You are on page 1of 10

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/350888318

Pagbuo at Balidasyon ng Isang Mungkahing Modelong Rubrik sa Pagmamarka ng


Mga Sulatin sa Antas Graduwado (Development and Validation of A Proposed
Model Rubric in Rating Written Ou...

Research · April 2021

CITATIONS READS
14 5,194

1 author:

Joey R. Cabigao
Department of Education of the Philippines
36 PUBLICATIONS 215 CITATIONS

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Joey R. Cabigao on 18 April 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Pagbuo at Balidasyon ng Isang Mungkahing Modelong Rubrik
sa Pagmamarka ng Mga Sulatin sa Antas Graduwado
(Development and Validation of A Proposed Model Rubric in Rating Written Outputs in the Graduate
School Level)
Joey R. Cabigao, PhD
1
Department of Education (DepEd) – Philippines
SDO City of Malolos
joey.cabigao@deped.gov.ph
2
La Consolacion University Philippines (LCUP)
City of Malolos, Bulacan
joey.cabigao@email.lcup.edu.ph

Abstrak: Pangunahing layon ng pag-aaral na ito na makabuo ng isang mungkahing modelong rubrik sa pagtataya ng mga sulatin
sa antas graduwado alinsunod sa mga simulain ng Kakayahang Komunikatibo ni Littlewood (2011). Isinagawa ang pag-aaral
gamit ang pamamaraang quantitative-developmental sa tulong ng 10 eksperto sa pagtuturo ng wika sa antas masteral at doktoral.
Bumuo ng rubrik at isinalang ito sa balidasyon upang matukoy ang antas ng validity gamit ang Aiken’s V (content validity
coefficient) at ang reliability nito sa tulong ng Fleiss’ 𝜿 coefficient at Krippendorff’s 𝜶 coefficient. Naitala ang average content
validity coefficient sa 0.91, na nagsasabing ito ay valid. Ipinakikita naman ng Fleiss’ 𝜿 coefficient na 0.76 at may p-value na mas
mababa sa 0.05 na may substantial agreement sa pagmamarka ang mga eksperto gamit ang binuong rubrik. Naitala naman sa
Krippendorff’s 𝜶 coefficient ang 𝟎. 𝟖𝟕, higit na mas mataas sa 𝟎. 𝟔𝟕 at may p-value na mas mababa sa 0.05, na
nangangahulugang may inter-reliability sa binuong rubrik, at dahil mas mataas sa 0.8 ang 𝜶 coefficient, nangangahulugan ito na
may malakas na inter-reliability ang pagmamarka ng mga eksperto gamit ang rubrik. Sa tulong ng mga eksperto, nakabuo ng
isang valid at reliable na rubrik bilang kagamitang pampagtataya sa sulatin ng mga mag-aaral sa antas graduwado bilang
napakahalagang gawain sa pagkatuto. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi na isagawa rin sa tuwina ang test of
test of validity at reliability kung mayroong mga bagong kagamitang pampagtataya na isinusulong gamitin upang sa gayon ay
lubos na makatulong ito sa kapwa guro at mga mag-aaral.
Mga Susing Salita — pagbuo at balidasyon; mungkahing modelong rubrik; pagmamarka ng mga sulatin; antas graduwado;

pagsulat

1. INTRODUKSIYON paaralang graduwado bilang mga nakatakdang dalubhasa ng


karunungan sa pagtuturo at pamamahalang pampaaralan.
Malaking bahagi ng mga pangangailangan sa bawat
asignatura sa antas graduwado ang pagpapasa ng mga sulatin Ang Pagsulat Bilang Kasanayang Pangwika
mula sa iba’t ibang paksa ng kanilang mga aralin. Ang mga
Ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na bunga ng
gawaing pagsulat na ito ay malaking tulong sa paghahanda ng
proseso ng paggamit ng mga simbolo gaya ng titik/letra, mga
mga mag-aaral tungo sa makabuluhang pagsulat ng tesis o
bantas, at mga espasyo upang ibahagi ang kaisipan o saloobin
disertasyon bilang panghuling pangangailangan ng kurso sa
sa paraang nababasa ng sumulat o ng kapwa. Sa klasikong
paaralang graduwado. Upang lubos na makapagbigay ng
pananaw ng isang lokal na eksperto sa wika, sinasabing ang
tulong sa mga mag-aaral, marapat lamang na masuri at
pagsulat ay isang kompleks na kasanayan (Badayos, 2008 sa
matayang mabuti ng mga propesor ang antas ng kasanayan ng
akda ni Cabigaoa, 2012), kaya kailangan ng isang manunulat
kani-kanilang mga mag-aaral sa pagsulat sa pamamagitan ng
ang sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo
pagbibigay ng angkop na marka at puna sa mga ipinasang
ng isang sulatin. Pangunahin na rito ang pagiging maalam sa
sulatin ng mga mag-aaral. Hindi mababatid ng mga mag-
mekaniks ng pagsulat – ito ay ang anyo ng pagkakasulat,
aaral ang antas ng kanilang kahusayan kung hindi
pagbaybay, pagbabantas, at kumbensiyon sa pagsulat.
magbibigay ng puna o feedback ang propesor sa kanilang
Dagda pa niya, ang kabihasaan sa batayang kasanayan na ito
sulatin.
sa pagsulat ang magiging batong tuntungan ng bawat mag-
Nararapat lamang na mataya ang isang sulatin sa aaral tungo sa malinaw, makinis, at maayos na pagpapahayag
pamamaraang obhektibo na may angkop na pamantayan sa ng ideya ng kaniyang isinusulat.
antas na kinabibilangan ng mga mag-aaral. Dahil dito, sinikap
Sinasabi sa papel ni Clayton (2019) na sumilang ang
ng mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito bilang
pagsulat sa Gitnang Silangan mahigit 5,000 taon na ang
ambag sa makabuluhang paglalakbay ng mga mag-aaral sa
nakalilipas. Sumilang ang kumpletong sistema ng pagsulat

