’t ibang mga eksperto sa larangan ng sikolohiya ang nagdiin ng importansya sa
pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili o “Self-Esteem” ng isang indibidwal. Isa sa mga
eksperto na ito ay si Abraham Maslow na makikita sa kanyang teorya tungkol sa hirarkiya ng
pangangailangan (Hierarchy of Needs). Sa kanyang hirarkiya, niranggo niya ang pangangailan
sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili (Esteem Needs) bilang pangalawa sa
pinakamataas na maaaring makamit ng isang indibidwal. Nakapaloob sa pangangailangan na
ito ang respeto at pagkilala na nakukuha ng isang indibidwal mula sa mga taong nakapalibot sa
kanya at ang hangad na magkaroon ng magandang katangian gaya ng pagiging malakas at
pagiging matalino.

Sa paglipas ng panahon, iba’t ibang pananaliksik, lalo na sa banyagang konteksto, ang


naisagawa na tungkol sa Pagpapahalaga sa Sarili. Siyempre, may mga pananaliksik din tungkol
sa Pagpapahalaga sa Sarili ang nasagawa na sa lokal na konteksto at lima sa mga pananaliksik
na ito ay tatalakayin dito sa susunod na kabanata ng papel na ito.
Metodo

Sa kabanata na ito ay tatalakayin ang lima sa mga pananaliksik sa isinigawa sa lokal na


konteksto tungkol sa pagpapahalaga sa sarili.

Pananaliksik 1

Isang pananaliksik noong taong 2018 tungkol sa Ugnayan ng Pagpapahalaga sa Sarili at Pag-
angkop sa buhay kolehiyo ng mga estudyanteng nasa unang taon sa kolehiyo sa Institusyon ng
Mataas na Edukasyon sa Lungsod ng Calapan sa Oriental Mindoro ang isinagawa ni Ginang
Reinrose Mary R. Hernandez. Ang pananaliksik ay binubuo ng tatlong libo tatlong daan at lima
(3,305) na estudyante sa unang taon sa kolehiyo mula sa apat na popular na institusyon sa
Lungsod ng Calapan – Mindoro State College of Agriculture and Technology-Calapan Campus,
Kolehiyong Panglungsod ng Calapan, Divine Word College of Calapan at St. Anthony College.
Sa pagpili ng mga kalahok para sa pananaliksik, gumamit si Ginang Hernandez ng walang pili
at pasapin-sapin (stratified random) na metodo. Sa pagkolekta ng datos, gumamit si Ginang
Hernandez ng sariling gawa na talatanungan na napagtibay ng mga dalawang rehistradong
tagapayo at isang propesor ng nasabing kolehiyo.

Pananalisik 2

Isang pananaliksik noong taong 2017 tungkol sa ugnayan ng “Body Mass Index”o BMI at
Pagpapahalaga sa Sarili ng mga estudyanteng nasa taong siyam hanggang labing-dalawang
taong gulang sa isang pampublikong paaralan sa Lungsod ng Makati ang isinagawa ni Ginang
Flores at ng kanyang mga kasamahan. Ang pananaliksik ay binubuo ng isang libo’t isang daan
at apatnapu (1,140) na estudyante na nasa paaralang elementarya ng Cembo. Gumamit ang
mga mananaliksik ng standardized na bersyon ng talatanungan ni Hare upang sukatin ang
pagpapahalaga sa sarili ng mga kalahok. Ang nasabing talatanungan ay espisikong
nakadisenyo para sa mga estudyante na nasa elementarya na lebel samantalang gumamit
naman ng hiwalay na naka-calibrate na instrumento upang sukatin ang timbang ay tangkad ng
mga kalahok.

