You are on page 1of 1

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa suliranin ng mga guro sa pagbalangkas ng mga paksang
gagamitin upang hubugin ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa malikhaing pagsulat sa bawat
markahan. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito, ang patuloy na mahasa at matugunan ang
nagbabagong pangangailangan ng mga mag-aaral sa bagong henerasyon sa pagsulat personal na
pagsalaysay , tula at ng maikling kwento. Ang one group experimental design ang ginamit dahil
binibigyan diin ng pamamaraang ito ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Ginamit din ang
palarawang pamamaraan upang malaman ang kabisaaan ng mga pamamaraamg gagamitin ng mga guro sa
pagtuturo mg Malikhaing pagsulat sa Filipino sa mataas na paaralan ng Colegio de San Juan de Letran
Calamba. Ang tanahayan bilang 4.4 ay nagpapakita ng kung gaano kabisa ang paggamit ng sanayang
aklat sa malikhaiung pagsulat sa Ikapitong Grado sa mataas na paaralan ng Colegio de San Juan de Letran
Calamba na may kinalaman sa pagsulat ng personal na pagsasalaysay/sanaysay , tula at maikling kwento
na may tinimbang na halagang 4.35, 4.32, at 4.35 na maqy kabuang tinimbang na halagang 4.34 na may
interpretasyong mas mabisa.ito ay may implikasyon na mas natutunan ng mga mag-aaral ang mga
wastong hakbang o proseso ng pagsulat kung wastong maituturo gamit ang angkop na kagamitan na
makatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mag-aaral. Batay sa pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod
na sapantaha; Malaki ang maitutulong ng sanayang aklat upang mapataas ang antas ng pag-unawa,
kakayahang mapagana ang ideya, damdamin at malikhaing pag-iisip ng ng mga mag-aaral kung ang mga
wastong hakbang o proseso sa pagsaulat ay maituturo nang maayos gamit ang angkop na kagamitan na
makatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral, naniniwala ang mga mag-aaral na mas
mabisang kasangkapan ang paggamit ng nasabing sanayang aklat na may kaugnayan sa pagsulat ng
personal na salaysay o sanaysay, tula at maikling kwento ay mas mabisa , at higit sa lahat naniniwala ang
mga mag-aaral sa ikapitong grado sa paaralang sekondarya ng Colegio de San Juan de Letran sa
positibong idudulot ng paggamit ng Sanayang aklat sa Malikhaing Pagsulat sa pagkatuto ng mga mag-
aaral.

You might also like