You are on page 1of 1

Pagsulat ng Balita

Katuturan ng Balita

Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap


na, nagaganap at magaganap pa lamang. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng
paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido
o sa maramihang mambabasa at nakikinig.

Ito ay maaaring maibahagi pamamaraang pasalita, pasulat, at pampaningin.


 Pasalita- kung ang ginawang midyum ay ang radio at telebisyon;
 Pasulat- kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin; at
 Pampaningin- kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.

Mga Katangian ng Balita


 Kawastuhan- ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.
 Katimbangan- inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig na
sangkot.
 Makatotohanan- ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa
lamang.
 Kaiklian- ang mag datos ay inilahad nang direstsahan, hindi maligoy.
 Kalinawan
 Kaayusan
Mga Tuntunin sa pagsulat ng Balita
1. Gumamit ng mga pandiwang tahasan.
2. Maglagay ng sariwang impormasyon sa bawat ulo.
3. Gumamit ng kuwit sa halip ng at.
4. Gumamit ng mga pandiwang panghinaharap sa mga pangyayaring magaganap.
5. Gumamit ng isahang panipi sa halip na dalawang panipi.
6. Gumamit ng maikli ngunit positibong salita sa ulo ng balita.
7. Gumamit ng mga pangyayaring nakaraan na.

You might also like