Pananaliksik 3

Isang pananaliksik noong taong 2020 tungkol sa ugnayan ng Konsepto ng sarili (Self-concept),
Pagpapahalaga sa sarili (Self-esteem), tiwala sa sariling kakayahan (Self-Efficacy) at
kakayahan sa Akademiko (Academic Performance) ng mga estudyante sa mataas na antas,
ang isinagawa ni Ginang Jhoselle Tus sa St. Paul College sa lungsod ng Bocaue. Ang
pananaliksik ay binubuo ng isang daan at siyamnapu (190) na mga estudyante na nasa mataas
na antas ng St. Paul College. Upang sukatin ang tatlong baryante, gumamit si Ginang Tus ng
tatlong standardized na bersyon ng talatanungan. Ginamit ni Ginang Tus ang bersyon ni Piers-
Harris na panukat ng konsepto ng sarili na nakadisenyo para sa mga batang nasa edad pito
hanggang labing-walong taong gulang para sukatin ang konsepto ng sarili ng mga kalahok sa
kanyang pananaliksik – bersyon naman ni Coopersmith ng Imbentaryo ng Pagpapahalaga sa
Sarili sa pagsukat ng Pagpapahalaga sa sarili, at bersyon naman ni Schwarzer na panukat ng
tiwala sa sariling kakayahan ng kanyang mga kalahok sa pananaliksik.

Pananaliksik 4

Isang pananaliksik noong taong 2022 tungkol sa ugnayan ng pagpapahalaga sa sarili (Self-
Esteem) at agresyon (Aggression) sa mga piling estudyante sa kolehiyo na nasa ilalim ng
Online Learning sa Pilipinas, ang isinagawa ni Ginoong Fabella. Ang pananaliksik ay binubuo
ng isang grupo – isang seksyon ng mga estudyante sa kolehiyo mula sa pampublikong
institusyon na mayroong tatlumpu’t apat (34) na estudyante at isang seksyon ng mga
estudyante sa kolehiyo mula sa pribadong institusyon na mayroong tatlumpu’t tatlo (33) na
estudyante. Sa pagsukat ng dalawang baryante, gumamit ang mananaliksik ng dalawang
standardized na bersyon ng talatanungan – ang bersyon ni Sorensen na panukat ng
pagpapahalaga sa sarili at ang bersyon nina Buss at Perry na panukat ng agresyon ng isang
indibidwal.

Pananaliksik 5

Isang pananaliksik noong taong 2020 tungkol sa pagpapahalaga sa sarili (Self-Esteem) at


optimismo (Optimism) bilang tagahula ng pagiging matatag (Resiliency) sa mga napiling
indibidwal na aktibong nagtatrabaho sa kampo militar, ang isinagawa ni Ginoong Reyes at ng
kanyang mga kasamahan. Ang nasabing pananaliksik ay binubuo ng tatlong daan at
animnapung (360) mga indibidwal na nagtatrabaho sa militar at walang anumang nakaraang
suri na nagkaroon sila ng mga diperensya sa pag iisip. Sa pagsusukat ng mga baryante,
gumamit ang mga mananaliksik ng tatlong standardized bersyon ng talatanungan – ang
bersyon ni Rosenberg na panukat ng pagpapahalaga sa sarili, ang bersyon nina Scheier at
Carver na panukat ng oryentasyon ng isang indibidwal tungkol sa buhay, na ginamit ng
mananalilsik upang sukatin ang pagiging optimismo ng mga kalahok, at ang bersyon nina
Connor at Davidson na panukat sa pagiging matatag ng isang indibidwal.
Resulta at Diskusyon

Sa kabanata na ay tatalakayin ang mga naging resulta ng limang natalakay na pagsasaliksik sa


Metodong kabanata ng papel na ito.

Pagsasaliksik 1

Sa ginawang pagsasaliksik, nadiskubre ng mga mananaliksik na mayroong positibong ugnayan


sa pagitan ng pagpapahalaga sa sarili at pag-angkop sa buhay kolehiyo. Samakatuwid, sa
pagtaas ng pagpapahalaga sa sarili ay may posibilidad na maaari ding tumaas ang kakayahan
ng isang indibidwal na umangkop sa buhay kolehiyo.

