You are on page 1of 31

MGA ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG

IDEYA SA PAGSULAT NG BALITA AT


KOMENTARYO; IMPORMAL NA
KOMUNIKASYON
Balita ay isa sa pangunahing pangangailangan ng ating mga
kababayan.Kung wala ito hindi natin malalaman ang mga
pangyayaring nagaganap sa ating bayan o paligid, mapa-
lokal man o mapa-internasyonal. Maaring makakuha tayo ng
samu’t saring impormasyon mula sa napanood natin sa
telebisyon, napakinggan sa radyo, nabasa mula sa
pahayagan, mapa-social media man at iba pa.
Ang balita ay isang ulat na maaaring
pasulat o pasalita ng mga bagay na
naganap na, nagaganap o magaganap pa
lamang.
Ito rin ay anumang pangyayaring hindi karaniwan,
isang ulat na makapagbibigay impormasyon at
mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig at
nanonood.
May mga uri ng balita. Tingnan ang mga sumusunod:

1. Balitang Panlokal – Tumatalakay sa mga mahahalagang


pangyayaring nagaganap lamang sa isang tiyak na bahagi
ng bansa (munisipyo, lungsod, lalawigan).

2. Balitang Pambansa – Tumatalakay sa mga


mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa.
3. Balitang Pandaigdig – Tumatalakay sa mahahalaga
pangyayaring nagaganap sa buong daigdig.

4. Balitang Pampolitikal – Tumatalakay sa mga


pangyayaring may kinalaman sa pulitika.
5. Balitang Pampalakasan – Tumatalakay sa mga
pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at
kompetisyong pampalakasan.

6. Balitang Pang-edukasyon – Tumatalakay sa mga


pangyayaring may kinalaman sa edukasyon.
7. Balitang Pantahanan – Tumatalakay sa mga
mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa
pamamahala ng tahanan.

8. Balitang Pangkabuhayan – Tumatalakay sa mga


mahalagang pangyayaring may kinalaman sa negosyo at
takbo ng kabuhayan ng bansa.
9. Balitang Panlibangan - Tumatalakay sa mga
mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa larangan ng
telebisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.

10. Balitang buhat sa talumpati – ito’y buhat sa


pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan, seminar,
panayam o pulong.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan o estratehiya upang maging
maayos at puno ng impormasyon ang mga susulatin na mga balita at
komentaryo.

1. Pagbabasa at Pananaliksik - Magagawa ito sa pamamagitan ng


pagkonsulta sa mga libro at iba pang mga materyales.

2. Obserbasyon - Magagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga


bagay-bagay, tao o pangkat, pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng
paksa.
3. Pakikipanayam o Interbyu - Magagawa ito sa
pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga taong malaki ang
karanasan at awtoridad sa paksang hinahanapan ng
impormasyon.

4. Pagtatanong o Questioning - Magagawa ito sa


pamamagitan ng paglalatag ng mga katanungang nais
masagot hinggil sa paksa.
5. Pagsulat ng Dyornal - Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga mahalagang pangyayari upang hindi
makalimutan.

6. Brainstorming - Magagawa ito sa pamamagitan ng


pangangalap ng opinyon at katuwiran ng ibang tao.
7. Pagsasarbey - Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagpapasagot ng isang kwestyoneyr sa isang grupo ng mga
respondente.

8. Imersiyon - Magagawa ito sa pamamagitan ng sadyang


paglalagay sa sarili sa isang karanasan o pakikisalamuha sa
isang grupo ng tao.

9. Pag-eeksperimento - Magagawa ito sa pamamagitan ng


pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda.
Narito ang isang halimbawa ng balita. Basahin at unawain ito.
Sushmita Sen at Lara Dutta, proud sa bagong Miss
Universe mula sa India na si Harnaaz Sandhu
Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang antas ng di-pormal na
wika:

1. Lalawiganin - Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Madalas


ginagamit ang mga ito sa partikular na pook o lalawigan lamang,
maliban kung ang mga tao na gumagamit nito ay magkikita-kita
sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala
rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng
marami na punto.
Halimbawa:
* bana (asawang lalaki)
* manang (tawag sa nakakatandang kapatid na babae)
* kuwarta (pera)
2. Kolokyal - Ito’y mga pang-araw- araw na salita na
ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring may
kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit
maaari rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang
nagsasalita nito.
Halimbawa:
* ywan ko - ewan ko
* mayroon - meron
* wala -ala
* wika mo -kamo
* kaniyang-kanyang
3. Balbal - Tinatawag ito sa Ingles na slang. Sa lahat ng
antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari
kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na
bukas. Dahil sa napakasalimuot na prosesong
pinagdadaanan ng salitang ito, nagiging mahirap na
ugatin ang pinanggalingan nito.
Halimbawa:
* erpat-tatay
* bagets- maporma
* jokla-bakla
* lodi-idol
* pagyoyose-paninigarilyo
* yorme-mayor
KOMENTARYO
Ang komentaryo ay ang malayang pagpapahayag ng mga
salita salig sa isang usapin o isyu na maaaring mainit na
tinatalalakay sa publiko o maging sa mga isyung matagal
nang umiiral. Ang isang komentaryo ay maaaring masusing
komentaryo o mapanira. Kadalasang naisasagawa ang
komentaryo sa telebisyon, sa radyo, pahayagan, at sa mga
social media.
Narito ang kaibahan ng Katotohanan (facts)
sa Hinuha (inferences), Opinyon (opinion)
at Personal na Interpretasyon ng Kausap:
Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng
ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat.
Sa pagpapahayag ng katotohanan maaaring gumamit ng
mga sumusunod na pananda: batay sa resulta, ayon
sa/kay, tinutukoy na/sa, mababasa sa, pinatutunayan ni.
Hal: Ayon kay Lt. Col. Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui
Police, sinita umano ni Police Senior Master Sgt. Jonel
Nuezca ang mga biktimang kapitbahay nito na sina Frank
Anthony Gregorio at Sonia Gregorio sa pagpapaputok ng
boga at ito ang naging dahilan ng pamamaril ng pulis sa
mag-inang Gregorio.
Ang opinyon ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na
maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Maaring
gumamit ng mga sumusunod na pananda: sa pakiwari ko,
kung ako ang tatanungin, para sa akin, sinabi, sang-ayon,
sa ganang akin, daw, raw, sa palagay ko, at nakita ko.
Hal: Sa palagay ko hindi nakapagpapagaling ang
bakuna para sa Covid 19.
Ang hinuha ay tinatawag na guess, o inference sa wikang
Ingles. Sinasabing mga hula lamang o palagay ng isang tao.
Ito ay mga pangyayaring walang katiyakan kung magiging
totoo man o hindi. Maaaring gumagamit ng mga sumusunod
na pahayag: tila, wari, baka, marahil, siguro.
Hal: Marahil magkakaroon ng digmaan sa
taong 2022 dahil sa kahirapang
nararanasan ng mga tao dulot ng COVID-
19.
Ang personal na interpretasyon ay ang
pagpapaliwanag ng isang konsepto o impormasyong
batay sa sariling pagkakaunawa.
Gumagamit ito ng mga sumusunod na pananda: para sa
akin, sa aking pagkakaunawa atbp.
Hal. Sa aking pagkakaunawa ang kulay na
itim ay nangangahulugang pagiging
elegante.

You might also like