You are on page 1of 2

“Ang Mamatay Ng Dahil Sa’yo”

Bayang magiliw, ito ay ipinaglaban

Ng magiting na bayaning puno ng pagmamahal sa bayan

Perlas ng Silanganan, Natamo ang tunay na kayamanan

Kalayaan na inaasam ay ating natagpuan

Lupang hinirang, aming minamahal na bayan

Duyan ka ng magiting, tunay siyang karangalan

Bayaning umukit ng iyong nilalaman

Sa manlulupig, dahas ay hindi niya pamamaraan

Sa dagat at bundok, sa kabila ng digmaan

Pangarap sa bayan, handa siyang lumaban

Gamit ang husay sa pagsusulat at kaalaman

May dilag ang tula, boses niya ay ating pinakinggan


4

Ang kislap ng watawat, ngiting aming nakamtan

Pagningning ng tagumpay ng iyong mamamayan

Ang bituin at araw ay muling masisilayan

Salamat sa bayaning nagbukas ng aming isipan.

Lupa ng araw, siya’y luwalhatian

Buhay ay langit, sa piling mo inang bayan

Aming ligaya kapalit ang kaniyang katawan

Bayaning namatay ng dahil sa iyo, pilipinas

You might also like