You are on page 1of 30

Kabanata 3

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga nakalap na datos at ang mga

interpretasyon nito. Sasagutin din nito ang mga suliraning inilahad sa mga

naunang kabanata.

Propayl ng mga Guro ayon sa Edad, Kasarian, Taon sa Pagtuturo at


Paaralan

Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng tinuos na Bilang, Bahagdan at

Ranggo ng mga respondante ayon sa Edad, Kasarian, Taon sa Pagtuturo at

Paaralan.

Talahanayan 1

Bilang, Bahagdan at Ranggo ng mga Respondate batay sa Edad,


Kasarian, Taon sa Pagtuturo at Paaralan.

Edad Bilang Bahagdan Ranggo

30 pababa 11 40.7 1.5

31-40 11 40.7 1.5

41 pataas 5 18.5 3

Kabuuan 27 100.0

Kasarian

Babae 21 77.8 1

Lalaki 6 22.2 2

Kabuuan 27 100.0
Bilang ng Taon sa Pagtuturo

5 taon pababa 9 33.3 2

6-10 taon 12 44.4 1

11-15 taon 2 7.4 4

16 taon pataas 4 17.8 3

Kabuuan 27 100.0

Paaralan

San Isidro National High School 9 33.3 1

San Jose National High School 9 33.3 1

San Roque National high School 9 33.3 1

Kabuuan 27 100.0

Inilahad sa talahanayan 1 na nangunguna ang gurong respondante na

may edad 30 pababa at 31-40 na may bahagdan na 40.7, sumunod naman

ang may edad na 41 pataas na may 18.5 na bahagdan.

Natukoy ng mga mananaliksik na ang gulang ng mga gurong nagtuturo

sa Filipino ay may katamtamang edad at matagal na ang karanasan sa

pagtuturo.

Makikita rin sa talahanayan ang kasarian ng mga gurong respondante,

ang bilang ng babaeng guro ay dalawampu’t isa (21) at may bahagdang 77.7

na nangunguna sa bilang at ang bilang ng lalaking guro ay anim (6) na may

22.2 na bahagdan at pumapangalawa sa bilang.

Kung kaya’t makikita na mas marami ang bilang ng mga babaeng guro

sa tatlong paaralan na dalubhasa sa asignaturang Filipino.


Ayon sa bilang ng taon sa pagtuturo nangunguna ang may 6-10 na

taon sa pagtuturo na may bilang na labingdalawa (12) at may bahagdan na

44.4, pumapangalawa naman ang may 5 pababa na taon sa pagtuturo na

may bilang na siyam (9) at may bahagdan na 33.3, pangatlo ang 16 pataas

na taon sa pagtuturo at may bilang na tatlo (3) at may bahagdan na 14.8, at

ang panghuli ay ang 11-15 na taon sa pagtuturo na may bilang na dalawang

(2) at may bahagdan na 7.4.

Makikita na karamihan sa mga respondante ay may matagal na sa

serbisyo at beterano na sa pagtuturo ng Filipino.

Inilahad din sa talahanayan ang mga paaralan ng mga gurong naging

respondante at makikita na lahat ng paaralan ay may kompletong bilang sa

isinagawang sarbey.

Antas ng Pagtanggap sa binuong Pagpapayamang Gawain sa mga Uri


ng Diin at Tuldik ayon sa Layunin, Nilalaman, Presentasyon at
Organisasyon, Pagkamalikhain at Wikang Ginamit.

Ang talahanayan 2 ay nagpapakita ng tinuos na mean performance,

standard deviation at berbal na interpretasyon ng pagtanggap sa nabuong

Pagpapayamang Gawain sa Uri ng Diin at Tuldik ayon sa Layunin.

Talahanayan 2

Antas ng Pagtanggap ng binuong Pagpapayamang Gawain sa Filipino


ng mga piling guro sa paaralang sekundarya batay sa Mean,
Standard Deviation at Berbal na Interpretasyon sa
Pagtanggap ng Pagpapayamang Gawain sa
mga Uri ng Diin at Tuldik
ayon sa Layunin

Layunin Mean SD BI
1. Ang layunin ng pagpapayamang gawain ay naka- 4.59 .501 NP
angkla sa kahingiang kasanayan ng Commission on
Higher Education.
2. Ang layunin ay angkop sa pangkaisipang 4.56 .577 NP
kakayahan ng mag-aaral.
3. Ang layunin ay akma sa karanasan at kakayahan 4.67 .480 NP
ng guro.
4. Ang mga gawain ay nakahanay mula sa pinaka 4.52 .509 NP
simple patungo sa mapanghamong gawain na
nakapagpapayaman sa paggamit ng tiyak na
bantas.
5. Naunawaan nang malinaw ang mga uri ng diin at 4.74 .447 NP
tuldik gamit ang pagpapayamang gawain
Kabuuan 4.61 .407 NP

Pinaghanguan: SD- Standard Deviation, BI- Berbal na Interpretasyon, NP-


Napakataas ng Pagtanggap

Mapapansin sa talahanayan 2 ang pagtanggap ng mga guro ayon sa

baryabol na layunin. Ang mga guro ay nagbigay sa aytem 5 na may

pinakamataas na mean na 4.74 na nangangahulugang “Naunawaan nang

malinaw ang mga uri ng diin at tuldik gamit ang pagpapayamang gawain” na

may berbal na interpretasyong “Napakataas ng Pagtanggap”.

