You are on page 1of 14

Kahandaan at Kasanayan sa Paggamit

ng Differentiated Instruction ng mga


Guro sa Hayskul

MELCHOR A. TOLENTINO
MANANALIKSIK
Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin
ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang Antas ng Kahandaan


sa Paggamit ng Differentiated
Instruction ng mga Guro sa
Hayskul?
Ipinapakita sa Talahanayan 2 ang antas ng
kahandaan sa paggamit ng differentiated
instruction ng mga guro sa hayskul. Sa kabuuan,
nagpapakita na ang antas ng kahandaan sa
paggamit ng differentiated instruction ng mga
guro sa hayskul ay “Lubos na may Kahandaan”
na may (M = 4.51, SD = 0.97).
Talahanayan 2
Mean, Deskripsyon at Standard Deviation
ng Antas ng Kahandaan sa Paggamit ng
Differentiated Instruction ng mga guro
sa Hayskul

Baryabol Mean Deskripsyon SD


Antas ng
4.51 Lubos na may Kahandaan 0.97
Kahandaan
Iskala   Deskripsyon
4.21 – 5.00   Lubos na may Kahandaaan
3.41 – 4.20   May Kahandaan
2.61 – 3.40   Medyo Handa
1.81 – 2.60   Di-gaanong Handa
1.00 - 1.80   Walang Kahandaan
 
2. Ano ang Antas ng Kasanayan sa
Paggamit ng Differentiated
Instruction ng mga Guro sa
Hayskul?
Ipinapakita sa Talahanayan 3 ang antas ng
kasanayan sa paggamit ng differentiated
instruction ng mga guro sa hayskul. Sa kabuuan,
nagpapakita na ang antas ng kasanayan sa
paggamit ng differentiated instruction ng mga guro
sa hayskul ay “Napakataas” na may (M = 4.40, SD
= 0.27).
Talahanayan 3
Mean, Deskripsyon at Standard Deviation
ng Antas ng Kasanayan sa Paggamit ng
Differentiated Instruction ng mga guro
sa Hayskul

Baryabol Mean Deskripsyon SD


Antas ng
4.40 Napakataas 0.27
Kasanayan
Iskala   Deskripsyon
4.21 – 5.00   Napakataas
3.41 – 4.20   Mataas
2.61 – 3.40   Katamtaman
1.81 – 2.60   Mababa
1.00 - 1.80   Lubhang Mababa
 
Ayon naman sa naging kinalabasan ng pag-aaral sa Antas
ng Kasanayan sa paggamit ng differentiated instruction,
nagpapatunay lamang ito na ang mga guro ay may ganap at
napakataas na kasanayan sa paggamit nito. Sila ay may
“napakataas” na kasanayan sa paggawa ng mga gawaing
pampagkatuto, paggamit ng iba’t ibang estilo at estratehiya sa
pagtuturo partikular sa pagpapagawa ng iba’t ibang gawaing
angkop sa kakayahan ng mga mag-aaral. Ang napakataas na
antas ng kasanayan ay bunga marahil ng pagkahantad ng mga
guro sa iba’t ibang mga pagsasanay at workshops na kung
saan nakakukuha sila ng mga sapat na kaalaman upang
makapagturo nang maayos at mahusay.
3. Mayroon bang makabuluhang ka sa
antas ng kahandaan sa pagitan ng antas
ng kasanayan sa Paggamit ng
differentiated instruction ng mga guro sa
hayskul?
Ipinapakita sa Talahanayan 5 ang resulta ng
Pearson’ r sa kaugnayan ng antas ng kahandaan at
antas ng kasanayan sa paggamit ng differentiated
instruction ng mga guro sa hayskul. Sa kabuuan,
napag-alamang ang datos ay nagpapakita na
“walang makabuluhang kaugnayan” ang antas ng
kahandaan at antas ng kasanayan sa paggamit ng
differentiated instruction ng mga guro sa hayskul,
r=0.199ns na may s = 0.330.
Ang ipotesis na walang makabuluhang
kaugnayan ang antas ng kahandaan sa pagitan
ng antas ng kasanayan sa paggamit ng
differentiated instruction ng mga guro sa
hayskul ay dapat na tanggapin.
Talahanayan 5
Resulta ng Pearson r sa kaugnayan ng
Antas ng Kahandaan at Antas ng
Kasanayan sa paggamit ng
Differentiated Instruction ng mga
guro sa hayskul

  Baryabol r Sig
Antas ng Kahandaan at Antas 0.199ns 0.330
  ng Kasanayan

* p<0.05 makabuluhan sa 5% antas ng alpa


ns 0>0.05 hindi makabuluhan sa 5% antas ng alpa
 
Ipinapakita sa resulta na walang makabuluhang kaugnayan ang
antas ng kahandaan at antas ng kasanayan sa paggamit ng
differentiated instruction ng mga guro sa hayskul. Ang negatibong
resulta ng pag-aaral sa pagitan ng antas ng kahandaan at antas ng
kasanayan sa paggamit ng differentiated instruction ay nagpapakita
lamang na ang kahandaan ng guro sa paggamit ng differentiated
instruction ay hindi basehan upang masabing siya ay sanay na sanay
sa paggamit nito.
Maraming Salamat po !

You might also like