You are on page 1of 9

Bisa ng Paggamit ng Aklat sa Malikhaing

Pagsulat sa Ikapitong Grado


Ana Nora M. Barrientes
Basic Education Department

ABSTRACT

Para sa isang manunulat, kinakailangang mahusay sa pag‐oorganisa sa mga detalye ng nais na


susulatin dahil sa mga isinusulat masasalamin ang isang kakayahan, kasanayan at kahusayan
sa pagpapahayag ng damdamin. Ito ang nagbibigay ng malaking pangangailangang ang
mag‐aaral ay matutong sumulat sa paraang malinaw, makabuluhan, kawili‐wili, realistiko at
nababatay sa katotohanan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong patuloy na mahasa at
matugunan ang nagbabagong pangangailangan ng mga mag‐aaral sa bagong henerasyon sa
pagsulat ng personal na pagsasalaysay, tula, at ng maikling kwento.

Inalam sa pag-aaral na ito ang bisa ang paggamit ng sanayang aklat sa malikhaing
pagsulat.Ang one group experimental design ang ginamit dahil binibigyang-diin ng
pamamaraang ito ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Ginamit din ang palarawang
pamamaraan upang malaman ang kabisaan ng mga pamamaraang gagamitin ng mga guro sa
pagtuturo ng malikhaing pagsulat sa Filipino.Upang masagot ang mga suliranin t-test for
dependent samples ang ginamit.Ang VassarStats: Statistical Computation Website ang
ginamit upang eksaktong makuha ang value ng t-test. Upang tanggapin o di tanggapin ang
mga nakasaad na hinuha, ginamit ang p-value sa pagbibigay ng interpretasyon. Lumabas sa
pag-aaral na mas mabisa ang paggamit ng sanayang aklat sa malikhaing pagsulatayon sa
persepyon ng grupo ng tagasagot na may kinalaman sa pagsulat ng personal na
pagsasalaysay/sanaysay, tula at maikling kwento.Batay sa kinalabasan ng pag-aaral malaki
ang maitutulong ng sanayang aklat upang mapataas ang antas ng pag-unawa, kakayahang
mapagana ang ideya, damdamin at malikhaing pag-iisip ng mga mag-aaral kung ang mga
wastong hakbang o proseso sa pagsulat ay maituturo nang maayos gamit ang angkop na
kagamitan na makatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral. Iminumungkahi
ng pananaliksik na ito na pag-ibayuhin ang pagsasaayos ng mga aralin, pagbibigay ng mas
marami pang pagsasanay na lalo pang hahasa sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat at
higit sa lahat ang pagpapalimbag ng sanayang akalt na ito na isa sa magiging pundasyon ng
mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral bilang tagapaghubog ng isang matalino, mapanuri,
makatao at makakalikasang indibiduwal.

Keywords: Edukasyon, istratehiya, kabisaan, makrong kasanayan, pagkatuto, pagtuturo,


sanayang aklat

JIRD Volume 1 55
PANIMULA

Maraming pagkakataon na nagkakaroon ng suliranin ang mga guro sa pagbalangkas


ng mga paksang gagamitin upang hubugin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa malikhaing
pagsulat sa bawat markahan. Sa pamamagitan ng mga pantulong na kagamitang
pampagtuturo tulad ng sanayang aklat sa malikhaing pagsulat, tiyak na matutulungan ang
mga mag-aaral sa paghubog sa kanilang kakayahang makasulat ng mga epektibo at
komprehensibong mga sulatin gayundin ang mga guro sa pagbalangkas ng mga aralin,
istratehiya at ng mga pamantayan sa pagmamarka ng mga komposisyon.

Ito ngayon ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito, ang patuloy na mahasa at
matugunan ang nagbabagong pangangailangan ng mga mag‐aaral sa bagong henerasyon sa
pagsulat ng personal na pagsasalaysay, tula, at ng maikling kwento. Dahil hanggang ngayon
at magpakailanman ay laging pinaniniwalaan na ang makabuluhang pakikipagtalastasan ay
daan ng pagkakaunawaan at pagkakaisa.

Dahil sa kagustuhan ng mananaliksik na tuklasin kung tunay na mabisa ang paggamit


ng sanayang aklat sa malikhaing pagsulat sa Filipino ay ninais niya na magsagawa ng isang
pag-aaral hinggil dito nang sa gayon ay maikumpara niya kung gaano ito kabisa kaysa sa
simpleng pagtalakay sa mga teknikal na aspeto ng pagsulat lamang.

