You are on page 1of 1

Hannah Riehl Jimenez FILIPINO SA PILING LARANG

Grade 12- HUNMSS 3 Mrs. Palomera

AWTPUT BILANG 4
Perspektibo ng Pakikiuso sa Materyal na Bagay at Pag-uugali ng Ilang kabataan sa Baguio
City

Isinulat nina Macaraeg, Grace Anne & Bullecer, Ma. Fatima

Ang pag-aaral na ito ay pinag-aaralan ang perspektibo at pag-uugali ng mga


kabataan sa materyal na bagay. Ilang kabataang edad na 16-19 ang naging kalahok sa
pagsasagawa ng impormal pakikinayam at pagtatanong-tanong, Maraming kabataan ang
gustong maki-uso sa mga pagbabago at teknolohiya. Ayon sa nakalap na kasagutan mula
sa mga kabataan, ang pakikiuso sa mga materyal na bagay ay ang pagsabay lamang natin
sa pagbago ng panahon. Mayroon namang negatibo at positibong resulta, una ay sa
pakikiuso. Ang positibong epekto nito ay nabibilang ka sa isang groupo. Ang negatibong
epekto naman nito ay magastos at nakaliligtaan na minsan ang kulturang kinalakihan.
Naging positibo naman din ito sapagkat malaking tulong ang nadudulot ng ibang ibang
materyales lalo na sa aspeto ng pakiki-uso patungkol sa teknolohiya. Mabilis mapadali
ang mga gawain dahil sa mga makabagong teknolohiya. Ang negatibo naman ay hindi na
nagagawa ng mga kabataan ang nakagawian na ginagawa ng mga katutubo o mga
gawain ng kanilang magulang. Nawawala rin ang mga kabataan ng respeto dahil sa
kagustuhan nila na makiuso o "pakiki-in" sa mga materyales na bagay na mayroon din
ang ibang tao. Hindi naman daw magiging negatibo ang pagkagusto mo sa isang bagay
basta ay alam mo ang iyong limitasyon pagdating sa pamimili. Nasabi rin na walang
masamang bagay basta ay hindi sobra.

AWTPUT BILANG 5

PAGSUSURI:
LAYUNIN: Layunin ng abstrak na ito na ilahad ang iba't-ibang perspektibo patungkol sa
pakikiuso sa materyal na bagay at pag-uugali ng ilang kabataan.

GAMIT: Ang gamit ng abstrak na ito ay makapaglahad at maipabatid ang ibat't-ibang


pananaw patungkol sa pakikiuso sa mga materyal na bagay at pag-uugali ng ilang
kabataan sa Baguio City.

KATANGIAN: Ang katangian ng abstrak na ito ay hindi ganoon kahaba ngunit inilalahad
nito ang bawat mahahalagang impormasyon na nakalap mula sa isang pananaliksik.

ANYO: Ang anyo ng abstrak na ito ay isang paglalahad ng mga negatibo at positibong
epekto ng pakikiuso ng mga kabataaan. Nilalahad nito ang mga pananaw patungkol sa
pakikiuso ng mga kabataan sa mga materyal na bagay at ang kanilang pag-uugaki.
Samakatuwid, ito ay isang impormatibong abstrak na nagpapabatid ng mga
mahalalagang impormasyon sa mga mambabasa.

You might also like