Samantalang, ang aytem 4 na nangangahulugang “Ang mga gawain ay

nakahanay mula sa pinakasimple patungo sa mapanghamong gawain na

nakapagpapayaman sa paggamit ng tiyak na bantas.” ay may

pinakamababang mean na 4.52 at may berbal na interpretasyong

“Napakataas ng Pagtanggap”. Samakatuwid, sa bawat gawain na nakapaloob

sa binuong pagpapayamang gawain ay akma sa lahat ng pangkaisipan at

pagkatuto ng mag-aaral.
Ayon kina Bernacer et al., (2013) kinakailangan ang layunin upang ma-

satisfy ang kuryosidad ng mga mag-aaral at makalikha ng batayan ng

pagpapasya sa bawat aralin na may kaangkupang layunin.

Binanggit ni Fortunato (2006) na makikita sa pag-aaral ni Villaluz

(2019) TITLE, ang tagumpay ng isang guro sa kanyang pagtuturo ay

nakasalalay rin sa mahusay niyang pagpaplano at layuning nabuo mula sa

aralin o paksang tinalakay.

Ang mga guro ay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog

sa kaisipan ng mag-aaral, dahil dito ang gawaing pampagtuturo ng guro ay

kinakailangan ng isang layunin upang maiugnay ito sa nilalaman. Ito ay

nagkakaroon ng kakaibang interes sa mag-aaral kaya nararapat lamang na

nakaugnay ang layunin sa nilalaman ng gawain.

Antas ng Pagtanggap sa binuong Pagpapayamang Gawain sa mga Uri


ng Diin at Tuldik ayon sa Layunin, Nilalaman, Presentasyon at
Organisasyon, Pagkamalikhain at Wikang Ginamit.

Ang talahanayan 3 ay nagpapakita ng tinuos na mean performance,

standard deviation at berbal na interpretasyon ng pagtanggap sa nabuong

Pagpapayamang Gawain sa Uri ng Diin at Tuldik ayon sa Nilalaman.

Talahanayan 3

Antas ng Pagtanggap ng binuong Pagpapayamang Gawain sa Filipino


ng mga piling guro sa paaralang sekundarya batay sa Mean,
Standard Deviation at Berbal na Interpretasyon sa
Pagtanggap ng Pagpapayamang Gawain sa
mga Uri ng Diin at Tuldik
ayon sa Nilalaman
Nilalaman Mean SD BI

1. Ang nilalaman ay magkakaugnay at maayos na 4.63 .492 NP


nilapat ang pagpapayamang gawain.
2. Ang nilalaman ng pagpapayamang gawain ay 4.56 .506 NP
nakasasapat sa itinakdang oras ng gawaing
pagkatuto ng mag-aaral.
3. Ang nilalaman ay may iba’t ibang gawaing 4.48 .509 NP
kinapapalooban ng mga makabagong disensyong
mauugnay sa paksa.
4. Ang nilalaman ng pagpapayamang gawain ay 4.56 .698 NP
may sapat na impormasyon at halimbawa.
5. Nakapokus ang nilalaman ng gawain sa 4.63 .565 NP
pagpapayaman ng mga kasanayang pambantas
(Tuldik at Diin).
Kabuuan 4.57 .439 NP

Pinaghanguan: SD- Standard Deviation, BI- Berbal na Interpretasyon, NP-


Napakataas ng Pagtanggap

Mapapansin sa talahanayan 3 ang pagtanggap ng mga guro ayon sa

baryabol na nilalaman. Ang mga guro ay nagbigay sa aytem 1 at 5 na may

pinakamataas na mean na 4.63 na nangangahulugang sa aytem 1 “Ang

nilalaman ay magkakaugnay at maayos na nilapat ang pagpapayamang

gawain.” at sa aytem 5 “Nakapokus ang nilalaman ng gawain sa

pagpapayaman ng mga kasanayang pambantas (Tuldik at Diin).” na may

parehong berbal na interpretasyong “Napakataas ng Pagtanggap”.

Samantalang, ang aytem 3 na nangangahulugang “Ang nilalaman ay

may iba’t ibang gawaing kinapapalooban ng mga makabagong disensyong

mauugnay sa paksa.” ay may pinakamababang mean na 4.48 at may berbal

na interpretasyong “Napakataas ng Pagtanggap”.


Ayon kay Gadateo et al., (2014), ang aralin sa kagamitang

pampagtuturo ay kailangang sapat at nakatutulong sa pag-unawa at

pagganap ng mga mag-aaral. Kaya naman mahalaga na maisaalang-alang

ang nilalaman ng gabay ng guro bilang isang baryabol sa pagtataya ng

katanggapan ng gurong respondante.

Ang nabuong pagpapayamang gawain ay naglalaman ng mga gawain

na maaaring gamitin ng guro bilang isang kagamitang pampagtuturo na

makapaglilinang sa isipan ng mag-aaral.

Ayon kay Reiser at Dempsey (2012) mula sa pag-aaral ni Terano

(2015) TITLE, ang pagiging angkop ng kagamitang pampagtuturo ay

makakamit kapag ang nilalaman ay nakasentro sa mag-aaral at nakatuon sa

layunin kaakibat ang mga kaugnay na aktibidad at gawaing nakapaloob dito.

Samakatuwid, mahalaga na maisaalang-alang ang nilalaman sa

nabuong pagpapayamang gawain bilang isang baryabol. Makatutulong sa

proseso ng pagkatuto ang binuong pagpapayamang gawain sapagkat angkop

at wasto ang mga nilalaman ng pagpapayamang gawain.

Antas ng Pagtanggap sa binuong Pagpapayamang Gawain sa mga Uri


ng Diin at Tuldik ayon sa Layunin, Nilalaman, Presentasyon at
Organisasyon, Pagkamalikhain at Wikang Ginamit.

Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng tinuos na mean performance,

standard deviation at berbal na interpretasyon ng pagtanggap sa nabuong

Pagpapayamang Gawain sa Uri ng Diin at Tuldik ayon sa Presentasyon at

Organisasyon.