BALANGKAS TEORETIKAL

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa teorya na ang nilalaman, kaisipan at impormasyon


ay makatutulong nang malaki sa ikaliliwanag ng mga paksang may kaugnayan sa pag-aaral na
ito tulad ng bisa ng paggamit ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat para sa mas
epektibong pagtuturo tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Batayan sa pag‐aaral na ito ang teorya ni Francisco (2000), na naglalahad sa herarkiya


ng sining ng wika, ang pagsulat ng komposisyon o sulatin ay maituturing na pinakamataas at
pinakatampok na kasanayang nararapat linangin sa mga mag‐aaral. Sa teoryang ito
ipinamalas ang kahalagahan ng paglinang nang husto sa kasanayan sa pagsulat ng mga
mag‐aaral. Kaya batay sa teorya, susuriin sa pag‐aaral ang lubos na kaalaman ng mga grupo
ng mga tagasagot sa kayarian ng wika, sa mga sangkap sa pagsulat, sa paggamit ng mga
angkop na salita at pangungusap. Lubos ding binigyan ng pansin ang kasanayan sa
pagsasama‐sama ng mga kaisipang bubuuin at ang pagpapahayag nang malawak na pananaw
sa paksang susulatin o tatalakayin. Inilalahad din na pinakatampok ang naturang kasanayan
dahil ito ang magpapahiwatig ng antas na kasanayan, kakayahan at kabisaan ng
pagpapahayag na natamo ng isang mag‐aaral.

Ang mga tagapagturo ay minamarapat na maging malikhain at maglinang ng


mapanuring diwa at pag-iisip: ang pagkakaroon nito ang magtitiyak na ang bawat guro ay
may kakayahang humubog ng mapanuring diwa ng kanilang mag-aaral at magagap ang mga
nagbabagong kalagayan upang mas epektibo nilang mapadaloy ang mga kaalaman at
kasanayan. Kung gayon, ang kabisaan ng paggamit ng Sanayang Aklat sa Malikhaing
Pagsulat ay maituturing din na sentral na tungkulin ng bawat guro sa pagbubuo at
pagpapadaloy ng kaalaman upang patuloy na mapukaw ang interes ng kanilang mag-aaral na
lumahok sa buong proseso ng pagkatuto. Ang kapakinabangan ng Sanayang Aklat sa
Malikhaing Pagsulat bilang isang sangkap sa pagkatuto ay nakasalalay sa kaangkupan nito sa

AY 2014-2015 56
partikular na layunin ng gumagamit kung kaya nararapat ang masusing pag-aaral, pagtuklas,
pag-alam, at pananaliksik sa mga kahinaan at kalakasan, mga kakayanan at limitasyon ng
ilalapat na inobasyon sa larangan ng pagtuturo.

Sa pagbabatid sa tunay na kahalagahan ng pagsulat sa buhay ng bawat tao, at sa


pagnanais na malinang at mabigyang daan ang pagpapaunlad nang husto sa kasanayang
kailangan, na pangunahing motibasyon ng mananaliksik ay binuo itong pag‐aaral.

Ipinakikita ng ilustrasyon sa figyur 1 ang paradima ng pag-aaral. Sa unang bloke ng


paradima na kinasusulatan ng input ng pag-aaral na ito ay aalamin ng mananaliksik ang mga
kabisaan ng paggamit ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulatsaikapitong grado sa mataas
na paaralan ng Colegio de San Juan de Letran Calamba ayon sa pagtatasa ng mga mag-aaral.

Samantalang sa ikalawang bloke naman ay naglalaman ng eksperimental na


pamamaraan na kung saan ang mga grupo ngtagasagot ay sumailalim sa panimula at pahuling
pagsusulit sa paggamit ng sanayang aklat at palarawang pamamaraan upang masuri ang
kabisaan ng paggamit ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat sa ikapitong Grado sa
mataas na paaralan ng Colegio de San Juan de Letran Calamba ayon sa pagtatasa ng mag-
aaral.

Sang-ayon naman sa inaasahang kalalabasan ng pag-aaral na ito, isinasaad sa huling


bloke na matapos maisagawa ang pag-aaral na ito, ang pagbuo ng isang Sanayang Aklat sa
Malikhaing Pagsulat sa Ikapitong Grado.

