You are on page 1of 5

Balita- Sa wikang Inglis “NEWS” tumutukoy sa acronym na kumakatawan sa mga direksyong North, East,

West, at South. Dahilan ng mga manunulat na nangangalapng mga balita mula sa lahat ng nabanggit na
direksyon. Ang balita ay impormasyon tungkol sa mga kasalukuyang kaganapan. Ito ay maaaring ibigay
sa pamamagitan ng maraming iba't ibang media: word of mouth, printing, postal system, broadcasting,
electronic communication, o sa pamamagitan ng testimonya ng mga nagmamasid at saksi sa mga
kaganapan. Ang balita kung minsan ay tinatawag na "hard news" upang maiiba ito sa soft media.

Ang balita ay naglalaman ng ulat tungkol sa isang pangyayari. Ito ay napapanahon at nagbibigay
impormasyon sa mga tao. Ang pinakamahalagang impormasyon ay makikita sa unahang bahagi. Ang
mga detalye ay nasa gitna at dulong bahagi. Maaari itong naganap na, nagaganap o gaganapin pa
lamang. Ang balita ay may dalawang pormat - pasulat at pasalita. Pasulat kung ito ay makikita sa mga
pahayagan. Pasalita naman kung ito ay naririnig natin sa balita sa tv, radyo o sa ibang tao. Ang
kasaysayan ng pamamahayag ay sumasaklaw sa paglago ng teknolohiya at kalakalan, na minarkahan ng
pagdating ng mga espesyal na pamamaraan para sa pangangalap at pagpapalaganap ng impormasyon sa
isang regular na batayan na naging sanhi, gaya ng inaakala ng isang kasaysayan ng pamamahayag, ang
patuloy na pagtaas ng "saklaw ng mga balitang makukuha sa sa amin at ang bilis ng paghahatid nito.
Bago naimbento ang palimbagan, salita sa bibig ang pangunahing pinagmumulan ng balita. Ang mga
bumabalik na mangangalakal, mandaragat, at manlalakbay ay nagdala ng balita pabalik sa mainland, at
ito ay kinuha ng mga pedlar at naglalakbay mga manlalaro at kumalat sa bawat bayan. Madalas na
isinulat ng mga sinaunang eskriba ang impormasyong ito. Ang paghahatid ng balitang ito ay lubos na
hindi mapagkakatiwalaan at tuluyang namatay sa pagka-imbento ng palimbagan. Ang mga pahayagan
(at sa mas maliit na lawak, mga magasin) ay palaging pangunahing midyum ng mga mamamahayag mula
noong ika-18 siglo, radyo at telebisyon noong ika-20 siglo, at sa Internet noong ika-21 siglo.

Mga Katangian ng Balita

• Kawastuhan-Ang mga datos ay inilahad nang walang,labis walang kulang.

• Katimbangan-Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig na sangkot.

• Makatarungan-

• Makatotohanan-Ang mga impormayson ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.

• Kaiklian-Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan,hindi maligoy.

• Napapanahon-

Susunod ay ang mga hakbang sa pagsulat ng isang balita.

• Ilista ang nakalap na mga datos.

• Isaayos ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.

• Gawing mabisa at kawili-wili ang pamatnubay.

• Ilahad ang iba pang mga detalye ng balita sa mga sumusunod na


talata upang masagot ang iba pang mga tanong.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang balita

• Isulat agad ang balita pagkalikom ng mga tala.

• Itampok ang pinakamahalaga.

• Maging tumpak sa petsa.

• Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na Ano, Sino,Saan, Kailan, Bakit at Paano sa
isang pangungusap lamang kung ito ay makasisira sa kaisipan ng talata at makalilito sa mga mambabasa.

• Iwasan ang paliguy-ligoy na pagtatampok.

• Banggitin ang pangalan o pinagmulan ng mga balita kung kinakailangan.

• Isulat ang buong pangalan ng tao sa unang banggit.

• Sumulat ng mga talataang iisahing pangungusap.

• Iwasan ang pagsusunud-sunod ng mga talatang napakaikli.

• Gawing maikli at payak ang mga pangungusap.

• Paghiwalayin ang talataan ng tahasan at di-tahasang-sabi.

• Ang haba ng balita ang nagpapasiya sa kawilihan ng mambabasa.

• Kailangang ipakilala ang mga taong nabanggit.

• Gumamit ng panuntunan ng paaralan.

Kaayusan ng Balita

• Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos sa balita ay sumusunod sa baligtad na piramide.