Talahanayan 4
Antas ng Pagtanggap ng binuong Pagpapayamang Gawain sa Filipino
ng mga piling guro sa paaralang sekundarya batay sa Mean,
Standard Deviation at Berbal na Interpretasyon sa
Pagtanggap ng Pagpapayamang Gawain sa
mga Uri ng Diin at Tuldik
ayon sa Presentasyon
at Organisasyon

Presentasyon at Organisasyon Mean SD BI

1. May maayos na pagkakasunod-sunod ang mga 4.74 .526 NP


gawain sa nabuong pagpapayamang gawain
2. Ang mga larawan sa pagpapayamang gawain ay 4.67 .555 NP
may angkop at maayos na presentasyon.
3. Ang pagpapayamang gawain ay nagpapakita ng 4.63 .565 NP
malinaw at maayos na panuto.
4. Ang mga uri ng diin at tuldik ay malinaw na 4.70 .465 NP
naiuugnay sa pangungusap.
5. Mahusay na inuugnay ang mga ideya sa 4.67 .480 NP
pagkakasuod-sunod ng pagpapayamang gawain.
Kabuuan 4.68 .455 NP

Pinaghanguan: SD- Standard Deviation, BI- Berbal na Interpretasyon, NP-


Napakataas ng Pagtanggap

Mapapansin sa talahanayan 4 ang pagtanggap ng mga guro ayon sa

baryabol na presentasyon at organisasyon. Ang mga guro ay nagbigay sa

aytem 4 na may pinakamataas na mean na 4.74 na nangangahulugang “May

maayos na pagkakasunod-sunod ang mga gawain sa nabuong

pagpapayamang gawain” na may berbal na interpretasyon na “Napakataas ng

Pagtanggap.”

Samantalang, ang aytem 3 na nangangahulugang “Ang

pagpapayamang gawain ay nagpapakita ng malinaw at maayos na panuto.”

ay may pinakamababang mean na 4.63 at may berbal na interpretasyong

“Napakataas ng Pagtanggap”.
Ayon kay Badayos (2012) na makikita sa pag-aaral ni Saberola (2018)

TITLE, kailangan ang pagpaplano sa katauhan at istilo ng guro. Sa pagbuo ng

kagamitang pampagtuturo, kinakailangan itong nagtataglay nang maayos na

pagkakalahad ng panuto, gawain at pagsasanay nang sa gayon ay

maisagawa ito nang tama ng mag-aaral. Nakasalalay sa kaayusan ng

pagkakalahad ang pagkatuto ng mag-aaral. Nararapat din na isaalang-alang

ang istilo ng guro upang ang mga gawaing kanyang ninanais ay umakma sa

mag-aaral at nakamit nang may kaayusan ang pagtataya.

Binigyang-diin nina Omstein (2004) na makikita sa pag-aaral ni

Saberola (2018) TITLE, na ang pagbuo ng kagamitang panturo na isa sa

pinakamahalagang bahagi sa maayos at magandang pagtuturo.

Kinakailangan ng isang guro na makapaghanda ng kagamitang panturo para

sa kanilang mas epektibong pagtuturo.

Samakatuwid, ang binuong pagpapayamang gawain ay kakikitaan ng

maayos na pagkakasunod-sunod ng mga gawain na makatutulong sa

pagkatuto ng mag-aaral.

Antas ng Pagtanggap sa binuong Pagpapayamang Gawain sa mga Uri


ng Diin at Tuldik ayon sa Layunin, Nilalaman, Presentasyon at
Organisasyon, Pagkamalikhain at Wikang Ginamit.

Ang talahanayan 5 ay nagpapakita ng tinuos na mean performance,

standard deviation at berbal na interpretasyon ng pagtanggap sa nabuong

Pagpapayamang Gawain sa Uri ng Diin at Tuldik ayon sa Pagkamalikhain.


Talahanayan 5

Antas ng Pagtanggap ng binuong Pagpapayamang Gawain sa Filipino


ng mga piling guro sa paaralang sekundarya batay sa Mean,
Standard Deviation at Berbal na Interpretasyon sa
Pagtanggap ng Pagpapayamang Gawain sa
mga Uri ng Diin at Tuldik
ayon sa Pagkamalikhain

Pagkamalikhain Mean SD BI

1. Maayos ang pagkakabuo sa pagpapayamang 4.74 .447 NP


gawain batay sa pormat.
2. Wasto at angkop ang mga larawan sa 4.52 .509 NP
pagpapayamang gawain.
3. Ang mga gawain ay nailahad sa iba’t ibang 4.67 .679 NP
pamamaraan.
4. Ang mga kulay ay maayos at angkop ang 4.67 .734 NP
kombinasyon.
5. Ang pabalat ng pagpapayamang gawain ay 4.41 .797 NP
nakapupukaw ng pansin.
Kabuuan 4.60 .505 NP

Pinaghanguan: SD- Standard Deviation, BI- Berbal na Interpretasyon, NP-


Napakataas ng Pagtanggap

Mapapansin sa talahanayan 5 ang pagtanggap ng mga guro ayon sa

baryabol na pagkamalikhain. Ang mga guro ay nagbigay sa aytem 1 na may

pinakamataas na mean na 4.74 na nangangahulugang “Maayos ang

pagkakabuo sa pagpapayamang gawain batay sa pormat” na may berbal na

interpretasyon na “Napakataas ng Pagtanggap.”

Samantalang, ang aytem 5 na nangangahulugang “Ang pabalat ng

pagpapayamang gawain ay nakapupukaw ng pansin” ay may


pinakamababang mean na 4.41 at may berbal na interpretasyong

“Napakataas ng Pagtanggap”.

