You are on page 1of 3

Joaquin Gabriel E.

Rodil PAGPAG
Grade 11 STEM Bughaw March 21, 2024

1. Teskstong Impormatibo
Ang Pag-aalsá sa Cavite (o Cavite Mutiny sa Ingles) ay isang pag-aalsa noong 1872 ng umaabot sa 200
Filipinong sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite. Madaliang nasugpo ng pamahalaang kolonyal ang pag-
aaklas ngunit naging makabuluhan ito sa kasaysayan dahil ginamit itong dahilan upang supilin ang mga
Filipinong makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan. Ang pag-aalsaang ginamit na batayan
upang isakdal at bitayin ang tatlong paring Filipino na sina José Burgos, Jacinto Zamora, at Mariano
Gómez—o mas kilala bilang Gomburza—at ang kanilang pagkamartir ang higit nanagpaalab sa
nasyonalismo ng mga Filipino at magdudulot, sa huli, ng Himagsikang 1896.

2. Tekstong Deskriptibo
Ang mga rosas ay tuwid, umaakyat, o sumusunod na mga palumpong, na ang mga tangkay ay kadalasang
may saganang mga turok na may iba't ibang hugis at sukat, na karaniwang tinatawag na mga tinik. Ang
mga dahon ay salit-salit at pinnately compound (i.e., feather-formed), kadalasang may mga oval na leaflet
na may matalas na ngipin.

3. Tekstong Persweysibo
Gusto Mo ba magpalamig sa tag-araw? Gusto mo ba mag-swimming? Gusto mo ba makapunta sa isla?
Gusto mo ba mamasyal? Naiinip ka na ba? Pawis na Pawis ka na ba? Nasa ibang bansa ka ba? Miss mo
na ba ang pasyalan sa Pilipinas? Tara punta na sa BORACAY.
Ang Boracay ay isang pasyalan sa Pilipinas na sikat sa Bughaw na dagat at puting buhangin. Isa ito ang
pinakasikat na pasyalan sa pilipinas. Isa din itong tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km
(200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas
sa Pilipinas.
Maraming mga turista na pumupunta sa Boracay. Maraming pumupunta dito tuwing tag-araw. Marami
ding mga dayuhan na pumupunta sa Boracay. Sikat na Sikat ang Boracay ngayon. Minsan, marami ding
artista na pumupunta din sa Boracay kagaya ng mga "Sexy Stars" sa mga iba't ibang station sa Pilipinas.
Ang Boracay ay nabibilang sa kumpol ng isla sa Panay sa Kanlurang Visayas. Ito ay maliit lamang at
korteng buto. Matatagpuan ang Boracay sa dalawandaang kilometro sa timog ng Maynila. Ang Boracay
ay pinamamahalaan ng Department of Tourism (DOT) kasama ng gobyerno ng Aklan. Ang isla ay may
habang pitong kilometro at laking 1083 na ektarya. Ang sentro ng isla kung saan naninirahan mahigit
kumulang 16000 katao ay patag at makitid.
Maraming ding magagandang mga Hotel at pakainan doon. Pwede kang mag banana boat. Pwede ka din
mag jet ski at mag snorkling doon. At magandang mag surfing dahil sa magandang alon ng tubig. Pwede
ka rin magpa Henna Tattoo ng kahit anong disenyo ang gusto mo.
Tara na at pumunta sa Boracay! Maraming magagandang gawain ang magagawa doon. Mayroon ding
bilihan ng mga pampasalubong na mabibigay kahit kanino. At murang-mura lang. TARA AT BUMISITA
SA BORACAY!
4. Tekstong Naratibo
Noong unang panahon, sa isang malayong kaharian, may isang binatang mandirigma na nagngangalang
Diego. Si Diego ay kilala sa buong kaharian bilang isang matapang at mahusay na mandirigma. Sa bawat
pagkakataon na may laban o paglalakbay, lagi siyang may dalang espada at isang maliit na bolso na puno
ng kanyang mga kagamitan.
Isang araw, nagpasya si Diego na magtungo sa kaharian ng kalapit na bansa upang subukan ang kanyang
lakas sa isang malaking paligsahan. Ang paligsahan ay magdaraos ng mga labanan at laro ng lakas. Hindi
nag-atubiling si Diego na sumali at lumaban sa mga kalahok mula sa iba't ibang panig ng mundo. Sa
bawat laban, ipinapakita niya ang kanyang galing at tapang.
Sa pasukan ng paligsahan, ibinigay sa kanya ang isang mapa ng lugar at ipinakita ang mga lugar kung
saan gagawin ang mga laban. Sa tulong ng mapa, naipanalo ni Diego ang bawat paligsahan na kanyang
sinalihan. Ang pinakamahirap at pinakadelikadong laban ay ang laban sa duwende, na siyang pinuno ng
kagubatan.
Sa huling laban, kahit na laban sa duwende, hindi sumuko si Diego. Sa tulong ng kanyang tapang at
katalinuhan, nagtagumpay siya sa laban at napatunayan ang kanyang kahusayan bilang mandirigma. Sa
kanyang pag-uwi, dala-dala niya ang mapa bilang isang alaala ng kanyang tagumpay at ng mga hamon na
kanyang nalagpasan.

