You are on page 1of 3

JESSA MAE B.

GALANIDA
BEED-3B

PERLAS NG SILANGAN ANG BAYAN KO

Sa hardeng linalakbayan
Nang mga musmos sa kapatagan
Tila bukang liwayway ang kagandahan
'Di nakakasawang pagmasdan

Mga banyaga'y nagsilitawan


Tila mga suso sa karagatan
Puno ng pagpupuri sa perlas ng silangan
'Di mawari'y budhing itim ay nasa kalooban

Bukas ang palad sa'ting mga kababayan


Binabati't pinatuloy na may kagalakan
Dahil sa hangarin para sa bayan
Pinaamo mga naglilingkod sa bayan

'Di kalauna'y sinakop ng tuluyan


Ang bayang itinuturing na tahanan
Sa'ting mga ninunong ubod ng kadakilaan
Na ang dating paraiso'y tila naging tambakan
Patayan ang naghahari sa kapaligiran
Binaboy mga babaeng walang kalaban-laban
Mga kalalakiha'y inalipin sa sariling bayan
Tila mga hayop sa kagubatan

Pinilit makawala sa hawla ng kagipitan


At liparin ang himpapawid ng kapayapaan
Pero 'di magawa ang hangaring inaasahan
Baka matamaan ng balang kinakatakutan

Bugso ng hinagpis ay naramdaman


Pagmamalupit ay nasaksihan
Puot at galit ang bumabalot sa puso't isipan
Kayat mga katipunero'y nagsilitawan

Mga bayaning likas ang katapangan


Nagkandarapang sandata'y ginamit sa pakikipaglaban
Dugo't pawis inalay para sa bayan
Makamit lang ang kapayapaang kandungan

Pluma't papel ang ginawang puhunan


Ni Gat. Jose Rizal na puno ng katalinuhan
Nilalait mga banyagang sumasakop sa bayan
Dahil sa bulok na sistema ng pamahalaan

Mataas na prinsipyo'y kanyang ginampanan


Dugong Pilipino'y kanyang ipinaglaban
Winawagayway ang bandera ng kalayaan
Kahit pa buhay nya'y kapalit sa lahat ng kaganapan
Kaya mga kaibiga't kababayan
Laging alalahanin ang ginawa ng mga bayani para sa bayan
Dahil ang kalayaang ngayong ating nakamtan
Ay sila mismo ang may kagagawan

You might also like