1
nang apat na beses sa magkakahiwalay na panahon at lugar sa Ang Rubrik Bilang Kagamitan sa Pagtataya
kasaysayan ng tao. Una ay sa Mesopotamia na ngayon ay
Bilang pagbibigay-kahulugan, isang praktikal na
Iraq, kung saan ginamit ang cuneiform sa mga taong 3,400 at
depinisyon ang ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon
3,300 BC, na agad sinundan ng pagsulat sa Egypt sa mga
(DepEd, 2018) sa rubrik alinsunod sa konteksto ng edukasyon
taong 3,200 BC. Sa mga taong 1,300 BC, natuklasan din ang
sa bansa. Ayon sa kagawaran, ito ay isang mabisang
maayos na sistema ng pagsulat sa mga huling bahagi ng
kagamitan na nakatutulong sa mga guro upang makabuo ng
Dinastiyang Shang sa China. Sa gitna ng 900 at 600 BC,
konsistent na pagtataya sa kahusayan ng gawain ng mga mag-
tinataya ring nagsimula ang pagsulat sa lupain ng
aaral. Ang rubrik ay isang gabay sa pagmamarka na
Mesoamerica. Binigyang-diin ng mananaliksik na nagsimula
karaniwang nasa anyong grapiko. Inilalarawan nito kung ano
ang pangangailangan ng sistema ng pagsulat dahil sa
ang inaasahan sa bawat tiyak na pagkatuto. Nagbibigay-
pangangailangan ng mga naunang sibilisasyon nang maayos
kahulugan ito sa antas ng pagganap ng isang mag-aaral sa
na pamamaraan sa pagbilang, sa pagpapangalan sa iba’t ibang
pagtugon sa mga awtentikong gawaing pagkatuto. Ang
bagay at nilalang, at sa paniniwalang magkaroon ng ugnayan
rubrik ay ibinabahagi sa mga mag-aaral bago ang oras ng
sa pagitan ng mga buhay at ng mga pumanaw na.
pagmamarka upang mabatid ng bawat mag-aaral kung paano
Matapos ang libo-libong taon ng pagbabagong-anyo ng sila mamarkahan sa kanilang mga gawain. Bawat krayterya
mga sistema ng pagsulat sa sibilisasyon ng sangkatauhan, ay inilalarawan at may kalakip na tiyak na puntos para sa
narito tayo ngayon sa panahon na patuloy na pinapanday ang pagmamarka. Ayon pa sa DepEd, sinasagot ng rubrik ang
kasanayan sa pagsulat sa iba’t ibang kadahilanan. Sa larangan tatlong tanong na ito: (1) Ano ang nais nating malaman at
ng akademya, ayon nga kay Ahmad (2018), malaki ang papel gawin ng mga mag-aaral?; (2) Gaano kahusay gagamitin ng
na ginagampanan ng pagsulat sa pagbubuklod-buklod ng mga mag-aaral ang kaalaman o paano nila gagamitin ang
karanungan mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Tinuturo sa kasanayan ng konseptong inilatag?; at (3) Paano malalaman
paaralan ang pagsulat sapagkat kasangkapan ito sa ng guro at ng iba pang tagamarka kung natutuhan ng mag-
pagbabahagi ng karunungan at karanasan na makatutulong sa aaral ang nararapat na konsepto at kung naisagawa ang
bawat mag-aaral sa mga susunod na panahon. Nagsisilbing takdang gawain nang maayos?
kasangkapan ang mga akademikong pagsulat upang
Gayundin naman, ayon kay Bramley (2018), ang
maibahagi ang mga nakalap na karunungan para sa iba’t
paggamit ng rubrik sa mas mataas na antas ng edukasyon
ibang larangan. Naipamamalas din sa pagsulat ang pantay na
[higher education learning] ay lubos na nakatutulong,
pagsusuri sa mga teorya ng karunungan mula sa iba’t ibang
katuwang ng pagtuturo ng propesor, upang matiyak na ang
