You are on page 1of 27

Isa sa mga kasanayang dapat mahubog sa

kabataan ay ang kakayahang manindigan sa


isang desisyong ginawa o pinanghahawakang
katotohanan o prinsipyo. Maisasagawa ito
kung may kakayahang mangatwiran sa
desisiyon o panig na napili sa pamamagitan
ng paglalatag ng matibay na ebidensya o
katibayan.
Ayon kay Jocson, et al., sa kanilang
aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik (2005), ang
pangangatwiran ay tinatawag ding
pakikipagtalo o argumentasyon na
maaaring maiugnay.
Pangangatwiran
 Isang sining ng paglalahad ng mga dahilan
upang makabuo ng isang patunay na
tinatanggap ng nakararami.

 Isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa


kamalian upang maipahayag ang
katotohanan.

 Isang paraan upang mabigyang-katarungan


ang mga opinyon at maipahayag ang mga
opinyong ito sa iba.
Mga Dapat Isaalang alang sa
Pangangatwiran

1. Alamin at unawain ang paksa


2. Maliwanag at Tiyak
3. May katwiran at katibayan
4. May kaugnayan sa paksa
5. Pagsasaalang-alang , katarungan, at bukas
na kaisipan
6. Mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad
Posisyong Papel

1.Kagaya ng isang debate

2.Mahikayat ang madla na ang


pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may
katotohanan.

3.Naglalayong maipakita ang katotohanan at


katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan
ay napapanahon.
Ayon naman kay Grace Fleming,
sumulat ng artikulong “How to Write
an Argumentative Essay. Ang
posisyong papel ay ang pagsuporta sa
kaso o usapin para sa iyong pananaw o
posisyon.
Sa madaling salita kapag nailatag na ang kaso
mahalagang mapatunayang totoo at
katanggap-tanggap ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga ebidensiyang
kinapapalooban ng katotohanan, opinyon ng
mga taong may awtoridad hinggil sa paksa,
karanasan, estadistika, at iba pang uri ng
katibayang magpapatibay sa posisyong
pinanghahawakan.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
POSISYONG PAPEL

1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso


Makatutulong sa iyo ng malaki sa pagsulat ng
Posisyong Papel kung ang iyong paksang
tatalakayin ay malapit sa iyong puso dahil
lubos na nakaaantig ng iyong interes at
maging ng maraming makababasa nito.
2. Magsagawa ng panimulang
pananaliksik hinggil sa napiling paksa
Ang pagsasagawa ng panimulang pananaliksik
ay naglalayong malaman kung may sapat na
ebidensyang makakalap hinggil sa nasabing
paksa. Magsaliksik sa mga aklatan, maging sa
mga mapagkakatiwalaang web site tulad ng
educational at government sites upang
makahanap ng mga propesyonal na mga pag-
aaral at pananaliksik tungkol sa iyong napiling
kaso.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag
ng tesis.
Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S.
Zafra sa kanilang aklat na Kasanayan sa
Komunikasyon II (1997), ang pahayag ng tesis
ay naglalahad ng pangunahin o sentrong ideya
ng posisyong papel na iyong gagawin. Sa
pamamagitan ng pahayag ng tesis ay
malalaman ng mga mambabasa kung tungkol
saan ang posiyong papel.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong
pahayag ng tesis o posisyon.
Ito ay napakahalagang bahagi sa pagsulat ng
posisyong papel. Kailangang mabatid ang mga
posibleng hamon na maaaring harapin sa gagawing
pagdepensa sa iyong napiling tesis o posisyon
hinggil sa isyu.