Pananaliksik 2

Sa ginawang pananaliksik, nadiskubre ng mga mananaliksik na may mahina ngunit positibong


ugnayan sa pagitan ng BMI at lebel ng pagpapahalaga sa sarili ng isang indibidwal. Implikasyon
ito na kapag mataas ang lebel ng BMI ay may posibilidad din na mataas ang lebel ng
pagpapahalaga ng isang indibidwal. Nadiskubre din sa pananaliksik na ang mga kalahok na
nasa kategoryang “underweight’ o mababa ang timbang ay nagkataong mababa din ang lebel
ng kanilang pagpapahalaga sa sarili.

Pananaliksik 3

Sa ginawang pananaliksik, matapos ang pagsusuri sa mga datos, nadiskubre ng mananaliksik


na walang lubhang epekto ang tiwala sa sariling kakayahan, konsepto ng sarili at
pagpapahalaga sa sarili sa akademikong kakayahan ng mga estudyante na nasa mataas na
antas ng St. Paul College. Bukod dito, minumungkahi ng mananaliksik na masinsinang gabayan
ng mga guro at mga magulang ang mga estudyante sapagkat sa hinuha ng mananaliksik, ang
mga estudyante sa ganoong yugto ay nasa kalagitnaan ng proseso ng paghahanap ng kanilang
pagkakakilanlan.

Pananaliksik 4

Sa ginawang pananaliksik, matapos ang pagsusuri ng mga datos, nadiskubre ng mananaliksik


na walang pagkakaiba sa lebel ng pagpapahalaga ng sarili ng mga estudyanteng nasa publiko
at pribadong institusyon, at ganoon din sa lebel ng agresyon ng mga kalahok. Ngunit, sa
ugnayan sa lebel ng pagpapahalaga sa sarili at agresyon, pinapakita sa datos na mayroong
positibong ugnayan sa iskor sa lebel ng pagpapahalaga sa sarili at agresyon ng mga kalahok sa
pribado at publikong institusyon. Mahalaga din na ipunto na nilalahad sa bersyon ni Sorensen
na panukat ng pagpapahalaga sa sarili na sa pagtaas ng iskor ng isang indibidwal ay sa
pagbaba naman ng lebel ng pagpapahalaga sa sarili nito. Samakatuwid, dumating sa
konklusyon ang mananaliksik na mayroong pabaligtad na ugnayan sa pagitan ng
pagpapahalaga sa sarili at agresyon – na pagbaba ng pagpapahalaga sa sarili ay pagtaas ng
lebel naman sa agresyon o kaya naman sa pagtaas ng pagpapahalaga sa sarili ay sa pagbaba
naman sa lebel ng agresyon.

Pananaliksik 5

Sa ginawang pagsasaliksik, matapos ang pagsusuri ng mga datos, nadiskubre ng mga


mananaliksik na may positibong ugnayan sa pagitan ng pagpapahalaga sa sarili at pagiging
positibo sa buhay sa pagiging matatag ng mga indibidwal na nagtatrabaho sa kampo militar. Sa
makatuwid, dumating sa konklusyon ang mga mananaliksik na sa pagtaas ng pagpapahalaga
ng isang indibidwal at pagiging optimismo, sa pagiging matatag din ng isang indibidwal na
harapin ang mga hamon ng buhay.