5. Tekstong Argumentatibo
NAKAPAGTATAKA kung bakit atat na atat ang Department of Education (DepEd) sa pagkakaroon ng
face-to-face classes sa Enero. Para bang hindi natatakot ang DepEd at ura-uradang inirekomenda kay
President Duterte na magkaroon na ng trial para implementation ng face-to-face sa mga lugar na mababa
ang kaso ng COVID-19. Pinayagan naman agad ng Presidente ang rekomendasyon ni Briones at itinakda
sa Enero ang pilot implementation ng face-to-face classes. Nilinaw na sa mga lugar lamang na may
mababang COVID cases ito gagawin.
Pero noong Sabado, binawi ng Presidente ang naunang order sa pagsasagawa ng face-to-face classes.
Ayon sa Presidente, ayaw niyang malagay sa panganib ang buhay ng mga bata. Ang kautusan sa
pagpapatigil sa face-to-face classes ay kasunod ng balitang may bagong variant ng COVID-19 na
nadiskubre sa United Kingdom.
Sinabi ng Presidente na hindi na magkakaroon ng face-to-face classes. Nakipag-meeting ang Pre-si-dente
sa infectious disease experts at nagpasya na bawiin ang naunang order para sa face-to-face classes. “I’m
calling back the order and I will not allow face-to-face classes for children until we are through with this.
Wala pa tayong alam. I cannot take the risk,” sabing seryoso ng Presidente.
Sinabi naman ni Secretary Briones na tatalima siya sa kautusan ng Presidente. Ipagpapaliban umano niya
ang planong face-to-face classes sa Enero.
Nakapagtataka naman ang DepEd kung bakit ipinagpipilitan agad ang pagkakaroon ng face-to-face
classes gayung nananalasa pa ang COVID-19. Kahit pa sabihing sa mga walang kaso ng COVID idaraos
ang face-to-face classes, gaano nakasiguro na walang mai-infect sa mga guro at estudyante.
Hindi dapat isapalaran ang kalusugan at buhay ng mga bata sa pagkakataong ito. Huwag munang igiit ang
face-to-face classes. Wala pa ngang bakunang nakakarating sa bansa ay ang pagbabalik na agad sa klase
ang gusto ng DepEd.
Huwag magmadali ang DepEd. Sabi nga ang pagmamadali kadalasan ay maraming mali. Maghintay sa
paghupa ng virus. Dapat 100 percent nang walang virus at may bakuna na bago hayaang makatungo sa
school ang mga bata. Kaligtasan ng mga bata ang unahin kaysa edukasyon.

6. Tekstong Prosidyural
Isa pa sa mga paborito ng mga bagets ang hotdog. Pero, pwede mo pa itong mapa-level up—sundin
lamang ang aming Tortang Hotdog recipe!
Ingredients:
• 1 tbsp margarine
• 2 cloves garlic, minced
• 1 pc small onion, julienned
• 3 pcs or 75g hotdog, sliced
• 1/4 cup water
• 1/2 sachet MAGGI® MAGIC SARAP® 8g
• 4 pcs fresh medium eggs, beaten
Procedure:
2. Igisa ang bawang at sibuyas sa non-stick pan na may margarine.
3. Ilagay ang hotdog at tubig at lutuin hanggang matuyo ang tubig. Timplahan ng MAGGI®
MAGIC SARAP® at ilagay ang itlog.
4. Ibaba ang apoy to medium at dahan-dahang haluin ang mixture hanggang barely set na ang itlog.
Maglagay ng pinggan sa ibabaw ng pan at i-flip ito upang maluto ang kabilang side ng itlog nang
isa pang minuto. Tanggalin sa kawali at hayaan itong mag-rest nang limang minuto. Hatiin to
serving pieces at ilipat sa serving plate.

You might also like