pananaw ng mga nagsusulat nito.
mga mag-aaral ay nagkakaroon nang malalim na pagkatuto,
Malaki ang ambag ng pagsulat sa patuloy na pagsulong ng at ang kursong kanilang pinag-aaralan ay may ganap na
karunungan at pamumumuhay sa kasalukuyang henerasyon kaugnayan sa pagtataya ng aralin at sa kanilang produkto ng
kayat pinahahalagahan ng akademya ang paghubog sa mga pag-aaral/pagkatuto. Umaalinsunod din ito sa naunang
indibidwal na may angking kasanayan sa larangang ito ng pakahulugan ni Tanhueco-Tumapon (2016) na nagsabing ang
wika. Inisa-isa ni Fleming (2020) ang kabutihang dulot ng rubrik ay isang pasilidad o kagamitan na nakatutulong sa
kahusayan sa akademikong pagsulat, ilan lamang sa mga ito pagmamarka ng mga gawain ng mag-aaral sa takdang oras.
ay ang mga sumusunod: (a) kakayahang makakalap ng iba
Ayon pa kina Ragupathi at Lee (2020), sa mas mataas na
pang mahahalagang kasanayan na makatutulong hindi lamang
antas ng edukasyon, nakatutulong ang paggamit ng rubrik
sa trabaho kundi maging sa pang-araw-araw na pamumuhay;
upang maging nakasentro sa pagkatuto [learning-centric] at
(b) kakayahang mag-isip at magtika (reflect) mula sa mga
nakasentro sa mag-aaral [learner-centric] ang mga propesor
isinusulat mula sa sariling pananaw hanggang sa pananaw ng
kaysa nakatutok lamang sa gawain [task-centric]. Ang
iba, at mapalalim ang pang-unawa sa mga ito; (c)
pagsasaalang-alang sa pinagsama-samang marka ng mga
kakayahang makapagmasid nang mapanuri, sapagkat bago
mag-aaral mula sa ginamit na rubrik ay mabisang paraan
simulan ang pagsulat, nagsasagawa muna ang isang
anila upang matugunan ang pangkalahatang pangangailangan
indibdwal ng kaniyang sariling pananaliksik at pagbabasa,
ng mga mag-aaral, at hindi ng indibidwal lamang.
pagmamasid, at pagtutok sa isang paksa; (d) kakayahang
Nakatutulong din anila ang rubrik upang matukoy ang pag-
makatugon sa hinihingi ng paksa na isinulat at mabigyang-
unlad ng mga mag-aaral sa pagdaan ng panahon, nang sa
lalim ang pagtalakay rito; at (e) kasanayang makabuo ng mga
gayon ay mabatid din ng propesor nang mas malinaw ang
lupon ng salita at pangungusap sa istaylistikong pamamaraan.
kalidad ng kaniyang pagtuturo, kung may dapat bang
Tunay nga na malayo na ang narating ng pagsulat, subalit baguhin, paunlarin, o pagtibayin pa. Dagdag pang katangian
nananatili pa rin ang pangunahing layunin nito na ng rubrik ang ibinigay nina Ragupathi at Lee bunga ng ilang
pagbuklurin ang mga butil ng kaalaman sa pamamagitan ng taon ng kanilang pagtuturo sa mga unibersidad sa Asya
pag-iiwan ng makabuluhang marka sa papel gamit ang kabilang na sa bansang Singapore. Anila, ang mga propesor
anumang panulat upang magsilbing alaala ng nagdaang mga ay may iba’t ibang kulturang pinagmulan gayundin ang mga
araw at daluyan ng dalisay na kaisipan sa walang katapusang mag-aaral, kayat kapuna-puna ang malaking pagkakaiba ng
pagpapaunlad sa karunungan ng sangkatauhan. mga sanligan ng pananaw at paniniwala sa akademya.
Subalit sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng rubrik, ang