Ayon kay Badayos (2013) ang pagkamalikhain ay nagpapahayag ng

pagiging orihinal kaya naman sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo ang

mga guro ay dapat maging malikhain upang mabigyan ng bagong kaanyuan

at naiibang pagtingin ang isang kagamitan.

Ayon kay Richard, sa Pena (Anong sa Pena? Hehe (2013) ang guro

upang maging epektibo ay kailangang maging malikhain upang ang klase

ay maging masigla at maganyak ang kanyang mag-aaral tungo sa isang

kawili-wiling pagtalakay ng aralin. Kinakailangan ng guro ng mga

pamamaraan at kagamitan upang maging kaganyak-ganyak ang kanyang

aralin at kung gayon ay malaki ang posibilidad na matuto o magkaroon

ng pagkatuto sa parte ng mga mag-aaral. Isa sa mga pangangailangan

bukod sa epektibong metodo sa pagtuturo ay ang tumpak na pagpili ng

angkop na kagamitan panturong totoong aagapay sa mga mag-aaral.

Samakatuwid, ang pagiging malikhain ng binuong pagpapayamang

gawain na magiging kagamitang pampagtuturo ng guro ay mahalaga sa

paglinang ng kaalaman ng mag-aaral dahil may malaking katungkulan ang

baryabol na ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pagiging malikhain

napupukaw ang atensyon ng mga mag-aaral at higit sa lahat ay nabibigyan

nila ng bagong buhay ang isang paksa o aralin.

Antas ng Pagtanggap sa binuong Pagpapayamang Gawain sa mga Uri


ng Diin at Tuldik ayon sa Layunin, Nilalaman, Presentasyon at
Organisasyon, Pagkamalikhain at Wikang Ginamit.
Ang talahanayan 6 ay nagpapakita ng tinuos na mean performance,

standard deviation at berbal na interpretasyon ng pagtanggap sa nabuong

Pagpapayamang Gawain sa Uri ng Diin at Tuldik ayon sa Wikang Ginamit.

Talahanayan 6

Antas ng Pagtanggap ng binuong Pagpapayamang Gawain sa Filipino


ng mga piling guro sa paaralang sekundarya batay sa Mean,
Standard Deviation at Berbal na Interpretasyon sa
Pagtanggap ng Pagpapayamang Gawain sa
mga Uri ng Diin at Tuldik
ayon sa Wikang Ginamit

Wikang Ginamit Mean SD BI

1. Ang mga wikang ginamit ay madaling 4.63 .492 NP


maunawaan ng mag-aaral.
2. Ang mga ginamit na wika sa pangungusap ay 4.59 .501 NP
angkop at tiyak.
3. Ang mga halimbawang salita na ginamit ay 4.70 .465 NP
angkop sa kakayahan ng mga mag-aaral
4. Ang mga wikang ginamit ay may maayos na 4.74 .447 NP
pagbabalangkas.
5. Ang wika ay maayos na nagamit sa paghahatid 4.78 .424 NP
ng impormasyon at gawain.
Kabuuan 4.69 .378 NP

Pinaghanguan: SD- Standard Deviation, BI- Berbal na Interpretasyon, NP-


Napakataas ng Pagtanggap

Mapapansin sa talahanayan 6 ang pagtanggap ng mga guro ayon sa

baryabol na Wikang Ginamit. Ang mga guro ay nagbigay sa aytem 5 na may

pinakamataas na mean na 4.78 na nangangahulugang “Ang wika ay maayos

na nagamit sa paghahatid ng impormasyon at gawain” na may berbal na

interpretasyon na “Napakataas ng Pagtanggap.”


Samantalang, ang aytem 2 na nangangahulugang “Ang mga ginamit

na wika sa pangungusap ay angkop at tiyak” ay may pinakamababang mean

na 4.59 at may berbal na interpretasyong “Napakataas ng Pagtanggap”.

Nangangahulugan lamang na ang bawat salita at pangungusap na

ginamit sa pagpapayamang gawain ay angkop at may kaugnayan sa bawat

gawaing nilalaman ng binuong pagpapayamang gawain, sinasabi rin sa

talahanayan na maayos at wasto ang pagkakagamit ng bawat salita at

maayos nitong nailahad at madaling nauunawaan ng mag-aaral.

Sa papel ni Yoneno-Reyes (2015), ipinakita ang kahalagahan ng

pagkakaroon ng mapananaligang kaalaman at katatasan sa unang wika

upang sa gayon ay maging madulas at madali para sa mga kabataan ang

mga aralin o kaya ay pakikipagdiskurso. (Lagyang ng sariling

pagpapaliwanag)

Ayon kay Cruz (2016), nagiging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-

aaral sa paggamit ng isang kagamitang pampagtuturo kung tiyak at maayos

ang pagkakagamit ng bawat salita at naglalaman ito ng mga teksto na

makapagpapalawak ng kanilang bokabularyo. (Lagyang ng sariling

pagpapaliwanag)

Samakatuwid, mahalagang isaalang-alang ang wika sa pagkatuto dahil

ang wika na angkop sa kakayahan ng mag-aaral ay may mataas na

posibilidad sa pagkatuto ng mga aralin.


