You are on page 1of 39

A NG P O S I SYO N G PA P E L

Alam mo ba kung paano ka


manindigan?

Mahalaga ba saiyo ang


paninindigan?
Ayon kay Jacson et al. (2015) sa kanilang aklat na pagbasa
at pagsulat tungo sa pananaliksik ang pangangatwiran ay
tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring
maiugnay sa sumusunod na paliwanag.

Sinasabing ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang


makabuo ng isang patunay na tinatanggap/pinapaniwalaan ng
nakararami.
Ito ay isang uri ng pahlalahad na nagtatakwil sa kamalian upang
maipahayag ang katotohanan, ito ay isang paraang ginagamit upang
mabigyang katarungan ang mga opinion at mapahayag ang mga ito sa
iba.
• Ang posisyon papel ay isang dokumento kung saan ikaw
ay nagpapahayag ng iyong pananaw, perspektibo , o opinion
sa isang paksa o isyu. Kung saan gumagamit ka ng ibat ibang
ebidensiya at argumentong magpapatotoo sa iyong opinyong at
makapagkumbinsi sa mambabasang pumanig at umayon o
sumang ayon saiyo.
• Ang posisyong papel ay parang debate kung saan
kailangan mo muna alamin ang lahat ng impormasyon tungkol
sa isang isyu bago ka makapagdesisyon kung saan ka
papanig.
• Maaari ring maihalintulad ang posisyong papel sa isang
editorial ng diaryo o sa isang persweysib o argumentatib essay
sa iyong English class.
Mahalagang konsepto sa pagbuo ng posiyong papel
Dalawang mahalagang salita na gagamitin sa araling ito.

• 1. KATUWIRAN- maaaring galing sa saltang


“tuwid” na magpapahiwatig ng pagiging tama,
may direksyon o layon (objective,purpose).
• 2. PANININDIGAN- maaaring galing sa salitang
“tindig” na nagpapahiwatig naman ng pagtayo,
pagtanggol, paglaban, at maaari ding pagiging
tama.
HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

1. PUMILI NG PAKSANG MALAPIT SA IYONG PUSO .


Bakit? Dahil mas siguradong mas gaganahan kang magsaliksik ng mga impormasyon at
ebidensiya na makatutulong saiyong pagsusulat kung pamilyar at interesado ka sa
paksa , kung mahilig ka sa buhay artista. O mga kdrama malamang alam na alam mo na
kung ano ang mga larawan nila kardo dalisay at Julia di masalang ang kailangan mong
hanapan sa Instagram ,Facebook para pagtibayin ang iyong posisyon para ipagtanggol
flora.
2. MAGSAGAWA NG PANIMULANG PANANALIKSIK.
Bakit? Dahil kailangan mong malaman kung marami ka bang mapagkukuhanan ng mga
mapagkakatiwalaang impormasyon gaya ng mga libro , diyaryo , website o kung ano ano
pa.
3. BUMUO NG THESIS STATEMENT O PAHAYAG NG TESIS.
bakit? Dahil ang pahayag ng tesis ang magsisilbing pundasyon sa
gagwin mong posisyong papel dito naka angkla at dito iikot ang lahat ng
ebidensiya at argumentong ilalahad mo sa iyong posisyong papel.
4. SUBUKIN ANG KATIBAYAN ANG KALAKASAN NG INYONG
POSISYON.
Bakit? dahil tulad ng isang abogado sa isang paglilitis dapat alam mo
kung may pag-asa kang manalo saiyong kaso , gaano kataas ang
kompyansa mo na matibay ang lahat ng iyong ebidensyia dapat alam
mo rin kung ano ang kahinaan ng iyong posisyong upang
mapaghandaan mo ang ito.
5.MAGPATULOY SA PANGAGALAP NG EBIDENSIYA.
bakit ? Dahil kailangan mag ipon ng mga dato o impormasyon na
magpapatibay sa iyong posisyon at magpapanalo sa iyong debate o
argumento . Gumamit ng ibat ibang sanggunian kagaya ng libro,
diyaryo, research paper at iba pa.maaari karing gumamit ng statistika
o numero.maaring magtanong sa mga eksperto o di kayay mga
ordinaryong tao na may kaalaman sa isyu.
6.BUOIN ANG BALANGKAS NG POSISYONG PAPEL.
bakit? Dahil mas mapabibilis ang pagsusulat ng posiyong papel
kung nakalatag na ang lahat ng dapat mong isulat at ipaglaban.
7. SULATIN ANG PINAL NA POSISYONG PAPEL
Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisulat ang posisyong papel.
Kailangang buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran. Kailangan
maiparamdam at maipahiwatig sa mambabasa na kapani-paniwala ang mga
sinasabi sa posisyong papel. Ipakita ang kaalaman at awtoridad sa usapin.
Patunayan na ang sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat.