2
kalagayang multikultural sa mga pangunahing unibersidad sa pandiskurso na tumutukoy sa kakayahan ng gumagamit ng
Asya ay nagkakaroon ng kaisahan dahil sa hatid na kalinawan wika na makapagpahayag nang tuloy-tuloy sa kabuuan ng
at patas [transparency and fairness] na pagtataya sa mga kaniyang pakikipagtalastasan, sa pamamagitan ng pag-
produkto ng kanilang pagkatuto sa akademya. uugnay ng mga kaisipan at kung paano makikinig at
makikilahok sa talakayan. Ikatlong dimensiyon ang
May dalawang pangunahing anyo ang rubrik at bawat isa
kasanayang pragmatiko na nangangahulugang ang
ay may natatanging gamit at paglalarawan: ang analytic at
gumagamit ng pangalawang wika ay nakakakuha ng
ang holistic na rubrik. Sa isang holistic rubric, binibigyan
kaalaman sa kaniyang unang wika upang magpahayag at
lamang ng isang pangkalahatang marka ang isang proseso o
magsalin ng mga kahulugan sa tamang sitwasyon. Ikaapat na
produkto ng pagkatuto, samantala sa isang analytic rubric,
dimensiyon ang kasanayang sosyolingguwistiko na
minamarkahan nang isa-isa ang bawat inilatag na krayterya at
tumutukoy kung paano ang isang wika ay angkop na
pagsasama-samahin lamang ang mga nakuhang marka upang
nagagamit sa pakikipagtalastasan gaya ng pagpapahayag ng
makuha ang kabuaang marka. Dahil dito, mababatid na ang
tamang pormalidad. Ang ikalimang dimensiyon naman, ang
holistic rubric ay nakatuon lamang sa pagbibigay-marka
kasanayang sosyokultural, ay tumutukoy sa wastong
samantala ang analytic rubric ay magagamit na gawaing
kaalaman sa kultura at pananaw ng isang pangkat na
pampagtuturo habang nagbibigay-marka sa mga mag-aaral.
nakaaapekto sa pagpapalitan ng mga kahulugan ng pahayag
Masasabi rin na ang holistic rubric ay nakatuon sa produkto
at maaaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan
ng pagkatuto samantala ang analytic rubric ay nakahilig sa
ng dalawang magkaibang kultura. Sinasabing ang bagong
proseso kung paano isinagawa ang pagbuo ng produkto o
dimensiyon na ito, ang kasanayang sosyokutural, ay
output. (Brown, 2017; Gonzalez, 2014; Skibba, 2021)
naglalahok ng aspektong saykolingguwistiko sa pagkatuto ng
Ang Kakayahang Komunikatibo Bilang Gabay pangalawang wika na mahalaga sa komunikatibong paggamit
ng wika, na hindi kabilang sa mga naunang modelo nina
Isinaalang-alang ang mahahalagang simulain ng
Canale at Swain.
Kakayahang Komunikatibo (Communicative Competence)
upang makamit ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito. Mula sa modelong ito ng Kakayahang Komunikatibo ni
Tunay na popular sa larangan ng pagtuturo at pananaliksik- Littlewood, inaasahan na matataya nang may malalim na
wika si Dell H. Hymes, isang Amerikanong sociolinguist at pananaw ang mga sulating ipinapasa ng mga mag-aaral sa
anthropologist, ang lumikha ng pahayag na Kakayahang antas graduwado. Inaasahan na bukod sa malawak na
Komunikatibo bilang pasubali sa Kasanayang Lingguwistiko pananaw ng mga mag-aaral sa kanilang antas ng pag-aaral,
ni Noam Chomsky na nagbibigay-pokus lamang sa taglay na rin ng bawat isa ang iba pang mahahalagang
kahusayang gramatikal ng wikang ginagamit. sangkap sa makabuluhan at mabisang pakikipagtalastasan sa
paraang pasulat sapagkat magtatapos lamang ang pag-aaral sa
Ayon kay Hymes (1967, sa papel ni Eghtesadi, 2017), ang paaralang graduwado sa pagsulat ng isang tesis o disertasyon.
Kakayahang Komunikatibo ay ang kasanayan ng isang Marapat lamang na unti-unti, sa panahon ng pag-aaral ng mga
indibidwal na magsalita kung kailan dapat magsalita, at kinakailangang asignatura bago ang tesis o disertasyon, ay
manahimik kung kailan dapat manahimik, kung anong koda
maihanda sa pagsulat ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng
[salita] ang dapat gamitin, kung saan, kung para kanino, at iba makabuluhang pagtataya at pagmamarka sa kanilang mga
pa. Mula noon, tinangkilik ito ng mga dalubhasa sa wika at
ipinapasang sulatin, sa gayon ay magagabayan sila upang
patuloy pang umunlad sa anyo ng mga makabagong modelo
mapaunlad pa ang mga kasanayang nangangailangan ng
ng Kakayahang Komunikatibo gaya ng: Modelong Hymes pagpapaunlad, at lubos pang mapahusay ang kanilang
noong 1967 at bersiyong1972; Modelong Canale at Swain
natatanging mga kakayahan.
noong 1980; Modelong Canale noong 1983; Modelong
Bachman taong 1990; Modelong Celce-Murcia, Dornyei, at Paalala ni Cabigaob (2012), sadyang napakahalaga ng
Thurrell taong 1995; at ang Modelong Littlewood nito sapat na kaalaman sa mga alituntuning pangwika lalo’t higit
lamang 2011. ang mga guro na silang humahasa sa mga kasanayang
pangkomunikatibo ng mga mag-aaral kayat marapat lamang
Matapos ang ilang taong rebisyon mula sa unang na sumunod sa anumang pagbabago sa mga alituntunin sa
bersiyon, inilatag ni Littlewood (2011) ang kaniyang wastong paggamit nito tungo sa estandardisasyon ng Filipino,
binagong Modelo ng Kakayahang Komunikatibo salig pa rin ang ating wikang Pambansa. At sa bagong pag-aaral na ito,
sa mga naunang modelo nina Canale at Swain noong 1980, at ipinapaalala rin na kailangang hindi lamang tumutok sa
ni Canale noong 1983. Sa binagong bersiyon na ito, kahusayang gramatikal upang matukoy kung mahusay ba ang
nagkaroon na ng ikalimang dimensiyon at gumamit ng mga isang sulatin o hindi. Dapat pa ring isaalang-alang ang ibang
bagong terminohiya. dimensiyon upang ganap na mataya sa mas malawak na
Unang dimensiyon ang kasanayang lingguwistiko na pananaw ang antas ng pagkakasulat ng isang teksto.
tumutukoy sa kaalaman sa talasalitaan/ bokabularyo,
2. LAYUNIN
balarila/gramatika, semantika, at ponolohiya na lahat ay
pawang nakatuon sa tradisyonal na pagkatuto ng Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na makabuo ng
pangalawang wika. Ikalawang dimensiyon ang kasanayang isang mungkahing modelong rubrik sa pagtataya ng mga