Talahanayan 7

Kompositong Talahanayan sa Antas ng Pagtanggap ng mga


Respondante sa nabuong Pagpapayamang Gawain
ayon sa Layunin, Nilalaman, Presentasyon
at Organisasyon, Pagkamalikhain
at Wikang Ginamit

Baryabol Mean BI

Layunin NP
4.61
Nilalaman NP
4.57
Presentasyon at Organisasyon NP
4.68
Pagkamalikhain NP
4.60
Wikang Ginamit NP
4.69
Kabuuan NP
4.63
Pinaghanguan: BI- Berbal na Interpretasyon, NP- Napakataas ng Pagtanggap

Mapapansin sa talahanayan 7 ang pagtanggap ng mga guro ayon sa mga

baryabol. Ang nakakuha ng pinakamataas na mean ay ang baryabol na

“Wikang Ginamit” na may 4.69, pangalawa ang “Presentasyon at

Organisasyon” na nakakuha ng 4.68, pangatlo ay ang “Layunin” na nakakuha

ng 4.61, pang-apat naman ang “Pagkamalikhain” na nakakuha ng 4.60.

Samantala ang nakakuha ng pinakamababang mean ay ang baryabol na

“Nilalaman” na may 4.57.

Sa kabuuan, mahihinuha na ang lahat ng gurong respondante ay

sumasang-ayon sa napakataas ng pagtanggap. Ang Layunin, Nilalaman,

Presentasyon at Organisasyon, Pagkamalikhain at Wikang Ginamit sa

nabuong pagpapayamang gawain ay nakakuha ng kabuuang mean na 4.63 at

may berbal na interpretasyon na “Napakataas ng pagtanggap”. Kung gayon,


ang nabuong pagpapayamang gawain ay nangangahulugan lamang na

mabisa at maaaring gamitin bilang kagamitan pampagtuturo batay na rin sa

tugon ng mga gurong respondante.

Ayon kay Lardizabal et. al., na binigyang-turan ni Cayetana (2017) sa

pagbuo ng isang modyul o kagamitang pampagtuturo, mahalagang isaalang-

alang lahat ng mahahalagang bahagi tulad ng kahalagahan ng bawat

kagamitan; ang layunin o ang inaasahang makamit ng mag-aaral sa bawat

paksa; mga gawain na magsisilbing gabay sa pag-aaral upang makamit ang

mga layunin at ang mga gawain na susukat sa natutuhan sa isang ag-aaral

upang malaman kung nakamit ang mga layunin.

Ayon kay Kochhar (2012) na binanggit sa pag-aaral ni Villaruz (2019) na

ang kagamitang pampagtuturo ay isang mahalagang tool sa pagtuturo at

pagkatuto. Binigyang diin din niya na ang guro ay kailangang maghanap ng

kagamitang pampagtuturo upang maging karagdagan o suplementaryo sa

mga ginagamit na aklat upang mapalawak ang mga konsepto at mapukaw

ang interes ng mag-aaral sa isang asignatura.

Makabuluhang Pagkakaiba ng Antas ng Pagtanggap ng Respondante sa


binuong Pagpapayamang Gawain sa Pagkatuto ng Mag-aaral sa Filipino
batay sa Layunin, Nilalaman, Presentasyon at Organisasyon,
Pagkamalikhain at Wikang Ginamit batay sa kanilang Propayl.

Ang talahanayan 8 ay nagpapakita ng makabuluhang pagkakaiba ng

antas ng pagtanggap ng mga guro sa binuong pagpapayamang gawain sa Uri

ng Diin at Tuldik batay sa iba’t ibang baryabol ayon sa Edad.


Talahanayan 8

Desisyon ng Makabuluhang Pagkakaiba ng Antas ng Pagtanggap ng


Respondante sa binuong Pagpapayamang Gawain sa
Pagkatuto ng Mag-aaral sa Filipino
ayon sa Edad
df Mean F P-v Ho BI
Square
21-30 2 .015 .085 .919 FR NS
31-40 24 .178
Layunin
41-50
Total 26
21-30 2 .070 .343 .713 FR NS
31-40 24 .203
Nilalaman
41-50
Total 26
21-30 2 .008 .037 .964 FR NS
Presentasyon at 31-40 24 .224
Organisasyon 41-50
Total 26
21-30 2 .491 2.082 .147 FR NS
31-40 24 .236
Pagkamalikhain
41-50
Total 26
21-30 2 .016 .101 .904 FR NS
31-40 24 .153
Wikang Ginamit
41-50
Total 26

Pinaghanguan: df- Degree of Freedom, F- F-value, PV- P-Value, Ho-


Hypothesis, FR- Failed to Reject, BI- Berbal na Interpretasyon, NS- No
Significance

Batay sa talahanayan 8, makikita na ang layunin ay nakakuha ng P-

value na .919 mas mataas sa level of significant na 0.05 at may desisyong FR

(failed to reject) at may berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang

pagkakaiba. Ang nilalaman ay nakakuha ng P-value na .713 na mas mataas

sa level of significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject) at may

berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba. Ang


presentasyon at organisasyon ay nakakuha ng P-value na .964 na mas

mataas sa level of significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject)

at may berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba.

Ang pagkamalaikhain ay nakakuha ng P-value na .147 na mas mataas sa

level of significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject) at may

berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba. Ang

wikang ginamit ay nakakuha ng P-value na .690 na mas mataas sa level of

significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject) at may berbal na

interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba.

Napatunayan sa pag-aaral na ito na hindi nakakaapekto ang edad ng

mga gurong respondante sa pagtanggap ng binuong pagpapayamang

gawain, sapagkat ang edad ay tumutukoy sa tagal ng isang tao na nabubuhay

simula sa kaniyang kapanganakan. Sa edad din nakikita ang pagbabagong

nagaganap sa pisikal na kaanyuan, pag-iisip, at maging ang kanilang

pananaw sa bagay-bagay sa mundo.

Ayon kay Denga (2008) na makikita sa pag-aaral ni Amilao (2016) ang

kasarian ay sadyang walang kaugnayan sa pagiging epektibo ng isang guro

sa pagtuturo.