5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga


kakailanganing ebidensiya.
Maaaring isaalang-alang ang sumusunod na mga
sanggunian sa pangangalap ng mga katibayan batay
sa kakailanganing impormasyon.
Uri ng Sangguniang
Uri ng Impormasyon
Maaaring Gamitin
Panimulang impormasyon at
Talatinigan, ensayklopedya,
pangkalahatang kaalaman
handbooks
tungkol sa paksa
Mga pag-aaral hinggil sa paksa
Aklat, ulat ng pamahalaan
o isyu
Mapagkakatiwalaang artikulo Dyornal na pang-akademiko
Napapanahong isyu Pahayagan, magasin
Sangay ng pamahalaan at
Estadistika/ estatistika
mga organisasyon/ samahan.
Para sa higit na pagpapatibay ng iyong
posisyon ay maaari ding gamitin bilang
saligan ng paliwanag ang mga pananaw ng
mga taong eksperto sa larangang iyong
tinatalakay tulad ng doktor, abogado,
propesor, at iba pa o kaya naman ay
personal na karanasan ng kaibigan, kamag-
anak, o kakilala na makapagdaragdag ng
impormasyon para sa iyong paksa.
Ayon kay Constantino at Zafra (1997) may
dalawang ebidensiyang magagamit sa
pangangatwiran.

a. Mga Katunayan (facts) — Tumutukoy sa mga


ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga
katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig,
naamoy, nalasahan, at nadama.
Sa madaling salita, hindi kinakailangan ang
mananaliksik, mismo ang nakaranas o nakakita ng
pangyayari para magamit ang katibayan, maaari din
ito ay nasaksihan o naranasan ng ibang tao.
b. Mga Opinyon — Ito naman ay
tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga
ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi
sa ipinapalagay lamang na totoo.
Samakatwid, mahalagang gamitin ng
mananaliksik ang matalinong pagpapasiya
upang makakuha ng mga opinyong
makapagpapatatag sa kanyang posisyon
6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel
Bago tuluyang isulat ang kabuuang sipi ng posisyong
papel ay gumawa muna ng balangkas para dito.

I. PANIMULA

A. Ilahad ang paksa.


B.Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol
sa paksa at kung bakit mahalaga itong pag-usapan.
C. Ipakilala ang tesis ng posisyoong papel o ang iyong
stand o posisyon tungkol sa isyu.

Pagsulat ng panimula

Una upang ipakilala ang paksa at ang tesis.

Pangalawa upang maantig ang interes ng mga


babasa nito.
II. PAGLALAHAD NG COUNTERARGUMENT O
MGA ARGUMENTONG TUMUTUTOL O
KUMOKONTRA SA IYONG TESIS

A. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis.


B. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para
mapasubalian ang binanggit na counterargument.
C. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga
counterargument na iyong inilahad.
D. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang
iyong ginawang pagtutol.
Ang counterargument ito ay ang mga
argumentong tumututol o kumokontra sa iyong
tesis.

Gayunpaman, mahalagang mailahad ang bawat


pangangatwiranan bilang iyong depensa sa
pinasusubaliang argumento nang patas at obhetibo
upang maipakitang iyong lubos na napag-aralan ang
bawat anggulo ng isyu at hindi lilitaw sa iyong
isinulat na binabatikos mo lamang ang kabilang
panig nito.
III. PAGLALAHAD NG IYONG POSISYON O
PANGANGATWIRAN TUNGKOL SA ISYU

A. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong


posisyon o paliwanag.

 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungol


sa unang punto.

 Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na


hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
B. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng
iyong posisyon o paliwanag.

 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol


sa ikalawang punto.

 Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na


hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
C. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong
posiyon o paliwanag.

 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa


ikatlong punto.

 Maglalahad ng mga patunay at ebidensiya na


hinanggo sa tatlong mapagkakatiwalaang
sanggunian.

Upang higit na maging matibay ang iyong


pangangatwiran o posisyon, sikaping maglahad ng
tatlo o higit pang mga puntos tungkol sa isyu.
IV. KONGKLUSYON

A. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis.

B. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action


na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu.

Samakatuwid, ang pinakamabisa at pinakasimpleng


paraan ng pagwawakas ng posisyong papel ay sa
pamamagitan ng muling pagbanggit sa tesis sa ibang
paraan ng paglalahad nito at ang pagtatalakay sa
mga magiging implikasyon nito.
Maghanda para sa
gawain at
pagsusulit!

You might also like