3
sulatin sa antas graduwado alinsunod sa mga simulain ng Talahanayan 1. Antas ng Pagmamarka at Paglalarawan
Kakayahang Komunikatibo ni Littlewood (2011, na binanggit sa Pagtataya ng Binuong Rubrik
ni Eghtesadi, 2017). Inaasahan na ang binuong rubrik ay
Paglalarawan ng Antas
pasado sa angkop na pagsusuri sa validity at reliability nang Iskala Saklaw
ng Kahusayan ng Rubrik
sa gayon ay maging lubos na kapaki-pakinabang bilang
kagamitang pampagtataya sa pagsulat. 5 Lubos na Katanggap-tanggap 4.50 – 5.00
4 Katanggap-tanggap 3.50 – 4.49
Upang maisakatuparan ang layon ng pag-aaral, isinagawa 3 Katamtamang Katanggap-tanggap 2.50 – 3.49
ang mga sumusunod na hakbang: 2 Hindi Katanggap-tanggap 1.50 – 2.49
1 Lubos na Hindi Katanggap-tanggap 1.00 – 1.49
Dayagram 1. Daloy ng Pag-aaral
Upang lubos na matukoy ang kabisaan ng binuong
● Bumuo ng isang burador ng modelong rubrik salig sa mungkahing modelong rubrik, sinuri ang validity nito gamit
1 mga nabasang kaugnay na pag-aaral at literatura ang Aiken’s V (content validity coefficient), at ang reliability
nito sa tulong ng Fleiss’ 𝜅 coefficient at Krippendorff’s 𝛼
coefficient.
● Isinailalim sa inisyal na balidasyon ng mga eksperto
2 ang nabuong burador
4. RESULTA AT DISKUSYON
● Inilapat ang mga mungkahi ng eksperto sa Sa layuning makabuo ng isang mungkahing modelong
3 pagpapaunlad ng nabuong rubrik
rubrik sa pagmamarka ng mga sulatin sa antas graduwado,
isinagawa ang pag-aaral na ito at narito ang kinalabasan:
• Muling inihain sa mga eksperto ang pinaunlad na
modelong rubrik para sa panghuling balidasyon 4.1. Validity ng Binuong Mungkahing Rubrik
4 Tumutukoy ang validity sa kaangkupan ng isang
kagamitang pampagtataya na masukat ang layon nitong
• Inilapat ang mga panghuling mungkahi ng mga eksperto
upang makabuo ng pinal na sipi ng mungkahing modelong sukatin (Haradhan, 2017; Korb, 2012; Siegle, 2021; Sulivan,
5 rubrik sa pagtataya ng mga sulatin 2011; & Taherdoost, 2016). Mahalaga na matukoy ang
validity ng isang kagamitan upang matiyak na hindi
masayang ang ginawang hakbang sa paggamit nito.
3. METODOLOHIYA
Binuo ng mananaliksik ang unang bersiyon ng rubrik
Ginamit sa pag-aaral na ito ang pamamaraang katuwang ang mga piling mag-aaral ng kursong MAEd
quantitative-developmental sa pananaliksik, na Filipino sa isang pribadong unibersidad sa Rehiyon III.
nangangahulugan ng isang sistematiko dulog sa Ipinakita ng mananaliksik sa mga naturang mag-aaral ang
pagdidisenyo, pagbubuo, at pagtataya sa isang programa, burador ng rubrik at hiningi ang kanilang mga puna at
proseso, o produktong pampagkatuto alinsunod sa mga mungkahi upang mabuo ang unang bersiyon. Matapos na
itinakdang pamantayan ng konsistensi at kahusayan (Estacio, mabuo ang unang bersiyon, ibinigay ito sa napiling 10
2017; Richey, et al., 2014). Isinagawa ang pagbuo ng eksperto upang suriin batay sa tseklist na nauna nang binuo
modelong rubrik sa pagmamarka sa pagsulat salig sa mga ng mananaliksik at isinailalim sa balidasyon sa tulong ng iba
simulain ng Komunikatibong Kakayahan ni Littlewood pang lupon ng mga eksperto bago isagawa ang pag-aaral na
(2011) at isinailalim sa pagtataya ng mga eksperto ang ito.
burador ng rubrik upang mapakinis nang sa gayon ay
Sa Talahanayan 2, makikita ang isinagawang balidasyon
makabuo ng isang pinal na bersiyon ng modelong rubrik.
ng 10 eksperto sa unang bersiyon ng rubrik. Nagtala ng
Sampung (10) eksperto ang pinili upang magsibing average na 3.49 ang kanilang paunang balidasyon sa unang
balideytor batay sa sumusunod na pamantayan: kasalukuyang bersiyon na nangangahulugang Katamtamang Katanggap-
nagtuturo ng asignaturang Filipino o Ingles sa paaralang tanggap lamang. Naitala sa 3.10 ang pinakamababang marka
graduwado at ganap na doktorado na. Isinagawa ang pagbuo at 3.90 naman ang pinakamataas.
at balidasyon sa loob ng isang buwan bago nakabuo ang
Talahanayan 2. Content Validity sa Unang Bersiyon
mananaliksik ng isang pinal na bersiyon ng Mungkahing
ng Mungkahing Modelong Rubrik
Modelong Rubrik sa Pagmamarka ng mga Sulatin sa Antas
Graduwado.
Mean Paglalarawan
Binigyang-marka ang mungkahing rubrik sa pamamagitan
Eksperto 1 3.30 Katamtamang Katanggap-tanggap
ng isang 5-point Likert scale gamit ang sampung pamantayan
Eksperto 2 3.10 Katamtamang Katanggap-tanggap
ng isang epektibong rubrik na binuo ng mananaliksik sa
Eksperto 3 3.70 Katanggap-tanggap
tulong ng mga eksperto para sa pag-aaral na ito, nagtala ito ng
Eksperto 4 3.90 Katanggap-tanggap
0.9731 sa Cronbach Alpha, bilang patunay ng isang
Eksperto 5 3.70 Katanggap-tanggap
mapananaligang kagamitan sa pagsusuri.
Eksperto 6 3.40 Katamtamang Katanggap-tanggap