Pangunahin Pamatnubay

Pangalawang Pamatnubay

Kasunod na Mahahalagang Datos

Di- gaanong Mahahalagang Datos

Mga katangian ng isang manunulat ng balita

Matalas ang pang amoy sa balita-

Mapagtanong

Matiyaga
Makatarungan at walang kinikilingan

Totoong interesado sa tao

Laging mapaghanap ng buong katotohanan

Mapamaraan

Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at gramatika

Alamg ang sariling kalakasan

At mapagbasa

Narito naman ang mga uri ng balita

Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos

Tuwirang balita-Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng kombenkombensyonal o


kabuurang pamatnubay.

Pabalitang Lathalain- Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng makabagong


pamatnubay.

Ayon sa lugar na pinangyarihan

Lokal ng balita- Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangan o titirhan ng


tagapakinig o mambabasa.

Balitang pang ibang bansa-

Ayon sa nilalaman

Pang-agham at teknolohiya

Pangkaunlarang komunikayson

Pang isports o pampalakasan

Ayon ito sa pinagbabatayan o pinagkukunan

3. Batay sa aksyon- Ang manunulat o mambabalita ay mayroon mismong lugar na pinangyarihan ng


aksyon o pangyayari

4.Batay sa tala- Kung ang pinagbabatayan ng balita ay may talang nakalap mula sa talaan ng pulisya,
ospital at iba pang ahensya.

4.Batay sa Talumpati- Kung ang pinagkukunan ng datos ay ang talumpati ng mga kilalang tao.
5. Batay sa pakikipanayam-kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga
taong sangkot o may alam sa pangyayayri.

Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina

1.Balitang may iisang tala- Tumatalakay sa iisang pangyayari lamang.

2.May maraming talang itinampok- Naglalahad ng higit sa isang pangyayari na naganap sa iisang araw at
halos magkaparehong oras.

3.Balitang kimpil-Balitang pinaikli nalamng dahil sa kawalang ng espasyo.

4.Dagliang balita-Pahabol na balita na dahil kawalang ng espasyo ay nilagyan na lamang ng salitang flash
at kasunod nito ang isang linya o talatang nilalaman.

5.Balitang pangkatnig- Maikling balita na isinulat ng hiwalay ngunit kaagapay sa kaugnay na


pangunahing balita.

6.Bulitin- Habol at karagdagan sa mahalagang balita at inilagay sa pangmukhang pahina na nakakahon at


nasa tipong mariin.

Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman

1.Balitang pamukaw-kawilihan-Karaniwang maiikling balita tungkol sa tao,bagay,hayop na umaantig sa


damdamin ng mambabasa.

2.Balitang nagpapakahulugan- Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol sa


dahialan,saligan,katauhan,katauhang mga pangunahing sangkot at kahalagahan ng isang pangyayari

Ano ang talumpati?- Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang
uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.

Pagsulat ng balitang talumpati

•Mahalagang makakuha ng datos ang isang nagbabalita sa mismong tao na nagtalumpati. Maaring
makakuha ng kopya o tape recorder o ula sa naisulat ang mahahalagang bahagi ng kanyang talumpati.

• Kailangang makuha ang tumpak na tahasang sabi ng manunulumpati o maisulat na hindi malayo sa
aktuwal na sinabi kung gagamit ng ditahasang sabi

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng balitang talumapati

Isa alang alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya aya sa mga tagapakinig.

Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumapati

Iayon ang mga salita,tayutay,kasabihan,o salawikaing gagamitin sa pagpapahayag ng mga ideya sa


talumpati.
Pagsulat ng Balitang Survey

• Ginagawa ng manunulat batay sa napapanahong isyu kung saan

nangangalap siya ng mga kasagutan mula sa mga respondiyente.

• Maaring isagawa sapamamagitan ng talatanungan o direktang

panayam

HAKBANG SA PAGSASAKATUPARAN NG SURVEY

PAGTATAKDA NG LAYUNIN SA PAGSASAGAWA NG SURVEY

•Sa ikalawang talata, ibigay ang kasagutan sa Ano, Sino, Saan at Kailan

• Isulat ang tahasang sabi at di-tahasang sabi ng salitan sa mga kasunod

na talata

• Ibalanse ang balita sa pamamagitan ng paglalahad ng magkasalungat

na mga sagot ng mga ginawan ng survey

PAGGAWA NG DISENYO NG PANANALIKSIK

PAGHAHANDA NG MAAASAHAN AT BALIDONG INSTRUMENTO SA PAGSASAGAWA NG SURVEY

PAGSASAGAWA NG AKTUWAL NA SURVEY

PAGTATALA

PAG-AANALISA

PAGBABALITA O PAGPAPAHAYAG NG DATOS MULASA SURVEY

You might also like