INPUT PROSESO KINALABASAN

Experimental Design
 Pagbibigay ng paunang
pagsusulit
 Paggamit ng Sanayang Pagpapaunlad ng
Sanayang Aklat
saMalikhaing pagsulat Aklat sa Malikhaing Sanayang Aklat sa
sa Ikapitong Grado ng Pagsulat Sa Filipino Malikhaing Pagsulat sa
Colegio de San Juan de  Pagbibigay ng pahuling Ikapitong Grado.
Letran Calamba pagsusulit

Descriptive Design

 Bisa ng paggamit ng
sanayang aklat sa
malikhaing pagsulat batay
sa pagtatasa ng grupo ng
tagasagot.

Fidbak

Figyur 1. Paradima ng pag-aaral

JIRD Volume 1 57
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabatid ang bisa ng paggamit sa Sananyang
Aklat sa malikhaing pagsulat sa Filipinong mag-aaral sa ikapitong grado sa mataas na
paaralan ng Colegio de San Juan de Letran Calamba.

Binibigyang diin din na dapat mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na


katanungan:May pagkakaiba ba sa nakuhang marka sa pagitan ng pauna at pahuling
pagsusulit ukol sa malikhaing pagsulat ang grupo ng tagasagot? Gaano kabisa ng paggamit ng
sanayang aklat sa malikhaing pagsulat ayon sa persepsyon ng grupo ng tagasagot?

METODOLOHIYA

Ang one group experimental design ang ginamit dahil binibigyang-diin ng pamamaraang
ito ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Ginamit din ang palarawangpamamaraan
upang malaman ang kabisaan ng mga pamamaraang gagamitin ng mga guro sa pagtuturo ng
malikhaing pagsulat sa Filipino sa mataas na paaralan ng Colegio de San Juan de Letran
Calamba.

Mga Tagasagot
Ang mga tagasagot sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Colegio de San Juan
de Letran Calamba. Ito ay binubuo ng tatlong pangkat ng mga mag-aaral sa Filipino sa
ikapitong grado na may 126 tagatugon.

Mga Instrumentong Ginamit


Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng talatanungan bilang instrumento ng pag-aaral
para makalikom ng mga kailangang impormasyon at datos. Ang pamamaraang ito ng
paglikom ng datos ay isinagawa upang matiyak ang katatayuan ng pinag-aralan. Ang
talatanungan ay bibigyang katugunan ng mga tagasagot sa paraang tseklist, kung saan
nakalahad na ang mga kasagutan at pipili na lamang ang mga tagasagot ng ayon sa kanilang
pansariling pananaw.

Ang isang pangkat ng mga tagasagot ay tumanggap ng talatanungang may parehong


nilalaman. Ginamit ng mananaliksik ang lahat ng seksyong hawak niya sa Filipino ng
ikapitong grado.

Paraan ng Pagkalap ng mga Datos


Pagkatapos maisaayos ng mananaliksik ang mga pagbabago sa kanyang talatanungan
ay kanyang titiyakin na makakuha ng pahintulot sa punong-guro ng paaralang sekondarya ng
nasabing paaralan. Pagkatapos nito, ang talatanungan ay personal na ipamamahagi sa mga
tagasagot.

Pagsusuring Istatistikal
Pagkatapos ng pagkalap ng mga kinakailangang datos, ang mga talatanungan ay
inipon at sinuring mabuti at gumamit ng mga pormulang istatistikal.

Upang masagot ang unang suliranin, t-test for dependent samples ang ginamit. Ang
VassarStats: Statistical Computation Website ang ginamit upang eksaktong makuha ang value
ng t-test. Upang tanggapin o di tanggapin ang mga nakasaad na hinuha, ginamit ang p-value sa

AY 2014-2015 58
pagbibigay ng interpretasyon. Ayon naman sa StatsDirect Limited (2014), ang p-value or the
calculated probability ay ang tinatayang probabilidad ng di pagtanggap sa hinuha (H0) kung ang
katanungan o suliranin sa pag-aaral ay nagsasabi ng katotohanan.

Ang paggamit ng inferential statistical ay itinuturing na makabuluhan kung may 0.05


level of significance.

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang mga sumusunod na suliranin ay binigyang kasagutan sa kabanatang ito:

1. Pagkakaiba ng nakuhang marka sa pagitan ng pauna at pahuling pagsusulit ng grupo


ng tagasagot.

