You are on page 1of 1

JESSA MAE B.

GALANIDA
BEED-3B

EXTEND: Pagpapalawak ng Kaalaman tungkol sa Paksa

Gawain 1- Panuto: Isulat sa ibaba kung sino ang may akda sa mga sumusunod:
AKDA MAY AKDA
Noche Buena Antonio Luna
Ninay Pedro Paterno
El Folklore Filipino Isabelo delos Reyes
Mga Kahirapan sa Pilipinas Graciano Lopez Jaena
Impressiones Antonio Luna

Gawain 2- Gumawa ng repleksiyon (3 talata) tungkol sa mga dahilan ng pagkagising ng damdaming


Makabayan.

Nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino noong 1872. Naunawaan nila
ang aping kalagayan sa ilalim ng mga Kastila. Lumaganap ang damdaming makabayan dahil sa
pang-aalipin at paniniil ng mga dayuhan, labis na paghamak sa mga Pilipino na tinawag nilang mga
Indiyo, suliranin sa sekularisasyon at pagmamalabis ng mga taong umuugit sa pamahalaan.
Nadagdag pa sa mga ito ang mga sumusunod na pangyayari: ang pagbubukas ng Suez Kanal,
pagpasok ng diwang liberal dahil sa panunungkulan ng liberal na Gobernador Heneral Carlos Ma.
de la Torre, pag-aalsa sa arsenal ng Cavite, ang pagkakabuo ng gitnang uri (middle class) at ang
pagkakagarote sa tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora. Aakalaing tahimik
at takot ang bayan dahil sa pag-iibayo ng lupit ng mga Kastila ngunit ang katotohanan ay nagsimula
na rito ang mga mapanlabang pagpapahayag. Nagtatag ng mga bagong kilusan sa pulitika at naging
mapanuligsa ang panitikan dito sa Pilipinas at maging sa ibayong dagat man. Naging makabayan
ang dating diwang makarelihiyon, na humihingi ng mga pagbabago sa pamamalakad ng mga tauhan
ng pamahaalan at simbahan.

You might also like