Sinaad naman Yavuz (2009) na makikita sa pag-aaral ni Amilao (2016)

na walang kaibahan ang saloobin ng babae at lalaking guro sa pangangasiwa

sa klase o maging sa pangangasiwang instruksyonal.


Nangangahulugan lamang na ang edad ay walang makabuluhang

pagkakaiba sa pagtanggap ng mga respondante sa binuong pagpapayamang

gawain ayon sa layunin, nilalaman, presentasyon at organisasyon,

pagkamalikhain at wikang ginamit. Sumakatuwid, hindi batayan ang edad sa

pagtanggap ng mga respondante sa binuong pagpapayamang gawain upang

maiba ang persepsyon sa pagbibigay halaga sa kagamitang pampagtuturo.

Makabuluhang Pagkakaiba ng Antas ng Pagtanggap ng Respondante sa


binuong Pagpapayamang Gawain sa Pagkatuto ng Mag-aaral sa Filipino
batay sa Layunin, Nilalaman, Presentasyon at Organisasyon,
Pagkamalikhain at Wikang Ginamit batay sa kanilang Propayl.

Ang talahanayan 9 ay nagpapakita ng makabuluhang pagkakaiba ng

antas ng pagtanggap ng mga guro sa binuong pagpapayamang gawain sa Uri

ng Diin at Tuldik batay sa iba’t ibang baryabol ayon sa Kasarian.

Talahanayan 9

Desisyon ng Makabuluhang Pagkakaiba ng Antas ng Pagtanggap ng


Respondante sa binuong Pagpapayamang Gawain sa
Pagkatuto ng Mag-aaral sa Filipino
ayon sa Kasarian

df Mean F P-v HO VI
Square

Babae 1 .021 .121 .731 FR NS

Layunin Lalaki 25 .172

Total 26
Babae 1 .205 1.064 .312 FR NS
Nilalaman Lalaki 25 .192
Total 26
Babae 1 .368 1.837 .187 FR NS
Presentasyon at
Lalaki 25 .200
Organisasyon
Total 26
Babae 1 .137 .527 .475 FR NS
Pagkamalikhain Lalaki 25 .260
Total 26
Babae 1 .275 2.005 .169 FR NS

Wikang Ginamit Lalaki 25 .137

Total 26
Pinaghanguan: df- Degree of Freedom, F- F-value, PV- P-Value, Ho-
Hypothesis, FR- Failed to Reject, BI- Berbal na Interpretasyon, NS- No
Significance

Batay sa talahanayan 9, makikita na ang layunin ay nakakuha ng P-

value na .731 mas mataas sa level of significant na 0.05 at may desisyong FR

(failed to reject) at may berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang

pagkakaiba. Ang nilalaman ay nakakuha ng P-value na .312 na mas mataas

sa level of significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject) at may

berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba. Ang

presentasyon at organisasyon ay nakakuha ng P-value na .187 na mas

mataas sa level of significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject)

at may berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba.

Ang pagkamalaikhain ay nakakuha ng P-value na .475 na mas mataas sa

level of significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject) at may

berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba. Ang

wikang ginamit ay nakakuha ng P-value na .169 na mas mataas sa level of

significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject) at may berbal na

interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba.


Sumakatuwid, lumalabas na ang kasarian ay walang makabuluhang

pagkakaiba sa pagtanggap ng mga respondante sa binuong pagpapayamang

gawain ayon sa layunin, nilalaman, presentasyon at organisasyon,

pagkamalikhain at wikang ginamit. Nangangahulugang hindi batayan ang

kasarian sa pagtanggap ng mga respondante sa binuong pagpapayamang

gawain.

Ayon kay Padilla (2016) ang paglilinang ng edukasyon batay sa

kasarian ay tumutugon sa pagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip, paglinang ng

mabuting asal, dangal, pagkatao at pagtaguyod ng katarungang panlipunan.

Hindi makukumpleto ang rekado kung hindi ilalagay ang layunin ng pagiging

malaya sa kasarian ngunit sa kasalukuyang pag-aaral walang makabuluhang

pagkakaiba ang kasarian sa pagtangap ng mga gurong respondante sa

binuong pagpapayamang gawain.

Ayon sa pag-aaral ni Suarez (2015) ang intelektwal na abilidad ay

walang kaugnayan sa bayolohikal na katangian ng isang indibidwal.

Nangangahulugan lamang na ang kasarian ay pisikal lamang at walang

kinalaman sa pagtanggap ng anumang kagamitang pampagtuturo.

Samakatuwid, hindi nakakaapekto ang kasarian sa pagtanggap ng

respondante sa binuong pagpapayamang gawain sa mga uri ng diin ay tuldik.

Makabuluhang Pagkakaiba ng Antas ng Pagtanggap ng Respondante sa


binuong Pagpapayamang Gawain sa Pagkatuto ng Mag-aaral sa Filipino
batay sa Layunin, Nilalaman, Presentasyon at Organisasyon,
Pagkamalikhain at Wikang Ginamit batay sa kanilang Propayl.