4
Eksperto 7 3.40 Katamtamang Katanggap-tanggap na 4.40 hanggang 4.90 ang markang ibinigay ng mga
Eksperto 8 3.10 Katamtamang Katanggap-tanggap eksperto, na may average na 4.63 at paglalarawan na Lubos
Eksperto 9 3.50 Katanggap-tanggap na Katanggap-tanggap.
Eksperto 10 3.80 Katanggap-tanggap
Katamtamang Katanggap-tanggap
Talahanayan 4. Content Validity sa Pinal na Bersiyon
Average 3.49
ng Mungkahing Modelong Rubrik

Kinalap ang mga pangunahing puna o mungkahi ng bawat Mean Paglalarawan


eksperto upang mapaunlad ang unang bersiyon ng Eksperto 1 4.50 Lubos na Katanggap-tanggap
mungkahing modelong rubrik. Mapupuna na ang nakararami Eksperto 2 4.80 Lubos na Katanggap-tanggap
sa mga mungkahi ay may kinalaman sa pagbibigay- Eksperto 3 4.70 Lubos na Katanggap-tanggap
kahulugan sa mga krayterya na gagamitin upang malinawan Eksperto 4 4.60 Lubos na Katanggap-tanggap
kapwa ang mga propesor at mga mag-aaral. Gayundin, Eksperto 5 4.50 Lubos na Katanggap-tanggap
makikita na ipinaalala ng ilang eksperto na kailangang Eksperto 6 4.90 Lubos na Katanggap-tanggap
maging bahagi ng rubriks ang pagtugon sa mga simulain ng Eksperto 7 4.40 Katanggap-tanggap
Kakayahang Komunikatibo upang ganap nitong magampanan Eksperto 8 4.60 Lubos na Katanggap-tanggap
ang tungkulin nito bilang mabisang kagamitan sa Eksperto 9 4.50 Lubos na Katanggap-tanggap
pagmamarka ng mga sulatin ng mag-aaral. Eksperto 10 4.80 Lubos na Katanggap-tanggap
Talahanayan 3. Natatanging Puna o Mungkahi Average 4.63 Lubos na Katanggap-tanggap
ng mga Eksperto sa Unang Bersiyon
ng Mungkahing Modelong Rubrik
Muling kinalap at sinuri ang mga natatanging puna at
Puna/ Mungkahi mungkahi ng mga eksperto sa pinal na bersiyon ng
Eksperto 1 “Sikapin na mapaunlad ba ang rubrik, linawin ang mungkahing modelong rubrik. Naging pokus ng mga
description ng bawat criteria.” eksperto sa balidasyon ng pinal na bersiyon ang mga
Eksperto 2 “Nalito ako kung paano gagamitin ang rubrik na sumusunod: (1) ang maayos na kalidad ng krayterya at ang
ito, pero naunawaan ko matapos kong basahin ng malinaw na pagpapakahulugan sa mga ito; (2) ang kaayusan
ilang beses. Gawing simple para mas madaling ng bahagdan at iskala na ginamit; at (3) ang pagtugon ng
maunawaan.” rubrik sa mga simulain ng Kakayahang Komunikatibo.
Eksperto 3 “The rubric captured the necessary criteria for a
well-balanced tool; however, the percentage of each Talahanayan 5. Natatanging Puna o Mungkahi
criterion shall be reviewed.” ng mga Eksperto sa Pinal na Bersiyon
Eksperto 4 “Maayos ang scoring, pero mas okay kung ng Mungkahing Modelong Rubrik
tutumbasan ang scale na 1 to 5 ng grading natin sa
graduate school, iyong 1.0 to 2.0 para mas guided Puna/ Mungkahi
ang prof at ang students.”
Eksperto 1 “Maayos na, na-captured ng rubric ang mga dapat
Eksperto 5 “Nabigyang-pokus naan ang communicative
nitong suriin sa pagmamarka. Makatutulong ito
competence, paki-explain or define na lang sa ibaba
nang malaki sa grading ng written outputs.”
ng rubric ang bawat indicator.”
Eksperto 2 “Easy to understand na, the criteria and scale, and
Eksperto 6 “Good naman pero pwede pa ring i-improve. Paki-
its descriptions are all well stated.”
consider na mas malaki dapat ang points sa
Eksperto 3 “I like the distribution of percentages per criteria,
contents o relevance to the theme.”
content deserves to be the highest, among others.”
Eksperto 7 “Just define well the criteria and how it will be
Eksperto 4 “Numerical ratings are very appropriate per level,
graded. The rubric seems practical for professor’s
well-explained and criteria.”
use.”
Eksperto 5 “Communicative competence was highlighted in the
Eksperto 8 “Define the descriptors of each scale to guide the
rubric. It truly captured the principles of
professors and students alike on the use of the
communicative competence.”
rubric.”
Eksperto 6 “The rubrics is very useful and practical to use. All
Eksperto 9 “I like the idea of this rubric. Giving of points shall
aspects of a good written output are covered for
be well stated for everyone’s guidance.”
grading.”
Eksperto 10 “Malaking tulong ito, tiyakin lamang na pasok sa
Eksperto 7 “The criteria and scale were all explained and
communicative competence ang mga gagamiting
presented systematically.”
criteria, hindi lamang nakapokus sa sa isang side.”
Eksperto 8 “This rubric truly measures holistic output, from the
basics of writings to its content and substance.”
Matapos ang ikatlong pagtatangka na makabuo ng isang “Maayos at mahusay na ang pagkakabuo.
Eksperto 9
mungkahing modelong rubrik na maaaring gamitin sa Gagamitin ko ang rubrik na ito. Promise.”
pagmamarka ng mga ipinasang sulatin sa antas graduwado, Eksperto 10 “Pasok na pasok ang communicative competence sa
nabuo ang ikaapat na output bilang pinal na bersiyon. Muli rubrik na ito. Mahusay ang pagkakabuo ng rubrik
itong iniharap sa 10 eksperto upang sumailalim sa content kaya I recommend na gamitin ito at all levels.
validation process. Batay sa Talahanayan 4, nagtala ng mean