Kabuaan

Sa mga natalakay na mga pananaliksik sa mga nagdaang kabanata ng papel na ito;

1. Nadiskubre na may positibong ugnayan ang pagpapahalaga sa sarili (self-esteem) at


pag-angkop sa buhay kolehiyo (adjustment to college). Samakatuwid, sa pagtaas ng
pagpapahalaga sa sarili ay sa pagbilis din ng isang estudyante na makaangkop mula sa
buhay high school patungo sa buhay kolehiyo.
2. Nadiskubre na may mahina ngunit positibong ugnayan ang BMI (Body Mass Index) at
pagpapahalaga sa sarili ng mga bata na nasa edad siyam hanggang labing-dalawang
taong gulang. Samakatuwid, mababa ang probabilidad na nakakaapekto ang BMI ng
isang bata sa lebel ng pagpapahalaga nito ss kanyang sarili (self-esteem).
3. Nadiskubre na walang ugnayan ang konsepto ng sarili (self-concept), tiwala sa sariling
kakayahan (self-efficacy) at pagpapahalaga sa sarili (self-esteem) sa akademikong
kakayahan (academic performance) ng mga estudyante na nasa mataas na antas.
4. Nadiskubre na may baligtad na ugnayan ang pagpapahalaga sa sarili (self-esteem) at
agresyon (aggression) ng mga estudyante na nasa kolehiyo. Samakatuwid, sa pagtaas
ng pagpapahalaga sa sarili ng isang indibidwal ay sa pagbaba ng probabilidad ng
pagiging agresibo nito o kaya ay sa pagbaba ng pagpapahalaga sa sarili ng isang
indibidwal ay sa pagtaas ng probabilidad ng pagiging agresibo nito.
5. Nadiskubre na may positibong ugnayan ang pagpapahalaga sa sarili (self-esteem) at
pagiging positibo sa buhay (optimistic) sa pagiging matatag ng mga indibidwal na
nagtatrabaho sa kampo militar.
Mga Sanggunian

Hernandez, R. M. Freshman’s students self-esteem and adjustment to college in higher


education institutions in Calapan City, Philippines. Asia Pacific Journal of Multi-disciplinary
Research, 5(3), 49-56. https://www.academia.edu/download/62127611/APJMR-
2017.5.3.0620200217-39136-1mkk2uk.pdf

Flores, J.A., Fragante, J., Francisco, J.J., Dipasupil, J.P., Damaso, P.S., Gutierrez, A., Dela
Guerra, K., Escudero, M., Estella, R.A., Evasco, M.K., Galang, S.G., Humarang, J.,
Villavicencio, M.L., & Sison, R. (2017). The Correlation between Body Mass Index and Self-
Esteem Among Children Ages 9-12 Years Old in a Public Elementary School in Makati City,
Philippines. Paediatrics and Primary Care Physicians, 1(1), 14-17.
https://www.researchgate.net/profile/Jan-Jorge-Francisco/publication/
326920727_The_Correlation_between_Body_Mass_Index_and_Self-
Esteem_Among_Children_Ages_9-
12_Years_Old_in_A_Public_Elementary_School_in_Makati_City_Philippines/links/
607e96248ea909241e106f58/The-Correlation-between-Body-Mass-Index-and-Self-Esteem-
Among-Children-Ages-9-12-Years-Old-in-A-Public-Elementary-School-in-Makati-City-
Philippines.pdf

Tus, J. (2020). Self-Concept, Self-Esteem, Self-Efficacy, and Academic Performance of the


Senior High School Students. International Journal of Research Culture Society, 4(10), 45-59.
https://www.academia.edu/download/65631489/SelfConceptSelfEsteemSelfEfficacyandAcadem
icPerformance.pdf

Fabella, F.E. (2022). The Relationship between Self-Esteem and Aggression among Selected
College Students undergoing Online Learning in the Philippines. Cognizance Journal of Multi-
disciplinary Studies, 2(4), 1-6. https://cognizancejournal.com/vol2issue4/V2I403.pdf

Reyes, M.E., Dillague, S.G., Fuentes, M.I., Malicsi, C.A., Manalo, D.C., & Melgarejo, J.M.
(2020). Self-esteem and Optimism as Predictors of Resilience among Selected Filipino Active-
Duty Military Personnel in Military Camps. Journal of Positive Psychology and Wellbeing, 4(1),
15-25.
https://www.academia.edu/download/63077787/2020_Reyes_et_al_Military_Resilience.pdf

You might also like