Mayroong kabuuang 126 na tagasagot sa pag-aaral na ito. Nakakuha ang mga


tagasagot sa paunang pagsusulit ng 84.44% habang 90.75% naman sa pahuling pagsusulit. Ito
ay nagsasabi na may makabuluhang pagkakaiba sa resulta ng dalawang pagsusulit. Upang
tuwirang matanggap ang hinuha ang t-value at p-level ay tinuos din. Lumalabas na batay sa
table 3 ang t-value ay +5.6 at ang p-level naman ay 0.001 na nangangahulugan na highly
significant ang pagkakaiba ng resulta ng 2 pagsusulit.

Ito ay nagsasabi na may kakayahan ang sanayang aklat na maitaas ang antas ng
pagkatuto ng mga mag-aaral sa paglinang ng kakayahang mapagana ang ideya, damdamin at
malikot na pag-iisip sa pasulat na pamamaraan lalo na kung ang mga wastong hakbang o ang
proseso ng pagsulat ay maayos na maituturo sa mga mag-aaral gamit ang angkop na
kagamitan na makatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aara gayun din kung
ito’y maayos na maisasama o magiging bahagi ng aralin sa bawat markahan sa ikapagtatamo
ng panibagong kaalaman at sa ikapagtatagumpay ng layunin ng sanayang aklat na ito.

Talahanayan 3. Pagkakaiba ng resulta ng pre-test at posttest


mean t-value p-Level Interpretasyon
pre-test 84.44 +5.6 0.001 Highly
Posttest 90.75 (df = 125) Significant
n = 126

2. Bisa ng paggamit ng sanayang aklat sa malikhaing pagsulat ayon sa persepyon ng


grupo ng tagasagot.

Ang talahanayan bilang 4.1 ay nagpapakita kung gaano kabisa ang paggamit ng
Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat sa Ikapitong Grado na may kinalaman sa pagsulat ng
personal na pagsasalaysay o sanaysay.

Ayon sa pananaw ng mga mag-aaral, makikita sa talahanayang ito na ang indikeytor


bilang 1, napayayaman ang talasalitaan ang nakakuha ng pinakamataas na tinimbang na
halagang 4.42 samantalang ang indikeytor bilang 3, nakikilala ang iba’t ibang uri ng panitikan
ang nakakuha ng pinakamababatang tinimbang na halagang 4.20 na kapwa may
interpretasyong mas mabisa.

JIRD Volume 1 59
Kung ang isasa-alang-alang ay ang nakuhang kabuuang tinimbang na halaga na 4.35 –
na may interpretasyong mas mabisa. Masasabing may kakayahan ang sanayang aklat na
malinang ang kakayahang makapaglahad ng ideya o damdamin sa pasulat na pamamaraan ng
mga mag-aaral lalo na kung ito ay maayos na maisasama ng aralin sa bawat markahan.

Talahanayan 4.1: Bisa ng paggamit ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat sa pagsulat


ng personal na pagsasalaysay/sanaysay
Indikeytors Mean Interpretasyon Ranggo
1. Napayayaman ang talasalitaan 4.42 MM 1
2. Napalalago ang kasanayan sa pagtukoy
ng mahahalagang pangyayari ukol sa 4.39 MM 2.5
binasang akda
3. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng
4.20 MM 7
panitikan
4. Napahuhusay ang kaalaman sa paggamit
4.36 MM 4.5
ng malaking titik
5. Napahuhusay ang kaalaman sa paggamit
4.36 MM 4.5
ng wastong bantas
6. Nakagagamit ng angkop na salita na
4.31 MM 6
naayon sa paksa
7. Nakasusulat nang may maayos na
pagkakasunod-sunod at organisasyong 4.39 MM 2.5
ng ideya
Tinimbang na Halaga 4.35 MM
Legend:PM - pinakamabisa; MM - mas mabisa; MB - mabisa; DGM - di gaanong mabisa;
at DM- di Mabisa

Ang talahanayan bilang 4.2 ay nagpapakita kung gaano kabisa ang paggamit ng
Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat sa Ikapitong Grado sa mataas na paaralan ng Colegio
de San Juan de Letran Calamba na may kinalaman sa pagsulat ng tula.

Ayon sa pananaw ng mga mag-aaral, makikita sa talahanayang ito na ang indikeytor


bilang 1, napayayaman ang talasalitaan ang nakakuha ng pinakamataas na tinimbang na
halagang 4.49 samantalang ang indikeytor bilang 3, nakikilala ang iba’t ibang uri ng tula ang
nakakuha ng pinakamababatang tinimbang na halagang 4.18 na kapwa may interpretasyong
mas mabisa.