8. IBAHAGI ANG POSISYONG PAPEL


Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko.
Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa komonidad, ipaskil sa mga lugar na
mababasa ng mga tao, ipalathala sa pahayagan, magpaabot ng kopya sa mga estasyon
ng telebisyon, radio, at iba pang daluyan. Maari ding gamitin ang social media upang
maaabot ang mas maraming mambabasa.
• sa AKADEMYA- nagbibigay daan ang mga posisyong papel
sa akademya upang talakayin ang mga umusbong na paksa
nang wala eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na
karaniwan makikita sa isang akademikong pagsulat.
Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang posisyong
iniharap gamit ang ebidensiya mula sa malawak at obhetibong
talakayan ng naturang paksa.
GAMIT NG POSISYONG PAPEL
• sa POLITIKA- sa pamahalaan ang posisyong papel ay nasa pagitan
ng white paper at green paper kung saan kinakatigan(sumang-
ayon ,paboran,pumanig ) sa ang mga tiyak na opinion at
namumungkahi ang mga solusyon ngunit hindi umaabot sa
pagdedetalye ng plano ng kung paano ipatupad ito.
• sa BATAS- sa pandaigdigang batas ang terminolohiyang ginagamit
para sa isang posisyong papel ay aide-memoire-ito ay isang
memorandum na naglalahad ng mga maliliit na punto ng isang
iminumungkahing talakayan o di-pinagsasangayunan na ginagamit
lalo na sa nga di-dimplomatikong komunikasyon.
MGA KAILANGAN SA PAGBUO NG
POSISYONG PAPEL

Gumagamit ng katibayan upang suportahan ang


iyong posisyon tulad ng ebidensiyang istatistikal,
petsa at mga kaganapan.
Patunayan ang iyong posisyon sa tulong ng
kapanipaniwalang sanggunian o pangunahing
pinagkuhanan ng sipi.
LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL

 mahikayat ang madla na ang pinapaniwalaan ay


katanggap-tanggap at may katotohanan.

Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong


pinaglalaban gamit ang mga ebidensiyang magpapatotoo
sa posisyong pinaniniwalaan o pinaninindigan.
KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL
 Naglalarawan ng posisyon sa isang particular na isyu at
ipinapaliwanag ang basehan sa likod nito.
Nakabatay sa Fact( estadistika, petsa, mga pangyayri) na
nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga inilatag na
argumento.
Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang
kabilang panig.
Gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may
awtoridad.
Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng
sariling posisyon maging sa kabilang panig.
Pinaglilimian(pinag-isipang mabuti, sinuri) ng manunulat ang
lahat ng maaaring solusyon at nagmumungkahi ng mga
maaaring gawin upang matamo ang layunin.
Gumagamit ng akademikong lengguwahe.
 Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang pahina
lamang, upang mas madali itong mabasa at maintindihan ng mga
mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng
posisyong papel.
Isang Halimbawa ng
Posisyong Papel
(Maaaring gawing
padron(pattern) sa
pagbubuo ng sariling
posisyong papel

You might also like