You are on page 1of 8

YUNIT 4: PAGSULAT NG BALITA

Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap


na, nagaganap at magaganap pa lamang.
Ito ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap na, nagaganap o
magaganap pa.

Katuturan ng Balita

Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na,


nagaganap at magaganap pa lamang.

Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin.

 Pasalita. Kung ang ginagawang midyum ay ang radio at telebisyon.

 Pasulat. Kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin.

 Pampaningin. Kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.

Mga Katangian ng Balita

 Kawastuhan. Ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.

 Katimbangan. Inilahad ang mga datos ng bawat panig ng isang kontrbersyal na isyuna
timbang at walang pinapanigan.

 Makatarungan. Katotohanan lamang ang inilalahad at walang bahid ng pagkiling sa


alinmang panig na sangkot.

 Makatotohanan. Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa


lamang.

 Kaiklian. Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.

 Napapanahon. Ang pangyayari ay bago pa lamang naganap.


Mga Uri ng Balita
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

1. Isulat ang buod

2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan (decreasing


importance).
3. Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay. Unahin ang pinakatampok.

4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunud-sunod na pangyayari batay sa pababang


kahalagahan.

Mga Mungkahing Paraan sa Pagsulat ng Balita

1. Isulat kaagad ang balita pagkataposmakalap.


2. Bigyang-diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari.
3. Maging tumpak.
4. Iwasan ang magbigay ng opinyon (No editorializing). Ang mga opinyon
Ay nararapat lamang sa mga tanging kolum,pangulong tudling, artikulong may pangalan
b. (by-line) ng sumulat at sa balitang isport o pampalakasan.
5. Banggitin ang awtoridad o pinagmulan (source or attribution) ng balitalalo na kung: 1)
nangingibabaw ang opinyon kaysa sa tunay na pangyayari, 2)ang balita ay
kontrobersyal at 3) ang balitaay nagpapatalastas ng bagong regulasyon.
6. Ibigay ang buong pangalan ng tao sa unang pagbanggit. Pagkatapos gamitin
nalamang ang G. sa apelyido ng lalaki; Bb. o Gng. sa babae o ano mang tanging titulo sa
sumusunod pang pagbanggit.
7. Ilahad ang pangyayari nang walang kinikilingan.
8. Ipakilala ang pangalang binanggit.
9. Iwasan ang paggamit ng kulay sa paggamit ng salita o pariralang maaring makapinsala sa
paniniwala at asal ng mambabasa o ng ibinabalita.
10. Simulan ang bawat talata sa mahalaga at kawili-wiling pangyayari.
11.Sumulat ng maikling pangungusap. Pag-iba-ibahin din ang haba, ngunit
Kailangang payak at maliwanag.
12.Ilagay ang tuwitan o di-tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.
13.Iwasan ang pampahaba o pampakapal lamang na mga pangungusap at talata
Na pumupuno lamang ng ispasyo (avoid padding).
14.Gumamit ng payak at tiyak na salita. Ang mga pang-uri at pang-abay ay dapat magbigay-
daan sa mag pandiwa at pangngalan. Iwasan ang mga di- karaniwang salita.
15. Sumulat ng mabisang pamatnubay. Huwag ilagay lahat ng 5 W’s sa
simula ng pangungusap kung makakagulo sa diwa ng mahusay na pagbasa.
16. Gamitin ang tinig na tukuyan (active voice) kaysa sa baliktiyak (passive voice), maliban
kung ang layon ay higit na mahalaga kaysa gumaganap.
17. Sundin ang estilong pamahayagan (style sheet)

Batayang ayos o Kayarian ng Balita (Basic Structure) – Karaniwang Balita

1. Pababang Kahalagahan (Decreasing Importance)


Piksyon: Salaysay, Kuwento
2. Padiing Kahalagahan (Increasing Importance)

3. Batas sa Talang Nakalap (FACT STORY)

. 4. Balitang Sinipi (QUOTE OR SPEECH STORY)


5. Batay sa Kilos ( Action story)

6. Balitang Lathalain (News Feature)


TANDAAN NATIN

Ang balita nakapagdaragdag sa atin ng karunungan at kaalaman tungkol sa ating


kapaligiran, nakapagpapalawak ng talasalitaan, nakapaghahatid ng lagay ng panahon,
nakapagdulot ng kasanayang makipag-ugnayan at nakapagpapa-isip sa atin.

You might also like