Kung ang isasa-alang-alang ay ang nakuhang kabuuang tinimbang na halaga na 4.32


na may interpretasyong mas mabisa, ito ay nangangahulugang ang paggamit ng Sanayang
Aklat sa Malikhaing Pagsulat na may kinalaman sa pagsulat tula ay mas mabisa. May
kakayahan ang sanayang aklat na malinang ang kakayahang makapagpagana ng ideya,
damdamin at malikot na pag-iisip sa pasulat na pamamaraan ng mga mag-aaral lalo na kung
ang proseso ng pagsulat ay maayos na maituturo sa mga mag-aaral sa ikapagtatagumpay ng
layunin ng sanayang aklat na ito.

AY 2014-2015 60
Talahanayan 4.2: Bisa ng Paggamit ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat sa pagsulat
ng tula
Palatandaan x Interpretasyon Ranggo
1. Napayayaman ang talasalitaan 4.49 MM 1
2. Napalalago ang kasanayan sa pagtukoy
ng mahahalagang pangyayari ukol sa 4.27 MM 4
binasang akda
3. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng tula 4.18 MM 6
4. Nakabubuo ng tula na may wastong sukat 4.28 MM 5
5. Nakabubuo ng tula na may wastong
4.43 MM 2
tugma
6. Nakagagamit ng mga pili, angkop at
4.29 MM 3
marikit na salita
Tinimbang na Halaga 4.32 MM
Legend:PM - pinakamabisa; MM - mas mabisa; MB - mabisa; DGM - di gaanong mabisa;
at DM- di Mabisa

Ang talahanayan bilang 4.3 ay nagpapakita kung gaano kabisa ang paggamit ng
Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat sa Ikapitong Grado sa mataas na paaralan ng Colegio
de San Juan de Letran Calamba na may kinalaman sa pagsulat ng tula.

Ayon sa pananaw ng mga mag-aaral, makikita sa talahanayang ito na ang indikeytor


bilang 1, napayayaman ang talasalitaan ang nakakuha ng pinakamataas na tinimbang na
halagang 4.52 samantalang ang indikeytor bilang 4, napahuhusay ang kaalaman sa paggamit
ng wastong bantas ang nakakuha ng pinakamababatang tinimbang na halagang 4.23 na kapwa
may interpretasyong mas mabisa.

Kung ang isasa-alang-alang ay ang nakuhang kabuuang tinimbang na halaga na 4.35


na may interpretasyong mas mabisa, ito ay nangangahulugang ang paggamit ng Sanayang
Aklat sa Malikhaing Pagsulat na may kinalaman sa pagsulat maikling kwento ay mas mabisa.
Ito ay nangangahulugang ang paggamit ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat na may
kinalaman sa pagsulat ng maikling kwento ay mas mabisa. Ito ay nagsasabi na may
kakayahan ang sanayang aklat na malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na
makapaglahad ng ideya o damdamin gamit ang mahahalagang elemento ng maikling kwento
nang may maayos na pagkakasunod-sunod at organisadong ideya.

Talahanayan 4.3: Bisa ng Paggamit ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulatsa Pagsulat


ng Maikling Kwento
Palatandaan x Interpretasyon Ranggo
1. Napayayaman ang talasalitaan 4.52 MM 1
2. Napalalago ang kasanayan sa pagtukoy ng
mahahalagang pangyayari ukol sa binasang 4.36 MM 4
akda
3. Napahuhusay ang kaalaman sa paggamit ng
4.37 MM 3
malaking titik
4. Napahuhusay ang kaalaman sa paggamit ng 4.23 MM 7

JIRD Volume 1 61
Palatandaan x Interpretasyon Ranggo
wastong bantas
5. Nakagagamit ng angkop na salita na naayon sa
4.24 MM 6
paksa
6. Nakasusulat nang may maayos na
4.32 MM 5
pagkakasunod-sunod at organisasyong ng ideya
7. Nakapaglalahad ng mahahalagang elemento ng
4.43 MM 2
maikling kwento
Tinimbang na Halaga 4.35 MM
Legend:PM - pinakamabisa; MM - mas mabisa; MB - mabisa; DGM - di gaanong
mabisa;at DM - di Mabisa

Ang talahanayan bilang 4.4 ay nagpapakita ng kung gaano kabisa ang paggamit ng
Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat sa Ikapitong Grado sa mataas na paaralan ng Colegio
de San Juan de Letran Calamba na may kinalaman sa pagsulat ng personal na
pagsasalaysay/sanaysay, tula at maikling kwento na may tinimbang na halagang 4.35, 4.32, at
4.35 na may kabuuang tinimbang na halagang 4.34 na may interpretasyong mas mabisa.