5
Malaki ang pag-unlad na natamo ng binuong rubrik mula Pampagtuturo
sa unang bersiyon hanggang sa ikaapat (pinal) na bersiyon 9. Bilang Kagamitang 0.95
nito. Mula sa mean na 3.49 (Katamtamang Katanggap- Pampagkatuto
tanggap) sa unang bersiyon, nagtala ito ng mean na 4.63 10. Kaangkupan sa Iba Pang 0.93
(Lubos na Katanggap-tanggap) sa pinal na bersiyon nito. Disiplina
Matutunghayan sa Dayagram 2 ang paghahambing sa Average 0.91
naitalang mean ng bawat eksperto sa kanilang ginawang
balidasyon sa mungkahing modelong rubrik sa pagmamarka
ng mga sulatin sa antas graduwado. 4.2. Inter-Reliability ng Binuong Mungkahing
Rubrik
Dayagram 2. Paghahambing na naitalang Content Validity Sa reliability, natutukoy ang pagiging konsistent ng isang
sa Una at Pinal na Bersiyon ng Mungkahing kagamitang pampagtataya, kung ang resulta ba ay pareho-
Modelong Rubrik pareho lamang kahit magkakaiba ang indibidwal na
magsasagawa ng pagtataya (Haradhan, 2017; Sulivan, 2011;
Eksperto 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
& Taherdoost, 2016). Ipinakikita sa inter-rater reliability test
ang iba-ibang marka na halos magkakapantay-pantay kahit
magkakaiba ang nagbigay ng mga marking ito. Kapwa
ipinakikita ng Fleiss’ 𝜅 coefficient at Krippendorff’s 𝛼
coefficient ang antas ng inter-reliability mula sa paggamit ng
isang kagamitang pampagtataya.
Binigyan ng gawain sa pagsulat ang 20 mag-aaral sa klase
ng MAEd Filipino, at mula sa mga ipinasang output, pumili
ng 10 paper sa paraang random. Ibinigay sa 10 eksperto ang
mga napiling papel upang suriin at bigyang-marka ang bawat
papel, gamit ang nabuong mungkahing modelong rubrik sa
pagsulat. Dito, masusubok kung may kaisahan ba ang mga
eksperto sa pagmamarka gamit ang mungkahing modelong
rubrik.
Sa Talahanayan 3, ipinakikita ang Fleiss’ 𝜅 coefficient na
Isinagawa rin ang pagtukoy sa content validity coefficient 0.76, at may p-value na mas mababa (<) sa 0.05.
ng ginamit na gabay sa pagbuo ng rubrik upang matukoy ang Nangangahulugan lamang ito na may substantial agreement
validity sa pagkakabuo nito. Ginamit dito ang Aiken’s V sa pagmamarka ang mga eksperto na gumamit ng rubrik
(Content Validity Coefficient) ni Aiken (1985) na nagsasabing (Altman, 1999). Naitala naman sa Krippendorff’s 𝛼
‘habang lumalapit sa 1.00 ang coefficient value, lalong coefficient ang 𝛼 = 0.87, higit na mas mataas sa 0.67 at may
tumataas ang content validity ng isang aytem’. p-value na mas mababa sa 0.05, na nangangahulugang may
Matutunghayan sa Talahanayan 2 na ang lahat ng 10 aytem inter-reliability sa binuong rubrik. Gayundin naman, ang
ay nagtala ng coefficient mula 0.85 hanggang 0.98, at may nakuhang value ng 𝛼 ay mas mataas sa 0.8.
average coefficient na 0.91. Nangangahulugan lamang ito na Nangangahulugan lamang ito na may malakas (strong) na
valid ang ginamit na gabay sa pagbuo ng rubrik, at mula rito inter-reliability (Krippendorff, 2018). Pinatunayan ng mga
ay makabubuo rin ng isang valid na rubrik bilang kagamitang naturang datos na may reliability ang nabuong mungkahing
pampagtataya. modelong rubrik sa pagmamarka ng mga sulatin sa antas
graduwado.
Talahanayan 6. Content Validity Coefficient ng Pinal
na Bersiyon ng Binuong Rubrik Talahanayan 7. Inter-Rater Reliability Test
Method Coefficient S. E p-value
Aiken’s V (Content
Indicator Fleiss’ 𝜅 0.7601 0.0377 0.0000
Validity Coefficient)
1. Layon ng Pagtataya 0.90 Krippendorff’s 𝛼 0.8670 0.0173 0.0000
2. Pamantayan sa Pagtataya 0.88
3. Antas ng Pagganap 0.88
4. Iskala at Ang Saklaw Nito 0.85
5. KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
5. Praktikalidad ng Rubrik 0.93
6. Kaangkupan ng Wika 0.98 Sa pagtiyak ng kaangkupan ng isang rubrik bilang
7. Pagtugon sa Kakayahang 0.93 kagamitang pampagtataya sa mga sulatin, mahalaga ang
Komunikatibo tulong ng mga eksperto upang ito ay lubos na masuri. Ang
8. Bilang Kagamitang 0.88 sistematikong pagbuo at pagpapakinis sa ginawang rubrik

