You are on page 1of 5

8/27/2021 Pagsasanay para

sa Asignaturang
Sosyedad at
Literatura

Geloso, Jeraldine J.
BAPS-11
Geloso, Jeraldine J.
BAPS-11

1. ANG MABUTING SAMARITANO ( Parabula - Hango sa Bibliya)


Isang lalaki ang naglalakbay pababang Jerusalem at patungong Jeriko. Mula sa kanyang
kinatatayuan ay abot-tanaw pa rin niya ang huling bahay sa Jerusalem. Naabutan siya ng
sikat ng araw at nagpahinga sa ilalim ng punungkahoy at doon na rin niya kinain ang
kanyang pananghalian. Nang siya ay muli niyang isinabit sa kanyang balikat ang sako.
Nanatili pa rin siyang nag-iisa sa kanyang paglalakbay. Mataas pa rin ang araw kaya
naniniwala siya na makakarating siya sa kanyang pupuntahan. Nang walang anu-ano
isang grupo ng kalalakihan ang nakita niya at ginulpi siya at inagaw lahat ang kanyang
mga dala. Iniwan siyang halos wala ng buhay. Isang pari ang napadaan at nilampasan
lamang siya, ganoon din ang ginawa ng isang Liveti. At may isang napadaan na
Samaritano ang naawa sa kanya at tinulungan siya. Binindahan ang kanyang sugat at
pinainom ng alak, pagkatapos painumin ng alak, dinala siya sa isang lugar. Ginamot niya
ang sugat at binalot niya ng kumot at binigyan siya ng gamot para bumaba ang kanyang
lagnat. Nang mabuti na ang kanyang pakiramdam ay nag-utos ang Samaritano sa
nagmamay-ari ng tahanan na kanyang tinutuluyan na tingnan mabuti ang istranghero at
muling nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay.

-Ang akda na itong hango mula sa bibliya na tumutukoy sa kwento ng mabuting


samaritano ay maibibilang sa akdang parabula. Nasasalamin nito ang pangyayari
sa buhay ng isang tao kung saan may aral na mapupulot ang mambabasa sa
espiritwal na aspeto lalo’t kung ito’y nangangailangan ng mga desisyon o
pamimilian. Sa akdang ito, malinaw na ipinapahayag ang aral na ang pag gawa ng
kabutihan ay hindi dapat namimili at hindi umaasa sa anumang kapalit. Ipinakita
rin sa parabulang ito na hindi basehan ng pagiging maka-Diyos ang relihiyon at
anyo. Nasa gawa ang tunay na pananampalataya, at ang pinakamabisang paraan
upang maipahiwatig ito ay sa pamamagitan ng pagmamahal mo sa iyong kapwa.

2. MGA DULANG PANTELEBISYON SA PILIPINAS


2.1 Trahedya
a. “The Healing”- Pelikulang ipinalabas sa telebisyon
b. “Ang Probinsyano”- Telenovela
2.2 Komedya
a. “Kita Kita”- Pelikulang ipinalabas sa telebisyon
b. “Showtime”- Programang semi-iskripted

2.3 Melodrama
a. “Miss Granny”
b. “Ang Huling El Bimbo”

2.4 Parsa
a. “Home Along da Riles”- Sitcom
b. “Moron 5”- Pelikulang ipinalabas sa telebisyon

2.5 Saynete
a. “Sahaya”- Telenovela
b. “Legal Wives”- Telenovela

3. AWIT NG MANLALAKBAYKBAY (Tula)


Ni Dr. Jose Rizal
Kagaya ng dahong nalanta, nalagas,
Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;
Abang manlalakbay ay wala nang liyag,
Layuin, kalulwa't bayang matatawag.

Hinahabul-habol yaong kapalarang


Mailap at hindi masunggab-sunggaban;
Magandang pag-asa'y kung nanlalabo man,
Siya'y patuloy ring patungo kung saan!

Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,


Silanga't Kanlura'y kanyang nililipad,
Mga minamahal ay napapangarap,
Gayon din ang araw ng pamamanatag.
Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,
Siya'y maaaring doon na mamatay,
Limot ng daigdig at sariling bayan,
Kamtan nawa niya ang kapayapaan!

Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,


Ibong naglalakaby sa buong daigdig,
Hindi nila tanto ang laki ng hapis
Na sa kanyang puso ay lumiligalig.

Kung sa mga tanging minahal sa buhay


Siya'y magbalik pa pagdating ng araw,
Makikita niya'y mga guho lamang
At puntod ng kanyang mga kaibigan.

Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,


Sa sariling baya'y wala kang katalik;
Bayaang ang puso ng iba'y umawit,
Lumaboy kang muli sa buong daigdig.

Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?


Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na;
Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,
Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa.

-Ang Awit ng Manlalakbay na isinulat ni Dr. Jose Rizal ay isang tula na tumutukoy sa
damdamin ng isang manlalakbay mula sa pagkawalay niya sa kanyang pamilya at
kinalakhang bayan hanggang sa mga hirap at pasakit na dinaranas niya sa lupang
banyaga, lahat ng ito upang maabot ang kanyang mga pangarap. Inilalahad din dito ang
kanyang mga takot at pangamba kung sakaling pumanaw na nasa malayong lupain at
malimot ng bayang sinisinta. Ito ay isang tulang liriko na nagpapahayag ng damdamin ng
may-akda at ito rin ay sumasalamin sa kanyang mga saloobin at dinaranas sa kanyang
mga paglalakbay.
Sanggunian

philnews.ph. (n.d.). Retrieved from Philnews: https://philnews.ph/2019/09/04/ano-ang-


dulang-pantelebisyon-ang-kahulugan-at-mga-palabas/
www.kapitbisig.com. (n.d.). Retrieved from kapitbisig.com:
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-parables-mga-
parabula-mga-mabuting-samaritano-parabula-parable_1051.html
www.seasite.niu.edu. (n.d.). Retrieved from seasite.niu.edu:
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/Other_Language_Activities_(Intermediate_Re
adings)/Jose%20Rizal%20Readings/awit_ng_manlalakbaykagaya_ng_dah.htm

You might also like