Ito ay may implikasyon na mas matutunan ng mga mag-aaral ang mga wastong
hakbang o proseso ng pagsulat kung wastong maituturo gamit ang angkop na kagamitan na
makatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral.

Talahanayan 4.4: Bisa ng Paggamit ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat


Indikeytors X Interpretasyon
A. Pagsulat ng Personal na Pagsasalaysay /Sanaysay 4.35 MM
B. Pagsulat ng Tula 4.32 MM
C. Pagsulat ng Maikling Kwento 4.35 MM
Tinimbang na Halaga 4.34 MM
Legend:PM - pinakamabisa; MM - mas mabisa; MB - mabisa; DGM - di gaanong mabisa;
at DM- di Mabisa

KONKLUSYON

Batay sa pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na sapantaha:Malaki ang maitutulong


ng sanayang aklat upang mapataas ang antas ng pag-unawa, kakayahang mapagana ang
ideya, damdamin at malikhaing pag-iisip ng mga mag-aaral kung ang mga wastong hakbang
o proseso sa pagsulat ay maituturo nang maayos gamit ang angkop na kagamitan na
makatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral; naniniwala ang mga mag-aaral
na mas mabisang kasangkapan ang paggamit ngng nasabing sanayang aklat na may
kaugnayan sa pagsulat ng personal na salaysay o sanaysay, tula at maikling kwento ay mas
mabisa, at higit sa lahat naniniwala ang mga mag-aaral sa ikapitong Grado sa paaralang
sekondarya ng Colegio de San Juan de Letran Calamba sa positibong idudulot ng paggamit ng
Sanayang Aklat sa Malikhaang Pagsulat sa pagkatuto ng mga mag-aaral at na ang paggamit
ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulatay makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral

AY 2014-2015 62
dahil mas nakagaganyak ang makukulay na larawan, magagandang disenyo at iba’t ibang
gawain at pamamaraang ginagamit ng guro sa pagtalakay ng bawat aralin.

REKOMENDASYON

Batay sa inilahad na konklusyon, ang mananaliksik ay nakabuo ng mga sumusunod


na rekomendasyon: Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, lumabas na mas mabisa ang paggamit
ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat na may kaugnayan sa pagsulat ng personal na
pagsasalaysay o sanaysay, tula at maikling kwento. Iminumungkahi ng mananaliksik na pag-
ibayuhin ang pagsasaayos ng mga aralin at pagbibigay ng mas marami pang pagsasanay
upang lalo pang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat;iminumungkahi rin
ang paglalathala ng Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulat, upang magamit at makatulong
sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
bagong kaalaman at mga gawain na makapagpapabago sa pananaw ng mga mag-aaral kung
paanong pahalagahan ang kanilang pinag-aaralan at lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang
pag-aaral para sa ikatataas ng antas ng kanilang pagkatuto, at higit sa lahat aypag-ibayuhin
pang mabuti ng mga guro ang pagtuturo sa tulong ng mungkahing gawain gamit ang
Sanayang Aklat sa Malikhaing Pagsulatupang maipakita ang tunay na konsepto ng
pagsasaling kaisipan at makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral nang sa gayon, sa
sandaling mamalas ng pamunuan ng paaralan ang positibong kalalabasan ng paggamit ng
mga ito ay maisaisip nila na ito ay isa sa magiging pundasyon ng kanilang mga mag-aaral
bilang tagapaghubog ng isang matalino, mapanuri, makatao at makakalikasang indibiduwal.

TALASANGGUNIAN

Mga Aklat

Alcaraz, C. et al. (2005). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Quezon City: Lorimar


Publishing Company, Inc.

Badayos, P. (2006). Worktext sa komposisyon: Paglikha at pagsulat III. Quezon City: Vibal
Publishing House.

Jocson, M.et al. (2005). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Quezon City: Lorimar
Publishing Company, Inc.

Francisco, M. (2000). Sining ng pagsulat ng sulatin. Manila: Sta. Teresa Publications.

Tumangan, A. (2001). Sining ng pakikipagtalastasan. Makati: Gradweyter Publishing.

Villafuerte, P. et al. (2005). Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga teorya at praktika. Valenzuela City:
Mutya Publishing House, Inc.

White, J. (2004). Children’s writing: some findings from data collected longitudinally.Research Paper
in Education.

JIRD Volume 1 63

You might also like