6
mula sa mga puna at mungkahi ng eksperto ay nakapag- SALOOBIN_AT_MUNGKAHING_PAGBABAGO_
ambag nang malaki upang ganap na makabuo ng isang SA_NILALAMAN_NG_2009_GABAY_SA_ORTO
GRAPIYANG_FILIPINO_PERCEPTION_AND_PR
mungkahing modelong rubrik na katanggap-tangap at pasado OPOSED_CHANGE_ON_THE_CONTENT_OF_TH
sa mga pagsusuri ng validity at reliability bilang epektibong E_2009_MANUAL_OF_ORTHOGRAPHY_IN_FILI
kagamitan sa masusing pagmamarka ng mga output ng mag- PINO
aaral.
Clayton, E. (2019). Writing: Making Your Mark.
Malaki ang inaasahang maitutulong ng nabuong rubrik na https://www.bl.uk/history-of-writing/articles
ito upang ganap na mataya ang antas ng kahusayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral sa antas graduwado nang sa gayon Estacio, D. R. (2017). Development and validation of
ay mabisa nilang mapaghandaan ang pagsulat ng analytic and holistic rubric guides in assessing
concept cartoons. New Trends and Issues Proceedings
tesis/disertasyon bilang panapos na pangangailangan ng on Humanities and Social Sciences. [Online]. 4(1), pp
kurso. Iminumungkahi na isagawa rin sa tuwina ang test of 27-35. www.prosoc.eu
test of validity at reliability kung mayroong mga bagong
kagamitang pampagtataya na isinusulong gamitin upang sa Eghtesadi, A. R. (2017). Models of Communicative
gayon ay lubos na makatulong ito sa kapwa guro at mga mag- Competence: Implications for Language Teachers and
aaral. Teacher Educators. Vol. 31, No. 3, Spring 2017.
https://www.roshdmag.ir/Roshdmag_content/media/ar
ticle/40from%20(95-
96)%20MATN%20ZABAN%20121-25_0.pdf
6. SANGGUNIAN
Ahmad, A. (2018). Importance of academic writing. The Fleming, E. (2020). The Importance and Benefits of
Star. Academic Writing Skills. Student Resource: Pump
https://www.thestar.com.my/opinion/letters/2018/09/1 Your Skill With Us.
7 https://www.sidmartinbio.org/the-importance-and-
benefits-of-academic-writing-skills/
Aiken, L. R. (1985). Three Coefficients for Analyzing the
Reliability and Validity of Ratings. Educational and Glen, S. (2016). What is Internal Consistency Reliability?
Psychological Measurement, 45(1), 131– https://www.statisticshowto.com/internal-consistency/
142. https://doi.org/10.1177/0013164485451012
Gonzalez, J. (2014). Know Your Terms: Holistic,
Altman, D. G. (1999). Practical statistics for medical Analytic, and Single-Point Rubrics.
research. Chapman & Hall/CRC Press. https://www.cultofpedagogy.com/holistic-analytic-
single-point-rubrics/
Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya sa pagtuturo at
pagkatuto ng/sa Filipino: Mga teorya, simulain, at
istratehiya. Malabon: Mutya Publishing House, Inc. Government of the Philippines. Department of Education.
(2018). Classroom assessment resource book. Pasig
City.
Bramley, G. (2018). The importance of rubrics in higher
education advances.
https://www.heacademy.ac.uk/blog/importance- Haradhan M. (2017). Two Criteria for Good
rubrics-higher-education-advances Measurements in Research: Validity and Reliability.
https://mpra.ub.uni-
muenchen.de/83458/1/MPRA_paper_83458.pdf
Brown, J. D. (2017). Questions and answers about
language testing statistics: Developing and using
rubrics: Analytic or holistic? Shiken 21(2). Korb, K. A. (2012). Conducting Educational Research:
http://teval.jalt.org/sites/teval.jalt.org/files/21_02_20_ Validity of Instruments.
Brown_Statistics_Corner.pdf http://korbedpsych.com/R09eValidity.html

Cabigaoa, Joey. (2012). Magsikap. Mamulat. Magsulat. Krippendorff, K. (2018). Content analysis: An
Pagpapaunlad sa batayang kasanayan sa pagsulat ng introduction to its methodology. Sage publications.
mga mag-aaral sa Filipino baitang 7 (Improving
basic writing skills of grade 7 students in Filipino). Littlewood, W. (2011). Communicative language
https://www.researchgate.net/publication/337110884_ teaching: An expanding concept for a changing
ACTION_RESEARCH_Magsikap_Mamulat_MAGS world. In E. Hinkel (Ed). Handbook of research in
ULAT_PAGPAPAUNLAD_SA_BATAYANG_KAS second language teaching and learning: Volume II.
ANAYAN_SA_PAGSULAT_NG_MGA_MAG- pp. 541-557. UK: Routledge.
AARAL_SA_FILIPINO_BAITANG_7Improving_Ba
sic_Writing_Skills_of_Grade_7_Students_in_Filipino
Ragupathi, K. & Lee, A. (2020). Beyond Fairness and
Consistency in Grading: The Role of Rubrics in
Cabigaob, Joey. (2012). Saloobin at mungkahing Higher Education. Diversity and Inclusion in Global
pagbabago sa nilalaman ng 2009 gabay sa Higher Education, pp. 73-95.
ortograpiyang Filipino (Perception and proposed https://link.springer.com/chapter/10.1007/978-981-15-
change on the content of the 2009 manual of 1628-3_3
orthography in Filipino).
https://www.researchgate.net/publication/337110977_

7
Richey, R. C., Klein, J. D., and Nelson, W. A. (2004).
Developmental research.
https://www.researchgate.net/publication/263963734_
Developmental_research

Salkind, N. J. (2010). Encyclopedia of research


design (Vols. 1-0). Thousand Oaks, CA: SAGE
Publications, Inc. doi: 10.4135/9781412961288

Siegle, D. (2021). Instrument Validity.


https://researchbasics.education.uconn.edu/instrument
_validity/

Skibba, K. (2021). Rubrics: Advantages and Best


Practices.
https://wisc.pb.unizin.org/teachonlinerubrics/chapter/t
ypes-of-rubrics/

Sullivan G. M. (2011). A primer on the validity of


assessment instruments. Journal of graduate medical
education, 3(2), 119–120.
https://doi.org/10.4300/JGME-D-11-00075.1

Taherdoost, H. (2016). Validity and Reliability of the


Research Instrument; How to Test the Validation of a
Questionnaire/Survey in a Research. SSRN Electronic
Journal 5(3):28-36. DOI: 10.2139/ssrn.3205040

Tanhueco-Tumapon, T. (2016, February 11). Grading


student outcomes using rubrics. The Manila Times.
https://www.manilatimes.net/2016/02/11/opinion/colu
mnists/grading-student-outcomes-using-
rubrics/244479/

Williams, A., Northcote, M., Morton, J. K., & Seddon, J.


(2017). Towards engaging students in curriculum
transformation: What are the effective characteristics
of rubrics? In R. G. Walker & S. B. Bedford
(Eds.), Research and Development in Higher
Education: Curriculum Transformation. Refereed
papers from the 40th HERDSA Annual International
Conference (Vol. 40, pp. 423-433). Hammondville,
NSW, Australia: Higher Education Research and
Development Society of Australasia, Inc.

8
Lakip na Dahon: Pinal na Bersiyon ng Mungkahing Modelong Rubrik sa Pagmamarka ng mga Sulatin sa Antas Graduwado

View publication stats

You might also like