Ang talahanayan 10 ay nagpapakita ng makabuluhang pagkakaiba ng

antas ng pagtanggap ng mga guro sa binuong pagpapayamang gawain sa Uri

ng Diin at Tuldik batay sa iba’t ibang baryabol ayon sa Taon ng Pagtuturo

Talahanayan 10

Desisyon ng makabuluhang pagkakaiba ng Antas ng Pagtanggap ng


Respondante sa binuong Pagpapayamang Gawain sa
Pagkatuto ng Mag-aaral sa Filipino
ayon sa Taon ng Pagtuturo
df Mean F P-v Ho BI
Square
1-5 3 .235 1.498 .242 FR NS
6-10 23 .157
Layunin 11-15
16-20
Total 26
1-5 3 .386 2.299 .104 FR NS
6-10 23 .168
Nilalaman 11-15
16-20
Total 26
1-5 3 .480 2.803 .062 FR NS
6-10 23 .171
Presentasyon at
11-15
Organisasyon
16-20
Total 26
1-5 3 .687 3.451 .033 R S
6-10 23 .199
Pagkamalikhain 11-15
16-20
Total 26
Wikang Ginamit 1-5 3 .075 .494 .690 FR NS
6-10 23 .151
11-15
16-20
Total 26

Pinaghanguan: df- Degree of Freedom, F- F-value, PV- P-Value, Ho-


Hypothesis, FR- Failed to Reject, R- Reject, BI- Berbal na Interpretasyon, NS-
No Significance

Batay sa talahanayan 10 makikita na ang layunin ay nakakuha ng P-

value na .242 mas mataas sa level of significant na 0.05 at may desisyong

(FR) failed to reject at may berbal na interpretasyon na NS walang

makabuluhang pagkakaiba. Ang nilalaman ay nakakuha ng P-value na .104

na mas mataas sa level of significant na 0.05 at may desisyong na FR (failed

to reject) at may berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang

pagkakaiba. Ang presentasyon at organisasyon ay nakakuha ng P-value

na .062 na mas mataas sa level of significant na 0.05 at may desisyon na FR

(failed to reject) at may berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang

pagkakaiba. Ang wikang ginamit ay nakakuha ng P-value na .690 na mas

mataas sa level of significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject)

at may berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba.

Samantalang ang pagkamalikhain ay nakakuha ng P-value na .033 na

mas mababa sa level of significant na 0.05 at ang desisyon ay reject na

nanganagahulugang may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng

pagtanggap sa binuong pagpapayamang gawain sa Filipino.

Sinaysay nina Emma at Ajayi (2004) na binigyang turan ni Cayetana

(2017) na ang mga kagamitan sa pagtuturo ay nagbabago sa paglipas ng

panahon. Hindi lamang upang mapadali ang pagtuturo kundi upang

matugunan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral.


Nangangahulugan na nagkaron ng makabuluhang pagkakaiba ang

pagiging malikhain sa taon ng pagtuturo dahil sa paglipas ng panahon nag-

iiba ang persepsyon ng mga guro pagdating sa pagiging malikhain ng isang

kagamitang pampagtuturo. Ang mga guro ay mayroong iba’t ibang

pagtanggap at paniniwala pagdating sa pagkamlikhain sa binuong

pagpapayamang gawain.

Ayon kay Wenglinsky na binigyang turan sa pag-aaral ni Amilao (2016)

bagamat may kabuluhan ang bilang ng taon ng pagtuturo, ito ay

kumakatawan lamang sa maliit na bahagdan ng kakayahan ng guro na

pangasiwaan ang klase.

Samakatuwid, lumalabas na ang taon ng pagtuturo ay walang

makabuluhang pagkakaiba sa pagtanggap ng mga respondante sa binuong

pagpapayamang gawain ayon sa layunin, nilalaman, presentasyon at

organisasyon at wikang ginamit. Samantalang ang pagkamalikhain ay

nakitaan ng makabuluhang pagkakaiba pagdating sa taon ng pagtuturo.

Makabuluhang Pagkakaiba ng Antas ng Pagtanggap ng Respondante sa


binuong Pagpapayamang Gawain sa Pagkatuto ng Mag-aaral sa Filipino
batay sa Layunin, Nilalaman, Presentasyon at Organisasyon,
Pagkamalikhain at Wikang Ginamit batay sa kanilang Propayl.

Ang talahanayan 11 ay nagpapakita ng makabuluhang pagkakaiba ng

antas ng pagtanggap ng mga guro sa binuong pagpapayamang gawain sa Uri

ng Diin at Tuldik batay sa iba’t ibang baryabol ayon sa Paaralan.


Talahanayan 11

Desisyon ng Makabuluhang Pagkakaiba sa Antas ng Pagtanggap ng


Respondante sa binuong Pagpapayamang Gawain sa
Pagkatuto ng Mag-aaral sa Filipino
ayon sa Paaralan
df Mean F P-v Ho BI
Square
SAN ISIDRO NATIONAL
2 .166 1.000 .383 FR NS
HIGH SCHOOL
SAN ROQUE NATIONAL
24 .166
Layunin HIGH SCHOOL
SAN JOSE NATIONAL
HIGH SCHOOL
Total 26
SAN ISIDRO NATIONAL
2 .161 .826 .450 FR NS
HIGH SCHOOL
SAN ROQUE NATIONAL
24 .196
Nilalaman HIGH SCHOOL
SAN JOSE NATIONAL
HIGH SCHOOL
Total 26
SAN ISIDRO NATIONAL
2 .250 1.231 .310 FR NS
HIGH SCHOOL
Presentasyon SAN ROQUE NATIONAL
24 .203
at HIGH SCHOOL
Organisasyon SAN JOSE NATIONAL
HIGH SCHOOL
Total 26
SAN ISIDRO NATIONAL
2 .538 2.319 .120 FR NS
HIGH SCHOOL
SAN ROQUE NATIONAL
24 .232
Pagkamalikhain HIGH SCHOOL
SAN JOSE NATIONAL
HIGH SCHOOL
Total 26
Wikang Ginamit SAN ISIDRO NATIONAL
2 .058 .386 .684 FR NS
HIGH SCHOOL
SAN ROQUE NATIONAL 24 .150
HIGH SCHOOL
SAN JOSE NATIONAL
HIGH SCHOOL
Total 26

Batay sa talahanayan 11, makikita na ang layunin ay nakakuha ng P-

value na .383 mas mataas sa level of significant na 0.05 at may desisyon FR

(failed to reject) at may berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang

pagkakaiba. Ang nilalaman ay nakakuha ng P-value na .450 na mas mataas

sa level of significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject) at may

berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba. Ang

presentasyon at organisasyon ay nakakuha ng P-value na .310 na mas

mataas sa level of significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject)

at may berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba.

