You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL

 Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo
tungkol sa makabuluhan at napapanahong isyu.

 naglalahad ng paninindigan hinggil sa isang problema o isyu. (pagbibigay suporta)

 Upang mabigyan ng katarungan o opinyon at mabigyan ng pagkakataong maipakita ang opinyon ng iba.

 ipinakikita rito ang mga argumento ng kabilang panig at iniisa-isang binabaklas ng posisyong papel ang
mga argumentong ito nang may batayan. Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensya para
suportahan ang paninindigan.

 ipinapaliwanag ng posisyong papel kung bakit mali ang kabilang panig at kung ano ang magiging ganansiya
o pakinabang sa pagpanig sa posisyon ng sumulat ng posisyon papel.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PARA SA MABISANG PANGNGATWIRAN

1. ALAMIN AT UNAWAIN ANG PAKSANG IPAGMAMATUWID

alamin muna kung ano ang paksang ipagmamatuwid mo upang mas lalo mong mapanindigan ito. huwag bastang
sugud ng susugod. lagi mong tatandaan alamin at unawain.

2. Dapat maging tiyak at maayos ang pagmamatuwid

huwag maging paligoy-ligoy . hindi naman kailangan ng posisyong papel ang mabulaklak na pananalita. (nakaka
enganyong salita na minsan hindi na kapani-paniwala)
lagi mong tatandaan na mas gusto ng mambabasa ang direkta

3. Dapat ay may sapat na katwiran at katibayan makapagpapatunay

kailangang magkaroon ka ng katibayan. hindi bat sa korye, kung wala kang ebidensita sa iyong sinasabi, ay hindi ka
nila paniniwalaan? Ganon din sa posisyong papel. Dapat may sapat kang patunay upang mas lalo itong maging
kapani-paniwala.

4. DAPAT MAY KAUGNAYAN SA PAKSA ANG KATIBAYANG GAGAMITIN

huwag magbigay ng katibayan na wala namang kaugnayan sa aksa. Hindi ito makadaradag ng kaayusan sa akda.
Bagkus, makakagulo pa. nakakita ka na ba ng nagprito ng isda na ginagamit any suka? iBIG SABIHIN HUWAG
MAGLALAGAY NG HINDI ANGKOP SA SULATING GINAWA.

5. PAIRALIN ANG PAGSASAALANG-ALANG SA KATARUNGAN AT BUKAS NA KAISIPAN .

Lagi mong tatandaan na bagamat may pinatutunayan ka sa posisyong papel ay dapat lagi pa ring bukas sa mga
kaisipan na maipapahayag. bawat isa sa atin ay may kanya-kanya pa ring opinyon. pairalin natin ang katarungan.

6. TIYAKING MAPAGKAKATIWALAAN ANG ILALAHAD NA KATUWIRAN

Piliin ang mapagkakatiwalaang katuwiran.


ayaw ng mambabasa na mula lamang sa kung saan-saan ang mga pinupulot na rason sa posisiyong papel
(hindi yong narinig lamang sa bibig ng mga tsismosa)

MGA HAKBANG SA PAGSULAT:

1. PUMILI NG PAKSANG MALAPIT SA INYONG PUSO

-upang mas maging MAKATOTOHANAN ANG PAGLALAHAD MO G MGA KAISIPAN DAHIL interesado ka sa napili
mong paksa.

2. MAGSIMULANG MAGSALIKSIK
- layunin nito upang malaman kung may sapat ka bang mapagkukuhanan ng ebidensiya sa iyong posiyon.

3. BUMUO NGA PAHAYAG NA TESIS O THESIS STATEMENT

- ito ay mga pahayag na pinakasentral na kaisipan ng posiyon. Sa pamamagitan nito, madaling mauunawaan agad
ng mga mambabasa kung ano ang mga pinapanigan ng may-akda sa kanyang posiyon.

4. SUBUKIN ANG KATIBAYAN NG PAHAYAG NA TESIS.

- Tignan mo kung ano ang mga posibleng maging katanugan sa kabuoan nito upang mapaghandaan ang mga
posiblenf pambati sa iyo ng kabilang panig.

5. MAGPATULOY SA PANGANGALAP NG EBIDENSIYA.

- kapa nasubok mo na ang katatagan ng iyong panig palalimin mo na ang iyong pananaliksik. Magsagawa ng ng
masusing pangngaap ng datos. Dapat tumoak, mapagkakatiwalaan, napapanahon at nagmula sa mga mmasusing
pag-aaral. Iwasan mo ang mga datos na mula lamang sa opinyon. piliin mo ang mga datos na may katunayan.

HALAGA NG POSISYONG PAPEL

1. Mahalaga ang ito sapagkat sa ating lipunan , may mga problema o isyung dapat na tugunan ng marami.

- naidedetalye ang halaga ng isang posisyon upang makapagpasiya ang mga wala pang alam o matibay na kaalaman
ukol sa isyu lalo na at apektado ang marami sa isyung ito.

2. Nabibigyang-halaga rin ng posisyong papel ang pagtindig o pagpapasiya.

- nagkakaroon ng linaw ang mga malabong usaping panlipunan. Nakaklaro nito ang masalimuot na usapin na hindi
basta nasasagot ng walang mga pananaliksik at pagbibigay ng batayan.

HABA NG POSISYONG PAPEL

karaniwang 500-700 salita

BAKIT MAS MABUTING MAIKLI LAMANG ANG POSISYONG PAPEL?


Upang agad na malaman ng mambabasa ang ma punto rito.

MAAARI BANG LUMAMPAS SA 700 ANG POSISYONG PAPEL?

*walang problema kung hihigit ito sa nabanggit na bilang ng salita.

You might also like