Ang pagkamalaikhain ay nakakuha ng P-value na .120 na mas mataas sa

level of significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject) at may

berbal na interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba. Ang

wikang ginamit ay nakakuha ng P-value na .684 na mas mataas sa level of

significant na 0.05 at may desisyon na FR (failed to reject) at may berbal na

interpretasyon na NS walang makabuluhang pagkakaiba.

Nangangahulugang, ang paaralan ay isang institusyon lamang na

nagsisilbing lugar ng mga guro upang magbigay ng kaalaman sa mga mag-

aaral. Hindi nakakaapekto ang paaralan sa pagtanggap ng mga guro sa isang

kagamitang pampagtuturo. Sumakatuwid, lumalabas na ang paaralan ay

walang makabuluhang pagkakaiba sa pagtanggap ng mga respondante sa


binuong pagpapayamang gawain ayon sa layunin, nilalaman, presentasyon at

organisasyon, pagkamalikhain at wikang ginamit. Kung gayon, ang paaralan

ay hindi batayan sa pagtanggap ng mga respondante sa binuong

pagpapayamang gawain.
Kabanata 4

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng lagom, batay sa impormasyon at

kinalabasan ng datos, pagbibigay ng konklusyon at pagbubuo ng mungkahi

sa paksa ng pananaliksik.

Lagom

Batay sa kinalabasan ng pagsusuri sa mga naturang impormasyon nabuo

ang mga sumusunod:

1. Popayl ng mga Guro batay sa Edad, Kasarian, Taon ng Pagtuturo at

Paaralan:

1.1 Batay sa edad, 11 ang guro ang may edad na 30 pababa, 11 rin ang

gurong 31-40 at lima naman ang gurong 41 pataas.

1.2 Batay sa kasarian, 21 sa mga gurong respondante ang babae at 6 naman

ang gurong respondante na lalaki.

1.3 Batay sa taon ng pagtuturo, 9 sa respondante ang limang taon pababa

nang nagtuturo; 12 sa respondante ang anim hanggang sampung taon nang

nagtuturo; 2 sa respondante ang labing isa hanggang labing limang taon nang

nagtuturo at 4 sa respondante ang labing anim pataas nang nagtuturo.


1.4 Batay sa paaralan, lahat ng 27 na respondante sa San Isidro National

High School, San Jose National High School, San Roque National High

School ay sumagot sa isinagawang sarbey.

2. Antas ng Pagtanggap sa Binuong Pagpapayamang Gawain sa mga Uri

ng Diin at Tuldik sa Pagkatuto ng Filipino

2.1 Ayon sa layunin, mula sa kabuuang mean na 4.61, ang mga guro ay may

tugon na napakataas ng pagtanggap.

2.2 Ayon sa nilalaman, mula sa kabuuang mean na 4.57, ang mga guro ay

may tugon na napakataas ng pagtanggap sa nilalaman ng binuong

pagpapayamang gawain.

2.3 Ayon sa presentasyon at organisasyon, mula sa kabuuang mean na 4.68,

ang mga guro ay may tugon na napakataas ng pagtanggap.

2.4 Ayon sa pagkamalikhain, mula sa kabuuang mean na 4.60, ang mga guro

ay may tugon na napakataas ng pagtanggap.

2.5 Ayon sa wikang ginamit, mula sa kabuuang mean na 4.69, ang mga guro

ay may tugon na napakataas ng pagtanggap.


3. Makabuluhang Pagkakaiba sa Antas ng Pagtanggap ng mga

Respondante sa Binuong Pagpapayamang Gawain sa Pagkatuto ng

Mag-aaral sa Filipino ayon sa kanilang Propayl:

3.1 Ang nabuong pagpapayamang gawain sa mga Uri ng Diin at Tuldik ay

walang makabuluhang pagkakaiba batay sa iba't ibang baryabol ayon sa

kanilang Propayl.

Konklusyon

1. Ang nabuong pagpapayamang gawain sa mga uri ng diin at tuldik ay

Napakataas ng Pagtanggap ayon sa pagsusuri ng mga gurong respondante.

Samakatuwid, mainam gamitin bilang kagamitang pampagtuturo ang binuong

pagpapayamang gawain sa mga uri ng diin at tuldik ng mga mananaliksik.

2. Ang mga propayl ng mga gurong respondante ay walang makabuluhang

pagkakaiba sa larangan ng pagtanggap ng nabuong pagpapayamang gawain.

Samakatuwid, walang kaugnayan ang nabuong pagpapayamang gawain sa

katayuan ng guro sa pagsusuri ng nabuong pagpapayamang gawain na binuo

ng mananaliksik.

Rekomendasyon

Ayon sa inilahad na resulta ng pag-aaral, ang mga sumusunod na

mungkahi ay nabuo;
1. Iminumungkahi na gamitin ang nabuong pagpapayamang gawain bilang

isang kagamitan pampagtuturo sa guro at mag-aaral, sa pagtalakay sa

paksang Diin at Tuldik na makapagpapalawak sa isipan ng mag-aaral.

2. Iminumungkahi na gamitin ang nabuong pagpapayamang gawain sa mga

mag-aaral dahil ito ay may maidudulot na kagandahan sa pagpapalawak ng

kanilang isipan hinggil sa mga uri ng diin at tuldik.

You might also like